Pandiwa at Aspekto nito | At mga Halimbawa
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.
1. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimbawa:
Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.
Pawatas Perpektibo
Umalis Umalis
Magnegosyo Nagnegosyo
Bigyan Binigyan
Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas Imperpektibo
Magpasalamat nagpapasalamat
Ipaalam ipinapaaalam
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Pawatas Kontemplatibo
Mabunga magbubunga
Kumita kikita
Kumilos kikilos