Search This Blog

Thursday, September 10, 2009

Bugtong

Bugtong Ito ay isang palaisipan o pahulaan.

Isang karunungang-bayan na naglalayong palaguhin ang kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.

Ang bugtong ay isang masining na paglalarawan ng isang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamit bilang pag-aliw sa mga pagtitipon. Ginagamit din itong pampalipas oras sa mga lamayan sa patay upang hindi mainip at antukin ang mga tao.

Ayon sa Wikipedia:
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawannito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata
Paano nagsimula ang bugtong.

Nagsimula ang Bugtong sa panahon ng ating mga ninuno noong sila ay bumuo ng mga karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan.

Mga halimbawa ng bugtong:

Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. - Kubyertos

Walang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay na ipit. - Higad

May langit, may lupa, May tubig, walang isda. - Niyog

Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. - Gata ng Niyog

Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. - Makahiya

Puno'y layu-layo, Dulo'y tagpu-tagpo. - Bundok

Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. - Akasya

Dalawang batong malalim, hindi maabot ng tingin. – Tenga

Dalwang magkaibigan. Habulan ng habulan – Paa

Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ng sari-sari. – Sampayan

Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik ‘pag itapon. – Yoyo

Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. – Aso

Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. – Payong

Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. – Bahaghari

Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. – Anino


Para sa karagdagang mga bugtong:

Ikalawang pahina ng bugtong

Ikatlong pahina ng bugtong

Bugtong 1

Hayan na, Hayan na. ‘Di mo pa makita. – Hangin

Iisa ang pasukan. Tatlo ang labasan. – Damit

Eto na si Kaka, bubukabukaka. – Gunting

Nagtago si Pedro, labas ang ulo. – Pako

Hindi reyna. Hindi prinsesa. Ngunit may korona. – Bayabas

Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. - Bayabas

Isang magandang dalaga. ‘Di mabilang ang mata. – Mais

Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis. - Mais

Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian. - Mais

May langit. May lupa. May tubig. Walang isda. – Buko

Dalawang batong itim, malayo ang mararating. – Mata

Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. – Papaya

Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. - Papaya

Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. – Kampana

Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. – Baril

Bugtong 2

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – Kasoy

Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto? - Kasoy

Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong. - Kasoy

Nagbibigay na, sinasakal pa. – Bote

Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao. - Atis

Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. - Mangga

Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal. - Lansones

Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa. - Balimbing

Balat niya'y berde, buto niya'y itim, laman niya'y pula, sino siya? - Pakwan

Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso. - Santol

Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako. - Langka

Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. - Saging

Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. - Duhat

Bunga na ay namumunga pa. - Bunga

Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata. - Pinya