erehe - ay isang taong
hindi sumusunod o sumasalungat sa mga utos ng Simbahan. Pero hindi ibig sabihin
na di sila naniniwala sa Diyos. Katulad ni Don Rafael Ibarra, siya ay
naniniwala sa Diyos pero hindi siya nangungumpisal
Ang pilibustero (Ingles: filibuster kung gawain,
filibusterer, kung tao), literal na "magsuwail"[1], ay isang taong
pumupunta sa ibang bansa upang magsimula ng himagsikan doon. Maaari rin itong
tumukoy sa isa ring taong nakikipagsapalaran sa hukbo ng ibang bansa, na
matatawag ding tulisang dagat sa ganitong kaugnay na diwa.[2] O kaya, ang
gawain ng pag-aantala sa aksiyon ng batasan, lehislatura, o parlamento sa
pamamagitan ng napakahabang talumpati
"KIMKIM" tinatagong damdamin o galit sa isang tao.
Halimbawa;1.) Wag panatilihin ang kimkim na galit mo,makasasama iyan sa
kalusugan mo.
Bumuwal - Natumba o
kaya naman ay Tumaob o Nahulog
Pasaring - parinig / yung
salita o mga salitang padaplis (o'di derechong tinutukoy ang isang tao na
gustong patamaan) na maaaring makasama ng loob ng taong pinadadaplisan
Nilibak – inalipusta / nilait
Pilibustero - Kalaban ng Pamahalaan o sinumang tumataliwas sa gobyerno.
Gumigitaw - limilitaw (hal. gumigitaw sa aking panaginip)
Nakaririmarim - Nakakapandiri
Piitan - Kulungan
Nauulinig - Naririnig
Malamlam - Walang buhay ; malungkot
Maitatatwa - Makakaila
Wagas - Sobra
Kapanalig - Kakampi ; Kaibigan
Kapinsanan - Organisasyon o (society)
Mayumi - Mahinhin