Search This Blog

Friday, August 29, 2014

Mindanao languages, products, artifacts, regions

 Mindanao languages

The languages are divided into Manobo and Danao groups,  and the Subanun language.

Danao languages
They are spoken in Maguindanao and Maranao, with a million speakers.

Each language has a dialect called Iranun; the Maranao Iranun is spoken in Borneo, in Malaysian Sabah.

Subanon language
The Subanen language (also Subanon and Subanun) is an Austronesian language belonging to the Mindanao languages .   Considered  as a dialect cluster more than a monolithic language.  Subanen is spoken in areas of Zamboanga Peninsula namely the provinces of Zamboanga Sibugay,  Zamboanga del Norte and Zamboanga del Sur, and in Misamis Occidental of Northern Mindanao.  There is also a sizeable Subanen community in Misamis Oriental.  Most go by the name of Subanen, Subanon or Subanun, while those who adhere to Islam refer to themselves as Kalibugan.

Manobo languages
Their speakers are primarily located around Northern Mindanao, Central Mindanao (presently called SOCCSKSARGEN) and Caraga regions where they are natively spoken. Some outlying groups make Manobo geographically discontiguous as other speakers can be located as far as the southern peninsula of Davao Oriental, southern parts of Davao del Sur and coastal areas of Sultan Kudarat. The Kagayanen speakers are the most extremely remote and can be found in certain portions of Palawan.

South Mindanao languages
The South Mindanao or Bilic languages are a group of related languages spoken by the Bagobo, B'laan, T'boli, and Tiruray peoples of the southern coast of Mindanao Island in the Philippines. They are not part of the Mindanao language family that covers much of the island. The languages are,

Bagobo (Giangan)
Blaan
Tboli
Tiruray

Products of mindanao

Mindanao is home to the biggest pineapple plantation (Del Monte Corporation and Dole Phils), tomatoes, Bananas (Stanfilco), in Bukidnon, the logging business is thriving, so lumber is plentiful, sugarcane plantation of Zubiri and Fortich are so wide, hence there are lots of sugarcane and sugar products, corn, rice and much more. In Davao, it's known for durian and abaca.


Mindanao Artifacts

Kris
The kris is the most famousMoro weapon. found inevery Moro tribe and it was a key symbol of a man’s
status and rank in society aswell as being a powerfultalisman.

Ethnic Brasswork
this antique brass container for betelnuts and buyo leaves.   The design is from muslimMindanao, either Maranao orMaguindanao.

Malong
Maguindana woman's cotton malong  (tubulargarment), Mindanao, 19th century. 155 cm x 82cm each side (tubular).


Mindanao Regions

The six regions are:

Zamboanga Peninsula (Region 9)
Isabela City
Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur with Zamboanga City
Zamboanga Sibugay

Northern Mindanao (Region 10)
Bukidnon
Camiguin
Lanao del Norte with Iligan City
Misamis Occidental
Misamis Oriental with Cagayan de Oro City

Davao Region (Region 11)
Compostela Valley
Davao del Norte
Davao Oriental
Davao del Sur with Davao City
Davao Occidental

SOCCSARGEN Region (Region 12)
South Cotabato with General Santos City and Koronadal City
Cotabato
Cotabato City is a part of Maguindanao but a part of SOCCKSARGEN Region
Sarangani

Caraga Region (Region 13)
Agusan del Norte with Butuan City
Agusan del Sur
Surigao del Norte with Surigao City
Surigao del Sur
Island Province of Dinagat

Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM Region)
Sultan Kudarat
Basilan except Isabela
Lanao del Sur
Maguindanao except Cotabato
Sulu

Tawi-Tawi

Wednesday, August 13, 2014

Ang paglilitis – Maikling kwento mula sa Cambodia

Ang paglilitis
kwentong bayan ng Cambodia
Salin ni Erwin L. Fadri

Noong unang panahon sa kaharian ng Cambodia, may isang binata ang umibig sa isang dalaga, sya ay pumunta sa magulang nito upang sabihin na nais niya itong pakasalan.  “Gusto ko pong hingin ang kamay ng inyong anak at kami ay magpapakasal.”  Ang sabi ng kanyang magulang, “kailangan mo munang dumaaan sa mga pagsubok.   Kailangan mo munang ilubog sa tubig na hanggang leeg na nakatali ang mga paa ng tatlong araw at tatlong gabi.   Kahit na ikaw ay nilalamig, hindi ka maaaring gumalaw upang mapawi ito.  Kapag nalampasan mo ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari mong makuha ang kamay ng aming anak upang magpakasal.”  At ang binata ay pumayag sa kasunduan at sya ay tinalian at inilubog sa tubig.

Makalipas ang dalawang gabi at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa, nakita niya ang isang sunog sa ibabaw ng burol.  Sya ang pagod at nilalamig na,  itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang apoy sa di kalayuan.  At sa pagkakataong iyon ang magulang ng babae ay bumaba sa may lawa at nakita ang kanyang ginawa.  At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na mainitan ang kanyang sarili sa apoy mula sa malayong burol at di niya natupad ang isa sa mga kondisyon.  At tumanggi silang magpakasal ang kanilang anak.

Ang binata ay nagalit ng dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa mahistrado.  Inimbita ng opisyal ang magulang ng babae at ang hinuhusgahan.   Ang magulang ng babae ay pumayag at dahil sila ay mayaman nagawa nilang magbigay ng mga regalo sa mahistrado.  Subalit, ang binata ay mahirap at walang maibigay sa mahistrado, at ito ay nagbigay ng hatol. “ang binata ay di tumupad sa mga kondisyon ng pagsubok sa pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili.  Sya ay natalo sa paglilitis na ito.  Hindi niya maaaring pakasalan ang dalaga.  At sa karagdagan, kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa pamamagitan ng pabibigay ng salo-salo sa ating lahat.”  Ng marinig ng binata ang nagging hatol, siya ay nagalit at nabalisa, sya ay umalis na nagrereklamo ng sobrang sakit.  Sa kanyang paguwi, nadaan niya ang hukom na kuneho. “bakit ka nalulungkot, kapatid?”ang tanong ng hukom ng kuneho. “kailangan kung umalis at maghanda ng isang salu-salo,” ang sagot ng binata. “ah” ang sabi ng hukom na kuneho, “magpatuloy ka at maghanda ng piging; pagkatapos bumalik ka at ako’y sunduin at isama sa handaan.  Maaari kang manalo sa kasong ito kung susundin mo ang sasabihin ko.  Kapag naghanda ka ng pagkain, huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw.  Ilagay mo ang asin sa ibang putahe.”

Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulungan siya ng hukom na kuneho.  At sya ay umalis upang ihanda ang salu-salo, siniguro niyang walang asin ang sabaw katulad ng sinabi nito.  At kaniyang inihain ang salu-salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at sa mahistrado.  Nakita ng mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong tinanong: “Kapatid na kuneho, bakit ka naririto?” “Naririto ako upang ikaw ay tulungan sa kasong ito”  ang sagot ng hukom na kuneho. “Ahhh” ang sabi ng Mahistrado, “Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito kasama namin?”

At ng ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado.  Dalawang malalaking subo sa sabaw ang kanyang ginawa at nagsabi, “Bakit hindi nilagyan ng asin ang sabaw na ito?” ang hukom na kuneho ay mabilis na sumagot sa kanya, “Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng malayong burol mula sa binata ay ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya.  Paanong ang asin para sa sabaw, ng inilagay malayo sa sabaw ay hindi nagbigay ng lasa dito?”   Ang Mahistrado ay napahiya at natahimik.  Ang kaso ng binata ay agad na binaliktad at inihayag na nanalo at agad na ipinakasal sa dalaga.

“Ang paglilitis” sa kulturang pakahulugan.
 Sa nasabing kwento, ang huwes ay nasuhulan ng mayamang pamilya at nagbigay ng pabor na desisyon sa kanila.  Ito ay nagsasalamin sa katiwalian sa sistema ng katarungan na nararanasan ng maraming tao sa Cambodia.   At saka, ang kwento ay hindi nagasabi kung ano ang nararamdaman ng dalaga para sa binatang nais syang pakasalan.  Ang kwento ay nagsasaad lamang ng hiling ng magulang at ng binata na nais magpakasal subalit hindi binangit ang ukol sa dalagang ito.

http://hayzkul.blogspot.com/ - ang may salin mula sa pagkakasulat sa Ingles

Original story : http://www.chanbokeo.com/index.php?gcm=1411&grid=120006&gtop=5327

Alamat ni Prinsesa Manorah (Alamat mula sa Thailand)

Alamat ni Prinsesa Manorah – Alamat  mula sa Thailand
(Salin ni: Dr. Romulo N. Peralta)

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salinsa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng Ayutthaya at nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.


Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Saloob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot nanilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi saka niya ngermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon nanakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad- agad nalumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton nanoo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari angbuong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasalpara kina PrinsipeSuton at PrisesaManorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.

Tuesday, August 12, 2014

Alamat ng Ahas (Alamat mula sa Thailand)

Alamat ng Ahas – Alamat mula sa Thailand

 Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad.

Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.

Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.

Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.

Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.

Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.

Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.

Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.

Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.

ANG AMA – maikling kwento mula sa Singapore

ANG AMA – maikling kuwento mula sa Singapore
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.


Chinese Silk at ang Silk Road - Alamat mula sa China

Chinese Silk at ang Silk Road  - Alamat mula sa China

Ito ay kilala na sutla ay natuklasan sa China bilang isa sa mga pinakamahusay na materyales para sa pananamit - mayroon itong isang hitsura at pakiramdam ng kayamanan na maaaring itugma ng walang iba pang mga materyales. Gayunpaman, napakakaunting mga taong kilala kung kailan o kung saan o kung paano ito natuklasan. Talaga, maaari itong lagyan ng petsa pabalik sa ika-30 na Siglo BC kapag Huang Di (Yellow Emperor) ay dumating sa kapangyarihan. Maraming mga alamat tungkol sa pagtuklas ng mga kurbatang; ilan sa mga ito ay parehong mga romantikong at mahiwaga.

Legend ay may ito na sa sandaling nanirahan doon ng isang ama sa kanyang mga anak na babae, nagkaroon sila ng isang magic kabayo, na hindi maaari lamang lumipad sa kalangitan ngunit maunawaan din wika ng tao. Isang araw, nagpunta ang ama sa negosyo at hindi bumalik para sa medyo ilang oras. Anak na babae ang ginawa sa kanya ng isang pangako: Kung makahanap ang kabayo ng kanyang ama, ay siya magpakasal sa kanya. Panghuli ang kanyang ama ay dumating pabalik sa kabayo, ngunit siya ay shocked sa pangako ng kanyang anak na babae ni.

Ayaw upang ipaalam sa kanyang anak na babae asawa ng isang kabayo, pinatay siya ang inosenteng kabayo. At pagkatapos ay nangyari himala! Balat ng kabayo ay dinala ang batang babae na lumilipad ang layo. Nagsakay sila at nagsakay, sa wakas, sila pinatigil sa isang puno, at sa sandaling hinawakan ang babae sa puno, siya naka sa isang Silkworm. Araw-araw, siya ay dumura mahaba at payat silks. Ang silks lamang kinakatawan ang kanyang pakiramdam ng nawawala sa kanya.

Ang isa pang mas romantikong ngunit mas kapanipaniwalang paliwanag ay na ang ilang mga sinaunang kababaihan na Tsino natagpuan na ito kahanga-hanga sutla sa pamamagitan ng pagkakataon. Kapag sila ay tumatawag na prutas mula sa puno, nakita nila ang isang espesyal na uri ng prutas, puti ngunit masyadong matigas na makakainan, kaya sila pinakuluang ang bunga sa mainit na tubig ngunit pa rin sila ay maaaring bahagya kumain ito. Sa huling, nawala nila ang kanilang pasensya at nagsimulang upang matalo ang mga ito na may malalaking sticks. Sa ganitong paraan, silks at silkworms ay natuklasan. At ang puting matapang na prutas ay isang cocoon!

Ang negosyo ng pagpapataas ng silkworms at unwinding cocoons ay kilala na ngayon bilang sutla kultura o sericulture. Ito ay tumatagal ng isang average ng 25-28 araw para sa isang Silkworm, na kung saan ay hindi mas malaki kaysa sa isang ant, na lumago sapat na gulang upang iikot cocoon. Pagkatapos ang mga kababaihan magsasaka ay pumili ang mga ito up ng isa sa pamamagitan ng isa sa piles ng straws, pagkatapos ay ang Silkworm ay i-attach ang sarili nito sa dayami, sa kanyang mga binti sa labas at simulan upang iikot.
Ang susunod na hakbang ay unwinding ang cocoons; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng reeling sa mga batang babae. Ang cocoons ay pinainit upang patayin ang pupae, ito ay dapat gawin sa tamang oras, kung hindi man, ang pupas ay nakasalalay sa maging moths, at moths ay gumawa ng isang butas sa cocoons, na kung saan ay magiging walang silbi para sa reeling. Upang magpahinga ang cocoons, ilagay muna ang mga ito sa isang basin na puno ng mainit na tubig, hanapin ang maluwag dulo ng cocoon, at pagkatapos ay pihitin ang mga ito, magdala pagkatapos ay sa isang maliit na gulong, kaya ang cocoons ay magiging unwound. Sa huling, dalawang manggagawa masukat ang mga ito sa isang tiyak na haba, pihitin ang mga ito, ang mga ito ay tinatawag na raw sutla, pagkatapos ay ang mga ito ay dyed at kamay na sa tela.

Ang isang kawili-wiling katotohanan ay na maaari naming magpahinga tungkol sa 1,000 metro ang haba sutla mula sa isang cocoon, habang 111 cocoons ang kinakailangan para sa pagkatabla ng isang tao, at 630 cocoons ang kinakailangan para sa blusa ng babae.

Tsino mga tao na binuo ng mga bagong paraan sa pamamagitan ng paggamit sutla upang gumawa ng mga damit dahil ang pagtuklas ng mga kurbatang. Ang ganitong uri ng damit ay naging sikat sa lalong madaling panahon. Sa oras na iyon, ang teknolohiya ng China ay pagbuo ng mabilis. Emperador Wu Di ng western Dinastiyang Han nagpasya upang bumuo ng kalakalan sa iba pang mga bansa.

Upang bumuo ng isang kalsada ay nagiging priyoridad sa kalakalan sutla. Para sa halos 60 taon ng digmaan, ang mundo sikat na sinaunang Silk Road ay itinayo up sa gastos ng maraming mga pagkalugi ng buhay at kayamanan. Ito na nagsimula sa Chang'an (ngayon Xi'an), sa buong Gitnang Asya, Timog Asya at Kanlurang Asya. Maraming mga bansa ng Asia at Europa ay konektado.

Mula sa oras na iyon, Chinese sutla, kasama ng maraming iba pang mga Chinese imbensyon, ay maipapasa sa Europa. Roma, lalo na babae, ay mabaliw para sa Chinese sutla. Bago iyon, Roma na ginamit upang gumawa ng mga damit na may linen tela, balat ng hayop at lana tela. Ngayon ang lahat ng mga ito ay sumangguni sa sutla. Ito ay isang simbolo ng kayamanan at mataas na katayuan panlipunan para sa kanila na magsuot ng sutla damit. Isang araw, isang Indian monghe ay dumating upang bisitahin ang Emperor. Monghe na ito ay nakatira sa China para sa ilang taon at alam ang pamamaraan ng pagpapataas ng silkworms. Ang Emperor ipinangako ng isang mataas na kita sa mga monghe, ang monghe nagtago ilang mga cocoons sa kanyang Cane at kinuha ito sa Roma. Pagkatapos, ang teknolohiya ng pagpapataas ng silkworms maikalat sa.

Libu-libong taon na ang nakalipas mula unang natuklasan China silkworms. Kasalukuyan, sutla, sa ilang mga kahulugan, ay ang ilang mga uri ng mga luxury pa rin. Ang ilang mga bansa ay sinusubukan ng ilang mga bagong paraan upang gumawa ng sutla walang silkworms. Sana, maaari silang maging matagumpay. Ngunit anuman ang resulta, walang sinuman ang dapat kalimutan na sutla ay, pa rin ay, at ay palaging magiging isang hindi mabibili ng salapi kayamanan.


Nakasulat sa pamamagitan ng aming mga manunulat haligi Hao Zhuo.

Mangyaring Uminom ng Li Bai (701-762) (Tula mula sa China)


Mangyaring Uminom ng Li Bai (701-762) 
 Tula mula sa China

Huwag mong hindi makita ginoo, mula sa langit,
Ang tubig ng Hwang Siya ay sa pamamagitan ng?
Thunders ito at dumadaloy sa dagat,
At magpakailanman ay hindi maaaring makuha.

Para sa iyong buhok, ginoo, huwag mo nararamdaman,
Tulad ng kung ano ang mirror ay magpapakita?
Fine bilang sutla bilang umaga ay maaaring magbunyag,
Ngunit sa gabi, puting bilang snow.

Kapag ang sariling buhay ay nakasakay sa isang tuktok,
Walang revelry mukhang labis.
Huwag hayaan ang iyong oras pumasa,
Nakaharap ang buwan sa isang walang laman na salamin.

Sa mundong ito mangyayari kong maging,
Langit ay makakahanap ng isang layunin para sa akin.
Ang kapalaran ay mabuti lamang para sa paggastos,
Mahalaga sa mas mababa, ito ay bumabalik.

Patayan mga baka, gumawa Maligayang at kumain,
Lahat kami ay dapat uminom ng tatlong daan tasa ng alak.
Master Cen, mahal Dan-Qiu, gaano man,
Uminom ng iyong alak, hindi titigil sa ngayon.

Para sa iyo, Sirs, isang kanta ko makikita awitin,
Ninyo bang ipahiram sa akin ang iyong mga tainga upang ang lyrics:

Karangyaan sa musika at pagkain ay hindi mabibilang,
Umaasa ako na hindi ako lasing nang tuluyan at hindi na tunog.
Banal at sages ay malungkot kalalakihan bilang ng gulang,
Mag-iwan naka-bold ang kanilang mga pangalan lamang ng alak drinkers.

Kapag sabay-sabay sumptuously dined Prince Chen,
Reveling ay ang tanging bagay sa partidong alam.
Ang pagbabakante gallons ng mahalagang mga alak,
Worth nitong timbang sa ginto.

Bilang host ko bale hindi kailanman ang gastos,
Bumili lamang ito at ni uminom na walang pagsisisi ipaalam.
Mahalagang balabal, kahanga-hangang kabayo,
Halika aking pahina, huwag i-pause.
Ibenta ang mga ito para sa aking mga dahilan,

Lunas ng aming walang hanggang pagkawala Hayaan.

Ang Lura ng Demonyo (Maikling Kwentong Hapon)

Ang Lura ng Demonyo
(Maikling Kwentong Hapon)
The demon's spittle; Hiroshi Naito 
Salin ni Lualhati Bautista

Noong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon.
Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao. Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na gulat ang lalaki sa nakita niya.

"Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni..

"Hulihin natin!" sabi naman ng isa.

Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay kainin ang lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-alisan. Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon.

" Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung ano'ng nangyayari sa kanila.

Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito, pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa pangyayaring nagaganap.

Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay naging araw ng trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do.

" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-pusong panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo.

Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong masasalubong mo sa daan pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"
Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang magising siya, maliwanag na.

Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa kanyang panaginip. Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan, sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila nang kaunti at nakarating sa tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang kanyang baka sa isang kalapit na puno saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita na imposible niyang magawa iyon dahil napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin siya.

Dinala siya ng pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto sa bandang likuran. Nakaratay sa higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng mansion. Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at senyora-at lahat ng katulong ay pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng ng karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng kahoy na martilyo ang ulo ng maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa, namimilipit ito sa sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang masamang espiritu na gumagambala sa anak nilang maysakit.

Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang masamang espiritu. Umawit ito ng panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang kimono. "Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod na sandal, lumitaw ang kanyang kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila: "Saan siya nanggaling?"

Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang kakaibang abentura. Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni Kannon-sama ng Dambana ng Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin, na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling din ang prinsesa..
Masayang umuwi ang lalaki. Di na kailangang sabihin pa na tuwang-tuwa ang pamilya niya nang Makita siyang muli.
Ang identitad na pastol ay nanatiling misteryoso hanggang ngayon pero pinaniniwalaan ng maraming tao na siya'y isa pang kaluluwa.


Tuwiran at di tuwiran na pagtatanim

Tuwirang pagtatanim

labanos
patola
sili
kalabasa
malungay
pechay
munggo
carrots
sibuyas
luya
bawang
pechay


Di tuwirang pagtatanim

talong
kamatis
palay

kataka-taka

Sunday, August 3, 2014

Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

 Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Saturday, August 2, 2014

Sikat na pagkain sa Davao

Mga kilalang pagkain sa Davao

Lechon Buwaya
Ito ay sikat dahil ito ay kakaiba.Nabibili ito sa Davao Crocodile Park.Sabi daw nila,Ito ay lasang manok.Imbes na mansanas ang nilalagay sa bibig katulad ng Lechon baboy,buko ang nilalagay sa Lechon Buwaya.

Durian
Sabi daw nila ang Durian "tastes like heaven but smells like hell".Hindi makukompleto ang pagpunta mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman.Ang prutas na ito ay sikat dahil ito ay may kakaibang masarap na lasa.Ito rin ay masustansya.

Durian Jam
Ang masarap na Durian Jam ay isa sa mga ipinagmamalaking pagkain ng Dabaw.Pwede mong ipalaman ang Durian Jam sa tinapay para matikman kung gaano kasarap ang Jam na ito.Litrato mula

Durian Candy
Isa ito sa ipinagmamalaki ng Lungsod ng Dabaw ang Durian Candy. Gawa ito sa prutas na Durian na sikat na sikat dito sa Dabaw. Ito ay napakatamis at inyong babalik-balikan kapag natikman nyo ito. Maaari nyo ito maging pasalubong sa inyong pamilya kapag galing trabaho o galing sa ibang bansa. Litrato mula

Durian Pie
 Durian Ice Cream
 Durian Shake

Cavendish Banana
Ito ang Cavendish Banana na isa sa pinangungunahang export products sa Dabaw. Lumalaki ito  15 hanggang 25 sentimetro.Litrato mula

Pagkaing Patok
Ito ay isa sa mga pinagkakakitaan ng mga Dabawenyo na patok na patok sa panlasa ng mga pinoy. Lahat ng mga taong nakakatikim ng mga ito ay binabalik-balikan ng mga tao lalong-lalo na ng mga turista.

Kinilaw na Tuna
Kinilaw is a popular seafood dish in Davao City. The dish is typically made from fresh, raw Tuna or Swordfish (Malasugi) marinated in vinegar and citrus juices such as lemon or lime, spiced with chili peppers (siling labuyo) and seasoned with ginger, onion, and salt.

Sinuglaw
Sinuglaw is a contraction of the words, Sinugba (Grilled) and Kinilaw. It is a combination of fresh Tuna or Malasugi and grilled pork marinated in vinegar and citrus juices such as lemon or lime, spiced with chili peppers (siling labuyo) and seasoned with ginger, onion, and salt.

 Sinugbang Panga (Grilled Tuna Jaw)

Sinugbang Nokus (Grilled Squid)

Sinubang Liempo (Grilled Pork Belly)

Sinugbang Bihod (Grilled Tuna Fish Roe)
Bihod is the fish roe of a male Tuna.

Sinugbang Bagaybay (Grilled Tuna Fish Roe)
Bagaybay is the fish roe of a female Tuna.

Sinugbang Ikog sa Bariles (Grilled Tuna Fish Tail)

Sinugbang Bodboron (Grilled Mackerel Scad)

Sinugbang Pecho sa Manok (Grilled Chicken Breast)

Inato (Grilled Chicken)
Inato is a shorten word for "atin ito", thus "inato" or " it is our" in English. Inato is a way a chicken is cooked.

Pasayan (Deep-Fried Shrimps)

Piniritong Ikog sa Bariles (Deep-Fried Tuna Fish Tail)

Kinhason (Baked Scallops)

Imbaw (Clam Soup)

Tolang Pasayan (Boiled Shrimps)

Sutokil
Sutokil is a contracted words of Sugba (Grilled), Tola (Boiled), and Kinilaw (Fresh Tuna fish marinated in vinegar), and is a very popular combination of dishes in Davao City.

Guso (Fresh Seaweeds made into salad)

Lato (Another variety of Seaweeds made into salad)

Law-Uy (Cooked vegetables)
Law-Uy is an all-time Visayan favotite.  It consists mainly of several fresh vegetables cooked with fish.

Sinigang na Malasugi (Swordfish cooked in Tamarind soup)

Dinuguan
Dinuguan is a popular dish in Davao City. It consists of entrails of pork cooked in pork's blood seasoned with vinegar and spices.

Bulad (Dried and salted fish)

Puso (Rice cooked in coconut leaves)

Binignit
Binignit or Ginataan in Tagalog is an all-time favorite refreshment in Davao City. It is a combination of several fruits cooked in coconut milk.

Ginanggang (Grilled Saba or Cardaba)