Search This Blog

Tuesday, September 30, 2014

Kasaysayan ng MiMaRoPa at mga lalawigan / probinsya

Kasaysayan ng probinsya sa MiMaRoPa, mga lalawigan.

Kasaysayan ng MiMaRoPa

Noong Mayo 17, 2001, sa bisa ng Execitve Order bilang 103, ang Rehiyon IV (dakong timog katagalugan) ay hinati sa Rehiyon IV-A (CaLaBarZon) at Rehiyon IV-B(MiMaRoPa)

Nagbigay ng Utos Pampangasiwaan bilang 103 (EO103) si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-17 ng Mayo, 2001 na naghahati sa lalawigan ng dakong timog katagalugan na kasama sa Rehiyon IV upang gawing dalawang rehiyon – rehiyon IV-A at IV-B – upang isulong ang kahusayan sa pamahalaan, mapabilis ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad at mapabuti ang mga serbisyong pampubliko.  Ang Rehiyon IV-A na kilala bilang CALABARZON na tumatayo para sa lalawigan ng CAvite, LAguna, BAtangas, Rizal at QueZON.  Ang Rehiyon IV-B naman ay kilala bilang MIMAROPA, tumatayo para sa mga lalawigan sa isla na kinabibilangan ng MIndoro (Oriental at Occidental), MArinduque, ROmblon at PAlawan.


Kasaysayan ng Mindoro

Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na “Mina de Oro” o mina ng ginto.   Tinawag din itong “Mai” ng mga sinaunang mangangalakal na intsik.  Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa nong bago dumating ang mga Kastila.   Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik.  Mas maaga pa mula noong 872 A.D., ang Mindoro ay nakikipag kalakal sa mga Kanton dahil sa lapit nito sa isa’t-isa.  Ang ulat noong 1225 A.D. ng mga intsik ang nagbigay ng unang dokomentadong katibayan ukol sa isla ng Mindoro.  Sunod sa umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga haggang sa kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa sentro ng bayan.   Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit naman ng mga intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.

Noong ika labing apat na siglo, ang eperyo ng Madjapahit ang namamahala sa pagpapalawig mula sa Borneo hanggang Mindoro.  Noong Mayo 8, 1570, si kapitan Martin de Goite kasama ni Juan Salcedo ay ginalugad ang kanlurang bahagi ng Mindoro.  Noong 1591, ng hinati ng mga Kastilang “conquistadores” ang Pilipinas sa labing-isang probinsya, ang Mindoro ay isinama sa pangkat ng Calilaya, Lubang, Batangas, pulutong ng Calamianes at Marinduque.   Itinatag  sa Calavite ang ikatlong distritong Eklesiastikong kapuluan ng Pilipinas ng mga rekolektong prayle noong ika 18 ng Hunyo, 1677.  Ang Mindoro ay naging bahagi ng probinsya ng Batangas ng ang huli ay ginawang hiwalay na probinsyang tinawag na Bonbon.  Sa simula ng ika-17 siglo, ang isla ay ihiniwalay mula sa Batangas at binuo na isang “Corrigimento” kasama ng Puerto Galera bilang kabisera, at napa-ilalim sa nasasaklawan ng Marinduque.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Mindoro noong 1889, nagtayo sila ng pamahalaang military sa isla hanggang sa magumpisa ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901.  Nagkaroon din ng makasaysayang bahagi ang probinsya noong ikalawang digmaang pandigdig.   Ang nakakatindig balahibong kagitingan ng mga bayaning lumaban kasama ng mga sundalong Amerikano laban sa pananakop ng mga Hapones.  Mula sa Leyte, isinagawa ng pwersa ni Douglas McArthur ang ikalawang paglapag “second landing” sa timog na bahagi ng probinsya noong Desyembre 15, 1945 patungo sa pagpapalaya ng bansa mula sa pananakop ng mga Hapones.

Noong ika-15 ng Nobyembre, 1950, ang Mindoro ay hinati sa dalawang probinsya: ang Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.  Ang San Jose ay ginawang kabisera ng Occidental na sa kalaunan ay inilipat sa Mamburao noong Enero 1, 1961,  At Calapan naman ang kabisera ng Oriental na sa kasalukuyan ay isa ng siyudad.


Kasaysayan ng Marinduque

Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya ng  pag-iibigan sa pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke.   Ang tatay ni Mariin ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na pugutan ng ulo si Gadduke.  Subalit bago ito naganap, ang magkasintahan ay naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod.  At ang islang iyon ay tinawag na Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang magkasintahan.

Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang Marinduque ay bahagi ng probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon ng maikling panahon ng hiwalay na lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.

Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla na mayroong  kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na kung saan ang 250 sundalong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang maliit na bilang na 54 na mga sundalong Amerikano.  Si koronel Abad ay sumuko noong 1901

Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas (Quezon).

Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang pambasa ng Pilipinas, ay ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.

Noong 1942, ang sundalong imperial ng hapon ay lumapag sa Marinduque.

At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay  sumalakay sa mga sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong ikalawang digmaang pandaigdig.


Kasaysayan ng Romblon

Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng mga Negritos mula sa Panay at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng mga tao mula sa Malay.  Pinaniniwalaang  tirahan na ang Romblon mula pa noong panahong Neolitiko dahil sa mga itim na batong adze na artipak na natapuan dito kahit pa ang pagpapatunay dito ay di pa sigurado.

Isa sa mga kwento ng pinanggalingan ng pangalan ng Romblon ay isang pangyayari na sinasabing naganap pagkatapos dumating ng mga Kastila.  Sinasabi sa kwento na isa sa mga Kastila ay naghahanap ng pagkain at nakakita ng isang kubo.  Nakakita siya ng isang inahing manok sa pugad malapit sa bintana, tinanong niya ang may-ari kung pwede nya itong makuha.  Di naunawaan ng batang babae ang sinabi nito kaya sumagot na lang ng “Nagalomlom” (Bisayan word for nagalimlim).  Dahil di nakuha ng lalaki ang manok, bumalik na lamang ito sa kanilang barko; at ng tinanong siya kung saan nangaling, ang isinagot  niya: “Nagalomlom”  Sa katagalan ito na ang itinawag sa isla ng mga kastila.  Sa pagdaan ng taon, “Nagalomlom” ay nabaluktot  sa “Lomlom” pagkatapos “Domblon” ant sa katapusan “Romblon,” na sa ngayon ito na ang pangalan ng probinsya.  Ang lugar na “Domlon” ay nabanggit ni Miguel de Loarca sa census noong 1582.

Ang Recoletos ng Augustinian ay nagtatag ng Kristianismo sa tatlong bayan – Banton, Romblen at Cajidiocan noong 1635.  Subalit ang mga nayon ay sinasalakay ng mga piratang Muslim.  Kaya, noong 1650, ang mga kastila ay nagtayo ng kuta sa Romblon at isa pa sa isla ng Banton.

Noong panahon ng  digmaang Pilipino at Amerikano, ang Romblon, bilang bahagi ng Capiz ay pinangasiwaan ni Heneral Mariano Riego de Dios, ang pinuno ng mga rebolusyonaryo ng Bisayas.
Sinakop ng mga Hapones ang Romblon noong 1942, hanggang sa ang probinsya ay napalaya pagkatapos ng labanan sa dagat ng Sibuyan noong Oktobre 24, 1945.

Ang pagwawakas ng digmaan ay tumatak sa pagpapanibago ng lugar.  Naibalik ang katayuan ng Romblon bilang probinsya noong 1947 at ang mga bayan nito ay naibalik noong 1940.

Kasaysayan ng Palawan

Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita 22,000 taon ng nakalilipas na napatunayan ng pagkatuklas ng mga fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon. Bagama't ang pinagmulan ng mga ito ay hindi pa napapatunayan, pinaniniwalaan na nagmula sila sa Borneo.

Marami ring salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan". Pinaninindigan ng iba na nanggaling ito sa salitang Intsik na "Pa-Lao-Yu" na nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang iba naman ay naniniwala nanggaling ito sa salitang Indiyano na "Palawans" na ibig sabihin ay "Territory". Sinasabi rin ng iba na nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang pinaka-popular na paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na "Paragua" dahil ang hugis daw Palawan ay kamukha ng payong na nakasara.

Bago pa dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pamahalaan ang mga katutubo, alpabeto at sistema ng palitan sa mga "sea-borne merchants". Nang dumating na ang mga Kastila, ang hilagang bahagi ay natalaga bilang "Calamanes Group", ang timog naman ay nanatiling parte ng "Sultunate of Sulu" noong ika-16 na siglo.  Ang mga Kastila ay gumawa ng muog sa Taytay, na naiebedensyahan ng muog na tinawag na "Fort Santa Isabel", na itinalaga sa kabisera ng Calamanes noong 1818. Subalit, ang mga Amerikano na ang nagtatag ng lalawigang Paragua noong 1902, na ang Cuyo ang kaniyang kabisera. Sa huli noong 1905, ginawang Palawan ang pangalan at ang kabisera ay nilipat sa Puerto Princesa sa kapangyarihan ng RA 1363.

Palawan, isang napakagandang lugar upang magbakasyon kasama mga pamilya o kaya naman ang mga kaibigan. Maraming magagawa dito tulad ng scuba diving, pagtampisaw sa mga dalampasigan at ang nasali sa "7 Wonders of the World" ang Underground River ng Puerto Princesa.  

Monday, September 29, 2014

Katangian, Klima, Hanapbuhay, Produkto, Pagdiriwang sa Mindoro


Katangian, Klima, Hanapbuhay, Produkto, Pagdiriwang sa Mindoro

1. Kabuuang katangian ng Mindoro

Mina de Oro
Ang Mindoro ay isang isla ng Pilipinas na matatagpuan sa timog katagagalugan ng Luzon na binubuo ng dalawang lalawigan, ang kanlurang Mindoro at silangang Mindoro. Mindoreño ang tawag sa mga tao rito. Ang Mindoro ay tirahan din ng mga katutubong mangyan na binubuo ng walong pangkat, Alangan, Bangon, Tau-buhid, Buhid, Hanunoo, Iraya, Ratagnon at Tadyawan.

Ang mga bayan na bumubuo sa probinsya ng Mindoro ay ang mga sumusunod:

Occidental                                 Oriental

Abra de Ilog                             Calapan City
Calintaan                                  Baco
Looc                                          Bansud
Lubang                                      Bongabong
Magsaysay                                Bulalacao
Mamburao                                Gloria
Paluan                                       Mansalay
Rizal                                          Naujan
Sablayan                                   Pinamalayan
San Jose                                    Pola
Santa Cruz                                Puerto Galera
                                                   Roxas
                                                   San Teodoro
                                                   Socorro
                                                   Victoria

Ang Mindoro ay isang isla.  makikita sa mapa na napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda, karaniwang galing sa dagat, at meron din sa mga palaisdaan.  At may malawak na kabundukan at kapatagan, malaking bahagi ng kabundukan ay tinataniman ng mga punongkahoy na namumunga lalo na sa bahagi ng Oriental, sa bahagi naman ng Occidental ang malaking bahagi ng kapatagan ay ginagamit sa pagtatanim ng palay, at pag-aalaga ng mga hayop, tulad ng baka at kambing, at ang ibang bahagi ay ginagamit na asinan, sa katunayan malaking bahagi ng asin sa Pilipinas ay nanggagaling sa Mindoro.

May mga yamang mineral din na matatagpuan, kagaya ng ginto, carbon at nikel, ayon sa ulat ng inquirer ang Intex mining ay may proyekto sa Mindoro na nagkakahalaga ng 2.8 bilyong dolyar.

Sa Mindoro din matatagpuan ang Mount Baco-Iglit National Park na tirahan ng ipinagmamalaking Tamaraw, na sa probinsya lang matatagpuan.  Sa bayan ng Sablayan din matatagpuan ang pangalawa sa pinakamalaking bahura (coral reef) sa buong mundo, ang Apo reef.  Ang magagandang mga puting buhangin ng Puerto Galera, Pandan island, Grace island at ang parang pulbos na buhangin ng Inasakan sa isla ng Iling na higit na pino kesa buhangin ng boracay.


2. Katangian ng bawat bayan sa Mindoro

Nasa iisang isla ang dalawang lalawigan; subalit marami pang maliliit na isla na nakapalibot sa buong probinsya ng Mindoro.

Ang bayan ng Mamburao at Sablayan ay kilala sa paghuhuli ng malalaking tuna.  At sa ibang bayan naman kilala sa panghuhuli ng iba’t-ibang klase ng isda.

Ang Puerto Galera ay kilala bilang isa sa tourist destination sa buong Mindoro dahil sa ganda ng mga baybaying dagat nito.

Calapan ang nagiisang siyudad sa Mindoro, naririto ang pinakamalaking daungang pandagat ng Oriental Mindoro, ang Roxas ay mayroon ding daungang pandagat patungo naman sa Caticlan ang daungan ng mga papunta sa kilalang Boracay, at ang bagong gawang pantalan sa Bulalacao.  Sa Occidental ay mayroong dalawang bayan na may daungang pandagat ito ay ang San Jose at Abra de Ilog.

Karamihan ng ibang bayan sa Oriental ay producer ng mga prutas tulad ng suha, dalandan, rambutan, langka, marang, kalamansi at iba pang mga uri ng halamang namumunga,  na dinadala sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang Magsaysay naman ang may pinakamaraming asinan sa buong Occidental.  Samantalang sa Naujan naman matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa Mindoro.

At ang Sablayan maliban sa kilalang tourist destination sa Occidental dahil sa pinagmamalaking apo reef ay isa din sa malaking nag-aani ng palay, mais, sibuyas, bawang at iba pang aning pansakahan kasama din ng San Jose, Calintaan at Rizal.

Ang Intex Mining naman ay responsableng nagmimina ng Nikel sa brgy Villa Cerveza ng Victoria


3. Topograpiya at klima sa Mindoro

Nangingibabaw ang kabundukan sa kanlurang bahagi nito at sa silangan naman ay mga lambak at kapatagan.  Ang buong isla ay napapaikutan ng dagat, nagsisilbing natural na hangganan ng dalawang probinsya ang bundok ng Halcon, ang pang-apat na pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Mainit ang klima sa malaking bahagi ng Mindoro, lalo na sa mga mabababang lugar nito, isa sa katangian na kailangan sa pag-aasin.   Mula mayo hanggang desyembre ay nakararanas dito ng mga pag-ulan, subalit mas mahaba pa rin ang panahon na walang ulan.   Bulubundukin ang malaking bahagi na nakakasakop sa Mindoro, may mga ilang lawa sa iba’t ibang bayan, ilan dito ang Naujan Lake at libao lake ng Sablayan.


4. Hanapbuhay at produkto sa Mindoro

Pagsasaka:  niyog, palay, mais, gulay, bawang, sibuyas, tabako, pakwan, taniman ng iba't ibang uri ng prutas gaya ng calamansi, rambutan, lansones at iba, ganon din ang pag-aalaga ng hayop
Pangingisda: Lamang tubig mula sa dagat at lawa, ganon di sa palaisdaan.
Pag-aasin
Paggawa: pawid, pamaypay, basket, banig, bag at mga palamuti mula sa shell at beads.
Pagmimina:  marmol, ginto, bakal, nikel
Sustainable na Pagtotroso
Cottage industries
Tourism


5. Mga pagdiriwang sa Mindoro

Arawatan Festival -
Tuna Festival - March 18-21; Mamburao
Dugoy Festival - January 18; Sablayan
Indak Pandurucan  (San Jose) Huling linggo ng abril
Calapan City
Kalap Festival  - every 21 March
Sto. Niño de Calapan Festival - January 1. It is a month-long celebration
Harvest Festival
Sinkaw Festival  “sining kalabaw" or carabao arts
Mardigras are held on many different occasions (fiesta, summer, Foundation Day, Halloween)
Pandanggitab Festival
MaHalTa Festival -
Bansudani Festival, January 17-19; Bansud, Mindoro Oriental
Feast of the Divine Savior, January 17 –19; Bansud, Mindoro Oriental
Feast of the Sacred Heart, February 14-15; Bansud, Mindoro Oriental
Banana Festival, March 18-19; Baco, Mindoro Oriental
Sulyog Festival, March 19; Bongabong, Oriental Mindoro
Bahag-hari Festival, April 24; Pinamalayan, Oriental Mindoro
The Sabutan Festival and Mini- Trade Fair, April 25-29; Mabitac, Oriental Mindoro
Lechon Festival and Gabi ng Pakulo, June 24; Pola, Oriental Mindoro
Feast of St. John The Baptist / Lechon Festival, June 24; Pola, Oriental Mindoro
Biniray Festival, June 29; Bulalacao, Oriental Mindoro
Pakapya-agtike Festival, July 25-27; Socorro, Oriental Mindoro
Sayaw Lahi Festival, September 10; Naujan, Oriental Mindoro
Kapakyanan Festival, October 14-15; Victoria, Oriental Mindoro
Pamugu-an Festival, 3rd week of October; Mansalay, Oriental Mindoro
Sanduguan Festival, Calapan City, Oriental Mindoro
Feast of Santa Catalina, November 26; Mansalay. Oriental Mindoro
Feast of the Immaculate Conception, December 8; Puerto Galera, Oriental Mindoro
San Teodoro Founding Day and Immaculate Conception Feast, December 8; San Teodoro
Coco Festival, December 8; San Teodoro, Oriental Mindoro


6. Magagandang tanawin sa Mindoro

Apo Reef National Marine Park - Sablayan
Mt. Iglit – Baco National Park Sablayan
Pandan Grande island – Sablayan
Mindoro Pines – Sablayan
Libao Lake – Sablayan
Malatung-tong falls – Sablayan
Presing Park (Parola) Historic Watchtower – Sablayan
Karung-Kaban Cave (agsuli) – Sablayan
Lumang Simbahan - Sablayan
Siburan Rain Forest – Sablayan
Sablayan Penal Farm - Sablayan
Cabacunga Falls – Sablayan

Mt. Halcon

Sabang Beach - Puerto Galera
Pebble Beach – Puerto Galera
Aninuan Beach  - Puerto Galera
Aninuan Falls – Puerto Galera
Mt. Malasimbo – Puerto Galera
Tamaraw falls – Puerto Galera
Tamaraw Beach – Puerto Galera
Tukuran Hanging Bridge – Puerto Galera
Marble Quary – Puerto Galera
Muelle Cross – Puerto Galera
Baluarte Watch Tower – Puerto Galera
Ponderosa Golf Club – Puerto Galera
Punta Guarda Beach – Puerto Galera
Boquete Island – Sabang, Puerto Galera

Alibatan Island – Baco
Buyayao Island - Baco

Buktot White Beach  – Mansalay

Pelipa Lodge & Hotel Resort - Bulalacao

Naujan Lake National Park – Naujan
300 Steps - Brgy. San Jose
Benilda Resort - Brgy. Bancuro
Big Rock Falls - Bgry. Montelago
Buhay na Tubig Beach - Brgy. Makapili
Buloc-buloc Cove - Brgy. Montemayor
Curva Landmark - Brgy. Curva
Hererra White Beach - Brgy. Hererra
Karacha Falls
Montelago Hot Spring - Brgy. Montelago
Montelago Islets - Brgy. Montelago
San Nicholas de Tolentino Church - Poblacion 2
Simbahang Bato - Brgy. Bancuro
Sta Cruz Beach Resorts - Brgy. Santa Cruz
Paitan falls - Brgy. Paitan

Kalong River – Abra de Ilog
Bisay Falls – Abra de Ilog

Onoda Cave – Lubang island
Onoda Trail – Lubang island

Calawagan falls and river - Paluan

Calaungan Lake – Calapan
Calapan City Zoological and Recreational Park - Calapan
Verde Islands - Calapan
Baco-Chico Islets - Calapan
Aganhao Islet - Calapan
Silonay Islet - Calapan
Harka Piloto Marine Sanctuary - Calapan
Bulusan Mountain Trail - Calapan
Baruyan River - Calapan
Pachoca-Balite Beach - Calapan
Lazareto-Suqui-Parang Beach - Calapan

Marayos Falls – Pinamalayan
Cawa-Cawa Falls – Pinamalayan

Tungkong Kalan Falls – Magsaysay
Magarang Falls – Magsaysay
Purnaga Cave – Magsaysay
Barrera Farm and Resort – Magsaysay

Labros Adventure Camp – Calintaan
Ragara Beach Resort – Calintaan
Mindoro Palm Resort - Calintaan
Makatiklas Falls – Calintaan
Salugsog Falls – Calintaan

Tayamaan Beach – Mamburao
Nueva Villa Farm Resort - Mamburao

Inasakan – San Jose
White Island – San Jose
Manadi Island - San Jose
Grace Island Resort – San Jose
Ambulong Island - San Jose
Aroma Beach – San Jose
Mangarin Watch Tower – San Jose


7. Mga kilalang tao mula sa Mindoro

Noli De Castro - Vice-President of the Philippines, Noted radio and television broadcaster
Maria Rosario Santos / Charo Santos-Concio / Charo Santos
Lito Camo - Singer, Songwriter/Composer
Ejay Falcon - Movie and television actor
Jason Francisco - Movie and television actor, commedian
Kimberly Anastacia Beltran Karlsson -  Filipino-Swedish equestrienne / model / Miss Grand Philippines 2014
Karen Mae Reyes - Second Big Placer of Pinoy Big Brother: Teen Edition
Drian 'Gintong Kamao' Francisco –  professional boxer
Antonio “Nikoy” Lining – Pool player
Carlos Loyzaga – PBA Player
Nelson Asaytono – PBA Player




Tuesday, September 23, 2014

Alamat ni Daragang Magayon - Alamat ng bulkang Mayon

Alamat Ni Daragang Magayon 
(Alamat ng bulkang Mayon)
Ni Damiana Eugenio
TAGPUAN : Sa maliit na bayan ng Rawis
MGA TAUHAN : Dawani , Datu Makusog , Ulap , Magayon at Pagtuga

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."

Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.

Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.

Nabuhayan ng loob ang prinsipeng, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!"

"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"

"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito.

Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.

"Maaari bang kita'y makitang muli?"

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.

"Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"

"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"

"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!"

Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. ang kasal ay gaganapin sa kabilugan ng bwan

Nagpaalam si Gat Malayan upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan.

Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya.

Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"

Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.

Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.

Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.

"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.

"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.

Nagkaroon ng sukatan ng lakas.

Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

Monday, September 22, 2014

Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan.  Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o kuwento ng bayan.  Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan - ito ay karaniwang pagkukuwento na ang ginagamit na pamamaraan ng pagsasalita ay tulad sa natural na pang-araw-araw na pag-uusap- usap.  Ang ilan sa mga unang anyo nito ay:

1. Mito - karaniwang tungkol sa mga diyos at diyosa, bathala o mga anito.  Tumutungkol din ito sa kanilang mga paglalang tulad sa kalikasan, sa mundo at sa mga unang tao.

2. Alamat - mga kuwentong-bayan ng pinagmulan o simula ng mga bagay-bagay.

3. Pabula - unang napatanyag sa Gresya at si Aesop ang tinaguriang "Ama" dahil sa napabantog nitong aklat, ang "Aesop's Fable".  Ito ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitang parang tao at ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa.

Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano.  Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento.  Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay:

1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches.  Ito ay naglalahad ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan lamang.  Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa.

2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay.  Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat.  Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa.  Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan.

Deogracias A. Rosario - tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento".

Sa panahon ng Hapon, ang maikling kuwento ay nailimbag sa gintong pahina ng Panitikang Pilipino dahil pinairal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang pambansa bilang medium sa pagsulat.  Sa panahong ito:

a. sumigasig at dumami ang mga manunulat
b. sumigla at tumaas ang sangay na ito ng panitikan
c. naging matimpi sa pagtalakay ng paksa
d. madula ngunit di-maligoy
e. nag-ala-dagling muli ang kawalan ng mga ito ng banghay
f. nagkaroon ng iba't ibang paraan ng pagkukuwento
g. ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napansin
- Ito ngayon ang tinatawag na kontemporaryong maikling kuwento.


Wednesday, September 17, 2014

Paano nabuo ang lalawigan ng Occidental Mindoro ayon sa batas?

Paano nabuo ang lalawigan ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro ayon sa batas?

Paghihiwalay
Noong June 13, 1950, sa papamagitan ng Batas Pambansa bilang 505 (RA 505 / Republic Act 505) ay ipahayag ang paghihiwalay ng Kanlurang Mindoro sa Silangang Mindoro



REPUBLIC ACT NO. 505

REPUBLIC ACT NO. 505  - AN ACT TO CREATE THE PROVINCES OF ORIENTAL MINDORO AND OCCIDENTAL MINDORO

Section 1.    The Province of Mindoro is hereby divided into two provinces, to be known as Oriental Mindoro and Occidental Mindoro, in the following manner:  

The Province of Oriental Mindoro shall consist of that portion of the present Province of Mindoro which comprises the municipalities of Baco, Bongabon, Bulalacao, Calapan, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, Puerto Galera, Roxas, and San Teodoro. 

The Province of Occidental Mindoro shall consist of the other portion of the present Province of Mindoro, comprising the municipalities of Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, Sablayan, San Jose, and Sta. Cruz. 

Sec. 2.    The capital of Oriental Mindoro shall be Calapan and that of Occidental Mindoro shall be the municipality designated by at least five municipal councils of the municipalities of Occidental Mindoro, the designation to be made not later than fifteen days after the constitution of said province. In the event of a failure to make the designation as herein required, the President of the Philippines shall designate the capital of the said province. 

Sec. 3.    Except as hereinafter provided, all provisions of law now or hereafter applicable to the regular provinces shall be applicable to the Provinces of Oriental Mindoro and Occidental Mindoro. 

Sec. 4.    The elective provincial officers of the former Province of Mindoro elected at the last general election shall continue to govern the Province of Oriental Mindoro until their successors shall have been elected and shall have qualified. The provincial governor, the provincial treasurer, and the provincial fiscal of Oriental Mindoro shall continue to receive the salaries they are receiving at the time of the approval of this Act, until the new readjustment of salaries in accordance with existing law. 

Sec. 5.    As soon as this Act shall be carried into execution, the elective provincial officers of the Province of Occidental Mindoro shall be appointed by the President of the Philippines, with the advice and consent of the Commission on Appointments, and shall hold office until their successors shall have been duly elected at the next general election and shall have qualified. 

Sec. 6.    The Provinces of Oriental Mindoro and Occidental Mindoro shall each have one Representative: Provided, That the present Representative for the Province of Mindoro shall, during his term of office as such, be the Representative for the Province of Oriental Mindoro: Provided, further, That he shall likewise be the Representative for the Province of Occidental Mindoro until a Representative for the latter province shall have been elected in the next general election for national officials or in a special election called for the purpose. 

Sec. 7.    The funds and obligations and the property of all kinds to be assigned to the Provinces of Oriental Mindoro and Occidental Mindoro upon the execution of the provisions of this Act shall be distributed equitably between the two provinces, in such manner as the Auditor General may recommend and the President of the Philippines approve.   

Sec. 8.    This Act shall take effect on such date as may, by proclamation, be set by the President of the Philippines. 

Approved: June 13, 1950

Kabihasnang Hittites

Kabihasnan ng Hittites 

Kasaysayan
May kaugnayan sa mga tao ng Europa at hilagang Indya ang mga Hitita.Tinawid nila ang mga bulubundukin ng Caucasus mula silangang-gitnang Europa upang masakop ang Anatolia.Naging kabisera nila ang lungsod ng Hattusa na malapit sa modernong Ankara.Nang maging makapangyarihan sila noong mga 1500 BK,lumalaganap sila sa silangan sa kahabaan ng baybayin ng Mideteraneo.

Pamahalaan at Lipunan
-Dakilang Hari o Arwa ang tawag sa pinuno ng Hittite
-ang hari ay pinunong militar at pinunong panrelihiyon
-mayroong tungkulin at kapangyarihan ng reyna
-ktayuan ng mga alipin:mayroong karapatan laban sa mga amo at maari silang magkaroon ng mga ari-arian.

Ambag ng HITTITES
-Unang gumagamit ng bakal
-unang gumagamit ng kabayo na panghila karwahe (chariot)
-pagkaroon ng titulo ng lupa at mga talaan nito.
Ang mga "HITTITES"
-Isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng wikang Hitita.
-Nagtayo sila ng kahariang tinatawag na Kahariang Hitita.
-nagmula sila sa Indo-europeo
-tinatawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14 na siglo B.C.E. nang masakop nila ang buong Anatolia,hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya.Isa itong imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiyo,at nagtagal ng may 700 mga taon,mula noon mga 1900 Bk magpahanggang 1200 BK.
-sa kasalukuyan nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa Ankara,Turkey ang mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano.

Wikang ginagamit ng mga HITTITES
-Anatolia
-Limang iba't-ibang wikang Indo-Europeong wika
-Akkadian,para sa komunikasyong pangdiplomasiya
-Sumerian paea sa panitikan

Kultura, Ekonomiya, Pag-unlad
Kultura
-pagtuklas at paggamit ng bakal ang kanilang pagkakilanlan

Ekonomiya
-Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay
-nag-aalaga ng mga hayop para sa ikabubuhay at transportasyon

Pag-unlad
-ang pagkakilala sa matatanda na namamagitan at nag-aayos sa away ng magsasaka ang pag-unlad sa agrikultura

Relihiyon at panitikan
-Paniniwala sa maraming diyos-politeismo
-paniniwala sa diyos ng ibang lahi o lupaing nasakop
-"diyos ng panahon"
-"ginang araw"
-Telipinu-"nawawalng diyos"


Dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang hittite

Ang pagkakawalan nila ng pagkakaisa

Tuesday, September 16, 2014

Kabihasnang Lydian

Kabihasnan ng Lydian

Pagbagsak
Nagpatuloy ang malayang kaharian ng Lydia.Noong 545 B.C.E. ay humina ito.Nung naglaban ang dalawang panig ng Lydia at Persia ay natalo ang mga Lydians at nasakop ng Persia.Dahil sa paniniwala ni Croesus ay magiging mas malaki ang kanyang kaharian kapag lumaban siya sa Persia pero sa kasamaang palad sila ang nasakupan ng Persia.

Dulong Tanawin sa Lydia
Kumukuha sila ng tubig sa ilog ng Cayster River,isang lugar na pinahalagahan sa Ephesus. Makikita ang tanawin ng Hermus, isang mataba at magandang lupa na sa kasalukuyan ay tinatawag ito na "Gediz River" sa Turkey.

Maionia: Sinaunang Lydia

Ang sinaunang ngalan ng Lydia ay ang "Maionia" na nakikilaa ng Homer.Pero nagkakaroon ng hindi na pagkaunawaan kaya pinalitan ito ng Lydia.

Alam mo ba na ang ngalang Lydia ay isang ngalan ng babae sa Bibliya na tinatawag na seller of
Purples.

Mga Hari ng Lydia:
Ang Unang Hari ng Lydia ay si Gyges (716-678 B.C.).
Ang Pinakamagaling na Hari ay si Croesus(560-546) na nagpapalawak sa kaharian ng Lydia patungo sa mga lugar malapit sa Asya Minor.

Kalakalan at Pamumuhay
Sa una ay gumagamit sila ng Barter na isang uri ng kalakalan na pagpapalitan ng mga produkto.
Nung nagkakaproblema sila sa barter ay natuklasan nila ang paggawa ng barya at ito ay sumibol sa bagong sistema ng kalakalan.

Lakbay sa Lydia
Ang Lydia ay isang kaharian na matatagpuan malapit sa Asya Minor(Anatolia) sa dulong kanlurang bahagi ng Fertile Crescent at silangan ng Mediterranean Sea.

Ang Kabisera nila ay ang Sardis.Napalibot ito ng mga lugar,sa pagitan ng Mysia sa hilaga at Caria sa timog, at sa pagitan ng Phrygia sa silangan at ang Aegean Sea sa kanluran.
Cayster River

Ang Pagtuklas ng Barya
Noong dakong 600 B.C.E, ang mga Lydian ang naging kauna-unahang pangkat ng tao na gumagamit ng barya sa daigdig.Yari sa pinaghalong ginto at pilak ang mga barya at may tatak ng sagisag sa hari ng Lydia.


Sunday, September 14, 2014

Kabihasnang phoenicians

KABIHASNANG PHOENICIANS
kabishasnang phinicians, kabihasnang phinisician

Lipunan at Kultura

Rasshamra -
nakatuklas ng kultura at panitikan ng mga Phoenicianmagaling mangopya sa ibang taonakagawa ng magandang klase ng mga produkto tulad ng bronse, mgaarmas, pandigmaang karwahe. mga kasangkapan at mga palayok na gawa sa ginto at pilak atbp."misyonero ng sibilisasyon"-dala ang kanilang kultura kahit saan magpunta"dakilang marino"=magaling sa paglalayag pangniisda at kalakalan

Ekonomiya
magaling na negosyante at mangangalakal

Purple Dye/Lilac na kinuha sa isdang Murex pinangkukulay sa telang linomaganda ang kanilang mga produkto na gawa mula sa ginto,bronse at pilak Nakapagtatag sila ng kolonya = gawing istasyon=pinagkukunan ng mgamateryalesnakarating sila sa Cyprus = bronseSpain= mga mineralgaul=balat at katad baltic=amberBritain=mineralpaggawa ng sasakyang pandagatibang istasyon gades Africa at Carthage

Pag Unlad
kalidad ng mga produktopagtatag ng mga kolonyamalaki at matatag na sasakyan pandagatbihasa sa paglalayag at pangangalakal sa ibayong dagat

Pag Bagsak
mahina sa pamahalaan at sandatahang lakas

Ambag
konsepto ng kolonya = ginagawang istasyon para sa kalakalan=

ang alphabet=
unang titik ang alpha at ikalawa ang bhet nakabatay ito sasystema ng alphabeto natin sa kasalukuyansila ang gumawa ng mga barko


Panahon ng pananaig ng kapangyarihang kanluranin

summary ng pananaig ng kapangyarihang kanluranin

Maraming salik ang nagbigay daan at paglawak ng kapangyarihan ng Kanluranin. Ilan sa mga ito ang pagtatatag ng national monarchy, ang sistemang merkantalismo, ang Renaissance, impluwensya ng Simbahan, pampulitiko at panlipunan at ang unang yugto ng kolonisasyon.

Nakapagpasigla ang mga salik na ito sa kalakalan, nakapagpaunlad ng kabuhayan at nakapagpatatag ng pamahalaan ng mga Europeo.

Nagkaroon ng maraming pera ang kabang-bayan na nagamit sa pananakop.

"Ginto at relihiyon" ang pangunahing ng mga Europeo sa unang yugto ng pananakop. Nagbunga ito ng hindi pangkaraniwang sigla sa kalakalan at biglang pagyaman ng mananakop.


National monarchy, paglakas at paglawak ng kapangyarihan.

Friday, September 12, 2014

Tulang Tanaga - Tula ng panahon ng hapon

Tanaga na Tula ng mga Filipino

Ang TANAGA ay isang uri ng tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata

Magsikhay ng mabuti...

Mga Halimbawa:

KULIGLIG
Siya nga si kuliglig
Lumikha ng himig
Sa pagsapit ng dilim
Musika ng paligid

KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

MATAAS PA
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

SLOW
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

PIPI
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

FILIPINO
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

TANAGA
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.



Wednesday, September 10, 2014

Kahulugan ng Konsensya

Kahulugan ng Konsensya

konsensiya ay ang batayan ng pagsusuri ng kilos at ang sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa katotohanan at katwiran, alinsunod sa batas eternal

Iba't ibang uri ng konsensya at ang kahulugan nito ng bawat isa

1. Tamang konsyensya - Ang konsyensyang ito naghusga o nagpasya batay sa tamang prinsipyo na ang isang aksyon ay naayon o di kayay taliwas sa batas 

2. Tiyak na konsensiya - may sapat na batayan ang tao upang husgahan ang isang aksyon o kilos at tiwala siya at walang kaduda-duda sa kawastuhan ng kaniyang pagpapasya. 

3. Di tiyak na konsensiya - naguguluhan at nalilitong pagpapasya.

Mga pangungusap na walang paksa

Mga pangungusap na walang paksa 

1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring 
ginawa na at kailangan lamang pasalamatan. 
Halimbawa: 
a. Salamat.(po) 
b. Maraming salamat.(po) 

2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at 
nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap 
Halimbawa: 
a. Allan! 
b. Korina! 

3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may 
kinalaman sa kalikasan 
Halimbawa: 
a. Umuulan na. 
b. Lumilindol. 

4.Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong 
binabati 
Halimbawa: 
a. Magandang Araw. 
b. Maligayang pagbati sa iyo. 

5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap ang 
pinagpaalaman ng aalis 
Halimbawa: 
a. Paalam na.(po) 
b. Hanggang sa muli.(po) 

6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon. 
Halimbawa: 
a. Pasko na! 
b. Bertdey mo na. 

7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong 
Halimbawa: 
a. Oo. 
b. Hindi. 
c. Baka. 

8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang 
pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit. 
Halimbawa: 
a. Saan? 
b. Ano? 
c. Ha? 

9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang 
inuutusan. 
Halimbawa: 
a. Lakad na. 
b. Sulong! 
c. Halika. 

10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki
Halimbawa: 
a. Pakidala nito. 
b. Makikiraan.(po) 

11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang 
kay at napaka
Halimbawa: 
a. Kaybuti mo! 
b. Napakatamis nito! 

12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama 
Halimbawa: 
a. Aray! 
b. Ay! 

13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may 
mayroon at wala
Halimbawa: 
a. May pasok ngayon. 
b. Walang tao riyan. 

Mga tula sa panahon ng hapon

Tulang Tanaga
Halimbawa ng mga Tulang May Pitong Pantig at apat na taludtod 

1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

---haiku in tagalog 2012




Tuesday, September 9, 2014

Kaming mga Mangyan (Igway) - Awit Mangyan - Mangyan song lyrics

Kaming mga Mangyan
(Igway) Awit Mangyan 

Kaming mga mangyan ay kaibigan ng lupa
At ang lupa gayon din sa amin
Mula sa lupa, saganang kabuhayan
Na bukas ng mga anak mangyan

Chorus:
Ang daigdig na ito’y tahanan namin
Kahanga-hanga tunay na ka’y inam
Kay ganda ng daigdig kauob sa amin
Lupa’t tubig, langit kagubatan
Ang tangi naming yaman at kaligayahan
Sa piling ng aming dakilang lumalang

Kaming mga mangyan ay kaibigan ng tubig
At ang tubig gayon din sa amin
Sa tubig lumalangoy, isda at pananim
Na bukas ng mga anak mangyan

Repeat Chorus.

Kaming mga mangyan ay kaibigan ng langit
At ang langit gayon din sa amin
Sya’y naghahatid ng hangin at ulan
Na bukas ng mga anak mangyan

Repeat Chorus

Kaming mga mangyan ay kaibigan ng gubat
At ang gubat gayon din sa amin
Sa gubat ang mga hayop at puno
Na bukas ng mga anak mangyan

Repeat Chorus