Mga halimbawa ng maikling sanaysay
Search This Blog
Friday, September 23, 2016
Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak - Sanaysay
Isang tagalog na
sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.
Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)
ni: J
Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)
ni: J
Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago - Sanaysay
Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago
Sanaysay na Nagbibigay ng Payo o Inspirasyon
Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa ganitong uri ng kondisyon. Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain. Kaya nga naiisip ko na ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma. Ngayon, kung isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo, mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa sanaysay na ito.
Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing. Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang. Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.
Huwag kang sumuko. Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon. Ang desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.
Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo. Tuklasin ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito. Isipin ang mga bagay na sumira sa iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka naglasing at hindi mo inabuso ang alak.
Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo. Kailangan mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay gaya ng iyong pamilya.
Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago. Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit kailangan mo nang ihinto ang pag-inom. Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.
Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at dapat kang magbago sa panahon ngayon. Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay at pagkatao. Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na sinasayang lamang.
Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa ganitong uri ng kondisyon. Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain. Kaya nga naiisip ko na ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma. Ngayon, kung isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo, mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa sanaysay na ito.
Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing. Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang. Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.
Huwag kang sumuko. Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon. Ang desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.
Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo. Tuklasin ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito. Isipin ang mga bagay na sumira sa iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka naglasing at hindi mo inabuso ang alak.
Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo. Kailangan mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay gaya ng iyong pamilya.
Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago. Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit kailangan mo nang ihinto ang pag-inom. Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.
Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at dapat kang magbago sa panahon ngayon. Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay at pagkatao. Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na sinasayang lamang.
Karanasan sa Bagyo - Sanaysay
Karanasan sa Bagyo
Maikling Sanaysay
Matindi ang
pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa ating bansa. Lalung lalo na sa mga
lugar na sakop ng Central Luzon, gaya ng Bulacan. Takot ang nanaig sa akin lalo
na ang mga tao na nasa Hagonoy at Calumpit. Naaburido rin ako sapagkat nawalan
ng kuryente sa aming lugar. Ang mga gawaing akin dapat gagawin sa araw na iyon
ay hindi ko nagawa. Ang lakas ng hangin na taglay ni Pedring ay nakapinsala ng
maraming pananim aming lugar at nakapinsala ng maraming imprastraktura sa ating
bansa. Ang iba ay nawalan ng pag-asa ng makaahon pa sa kalamidad ng kanilang
naranasan. Bunga nito, lungkot naman ang nadama ko para sa kanila. Ngunit ang
mga Pilipino ay sadyang matulungin. Handang mamahagi ng mga bagay na
makatutulong sa kapwa, lao na sa panahon na 'di makaahon sa kahirapang
dinaranas ang mga Pilipino.
Kapag Lumaki Na - Sanaysay
Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)
Mga Sanaysay sa
Filipino - Tungkol sa Kabataan
Pinalaki tayo sa
kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi
naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam.
Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang
kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag nagkakasakit
tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit
kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka,
kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag
umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay
Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.
Ipapanood sa iyo sa TV
ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga
totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na
parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit,
bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na
kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng
pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng
basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang
Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang
tanga.
Ililipat naman sa ibang
channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya
at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang
kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo.
Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman,
walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.
Tapos ka nang manood ng
kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng
ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay
na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga
batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng
lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye
kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.
Ayaw mong matulog sa
tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”.
Kaya, kasama sa paglaki
ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi
kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.
Sa hapunan, hindi
pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa
pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala
ka, mabubulag ka.
Isasama pa ba natin
dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga
pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal,
nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat
ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan
dito.
Lumalaki ang bata sa
kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling
mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga
Sanaysay sa Filipino 2011.
Pag-ibig na Walang Hanggan - Sanaysay
Maikling Sanaysay
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking maikling sanaysay
matagal ko na itong ginawa ngunit ngayon ko lang naisipan na
ipost ito sa aking blog ito ay pinamagatang pag-ibig na
walang haggan
sana ay iyong magustuhan:
Pag-ibig na Walang Hanggan
Naranasan nyo na bang magmahal?o di kaya ang maramdaman mo
ang tunay at wagas na pag-ibig ? na siya lamang ang kayang magbigay, pag-ibig
na kapag nawala sayo wala narin sayo ang lahat at pag-ibig na lalo kang
pinapatatag.
Hindi siya nagkulang sakin at hindi niya ako
iniwan,kahit na ako"y makasalanang tao ikinubli niya parin ang liwanag na
aking kailangan , liwanag na susugpo sa dilim, liwanag na magsisilbing pag-ibig
, liwanag na magsisilbing pag-asa at tagumpay . Marami ng kalaban ang sumubok
sa kanyang kapangyarihan ngunit hindi sila nagtagumpay. pag-ibig na ninanais ng
marami ngunit hindi nila makamit dahil sa kanilang kasalanan.
Ang pag-ibig niyang walang hanggan
ang ating kailangan sa buhay
sapagkat ang kapayapaang ating hinahanap
ay makakamit natin sa kanya , Siya lamang ang tanging daan at wala ng iba.
-jesus christ-
Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay
Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay
PAGKAKAISA WIKANG FILIPINO
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng
bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa
lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang
bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming
pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon
ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng
ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino
ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang
mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat
dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang
naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang
ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.
Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan
ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at
paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino
kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap
ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas
maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga
ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang
pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas
lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang
wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon
ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito
ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala.
Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang
wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
Global Warming Sa Pilipinas - Sanaysay
Global
Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)
Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran
Halimbawa ng Sanaysay
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga
isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating
kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na
aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan
upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus
pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan
upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global
warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at
ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang
dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng
pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas
ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na
mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na
ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing
taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang
makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na
pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong
paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng
unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil
fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring
makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at
kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating
kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na
lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan
natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon
ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga
taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon - Sanaysay
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Maikling Sanaysay
Ang pagkakaroon ng isang mataas at
matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon
na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa
ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay
ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag- aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol
naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan
tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung
ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at
matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin
ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon
sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito
rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at
ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang
mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na
mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng
sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa
na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila
ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang
ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa Pag-inom ng Alak - Sanaysay
Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa
Pag-inom ng Alak
Maikling Sanaysay
Kailangan ang Medikal na Tulong
ni: J Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na
pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto
hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto ang
isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa
masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri sa
espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak na
paghinto. Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim
sa medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng
labis na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa
kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang antas
ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga
susunod na bahagi. Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga
Filipino, ay nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na
maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na
kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito
ay makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila madaling
makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa ganitong
pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi nangangahulugang may
isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis at epektibo sa mga
problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino ang iba pang
bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol addiction. Ngunit
ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata upang makatakas sa
negatibong kondisyon. Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak
at sinusubukan niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang
withdrawal symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang
mahirapan ito. Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang
energy at pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa
utak na nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na lubos
na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na tulong
ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak. Maaari namang sumailalim sa
gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang mga tao na nangangailangan ng medical
na gamutan ay nararapat lamang na kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging
mapanganib ang paghinto sa pag- inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang
i-monitor ang gamutan sa loob ng bahay upang makasama ng pamilya at
masuportahan ang isang tao na may problema.
Kagustuhang Magbago - Sanaysay
Kagustuhang Magbago
Disiplina
Maikling Sanaysay : Josua Ronnel Ortiz
Ang buhay natin ay parang isang track and
field na kung saan kinakailangan mong mapagtagumpayan. Ang mga obstacles
sa larong ito ay maihahalintulad sa mga pagsubok na ating dinaranas, may mga mahihirap
at may mga madadali ring malagpasan. Kung minsan tayo ay nadarapa ngunit ang
isa sa mga ugali nating mga Pinoy ay ang hindi pagsuko sa anumang pagsubok kaya
agad tayong nakakatayo tuwing tayo ay nadarapa. Natural sa ating mga Pinoy ang
pagtutulungan. Hindi maikakaila na sa panahon ng sakuna tayo ay sama-samang
tumatayo. Noong panahon na nanalasa ang Bagyong Ondoy ay ramdam natin ang
hagupit nito, maraming namatay, nawala, nasirang mga kabahayan at kabuhayan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang ating bayan ay hindi nagpatinag. Sama-
samang bumangon upang maipakita na matatag ang mga Pinoy. Parang puno na ‘di
mabubuwal kahit anumang bagyong ang magdaan. Kung iisiping mabuti ang susi sa
lahat ng ito ay pagtutulungan. Nakakamit natin ang ating mithiin sa maayos at
matiwasay na paraan kapag tayo’y nagtutulungan. Mas napapadali rin ang mga
dapat nating pagtuunan ng pansin kung tayo ay nagtutulungan. Ngunit may mga tao
pa ring sadyang sakim. Walang iniintindi kundi ang kanilang sarili lamang,
tulad ng ilan sa mga puliltiko sa ating gobyerno na walang habas kung kumuha sa
pera ng taong bayan. Hindi na nila maisip ang pagtulong sa kapwa matapos silang
maluklok sa kanilang mga pwesto. Hinahayaan nilang malugmok sa kahirapan ang
kanilang mga nasasakupan habang sila ay nakaupo sa kanilang mga mamahaling
upuan. Kung sino pa ang dapat asahan ay sila pang pahamak sa bayan. Ang ating
kagustuhang magbago ay hindi maisakatuparan dahil na rin sa mga taong ganid sa
pera. Kung tayo’y nagtutulungan kasama na rin ang mga namumuno sa ating bayan
siguradong kaya nating makipagsabayan sa mga bansang mauunlad tulad ng U.S.A.,
Australia, Canada, at iba pang mga bansang nasa rurok na ng tagumpay. Nakamit
nila ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kanilang hangaring umunlad. Ang ating
bigyang pansin ay ang paggabay sa isa’t isa upang tayo ay makarating sa ating
patutunguhan ng sama-sama at ligtas, hindi una-unahan. Ang lahat ay lilipas,
kahit na gaano pa karami ang iyong mga kayamanan hindi mo rin iyan madadala sa
kabilang buhay. Dapat nating ipaubaya sa Diyos ang lahat, at ang lahat ay
magiging kainam-inam. Sa atin magsisimula ang pagbabago, kung may tiwala ka sa
sarili mo at sa Diyos na lumikha sayo, tiyak na makakamit mo ang iyong
kagustuhang magbago.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon - Sanaysay
Ang
Kahalagahan ng Edukasyon
Sanaysay Tungkol sa
Edukasyon
Ang pagkakaroon ng
isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing
elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na
nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga
ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang
nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila
na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay
siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng
edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin
ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at
ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan
ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila
sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan
sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao
at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang
daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay
nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang
karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na
ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Pagkakaisa sa Likod ng Pagkaka-iba - Sanaysay
Pagkakaisa sa Likod ng Pagkaka-iba
Maikling Sanasay : Julius Cesar Pocaan
“Dayuhang wika kailangan sa
kasalukuyang panahon; Sariling wika kailangan sa pamhabang panahon.” Pahayag ng
isang “American Indian” na naglalayon ng isang magandang relasyon ng wika at ng
buhay. Ayon sa kanya, ang pagkakaraon ng isang dayuhang wika ay mahalaga upang
tayo ay makaayon sa takbo ng panahon subalit mas kailangan natin ang sarili
nating wika upang mabuhay nang habampanahon. Di lingid sa ating kaalaman na ang
ating bansa ay may napakaraming dayalekto na umaabot sa 170. Ilan dito ay ang
Bikol, Kapampangan, Sugbuanon, Iloko, Haligaynon at siyempre ang Tagalog kung
saan ibinatay ang wikang Filipino. “Maraming Wika, Matatag na Bansa” Noong una
ko itong nabasa, tila naguluhan ang aking isipan sapagkat pilit kong tinutukoy
kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng paksang ito. Paulit-ulit ko itong binasa
hanggang sa nasagot ang ilan sa aking mga katanungan. Wari’y parang may
bumulong sa aking isipan upang aking matarok at malaman ang ibig nitong
sambitin. Hindi natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng ating lipunan. Sa
araw- araw nating pakikisalamuha, ating nasasaksihan ang mga pagbabagong
nagaganap tulad na lamang sa larangan ng teknolohiya. Kasabay ng mga
pagbabagong ito ang paglimot sa ilan sa mga dapat nating isaalang-alang.
Subalit, taliwas ang dito ang gawain ng ating mga kababayang Pilipino may
sariling dayalekto. Hindi nila kinakalimutan ang wikang kanilang kinalakhan
kung kaya nagkaroon ang Pilipinas ng mahigit isang daan nito. Sinasabing ang
pagkakaroon ng maraming wika ay hadlang sa paglago ng isang bansa. Subalit,
ating isipin at pagmuni-munihing mabuti ang pahayag na nasambit. Magiging
makatotothanan kaya ang pahayag na ito sa lahat ng pagkakataon? Tingnan natin
ang konsepto sa likod ng isang mapanuring kaisipan. Isang magandang pamantayan
ang pagkakaroon ng maraming kaalaman, hindi ba? Tunay na kahanga-hanga ang
isang taong maraming kaalaman, isama natin dito ang kaalaman ng higit sa isang
wika. Isang napakagandang halimbawa ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose
Rizal. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles,
Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso,
Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. At
dahilan sa kanyang kaalaman, hinangaan siya ng mga Pilipino at patuloy na
hahangaan pamhabang panahon. Kung ating pakalilimiin, di kaya makatotohanan din
ito sa ating bansang may napakaraming dayalekto? Hindi sagabal sa pag-unlad ng
ating bansa ang pagkakaroon ng maraming wika kundi isa ito sa mga mahuhusay at
kahanga- hangang kapasidad ng isang bansa. Ngunit hindi sapat ang madaming
kaalaman sa paglago ng ating ekonomiya, ang ating bansa ay nangangailangan ng
mamamayang may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Kailangan natin ang
pagtutulungan tungo sa kaunlaran. Marami man ang wika ng ating bansa,
mananatili itong matatag kung may pagsasama-sama, pagkakaisa at pagtutulungan
tungo sa isang hangaring mapalago ang ating bansa.
Ang Tunay na Ako - Sanaysay
Sanaysay tungkol sa Aking Sarili...
"Ang Tunay na Ako"
ni Maria Regielyn N. Dequillo
Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-21 ng Nobyembre, 1997 at
kinalakihan ang pangalang, Maria Regielyn N. Dequillo. Lumaki man na hindi
kagandahan ang hitsura, hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may mabuting
asal mula sa mga pangaral nina Inay at Itay.
Noon
minsan ay ako ay inyong matatanaw --- nakaupo, sa isang sulok sa tabi ---
nag-iisa. Huwag kayong magtaka; ganoon lang talaga ako. Ako ay hindi kasi
marunong makisama sa ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang-ayon sa mga
ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay mahiyain din kaya ako ay hindi
marunong humarap at umaliw sa mga taong pumapaligid sa akin. Sa tuwing gumagawa
naman ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa, kay noon ay naisip
ko na:"Ano pa ang halaga ng aking pakikipag-usap sa kanila, kung ako ay
nakakainip o walng silbi kung kausap?". Dahil doon ay napagtanto ko na ako
ay iba sa kanila. Marami akong mga nakikita sa aking sarili na ibang-iba
kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay hindi ninyo makikita sapagkat ang kaibahan
na iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin ngayon ay waring pagpapanggap
lamang, dahil alam ko na walang sinuman ang makakatanggap sa tunay na katauhan
ko maging mga magulang ko. Sinisikap kong baguhin ang kaibahang ito, ngunit ano
pa ang magagawa ko? Ito talaga ako.
Ngayon,
mukha ko ay inyong makikita na parang masayahin, ngunit sa puso'y nakatago,
malungkot na damdamin. Aywan ko ba kung bakit ako ganito... ito lang siguro ang
tunay na ako.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan - Sanaysay
Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan
Maikling Sanaysay
Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga
sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng
malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa.
Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung
saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing
aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa
kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na
ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga
natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang
kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan
ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng
bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga
karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong
pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay
isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang
maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay
nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito
manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa
pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang
limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot
ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang
kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang
bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa
magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil
naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga
kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may
pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa
matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba't ang mga kabataan
ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na
edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para
sa bayan ay makamtan.
Disiplina at Karangalan - Sanaysay
Disiplina at Karangalan
Maikling Sanaysay : ni: Gregorio V.
Bituin Jr.
Sa ikauunlad daw ng bayan, disiplina ang
kailangan. Masasalamin natin sa kasabihang ito kung ano ang tinatawag nating
disiplina. Marami ang nakakaalam ng kasabihang ito, ngunit kakaunti
naman ang tunay na nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Ang disiplina’y
hindi lamang sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa tinig ng ating budhi, kundi
sa pagiging marangal at paggawa ng tamang bagay, sa tamang panahon, tamang
lugar, tamang paraan, at may tamang layunin, nang hindi nakasasakit ng damdamin
ng iba. Bagkus, nakagaganda pa ito ng ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa,
pamilya, pamayanan at daigdig. “Madaling magpakatao, mahirap magpakatao.” Ang
disiplina ay di lang nakikita sa ganda ng porma, pagiging mayaman at tanyag sa
lipunan, bagkus mas higit na dapat bigyang pansin ang paggawa ng kabutihan at
kaayusan para sa kapakanan, hindi lang ng sarili, kuni ng iba pang tao. Ikaw
kaya, kaibigan, masasabi mo bang disiplinado ang isang tao kung siya’y laging
maganda ang bihis, mayaman at kilala sa lipunan samantalang pinababayaan naman
niya ang kalikasan at kalagayan ng ibang tao? Ang isang mayaman na nagbibigay
ng malaking donasyon sa simbahan ngunit sa masamang paraan niya kinukuha ang kanyang
kayamanan ay masasabi nating hindi isang disiplinadong tao dahil siya’y hindi
marangal. Mas higit pang marangal sa kanya ang isang pulubing namamalimos sa
lansangan. Kung isa kang lingkod ng bayan ngunit nangungurakot ka naman,
matatawag ka bang disiplinado at marangal? Hindi pala dapat ihiwalay ang
disiplina sa karangalan, kaibigan. Ang isang estudyante ay masasabing
disiplinado kung pumapasok siya sa klase sa tamang oras, nagsisikap matuto at
matiyaga sa kanyang pag-aaral. Ang pamamasyal at pagliliwaliw ay hindi masama
basta’t hindi naaapektuhan ang iyong pag-aaral at iba mo pang gawain dahil
bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao. Mahirap naman kung parati kang
seryoso sa pag-aaral ngunit hindi mo naman nabibigyan ng panahon ang
makapag-relaks, magliwaliw at makihalubilo sa lipunan. Maling konsepto ng
disiplina ang nalalaman mo kung hindi mo naman nabibigyan ng kasiyahan ang
buhay mo. Basta ba wala kang ginagawang masama at hindi mo pinababayaan ang mga
gawain mo. May panahon ka sa pag-aaral kaya gamitin mo nang wasto ang oras na
ito para marami ka pang matutunan. Huwag sayangin ang panahon at perang
ginagasta para lang makapag-aral ka. Paano tayo magiging disiplinado, kaibigan?
May ilang akong maipapayo. Gawin mo ang mabuti ayon sa kakayahan mo at gampanan
mo nang mahusay kung ano ang papel mo sa pamayanan. Halimbawa, isa kang working
student. Pag oras ng trabaho, magtrabaho ka. Kung oras naman ng pag-aaral,
mag-aral kang mabuti. Hindi dapat maging dahilan ang pagiging working student
mo para ipasa ka ng iyong guro. Ngunit may mga bagay din minsan na nakalilito
tungkol sa disiplina. Halimbawa, isa kang trabahador sa isang pribadong
kampanya, at limang minuto na lang, late ka na. Mahigpit pa naman ang amo mo.
Eh, patawid ka ngayon ng kalsada ngunit pula ang ilaw sa takdang tawiran.
Tumawid ka dahil kailangan mong magmadali. Isa pa’y bihira naman ang dumadaang
sasakyan. Disiplinado ka ba o hindi? Kung dadaanin sa batas, mali ka dahil
tumawid ka na pula ang ilaw. Ngunit sa praktikal na pananaw, tama pa ring
tumawid dahil wala namang dumaraang sasakyan, bukod sa makakahabol ka sa oras,
hindi ka pa mapapagalitan ng boss mo. Medyo kumplikado ang disiplinang
tinutukoy, ano po? Marahil kaya kumplikado dahil iniisip natin na ang patakaran
ay patakaran, ang batas ay batas na hindi maaaring suwayin. At may dalawang
patakarang masasabi nating nagbabanggaan sa isang partikular na sitwasyon.
Batas sa trapiko (huwag tumawid kapag pula ang ilaw) laban sa batas ng kumpanya
(huwag ma-late at baka matanggal sa trabaho). Gayunman, kailangan nating maging
disiplinado at sumunod sa mga patakaran lalo na kung ito ang hinihingi ng
sitwasyon, at nais nating maging maayos ang lugar na ating ginagalawan, pati na
rin ang mga taong ating nakakasalamuha. Kung disiplinado ka, magpakatao ka. At
kung nagpapakatao ka, disiplinado ka. Gagawin mo ang tama at marangal.
Ipagpatuloy mo ito lalo na kung alam mo namang ikahuhusay ito ng mas
nakararaming tao. Tiyak na susuportahan ka ng iba sa mga wasto mong gawain.
Makakamit natin ang pinakamarangal na dignidad kung tayo ay may disiplina lalo
na kung nauunawaan natin at isinasagawa ang tunay na kahulugan nito. Ang
gawaing may malinis, marangal at mabuting hangarin ay nagbibigay-dangal sa
isang tao. Higit sa lahat, sa ugali mo masasalamin ang tunay na disiplina,
kaibigan at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at ang disiplinang ito
ay karangalan, na siyang tanging kayamanan na ng tao, kayamanang hindi
nabibili, hindi mananakaw, at ito’y mananatili kailanman! Karangalang higit na
kailangan sa katuparan ng hinahangad na kaunlaran. Karangalang higit pa sa
kayamanan.
Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot - Sanaysay
Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot
ni Khen Salce
Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo
na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling
mawawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag
inaabuso.
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa
paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang
dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man sa iba na ito'y
makakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumamit. Ang
ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon
dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng
panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli
sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang
ngayon.
Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga
magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit
ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga
kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas
ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa
pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo
lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang
problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit
maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga
magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging
inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.
Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang
mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay
magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal
na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot
sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa
paggamit ng bawal na gamot.
Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa
katotohanan...hoy gisingggg!!!!
Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay
Pagkakaisa Wikang Filipino: Susi sa
Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng
bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa
lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang
bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming
pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon
ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng
ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino
ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang
mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat
dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang
naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang
ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.
Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan
ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at
paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino
kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap
ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas
maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga
ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang
pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas
lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang
wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon
ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito
ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala.
Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang
wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan - Sanaysay
Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan,
Disiplina ang Kailangan
Maikling Sanaysay
Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong
kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at
mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito
sa mga kababayan nating hindi disiplinado. Hindi uunlad ang bayan kung ang mga
mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa,
hindi malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang
kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod
sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay. Pinatunayan ng mga
Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo
na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi
sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng
kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa
isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng
mga Pilipino. Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto
o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng
pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may
kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang
mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo,
respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong
ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng
negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging
matagumpay ka sa hinaharap. Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado,
ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging disiplinado
bago maging progresibo.
May Panahon Pa Kaibigan - Sanaysay
May Panahon Pa Kaibigan
Maikling sanaysay ni:
Eisa Rene Batallones y Saturno
Libong taon na ang
lumipas, nakintal sa isipan ng lahing kayumanggi ang mga hagupit at matinding
dagok dala ng mga mananakop sa lahing kayumanggi. Naglaho na ang mga kanyon, at
ang mga gatilyo ng baril na pumatay sa daang libong Filipino na nakipaglaban sa
kalayaan ng bayan ay tuluyan ng nagwakas na kalabitin at ngayon ay isa na
lamang itong ala-ala ng panahong lumipas.
Nakamit na ang
minimithing kasarinlan ng bansang inanod ng agos ang mga adhikain at simulain
na siya sanang uugit sa mga kabataan tungo sa matagumpay na hinaharap. At muli
itong inumpisahang balangkasin ng matino, maipagmamalaki at higit sa lahat ay
may angking tapang na maipatupad ito ng mga pinunong nilayon ay pangkalahatang
tagumpay. Subalit, tila yata hindi pa ganap ang sinasabing kalayaan. Ano nga ba
ang kalayaan? Kalayaan bang matatawag na magkaroon ng sariling batas na
ipinatutupad? Kalayaan bang mamuhay sa bansa kung naglipana sa bawat sulok nito
ang mga taong nagpapahirap sa sambayanang Filipino? Ang kalayaang inaasam ay
tila isang mwtaporika lamang ng kaganapang naroon na at nakamit na ang
kalayaan.
Nilamon ng progresibong
kabishanan ang noo’y ayak na pamumuhay. Ang mga paragos at kariton na batak ng
mga kalabaw ay madalang ng nasisilayan. Ang mga karitela na hila ng kabayo ay
mahirap mo ng masumpungan. Ang noo’y tahimik na kapaligiran ay inalingawngawan
ng mga busina ng makabagong sasakyang naggaling sa mga bansang dumaluhong at
nagwasak sa angking kariktan ng luntiang kapaligiran na tila baga winasak ng
isang malakas na delubyo.
Ang silangan at ang
kanluran na hinahasikan ng gintong palay ay untiunting ninakaw ng progresibong
pagsulong sa inaakalang ito ang mabisang paraan upang masawata ang kahirapang
tinatagalay. Subalit lingid sa matalinong kapasyahan ang mga ito ay patibong ng
makabagong kabihasnan na kitilin ang kagandahan, payak at matahimik na
pamumuhay.
Madalang na ang araro,
at isa na lamang itong palamuti sa taklab ng magsasakang bumungkal ng lupang
tinalo na ang lakas ng panahong lumipas. Bumulaga sa ating mga mata ang mga
nagtataasan at naggagandahang gusali na nakatanim kapalit ang luntiang palay na
nagbibigay ng gintong butil na isang biyayang matatawag.
Mayroon pa ba tayong
ninanais? Hindi pa ba sapat ang tagumpay na ating nakamit? Hindi pa ba sapat
ang kaalamang nakuha natin sa mga dayuhang pilit nating yinakap ang kanilang
kakanyahan tungo sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng bawat mamamayan? Alin pa at
ano pa ang kulang sa atin? Bakit walang pagsulong? Bakit nananatiling maraming
naghihirap kahit ang kaunlaran ng bansa ay ating nang namamalas? Bakit patuloy
ang kawalang katarungan lalo’t higit sa mga taong mahihirap?
Ako’y nagtataka,
nagugulumihanan sa kasalukuyang takbo ng politika sa bayan. Ang wangis ng isang
taong maprensipyo’y isang dalagang may angking alindog na niluray at
pinagsamantalahan ang angkin nitong yumi at kaandahan, di sin sanay ang patas
at makatuwirang laban ang ipairal, ipakita ang maginoon laban, hindi sa buhong
at may ganid na pagnanasa sa kaban ng bayan na pinagyaman ng mga taong ang
hangarin ay para sa pangkalahatan, hindi sa iisang tao lamang.
Lawitan mo ng pag-asa
na mabago ang kalakaran, gamitin ng wasto ang aking talino mo’t isipan upang
mapagtagumpayan ang sinusuong na pakikiba sa mga taong dala ay kapahamakan.
Hasikan mo ng pataba ang mga punlang isinurak sa matabang lupa, patabang
manggagaling sa utak ng kamalayan at masaganang kaalamang natutunan sa mga
naunang taong nakibaka na ipaglaban ang karapatang kalayaang mamuhay. Ang
pamumuhay ng patas, tahimik at malayang naisasakatuparan ang minimithing
pangarap sa buhay ng may katiwasayan.
Hamo't mangyaring aking
idalangin sa Diyos na Maawain at Mahabagin na ikaw ay pagpalain. Hindi pa huli
kaibigan, may panahon ka pang mag-isip ng tama. May panahon pa! May panahon pa…
kaibigan!
Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal - Sanaysay
Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal
Maikling Sanaysay
Hindi ako isang mangmang sa katotohanan
na kinahaharap ko bilang isang estudyante, at hindi isang bulag at pipi
na hindi na maging saksi sa kalidad ng edukasyon sa trying sa ami'y ipinasusubo
makasasapat iisip ito sa ating mga isip gutom. Ito konsepto na hindi namin
maaaring makatakas - ang pababa pababa sa kalidad na edukasyon upang magpatuloy
Aalis batang kaalaman gutom at uhaw.
Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi
isang pribilehiyo, ayon sa ating saligang batas. Ito ay isang pangangailangan,
hindi isang luho. Hindi nabili dahil walang katumbas na halaga. Ngunit ang
katotohanan, at ang edukasyon ay ngayon ng sanggol na may halagang nakabubutas
kanang bulsa, at ang paaralan ay hindi isang institusyon ngunit ang isang
layunin upang makatulong sa mga negosyo para sa kanilang sariling mga
pangangailangan. Kasabay ng bawat pagtaas ng mga kalakal ay ang pagtaas
taun-taon ng pagtuturo, suffocating aming mga namamatay na mga magulang. Ngunit
sa pamamagitan ng edad sa pintuan mo lang ng paaralan, tatambad sa iyo na fuels
ang gato-tulad ng kalansay istraktura na nagbibigay ng isang buga lamang.
Inaanay mga libro sa hindi sapat na bilang ng mga mag-aaral at ang kakulangan
ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ay nagiging hadlang sa pag-aaral.
Force na makinig sa mga paulit-ulit na aralin ng mga maestrang inuusal lamang
kahit na hindi niya alam ang kanyang pakikipag- usap. Idagdag sa mga miselenyus
patuloy na binabayaran ngunit hindi pinakinabangang. Kami rin sapilitang upang
harapin ang shortcomings ng paaralang ito, maiwawaglit pa rin sa ating mga isip
na tayo ay tao, may kailangan sa buhay, at isa sa edukasyon. pay namin malaki
na malaman ang bawat araw ngunit nagpunta sa bahay mula sa paaralan na wala na
pagkatapos ay walang laman ang bulsa, ang utak at tiyan ay mas puro hangin.
Ayon sa isang pananaliksik, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo
pinakakulelat pagdating sa Matematika, Agham at Ingles, samantalang ang
Singapore, na noon ay pa rin lamang sa puwit unlad sa mga araw ni Mark ay
kasalukuyang nangunguna sa tulad ng mga istatistika. Bakit ngayon mas modernong
Just kapag kami ay kaya sa down ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa? Paano
pa kaya sa hinaharap at mga lahi? Hindi na ako lang nagtaka kung paano ilang
mga kabataan ang patuloy na makikipagpatayan para sa kanilang mga karapatan, at
ang ilan lamang manatiling pipi at bulag na ito sapagkat ito lang kaya ng
kanilang mga magulang. Ang masaklap na isipin, ang kasalukuyang pasadsad na
edukasyon gating inang bayan ay ang sampu sa propesyonal affiliations namin ay
maaaring maging sa hinaharap. Ngayon, sa iyong tinatamasang kaalaman at kalidad
ng edukasyon, itanong sa iyong sarili, ano ito? Karapatan o isang pribilehiyo?
Sa Aking Paglalakbay - Sanaysay
Sa Aking Paglalakbay
Maikling Sanaysay
Minsan may grupo ng mga taong simbahan, mga seminaristang
lalaki at babae, ang nagpasama sa isang organizer para mag-bar hopping. Gusto
nila marahil ng exposure o mag-interview ng mga babaing nagtatrabaho sa bar. Sa
paglipas ng gabing iyon, umuwing nag-hihinanakit 'yung organizer. Sabi niya, sa
bawat bar na pinuntahan nila, tinatanong palagi ng mga seminarista sa mga
babaing nagtatrabaho sa bar kung nagsisimba sila. Hindi niya ito nagustuhan.
May mga ilan pa rin siyang reklamo pero hindi ko na matandaan.
Hindi ko alam kung ano ang sinagot ng mga bar women. Hindi
namin napag-usapan at hindi naman kami interesado. Pero nauunawaan ko ang
kanyang pakikisimpatya sa mga bar women. Habang nasa kalagitnaan siya ng
kanyang pagkukuwento naglakbay ang diwa ko.
Naisip ko, kung hindi sana mahigpit ang belong nakapiring sa
kanilang mga mata, marahil hindi na nila ito itatanong. Marahil kung hindi sana
makapal ang fake eyelashes na suot-suot ng mga bar women maaaninag nila ang
mabuting puso ng mga seminarista sa halip ng mga bilang ng basong nasa ibabaw
ng mesa.
Minsan ko na silang pinagmasdang magsayaw habang tinatanggal
isa isa ang saplot sa kanilang katawan sa saliw ng tugtuging Total Eclipse of
the Heart. Sa bawat piraso ng telang nahuhubad, sa bawat balat na lumalantad sa
aking harapan hanggang sa makita ko na lahat, lalu kong naintindihan na wala
naman palang masyado pagkakaiba ang mga kababaihan saan mang lugar, anuman ang
kalagayan at katayuan sa buhay. At kung tatanggalin mo pa ang balat at mga
kalamnan sa bawat kababaihan, tuluyan ng mawawalan tayo ng pangalan, lahi o
katayuan sa lipunan at makikita mong lahat tayo ay isang grupo lang ng
kalansay.
(Ganuon din naman ang kalalakihan, pero hindi naman sila ang
paksa ko.)
Sunday, September 18, 2016
The Vanity Of The Rat : Korean Folk Tale
The Vanity Of The Rat : Korean Folk Tale
A long time ago, there
lived a rat couple who had 1 daughter. Since they had no other children, they
gave her everything. When it became time for their daughter to marry, they
wanted only the best husband for her. They thought about all of the rats that
they knew, but none of them were good enough for their daughter.
One day, Mr Rat said to
his wife "I know who will make the
perfect husband for our daughter, the Sun." "The Sun?" asked Mrs. Rat. "Why do you think the Sun would make a good husband." "Because there is none more powerful in the
world than the Sun" said the husband. "Yes, Yes. Yes. The Sun is the most powerful. He's bright as well. Let's
ask him at once" said Mrs. Rat.
The two rats went out
into their garden where the Sun was shining. "Oh, Mr. Sun!" they called, trying to keep their eyes open as
they looked up into the sky. "Yes,
what can I do for you?" replied the Sun. "Should you accept, my wife and I would like to offer you our daughter's
hand in marriage," said Mr. Rat proudly. "I'm honored" said Mr. Sun, But why
do you want me to marry your daughter?" "Because you are so powerful and magnificent!" said Mr. Rat,
while Mrs. Rat nodded her head in agreement.
"Well, I'm pleased that you think so highly
of me" said Mr. Sun. "But
there is one that is more powerful than me." "Who might that be?
asked Mr. Rat. "Why Mr. Cloud, of
course! I am powerless when he covers me." "Yes, so true" said Mr. Rat, nodding over and over."Come on dear,” he said, taking his wife
by the hand. "Let's go see Mr. Cloud."
They climbed up a
nearby mountain, over which a big cloud hung in the sky. They called to Mr.
Cloud and telling him what Mr. Sun had said, offered their daughter's hand in
marriage. Again, the couple received a much different answer that what they
were expecting. Mr. Cloud said "What
the Sun says is true. However, I am powerless when I meet Mr. Wind. Wherever he
blows, I must go." "Yes.
Yes. Of course, of course" said Mr. and Mrs. Rat. They then set out to
find Mr. Wind.
Coming down the
mountain, they found Mr. Wind in a grove of trees. "I am strong" he told them on hearing their story. "I can make a big tree fall over or blow down
a house. I can shake up an ocean. But try as I may, I can't move a stone
buddha." "Then, we'll just
have to ask a stone buddha" said Mr. Rat. So, Mr. and Mrs. Rat hurried
down the mountain to the stone buddha standing near their village.
"Well, I'm flattered that you want me to
marry your daughter" said Mr. Stone Buddha. "But I don't think I'm right for her either. I am indeed strong and Mr.
Wind can't move me, but I am no means the strongest of them all. There is one
that can make me fall over easily. The very thought of it is making me shake
already." "Please Mr. Stone
Buddha" said Mr. Rat. "Please
tell us who." "None other
than you and your cousins the moles" said Mr. Stone Buddha. "You and your cousins are very strong. Why if
you burrow under my feet, I'll fall over and land on my head. I'm no match for
you" said Mr. Stone Buddha. "Thank
you" said Mr. Rat, "You've
been very helpful.”
After the long search
for a suitable suitor, the rat's daughter married a rat.
Thursday, September 15, 2016
Tula Para sa Kalusugan
Tula
Para sa Kalusugan
Kalusugan ni Baby ay paghandaan
Upang kanyang makamtan ang isang
napakagandang kinabukasan
Kalusugan niya’y iyo din pahalagahan
Kaya Mommy si Baby ay iyong gabayan at
tutukan
Simula sa kaniyang pagkasilang
Breastfeeding iyong ipagsa-alang-alang
Upang habang siya’y lumalaki, siya’y
nagiging malakas
Sa kanyang unang 6 hanggang 8 buwan siya
iyo ng pakainin ng patatas
Sa kanyang unang tao siya’y pakainin ng
kanin
Na nagtataglay ng Carbohydrates na
nagbibigay lakas sa atin
Dundan ng paunti-unting itlog, isda at
karne din
Na siyang taga-pagbigay ng Protina para
ito sa kalusuang ng dugo natin
Gulay at prutas ay isa pa sa mga
mahahalaga
Tulad ng lamang ng mansanas at mangga
Tulad in ng patatas at kalabasa
Mga pinagmumulan ng iba’t-ibang mineral
upang tayo’y manatiling malusog at masigla
Mommy, habang siya’y bata pa iyo ng
sambitin
Pagkain ng junkfoods ay huwag na niyang
balakin
Tulad ng softdrinks at tsit-tsirya,
huwag na huwag niyang kakainin
Upang sakit ay di niya pasanin
Pagtulog ng tama sa oras at sapat
7 hanggang 9 na oras kanyang sundin
dapat
Turuang mag-ehersisyo para sa mga
kalamnan
Gatas, huwag pa ring kakalimutan para sa
ating mga ngipin at buto man
Mommy, ang Panginoong Diyos sa iyong mga
pangaral kay Baby ay huwag kakalimutan
Dahil Siya ang nagbigay buhay at Siya
ang ating sandigan
Mga sakit sati’y inaalis upang ang tao
ay di mahirapan
Manalangin, magpasalamat upang patuloy
na biyaya’y ating makamtan
Nutrition - Diet - Food - Calories - Nutrients - Rice - Milk - Energy - Iron - Egg
Nutrition is the science that interprets the interaction of nutrients and other substances in food in relation to maintenance, growth, reproduction, health and disease of an organism. It includes food intake, absorption, assimilation, biosynthesis, catabolism and excretion.
The diet of an organism is what it eats, which is largely determined by the availability, the processing and palatability of foods. A healthy diet includes preparation of food and storage methods that preserve nutrients from oxidation, heat or leaching, and that reduce risk of foodborne illness.
In nutrition, diet is the sum of food consumed by a person or other organism. The word diet often implies the use of specific intake of nutrition for health or weight-management reasons (with the two often being related). Although humans are omnivores, each culture and each person holds some food preferences or some food taboos. This may be due to personal tastes or ethical reasons. Individual dietary choices may be more or less healthy.
Complete nutrition requires ingestion and absorption of vitamins, minerals, and food energy in the form of carbohydrates, proteins, and fats. Dietary habits and choices play a significant role in the quality of life, health and longevity.
Food is any substance consumed to provide nutritional support for the body. It is usually of plant or animal origin, and contains essential nutrients, such as carbohydrates, fats, proteins, vitamins, or minerals. The substance is ingested by an organism and assimilated by the organism's cells to provide energy, maintain life, or stimulate growth.
Historically, people secured food through two methods: hunting and gathering and agriculture. Today, the majority of the food energy required by the ever increasing population of the world is supplied by the food industry.
Calories are units of energy. Various definitions exist but fall into two broad categories.
• The small calorie or gram calorie (symbol: cal) is the approximate amount of energy needed to raise the temperature of one gram of water by one degree Celsius at a pressure of one atmosphere.
• The large calorie or kilogram calorie (symbol: Cal), also known as the food calorie and similar names, is defined in terms of the kilogram rather than the gram. It is equal to 1000 small calories, 1 kilocalorie (symbol: kcal).
Nutrients are components in foods that an organism uses to survive and grow. Macronutrients provide the bulk energy an organism's metabolic system needs to function while micronutrients provide the necessary cofactors for metabolism to be carried out. Both types of nutrients can be acquired from the environment. Micronutrients are used to build and repair tissues and to regulate body processes while macronutrients are converted to, and used for, energy. Methods of nutrient intake are different for plants and animals. Plants take in nutrients directly from the soil through their roots and from the atmosphere through their leaves. Animals and protists have specialized digestive systems that work to break down macronutrients for energy and utilize micronutrients for both metabolism and anabolism (constructive synthesis) in the body.
rice
1.the starchy seeds or grain of an annual marsh grass, Oryza sativa, cultivated in warm climates and used for food.
2. the grass itself.
milk
1. an opaque white fluid rich in fat and protein, secreted by female mammals for the nourishment of their young.
"a healthy mother will produce enough milk for her baby"
verb
1.draw milk from (a cow or other animal), either by hand or mechanically.
synonyms: draw milk from, express milk from
"Pam was milking the cows"
In physics, energy is a property of objects which can be transferred to other objects or converted into different forms. The "ability of a system to perform work" is a common description, but it is misleading because energy is not necessarily available to do work. For instance, in SI units, energy is measured in joules, and one joule is defined "mechanically", being the energy transferred to an object by the mechanical work of moving it a distance of 1 metre against a force of 1 newton. However, there are many other definitions of energy, depending on the context, such as thermal energy, radiant energy, electromagnetic, nuclear, etc., where definitions are derived that are the most convenient.
Iron: An essential mineral. Iron is necessary for the transport of oxygen (via hemoglobin in red blood cells) and for oxidation by cells (via cytochrome). Deficiency of iron is a common cause of anemia. Food sources of iron include meat, poultry, eggs, vegetables and cereals (especially those fortified with iron).
Egg 1 : an oval or rounded body surrounded by a shell or membrane by which some animals (as birds, fish, insects, and reptiles) reproduce and from which the young hatches out. 2 : egg cell. 3 : the contents of the egg of a bird and especially a chicken that is eaten as food.
Wednesday, September 14, 2016
5 elements of news
FIVE ELEMENTS or a combination of them.
1. Proximity: The story is NEARBY or LOCAL.
2. Prominence: The story involves a WELL KNOWN PERSON.
3. Timeliness: The story happens RIGHT NOW.
4. Consequence: The story AFFECTS MANY PEOPLE.
5. Human Interest: The story touches AN EMOTION.
1. Proximity: The story is NEARBY or LOCAL.
2. Prominence: The story involves a WELL KNOWN PERSON.
3. Timeliness: The story happens RIGHT NOW.
4. Consequence: The story AFFECTS MANY PEOPLE.
5. Human Interest: The story touches AN EMOTION.
Tuesday, September 13, 2016
Meaning of second and third stanza of the man with a hoe
The second and third stanzas are comparing what a hard
working man is to the ideal of man's creation. The second stanza starts with
"Is this the thing the Lord God made..." and the third stanza ends
with "Cries protest to the Powers that made the world, / A protest that is
also prophecy." ... The poem seems to be saying that humanity isn't living
up to what God wanted, or what he promised, and that he could have and should
have done better, or prevented the world from allowing man to get to this
state. In these stanzas and throughout the rest of the poem I think there is a
lot of responsibility placed on humanity as well... that we will be judged for
what we allow to happen to each other.
Monday, September 5, 2016
Akrostik kahulugan
Akrostik (Acrostic)
Pangngalan (noun)
Isang palaisipan na kung saan pupunuin mo ang parisukat na
parilya ng mga salita na kapag binasa ay katulad ng pagbasa paibaba.
Taludtud na kung saan ang mga tiyak na letra tulad ng nauuna
sa hanay ay bumubuo ng salita o mensahe.
Sanaysay, na karaniwang nasa taludtod, na kung saan ang una
o huling titik na nasa hanay, o iba pang tiyak na letra, kinuha ng may kaayusan,
bumubuo ng pangalan, salita, pangungusap o salawikain/kasabihan.
Tumutukoy, o nagpapakita ng, mga akrostik
Series of Adverbs
Adverbs of series -When two or more adverbs modify a verb this is
the order by which the adverbs should be written: Manner, Frequency, Place,
Time, and Cause or Reason Frequency Example: The manager checks his employees
(once a day) in the factory (in the Time Cause or Reason morning) (to monitor
their progress).
Several
inaccurate, inadequately-edited papers
But
this is not an example of a series of adverbs.
A
series of adverbs would be something like this:
Biology
faces an endless frontier — eagerly, gladly, confidently.
Subscribe to:
Posts (Atom)