Search This Blog

Tuesday, December 6, 2016

Benefits of Tamaraw

Ecosystem Roles
Given their current small population size, tamaraws are not likely to play a dominant role in the ecosystem processes of present-day Mindoro. The historical importance of tamaraws in the Mindoro ecosystem is unclear, although they may have influenced vegetation succession through their grazing and wallowing.

Economic Importance for Humans: Positive
Tamaraws have been hunted for food and sport in the past, but these activities have been outlawed since 1936. (Custodio, et al., 1996; Kuehn, 1986)

Positive Impacts food body parts are source of valuable material
Economic Importance for Humans: Negative
There are no known adverse affects of tamaraws on humans.

Environmental Factors
Formerly, B. mindorensis were diurnal, meaning they lived, moved and fed during the day. Today however, the Tamaraw have become nocturnal; they live and move during the night to avoid humans. They live in dense forests with open glades for grazing, such as are created by fires or landslides. They were also found from sea level to 2000m.They also prefer to be close to water for wallowing (To roll the body in water, snow, or mud). The temperature they live in is hot and humid. One environmental factor is the deadly rinderpest disease amongst the cattle herds in Mindoro. The Tamaraw can also get it.

Importance to People
If Tamaraws become extinct then the Mindoro people will lose some of their identity. This animal is recognized through Mindoro and the Philippines. The Tamaraw also eats the brush and if they become extinct then there would be an overgrowth of brush and it could increase the chance of wild fires.
There are several ideas on how to save the endangered Mindorensis. The best strategy for ensuring the survival of the Tamaraw  to provide them with a place to live that doesn’t keep changing. This means saving the Mindoro forest. If the forest dies then the Tamaraws would not be able to adapt quickly enough and they would die also. Another way is to farm the Tamaraws. If people raised them, then the hunters (people killing them for food, their skins, and so they don’t damage their crops) wouldn’t be able to kill them and they would be able to increase.

Tuesday, November 22, 2016

Mga Salitang Magkapareho Ang Baybay Ngunit Magkaiba Ang Baybay


21. paso: -pinaglalagyan ng halaman - sugat sa katawan Baka 
22. baka: hayop -hula 
23. Tasa: baso - sa lapis 
24. bukas: -open -tommorow 
25. Buhay:-alive -life 
26. Huli: wala sa oras - nakuha 
27. Tubo:  lumaki o lumago na - daluyan ng tubig - kita sa pagtitinda 
 28. Gabi:  gabi - madilim na bahagi ng mundo 
29. Inakay:  tinulungan o inilalayan - sisiw 
30. Baboy:  magulo o sira  - uri ng hayop 
31. Kita: sweldo - nakita, natanaw 
32. Talon:  anyong tubig  - lumundag 
33. Pito:  bilang – Silbato 
34. Aba:  pandamdam-interjection – Dukha 
35. Baga:  Lamang-loob  -  Apoy
36. Bara: Sukat (bara ng ginto) – Harang 
37. Daing:  Isdang biniyak at pinatuyo – hinaing
38. suso: bahagi ng katawan - kuhol
39. upo: uri ng gulay – umupo 
40. Hapon: pagbaba ng araw – tao sa Japan.

Monday, November 21, 2016

Isang salita na may dalawang kahulugan


1. Lobo: - isang uri ng laruan -isang uri ng hayop
2. Sawa: ayaw na -isang uri ng ahas
3. Pino: isang uri ng puno - maliit na maliit
4. Pila: baterya - nanay
5. Kita: tanaw - sweldo
6. Paso: luma na - lalagyan ng halaman
7. Pako: isang uri ng halaman - gamit ng karpintero
8. Sulat: liham - pagsasatitik ng iniisip
9.  Tuyo: isang uri ng isda - hindi basa
10. Binasa: tinapunan ng tubig - tinignan
11. Mahal: mataas ang presyo - Gusto
12. Puno: puno na - puno
13. Upo:  isang uri ng gulay - umupo
14. Galing: may alam - agimat
15. Tayo:  tumayo sa inuupuan - ako At iKaw
16. TuBo:  kInitAnG pEra – sIbol
 17. Taat:  WaGas - sa harap
18.  Bali: hindi tumupad - naputol
19.  Sipa: laruan - tadyak

20. Ayos:   malinis - tama Paso 

Wednesday, November 9, 2016

Tradisyon at kultura ng india

Tradisyon at kultura ng india

Hinduismo
Ang pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa India. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

Buddhismo
Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.

Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2) ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" (Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

Relihiyon

Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon — Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation. Ang tawag ng mga Jain sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa o kapayapaan (non-violence sa Ingles).

Pilosopiya
Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

Panitikan
Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig (Bhagavad Gita).

Musika, Sining, at Arkitektura

Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang ambag sa daigdig. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.

Friday, October 7, 2016

Halimbawa ng Pandiwa at Aspekto nito

Pandiwa at Aspekto nito | At mga Halimbawa

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1.       Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimbawa:
                Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.


Pawatas                                           Perpektibo
Umalis                                             Umalis
Magnegosyo                                   Nagnegosyo
Bigyan                                              Binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:

Pawatas                                             Katatapos
Magbigay                                          kabibigay
Mag-ayos                                          kaaayos
Mag-usap                                          kauusap


2.       Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas                                             Imperpektibo
Magpasalamat                                 nagpapasalamat
Ipaalam                                             ipinapaaalam


3.       Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
Halimbawa:

Pawatas                                              Kontemplatibo
Mabunga                                            magbubunga
Kumita                                                kikita
Kumilos                                              kikilos

Friday, September 23, 2016

Mga Halimbawa ng Sanaysay

Mga halimbawa ng maikling sanaysay
























Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak - Sanaysay

Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)
ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong 
uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain. 

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong 
walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay. 

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol. 

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang 
alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago - Sanaysay

Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago
Sanaysay na Nagbibigay ng Payo o Inspirasyon


Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa ganitong uri ng kondisyon. Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain. Kaya nga naiisip ko na ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma. Ngayon, kung isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo, mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa 
sanaysay na ito.

Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing. Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang. Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.

Huwag kang sumuko. Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon. Ang desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.

Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo. Tuklasin ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito. Isipin ang mga bagay na sumira sa iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka naglasing at hindi mo inabuso ang alak.

Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo. Kailangan mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay gaya ng iyong pamilya.

Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago. Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit kailangan mo nang ihinto ang pag-inom. Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.

Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at dapat kang magbago sa panahon ngayon. Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay at pagkatao. Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na sinasayang lamang.

Karanasan sa Bagyo - Sanaysay

Karanasan sa Bagyo 
Maikling Sanaysay


     Matindi ang pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa ating bansa. Lalung lalo na sa mga lugar na sakop ng Central Luzon, gaya ng Bulacan. Takot ang nanaig sa akin lalo na ang mga tao na nasa Hagonoy at Calumpit. Naaburido rin ako sapagkat nawalan ng kuryente sa aming lugar. Ang mga gawaing akin dapat gagawin sa araw na iyon ay hindi ko nagawa. Ang lakas ng hangin na taglay ni Pedring ay nakapinsala ng maraming pananim aming lugar at nakapinsala ng maraming imprastraktura sa ating bansa. Ang iba ay nawalan ng pag-asa ng makaahon pa sa kalamidad ng kanilang naranasan. Bunga nito, lungkot naman ang nadama ko para sa kanila. Ngunit ang mga Pilipino ay sadyang matulungin. Handang mamahagi ng mga bagay na makatutulong sa kapwa, lao na sa panahon na 'di makaahon sa kahirapang dinaranas ang mga Pilipino.

Kapag Lumaki Na - Sanaysay

Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)
Mga Sanaysay sa Filipino - Tungkol sa Kabataan

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.


Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.

Pag-ibig na Walang Hanggan - Sanaysay

Maikling Sanaysay
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking maikling sanaysay
matagal ko na itong ginawa ngunit ngayon ko lang naisipan na
ipost ito sa aking blog ito ay pinamagatang pag-ibig na walang haggan
sana ay iyong magustuhan:


Pag-ibig na Walang Hanggan 

Naranasan nyo na bang magmahal?o di kaya ang maramdaman mo ang tunay at wagas na pag-ibig ? na siya lamang ang kayang magbigay, pag-ibig na kapag nawala sayo wala narin sayo ang lahat at pag-ibig na lalo kang pinapatatag.
                 Hindi siya nagkulang sakin at hindi niya ako iniwan,kahit na ako"y makasalanang tao ikinubli niya parin ang liwanag na aking kailangan , liwanag na susugpo sa dilim, liwanag na magsisilbing pag-ibig , liwanag na magsisilbing pag-asa at tagumpay . Marami ng kalaban ang sumubok sa kanyang kapangyarihan ngunit hindi sila nagtagumpay. pag-ibig na ninanais ng marami ngunit hindi nila makamit dahil sa kanilang kasalanan.

Ang pag-ibig niyang walang hanggan ang ating kailangan  sa buhay sapagkat  ang kapayapaang ating hinahanap ay makakamit natin sa kanya , Siya lamang ang tanging daan at wala ng iba. -jesus christ-

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay
PAGKAKAISA WIKANG FILIPINO


Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!

Global Warming Sa Pilipinas - Sanaysay

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)
Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran
Halimbawa ng Sanaysay

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.


Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon - Sanaysay

Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Maikling Sanaysay


Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag- aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa Pag-inom ng Alak - Sanaysay

Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa Pag-inom ng Alak
Maikling Sanaysay


Kailangan ang Medikal na Tulong ni: J Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto ang isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri sa espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak na paghinto. Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim sa medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng labis na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang antas ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga susunod na bahagi. Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga Filipino, ay nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito ay makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng kanilang problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila madaling makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi nangangahulugang may isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis at epektibo sa mga problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino ang iba pang bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol addiction. Ngunit ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata upang makatakas sa negatibong kondisyon. Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak at sinusubukan niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang withdrawal symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang mahirapan ito. Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang energy at pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa utak na nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na lubos na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na tulong ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak. Maaari namang sumailalim sa gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang mga tao na nangangailangan ng medical na gamutan ay nararapat lamang na kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging mapanganib ang paghinto sa pag- inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang i-monitor ang gamutan sa loob ng bahay upang makasama ng pamilya at masuportahan ang isang tao na may problema.

Kagustuhang Magbago - Sanaysay

Kagustuhang Magbago
Disiplina
Maikling Sanaysay : Josua Ronnel Ortiz


Ang buhay natin ay parang isang track and field na kung saan kinakailangan mong mapagtagumpayan. Ang mga obstacles sa larong ito ay maihahalintulad sa mga pagsubok na ating dinaranas, may mga mahihirap at may mga madadali ring malagpasan. Kung minsan tayo ay nadarapa ngunit ang isa sa mga ugali nating mga Pinoy ay ang hindi pagsuko sa anumang pagsubok kaya agad tayong nakakatayo tuwing tayo ay nadarapa. Natural sa ating mga Pinoy ang pagtutulungan. Hindi maikakaila na sa panahon ng sakuna tayo ay sama-samang tumatayo. Noong panahon na nanalasa ang Bagyong Ondoy ay ramdam natin ang hagupit nito, maraming namatay, nawala, nasirang mga kabahayan at kabuhayan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang ating bayan ay hindi nagpatinag. Sama- samang bumangon upang maipakita na matatag ang mga Pinoy. Parang puno na ‘di mabubuwal kahit anumang bagyong ang magdaan. Kung iisiping mabuti ang susi sa lahat ng ito ay pagtutulungan. Nakakamit natin ang ating mithiin sa maayos at matiwasay na paraan kapag tayo’y nagtutulungan. Mas napapadali rin ang mga dapat nating pagtuunan ng pansin kung tayo ay nagtutulungan. Ngunit may mga tao pa ring sadyang sakim. Walang iniintindi kundi ang kanilang sarili lamang, tulad ng ilan sa mga puliltiko sa ating gobyerno na walang habas kung kumuha sa pera ng taong bayan. Hindi na nila maisip ang pagtulong sa kapwa matapos silang maluklok sa kanilang mga pwesto. Hinahayaan nilang malugmok sa kahirapan ang kanilang mga nasasakupan habang sila ay nakaupo sa kanilang mga mamahaling upuan. Kung sino pa ang dapat asahan ay sila pang pahamak sa bayan. Ang ating kagustuhang magbago ay hindi maisakatuparan dahil na rin sa mga taong ganid sa pera. Kung tayo’y nagtutulungan kasama na rin ang mga namumuno sa ating bayan siguradong kaya nating makipagsabayan sa mga bansang mauunlad tulad ng U.S.A., Australia, Canada, at iba pang mga bansang nasa rurok na ng tagumpay. Nakamit nila ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kanilang hangaring umunlad. Ang ating bigyang pansin ay ang paggabay sa isa’t isa upang tayo ay makarating sa ating patutunguhan ng sama-sama at ligtas, hindi una-unahan. Ang lahat ay lilipas, kahit na gaano pa karami ang iyong mga kayamanan hindi mo rin iyan madadala sa kabilang buhay. Dapat nating ipaubaya sa Diyos ang lahat, at ang lahat ay magiging kainam-inam. Sa atin magsisimula ang pagbabago, kung may tiwala ka sa sarili mo at sa Diyos na lumikha sayo, tiyak na makakamit mo ang iyong kagustuhang magbago.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon - Sanaysay

Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.


Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Pagkakaisa sa Likod ng Pagkaka-iba - Sanaysay

Pagkakaisa sa Likod ng Pagkaka-iba
Maikling Sanasay : Julius Cesar Pocaan


“Dayuhang wika kailangan sa kasalukuyang panahon; Sariling wika kailangan sa pamhabang panahon.” Pahayag ng isang “American Indian” na naglalayon ng isang magandang relasyon ng wika at ng buhay. Ayon sa kanya, ang pagkakaraon ng isang dayuhang wika ay mahalaga upang tayo ay makaayon sa takbo ng panahon subalit mas kailangan natin ang sarili nating wika upang mabuhay nang habampanahon. Di lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay may napakaraming dayalekto na umaabot sa 170. Ilan dito ay ang Bikol, Kapampangan, Sugbuanon, Iloko, Haligaynon at siyempre ang Tagalog kung saan ibinatay ang wikang Filipino. “Maraming Wika, Matatag na Bansa” Noong una ko itong nabasa, tila naguluhan ang aking isipan sapagkat pilit kong tinutukoy kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng paksang ito. Paulit-ulit ko itong binasa hanggang sa nasagot ang ilan sa aking mga katanungan. Wari’y parang may bumulong sa aking isipan upang aking matarok at malaman ang ibig nitong sambitin. Hindi natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng ating lipunan. Sa araw- araw nating pakikisalamuha, ating nasasaksihan ang mga pagbabagong nagaganap tulad na lamang sa larangan ng teknolohiya. Kasabay ng mga pagbabagong ito ang paglimot sa ilan sa mga dapat nating isaalang-alang. Subalit, taliwas ang dito ang gawain ng ating mga kababayang Pilipino may sariling dayalekto. Hindi nila kinakalimutan ang wikang kanilang kinalakhan kung kaya nagkaroon ang Pilipinas ng mahigit isang daan nito. Sinasabing ang pagkakaroon ng maraming wika ay hadlang sa paglago ng isang bansa. Subalit, ating isipin at pagmuni-munihing mabuti ang pahayag na nasambit. Magiging makatotothanan kaya ang pahayag na ito sa lahat ng pagkakataon? Tingnan natin ang konsepto sa likod ng isang mapanuring kaisipan. Isang magandang pamantayan ang pagkakaroon ng maraming kaalaman, hindi ba? Tunay na kahanga-hanga ang isang taong maraming kaalaman, isama natin dito ang kaalaman ng higit sa isang wika. Isang napakagandang halimbawa ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. At dahilan sa kanyang kaalaman, hinangaan siya ng mga Pilipino at patuloy na hahangaan pamhabang panahon. Kung ating pakalilimiin, di kaya makatotohanan din ito sa ating bansang may napakaraming dayalekto? Hindi sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ang pagkakaroon ng maraming wika kundi isa ito sa mga mahuhusay at kahanga- hangang kapasidad ng isang bansa. Ngunit hindi sapat ang madaming kaalaman sa paglago ng ating ekonomiya, ang ating bansa ay nangangailangan ng mamamayang may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Kailangan natin ang pagtutulungan tungo sa kaunlaran. Marami man ang wika ng ating bansa, mananatili itong matatag kung may pagsasama-sama, pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang hangaring mapalago ang ating bansa.

Ang Tunay na Ako - Sanaysay

Sanaysay tungkol sa Aking Sarili...
"Ang Tunay na Ako"
ni Maria Regielyn N. Dequillo

               Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-21 ng Nobyembre, 1997 at kinalakihan ang pangalang, Maria Regielyn N. Dequillo. Lumaki man na hindi kagandahan ang hitsura, hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may mabuting asal mula sa mga pangaral nina Inay at Itay.

            Noon minsan ay ako ay inyong matatanaw --- nakaupo, sa isang sulok sa tabi --- nag-iisa. Huwag kayong magtaka; ganoon lang talaga ako. Ako ay hindi kasi marunong makisama sa ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang-ayon sa mga ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay mahiyain din kaya ako ay hindi marunong humarap at umaliw sa mga taong pumapaligid sa akin. Sa tuwing gumagawa naman ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa, kay noon ay naisip ko na:"Ano pa ang halaga ng aking pakikipag-usap sa kanila, kung ako ay nakakainip o walng silbi kung kausap?". Dahil doon ay napagtanto ko na ako ay iba sa kanila. Marami akong mga nakikita sa aking sarili na ibang-iba kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay hindi ninyo makikita sapagkat ang kaibahan na iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin ngayon ay waring pagpapanggap lamang, dahil alam ko na walang sinuman ang makakatanggap sa tunay na katauhan ko maging mga magulang ko. Sinisikap kong baguhin ang kaibahang ito, ngunit ano pa ang magagawa ko? Ito talaga ako.


               Ngayon, mukha ko ay inyong makikita na parang masayahin, ngunit sa puso'y nakatago, malungkot na damdamin. Aywan ko ba kung bakit ako ganito... ito lang siguro ang tunay na ako.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan - Sanaysay

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan
Maikling Sanaysay


Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba't ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

Disiplina at Karangalan - Sanaysay

Disiplina at Karangalan
Maikling Sanaysay : ni: Gregorio V. Bituin Jr.


Sa ikauunlad daw ng bayan, disiplina ang kailangan. Masasalamin natin sa kasabihang ito kung ano ang tinatawag nating disiplina. Marami ang nakakaalam ng kasabihang ito, ngunit kakaunti naman ang tunay na nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Ang disiplina’y hindi lamang sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa tinig ng ating budhi, kundi sa pagiging marangal at paggawa ng tamang bagay, sa tamang panahon, tamang lugar, tamang paraan, at may tamang layunin, nang hindi nakasasakit ng damdamin ng iba. Bagkus, nakagaganda pa ito ng ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa, pamilya, pamayanan at daigdig. “Madaling magpakatao, mahirap magpakatao.” Ang disiplina ay di lang nakikita sa ganda ng porma, pagiging mayaman at tanyag sa lipunan, bagkus mas higit na dapat bigyang pansin ang paggawa ng kabutihan at kaayusan para sa kapakanan, hindi lang ng sarili, kuni ng iba pang tao. Ikaw kaya, kaibigan, masasabi mo bang disiplinado ang isang tao kung siya’y laging maganda ang bihis, mayaman at kilala sa lipunan samantalang pinababayaan naman niya ang kalikasan at kalagayan ng ibang tao? Ang isang mayaman na nagbibigay ng malaking donasyon sa simbahan ngunit sa masamang paraan niya kinukuha ang kanyang kayamanan ay masasabi nating hindi isang disiplinadong tao dahil siya’y hindi marangal. Mas higit pang marangal sa kanya ang isang pulubing namamalimos sa lansangan. Kung isa kang lingkod ng bayan ngunit nangungurakot ka naman, matatawag ka bang disiplinado at marangal? Hindi pala dapat ihiwalay ang disiplina sa karangalan, kaibigan. Ang isang estudyante ay masasabing disiplinado kung pumapasok siya sa klase sa tamang oras, nagsisikap matuto at matiyaga sa kanyang pag-aaral. Ang pamamasyal at pagliliwaliw ay hindi masama basta’t hindi naaapektuhan ang iyong pag-aaral at iba mo pang gawain dahil bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao. Mahirap naman kung parati kang seryoso sa pag-aaral ngunit hindi mo naman nabibigyan ng panahon ang makapag-relaks, magliwaliw at makihalubilo sa lipunan. Maling konsepto ng disiplina ang nalalaman mo kung hindi mo naman nabibigyan ng kasiyahan ang buhay mo. Basta ba wala kang ginagawang masama at hindi mo pinababayaan ang mga gawain mo. May panahon ka sa pag-aaral kaya gamitin mo nang wasto ang oras na ito para marami ka pang matutunan. Huwag sayangin ang panahon at perang ginagasta para lang makapag-aral ka. Paano tayo magiging disiplinado, kaibigan? May ilang akong maipapayo. Gawin mo ang mabuti ayon sa kakayahan mo at gampanan mo nang mahusay kung ano ang papel mo sa pamayanan. Halimbawa, isa kang working student. Pag oras ng trabaho, magtrabaho ka. Kung oras naman ng pag-aaral, mag-aral kang mabuti. Hindi dapat maging dahilan ang pagiging working student mo para ipasa ka ng iyong guro. Ngunit may mga bagay din minsan na nakalilito tungkol sa disiplina. Halimbawa, isa kang trabahador sa isang pribadong kampanya, at limang minuto na lang, late ka na. Mahigpit pa naman ang amo mo. Eh, patawid ka ngayon ng kalsada ngunit pula ang ilaw sa takdang tawiran. Tumawid ka dahil kailangan mong magmadali. Isa pa’y bihira naman ang dumadaang sasakyan. Disiplinado ka ba o hindi? Kung dadaanin sa batas, mali ka dahil tumawid ka na pula ang ilaw. Ngunit sa praktikal na pananaw, tama pa ring tumawid dahil wala namang dumaraang sasakyan, bukod sa makakahabol ka sa oras, hindi ka pa mapapagalitan ng boss mo. Medyo kumplikado ang disiplinang tinutukoy, ano po? Marahil kaya kumplikado dahil iniisip natin na ang patakaran ay patakaran, ang batas ay batas na hindi maaaring suwayin. At may dalawang patakarang masasabi nating nagbabanggaan sa isang partikular na sitwasyon. Batas sa trapiko (huwag tumawid kapag pula ang ilaw) laban sa batas ng kumpanya (huwag ma-late at baka matanggal sa trabaho). Gayunman, kailangan nating maging disiplinado at sumunod sa mga patakaran lalo na kung ito ang hinihingi ng sitwasyon, at nais nating maging maayos ang lugar na ating ginagalawan, pati na rin ang mga taong ating nakakasalamuha. Kung disiplinado ka, magpakatao ka. At kung nagpapakatao ka, disiplinado ka. Gagawin mo ang tama at marangal. Ipagpatuloy mo ito lalo na kung alam mo namang ikahuhusay ito ng mas nakararaming tao. Tiyak na susuportahan ka ng iba sa mga wasto mong gawain. Makakamit natin ang pinakamarangal na dignidad kung tayo ay may disiplina lalo na kung nauunawaan natin at isinasagawa ang tunay na kahulugan nito. Ang gawaing may malinis, marangal at mabuting hangarin ay nagbibigay-dangal sa isang tao. Higit sa lahat, sa ugali mo masasalamin ang tunay na disiplina, kaibigan at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at ang disiplinang ito ay karangalan, na siyang tanging kayamanan na ng tao, kayamanang hindi nabibili, hindi mananakaw, at ito’y mananatili kailanman! Karangalang higit na kailangan sa katuparan ng hinahangad na kaunlaran. Karangalang higit pa sa kayamanan.

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot - Sanaysay

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot
ni Khen Salce

Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man sa iba na ito'y makakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.

Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.

Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.

Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa katotohanan...hoy gisingggg!!!!


Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay

Pagkakaisa Wikang Filipino: Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay


Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!

Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan - Sanaysay

Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan
Maikling Sanaysay


Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado. Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay. Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng mga Pilipino. Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo, respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap. Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging disiplinado bago maging progresibo.

May Panahon Pa Kaibigan - Sanaysay

May Panahon Pa Kaibigan
Maikling sanaysay ni: Eisa Rene Batallones y Saturno

Libong taon na ang lumipas, nakintal sa isipan ng lahing kayumanggi ang mga hagupit at matinding dagok dala ng mga mananakop sa lahing kayumanggi. Naglaho na ang mga kanyon, at ang mga gatilyo ng baril na pumatay sa daang libong Filipino na nakipaglaban sa kalayaan ng bayan ay tuluyan ng nagwakas na kalabitin at ngayon ay isa na lamang itong ala-ala ng panahong lumipas.

Nakamit na ang minimithing kasarinlan ng bansang inanod ng agos ang mga adhikain at simulain na siya sanang uugit sa mga kabataan tungo sa matagumpay na hinaharap. At muli itong inumpisahang balangkasin ng matino, maipagmamalaki at higit sa lahat ay may angking tapang na maipatupad ito ng mga pinunong nilayon ay pangkalahatang tagumpay. Subalit, tila yata hindi pa ganap ang sinasabing kalayaan. Ano nga ba ang kalayaan? Kalayaan bang matatawag na magkaroon ng sariling batas na ipinatutupad? Kalayaan bang mamuhay sa bansa kung naglipana sa bawat sulok nito ang mga taong nagpapahirap sa sambayanang Filipino? Ang kalayaang inaasam ay tila isang mwtaporika lamang ng kaganapang naroon na at nakamit na ang kalayaan.

Nilamon ng progresibong kabishanan ang noo’y ayak na pamumuhay. Ang mga paragos at kariton na batak ng mga kalabaw ay madalang ng nasisilayan. Ang mga karitela na hila ng kabayo ay mahirap mo ng masumpungan. Ang noo’y tahimik na kapaligiran ay inalingawngawan ng mga busina ng makabagong sasakyang naggaling sa mga bansang dumaluhong at nagwasak sa angking kariktan ng luntiang kapaligiran na tila baga winasak ng isang malakas na delubyo.

Ang silangan at ang kanluran na hinahasikan ng gintong palay ay untiunting ninakaw ng progresibong pagsulong sa inaakalang ito ang mabisang paraan upang masawata ang kahirapang tinatagalay. Subalit lingid sa matalinong kapasyahan ang mga ito ay patibong ng makabagong kabihasnan na kitilin ang kagandahan, payak at matahimik na pamumuhay.

Madalang na ang araro, at isa na lamang itong palamuti sa taklab ng magsasakang bumungkal ng lupang tinalo na ang lakas ng panahong lumipas. Bumulaga sa ating mga mata ang mga nagtataasan at naggagandahang gusali na nakatanim kapalit ang luntiang palay na nagbibigay ng gintong butil na isang biyayang matatawag.

Mayroon pa ba tayong ninanais? Hindi pa ba sapat ang tagumpay na ating nakamit? Hindi pa ba sapat ang kaalamang nakuha natin sa mga dayuhang pilit nating yinakap ang kanilang kakanyahan tungo sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng bawat mamamayan? Alin pa at ano pa ang kulang sa atin? Bakit walang pagsulong? Bakit nananatiling maraming naghihirap kahit ang kaunlaran ng bansa ay ating nang namamalas? Bakit patuloy ang kawalang katarungan lalo’t higit sa mga taong mahihirap?

Ako’y nagtataka, nagugulumihanan sa kasalukuyang takbo ng politika sa bayan. Ang wangis ng isang taong maprensipyo’y isang dalagang may angking alindog na niluray at pinagsamantalahan ang angkin nitong yumi at kaandahan, di sin sanay ang patas at makatuwirang laban ang ipairal, ipakita ang maginoon laban, hindi sa buhong at may ganid na pagnanasa sa kaban ng bayan na pinagyaman ng mga taong ang hangarin ay para sa pangkalahatan, hindi sa iisang tao lamang.

Lawitan mo ng pag-asa na mabago ang kalakaran, gamitin ng wasto ang aking talino mo’t isipan upang mapagtagumpayan ang sinusuong na pakikiba sa mga taong dala ay kapahamakan. Hasikan mo ng pataba ang mga punlang isinurak sa matabang lupa, patabang manggagaling sa utak ng kamalayan at masaganang kaalamang natutunan sa mga naunang taong nakibaka na ipaglaban ang karapatang kalayaang mamuhay. Ang pamumuhay ng patas, tahimik at malayang naisasakatuparan ang minimithing pangarap sa buhay ng may katiwasayan.


Hamo't mangyaring aking idalangin sa Diyos na Maawain at Mahabagin na ikaw ay pagpalain. Hindi pa huli kaibigan, may panahon ka pang mag-isip ng tama. May panahon pa! May panahon pa… kaibigan!

Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal - Sanaysay

Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal
Maikling Sanaysay


Hindi ako isang mangmang sa katotohanan na kinahaharap ko bilang isang estudyante, at hindi isang bulag at pipi na hindi na maging saksi sa kalidad ng edukasyon sa trying sa ami'y ipinasusubo makasasapat iisip ito sa ating mga isip gutom. Ito konsepto na hindi namin maaaring makatakas - ang pababa pababa sa kalidad na edukasyon upang magpatuloy Aalis batang kaalaman gutom at uhaw. 

Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, ayon sa ating saligang batas. Ito ay isang pangangailangan, hindi isang luho. Hindi nabili dahil walang katumbas na halaga. Ngunit ang katotohanan, at ang edukasyon ay ngayon ng sanggol na may halagang nakabubutas kanang bulsa, at ang paaralan ay hindi isang institusyon ngunit ang isang layunin upang makatulong sa mga negosyo para sa kanilang sariling mga pangangailangan. Kasabay ng bawat pagtaas ng mga kalakal ay ang pagtaas taun-taon ng pagtuturo, suffocating aming mga namamatay na mga magulang. Ngunit sa pamamagitan ng edad sa pintuan mo lang ng paaralan, tatambad sa iyo na fuels ang gato-tulad ng kalansay istraktura na nagbibigay ng isang buga lamang. Inaanay mga libro sa hindi sapat na bilang ng mga mag-aaral at ang kakulangan ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ay nagiging hadlang sa pag-aaral. Force na makinig sa mga paulit-ulit na aralin ng mga maestrang inuusal lamang kahit na hindi niya alam ang kanyang pakikipag- usap. Idagdag sa mga miselenyus patuloy na binabayaran ngunit hindi pinakinabangang. Kami rin sapilitang upang harapin ang shortcomings ng paaralang ito, maiwawaglit pa rin sa ating mga isip na tayo ay tao, may kailangan sa buhay, at isa sa edukasyon. pay namin malaki na malaman ang bawat araw ngunit nagpunta sa bahay mula sa paaralan na wala na pagkatapos ay walang laman ang bulsa, ang utak at tiyan ay mas puro hangin. 

Ayon sa isang pananaliksik, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo pinakakulelat pagdating sa Matematika, Agham at Ingles, samantalang ang Singapore, na noon ay pa rin lamang sa puwit unlad sa mga araw ni Mark ay kasalukuyang nangunguna sa tulad ng mga istatistika. Bakit ngayon mas modernong Just kapag kami ay kaya sa down ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa? Paano pa kaya sa hinaharap at mga lahi? Hindi na ako lang nagtaka kung paano ilang mga kabataan ang patuloy na makikipagpatayan para sa kanilang mga karapatan, at ang ilan lamang manatiling pipi at bulag na ito sapagkat ito lang kaya ng kanilang mga magulang. Ang masaklap na isipin, ang kasalukuyang pasadsad na edukasyon gating inang bayan ay ang sampu sa propesyonal affiliations namin ay maaaring maging sa hinaharap. Ngayon, sa iyong tinatamasang kaalaman at kalidad ng edukasyon, itanong sa iyong sarili, ano ito? Karapatan o isang pribilehiyo?

Sa Aking Paglalakbay - Sanaysay

Sa Aking Paglalakbay
Maikling Sanaysay

Minsan may grupo ng mga taong simbahan, mga seminaristang lalaki at babae, ang nagpasama sa isang organizer para mag-bar hopping. Gusto nila marahil ng exposure o mag-interview ng mga babaing nagtatrabaho sa bar. Sa paglipas ng gabing iyon, umuwing nag-hihinanakit 'yung organizer. Sabi niya, sa bawat bar na pinuntahan nila, tinatanong palagi ng mga seminarista sa mga babaing nagtatrabaho sa bar kung nagsisimba sila. Hindi niya ito nagustuhan. May mga ilan pa rin siyang reklamo pero hindi ko na matandaan.

Hindi ko alam kung ano ang sinagot ng mga bar women. Hindi namin napag-usapan at hindi naman kami interesado. Pero nauunawaan ko ang kanyang pakikisimpatya sa mga bar women. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkukuwento naglakbay ang diwa ko.

Naisip ko, kung hindi sana mahigpit ang belong nakapiring sa kanilang mga mata, marahil hindi na nila ito itatanong. Marahil kung hindi sana makapal ang fake eyelashes na suot-suot ng mga bar women maaaninag nila ang mabuting puso ng mga seminarista sa halip ng mga bilang ng basong nasa ibabaw ng mesa.

Minsan ko na silang pinagmasdang magsayaw habang tinatanggal isa isa ang saplot sa kanilang katawan sa saliw ng tugtuging Total Eclipse of the Heart. Sa bawat piraso ng telang nahuhubad, sa bawat balat na lumalantad sa aking harapan hanggang sa makita ko na lahat, lalu kong naintindihan na wala naman palang masyado pagkakaiba ang mga kababaihan saan mang lugar, anuman ang kalagayan at katayuan sa buhay. At kung tatanggalin mo pa ang balat at mga kalamnan sa bawat kababaihan, tuluyan ng mawawalan tayo ng pangalan, lahi o katayuan sa lipunan at makikita mong lahat tayo ay isang grupo lang ng kalansay.


(Ganuon din naman ang kalalakihan, pero hindi naman sila ang paksa ko.)

Sunday, September 18, 2016

The Vanity Of The Rat : Korean Folk Tale

The Vanity Of The Rat : Korean Folk Tale

A long time ago, there lived a rat couple who had 1 daughter. Since they had no other children, they gave her everything. When it became time for their daughter to marry, they wanted only the best husband for her. They thought about all of the rats that they knew, but none of them were good enough for their daughter.

One day, Mr Rat said to his wife "I know who will make the perfect husband for our daughter, the Sun." "The Sun?" asked Mrs. Rat. "Why do you think the Sun would make a good husband." "Because there is none more powerful in the world than the Sun" said the husband. "Yes, Yes. Yes. The Sun is the most powerful. He's bright as well. Let's ask him at once" said Mrs. Rat.

The two rats went out into their garden where the Sun was shining. "Oh, Mr. Sun!" they called, trying to keep their eyes open as they looked up into the sky. "Yes, what can I do for you?" replied the Sun. "Should you accept, my wife and I would like to offer you our daughter's hand in marriage," said Mr. Rat proudly. "I'm honored" said Mr. Sun,  But why do you want me to marry your daughter?" "Because you are so powerful and magnificent!" said Mr. Rat, while Mrs. Rat nodded her head in agreement.

"Well, I'm pleased that you think so highly of me" said Mr. Sun. "But there is one that is more powerful than me." "Who might that be? asked Mr. Rat. "Why Mr. Cloud, of course! I am powerless when he covers me." "Yes, so true" said Mr. Rat, nodding over and over."Come on dear,” he said, taking his wife by the hand. "Let's go see Mr. Cloud."

They climbed up a nearby mountain, over which a big cloud hung in the sky. They called to Mr. Cloud and telling him what Mr. Sun had said, offered their daughter's hand in marriage. Again, the couple received a much different answer that what they were expecting. Mr. Cloud said "What the Sun says is true. However, I am powerless when I meet Mr. Wind. Wherever he blows, I must go." "Yes. Yes. Of course, of course" said Mr. and Mrs. Rat. They then set out to find Mr. Wind.

Coming down the mountain, they found Mr. Wind in a grove of trees. "I am strong" he told them on hearing their story. "I can make a big tree fall over or blow down a house. I can shake up an ocean. But try as I may, I can't move a stone buddha." "Then, we'll just have to ask a stone buddha" said Mr. Rat. So, Mr. and Mrs. Rat hurried down the mountain to the stone buddha standing near their village.

"Well, I'm flattered that you want me to marry your daughter" said Mr. Stone Buddha. "But I don't think I'm right for her either. I am indeed strong and Mr. Wind can't move me, but I am no means the strongest of them all. There is one that can make me fall over easily. The very thought of it is making me shake already." "Please Mr. Stone Buddha" said Mr. Rat. "Please tell us who." "None other than you and your cousins the moles" said Mr. Stone Buddha. "You and your cousins are very strong. Why if you burrow under my feet, I'll fall over and land on my head. I'm no match for you" said Mr. Stone Buddha. "Thank you" said Mr. Rat, "You've been very helpful.”


After the long search for a suitable suitor, the rat's daughter married a rat.

Thursday, September 15, 2016

Tula Para sa Kalusugan

Tula Para sa Kalusugan

Kalusugan ni Baby ay paghandaan
Upang kanyang makamtan ang isang napakagandang kinabukasan
Kalusugan niya’y iyo din pahalagahan
Kaya Mommy si Baby ay iyong gabayan at tutukan

Simula sa kaniyang pagkasilang
Breastfeeding iyong ipagsa-alang-alang
Upang habang siya’y lumalaki, siya’y nagiging malakas
Sa kanyang unang 6 hanggang 8 buwan siya iyo ng pakainin ng patatas

Sa kanyang unang tao siya’y pakainin ng kanin
Na nagtataglay ng Carbohydrates na nagbibigay lakas sa atin
Dundan ng paunti-unting itlog, isda at karne din
Na siyang taga-pagbigay ng Protina para ito sa kalusuang ng dugo natin

Gulay at prutas ay isa pa sa mga mahahalaga
Tulad ng lamang ng mansanas at mangga
Tulad in ng patatas at kalabasa
Mga pinagmumulan ng iba’t-ibang mineral upang tayo’y manatiling malusog at masigla

Mommy, habang siya’y bata pa iyo ng sambitin
Pagkain ng junkfoods ay huwag na niyang balakin
Tulad ng softdrinks at tsit-tsirya, huwag na huwag niyang kakainin
Upang sakit ay di niya pasanin

Pagtulog ng tama sa oras at sapat
7 hanggang 9 na oras kanyang sundin dapat
Turuang mag-ehersisyo para sa mga kalamnan
Gatas, huwag pa ring kakalimutan para sa ating mga ngipin at buto man

Mommy, ang Panginoong Diyos sa iyong mga pangaral kay Baby ay huwag kakalimutan
Dahil Siya ang nagbigay buhay at Siya ang ating sandigan
Mga sakit sati’y inaalis upang ang tao ay di mahirapan

Manalangin, magpasalamat upang patuloy na biyaya’y ating makamtan