Isang Kuwento "Pahayag"
Ni Emilio Jacinto
Isa iyong gabing madilim. Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim
na langit ng kagimbal-gimbal na gabing iyon. Nakayukayok at sapupo ng
dalawang palad ang mukha, naghihi-mutok ang isang kabataan.
Ang
tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang
tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanga-nganib nang kusang
panawan ng buhay.
Sa yugtong
halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip
na kahila-hilakbot at palagiang- gumigiyagis sa kanyang puso, na waring
nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa
yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang
balikat at naulinigan ang isang mahinang tinig, matamis at malungkot, na
nag-uusisa:
"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?"
Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya at
halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na
waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.
"Ay, mahabaging
anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang katighawan. Maaaring
kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang
halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking
paghibik?"
"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan
at ang katunggakan ay magging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao
at ng mga bayan?
"Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon
pabalikwas sa kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at
adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan
kayo magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaa-ring
matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng
sangkalupaan."
"Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?"
"Ay, sa aba ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon?
Ngunit htndi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon
magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong
mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng
mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya naglaho sa myong mga
gunita ang pagkakilala sa akin...
"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig:
Ako ay ang Simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at
higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng
sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona;
nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang
mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay
ang siga ng "Santa Inkisisyon" na ginamit ng mga prayle para busabusin
ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa
ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at
walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa
akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami
at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang
mababangis na panginoon;
Kailangan ako sa bawat naisin at
lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya
at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at
ibangpook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at
tuklasin ang mga hiwaga ng siyensiya; saan mang pinaghaharian ko ay
napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na
nalulunod sapang-aalipin at kabangisan.
Search This Blog
Wednesday, November 26, 2014
Buod ng Mga Ibong Mandaragit - Amando V. Hernandez
BUOD NG MGA IBONG MANDARAGIT (1969)
Amando V. Hernandez
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.
Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.
Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.
Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes
Lupang Tinubuan
Ni Narciso G. Reyes
Ang tren ay tumulak sa
gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga
babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas.
Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang
baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong
mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka!
Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi.
Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez.
Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako
araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli.
Ang tren ay nabuhay at
dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang
takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng
umaga.
Huminga nang maluwag
ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init
doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga
bahay at halaman sa dinaraanan.
Ang galaw ng makina
ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang
alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng
pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na
naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng
iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y
nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian
ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang
pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at
naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa
Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa
kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman
o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala
ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang
kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang
Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang
daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na
alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid,
luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong.
Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon
at ditto, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw
ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at
walang ulap na langit.
‘Walang maganda rito
kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila.
Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po
naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito
isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong
mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila.
Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng
bagay sa paligid-ligid.
Kay rami pala niyang
kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana.
Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong
Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod
at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay
at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa
mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni
Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob niya.
’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’
Sapagkat sila lamang
ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang
pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng
kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na
lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana
si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa
pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito
ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai
Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng
mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.
Isang manipis na
dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng
bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na
napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina salo ng pinagbuhol
na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong
nakikiramay sa mga namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na
pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang
pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan
ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha
ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa
katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang
hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig
sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.
’Hindi mo nababati ang
Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong
si Bining,’ ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng
yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang
kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa
mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at
makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.
Pagkakain ng tanghalian
ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na
ang panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa,
na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng
mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.
Hindi kalayuan, sa
gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan.
Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding
at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.
’Kaparis ka ng iyong
ama,’ ang wika niya.
’Bakit po?’
’Balisa ka sa gitna ng
karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’
’May mga sandali pong
kailangan ng tao ang mapag-isa.’
’Ganyan din siya kung
magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’
’Nasaksihan po ba ninyo
ang kanyang kabataan?’
’Nasaksihan!’
Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama
mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’
Tumayong bigla si Lolo
Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ’Doon siya malimit magpalipad
ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa
kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang
akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’
Lumingon ang matanda at
tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ’Sa itaas ng punong ito
pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan,
nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa
kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang
maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan.
May tagong kapilyuhan ang ama mo.’
Napangiti si Danding.
’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?’
’Oo,’ natigilan si Lolo
Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ’Nahuli sila sa tabi ng
isang mandala ng palay.’
’Nahuli po?’
’Oo – sa liwanag ng
aandap-andap na bituin.’
Marami pang ibig
itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka
hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo,
at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
’Ano ang pinanood mo sa
bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan.
’Ang araw,’ ang tugon
ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita
sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay.
Ang libingan ay nasa
gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay
Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay nila,
na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na
bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang
labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga
pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan
ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling
maging ang pinakamaliit na halaman.
Handa na ang hukay.
Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng
huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang
ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila.
Nabasag ang katahimikan
at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping pananangis na higit na
makadurog-puso kaysa maingay na pag-iyak.
Pinagtiim ni Danding
ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman
niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
Sandaling nag-ulap ang
lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at
ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan.
Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
Ibig niyang mapag-isa
kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang
nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang
hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil
si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang
mukha at leeg.
Ang kapayapaan ng bukid
ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga
siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat
niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang
maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango
ng hanging iyon.
Unti-unti siyang
pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa
kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang
kanyang puso.
Palakas nang palakas
ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay!
Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at
siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa
kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita.
Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya
sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng
pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga
halakhak ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay
tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang
tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay
napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga
sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling
naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.
Sa kabila ng mga
magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng
mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng
kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa
kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang
napangiti.
Sa dako ng baybay ay
nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang
pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng
dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang
dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at
ang ilang aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
Monday, October 20, 2014
Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang Pilipino - Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas
Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang Pilipino (Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas)
Panahon ng Katutubo
- May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito
- Alibata ang kadalasang ginagamit
- Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat
- Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:
- ALAMAT
- KWENTONG BAYAN
- EPIKO
- a. Bidasari - Moro
- b. Biag ni Lam-ang - Iloko
- c. Maragtas - Bisaya
- d. Haraya - Bisaya
- e. Lagda - Bisaya
- f. Kumintang - Tagalog
- g. Hari sa Bukid - Bisaya
- 4. Mga Awiting Bayan
- 5. Karunungan Bayan
- a. Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
- hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
- b. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan
- hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- c. Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
- hal. Isang tabo , laman ay pako. (langka)
PANAHON NG KASTILA:
Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:
1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
2. Naituro ang Doctrina Cristiana
3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

Mga Unang Aklat:
a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)

Mga Akdang Pangwika:
a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka
Mga Dulang Panlibangan
1. Tibag 7. duplo
2. Lagaylay 8. kurido
3. Sinakulo 9. saynete
4. Panubong 10. karagatan
5. Karilyo 11. sarswela
6. Moro-moro
a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka
Mga Dulang Panlibangan
1. Tibag 7. duplo
2. Lagaylay 8. kurido
3. Sinakulo 9. saynete
4. Panubong 10. karagatan
5. Karilyo 11. sarswela
6. Moro-moro
PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP (Propaganda)
- Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
- Pagpasok ng diwang liberalismo
Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

PANAHON NG MGA AMERIKANO
1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano
2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas
Mga Pahayagan:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)
Mga Dulang Pinatigil:
1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Walang Sugat – Severino Reyes
Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:
1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog:
1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernadez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado
1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernadez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado
PANAHON NG HAPON
1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan
2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat

Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon
1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo
Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon
a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga - ni Clodualdo del Mundo
d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales

Ilang Mahusay na Maikling Kwento
a. Lupang Tinubuan ---- Narciso Reyes
b. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan – NVM Gonzales

Bagong kalayaan 1945 - 1972
- Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas
- Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng pamumuhay noon atbp
- Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
- Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
- Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa
- Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
- Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:
Taliba ng Inang Wika (TANIW)
Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:
Philippine Writers Association
Dramatic Philippines
Philippine Educational Theater Association (PETA)
Arena Theater
Barangay Writer’s Guild

Batas Militar 1972 – 1986
- 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
- Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
- Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
- Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
- Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)
Kasalukuyang Panahon
- Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino
- Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
- Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular
- Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
- Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham
- Malayo na rin ang naaabot ng media
- Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
- Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin

Tuesday, October 14, 2014
Paglalayag Sa Puso ng Isang Bata
Ni Genoveva Edroza-Matute
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni’t ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y nagdumali, ang ila’y nagmabagal at ang ila’y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni’t ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalalang siya’y taga ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng “Goodbye, Teacher!”
Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa’y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanna tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami’t mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti’t pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya’y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao’y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, “Goodbye, Teacher,” sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao’y naiiwan sa akin ang katiyakang siya’y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya’y mahalaga at sa kanya’y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa’t bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minidal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo’y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili.
Napopoot siya sa akin. At ito’y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas…Marahil. Kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki’y may nagugulumihanang tingin. “Goodbye, Teacher,” ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.
Labels:
filipino
Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pangtanghalan
Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict”. Ito an pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga librong kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rink ay Tiongson. Memises ang pangunahing sangkap ng Dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banayaga sa Pilipinong dula.
Inilalarawan sa tunay na Pilipinong Dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay a dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinlang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ngtula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan , kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga katutubong Pilipino.

dula
Causes and Consequences of Malnutrition Through Large Size Family
How large size family became causes of Malnutrition
Many people living in low-income countries rely on manual labor to earn an income to support their family, often the wages are enough to for the family of one or two children. When the number of children increases the income are not enough to support the daily needs of the children, particularly when the children started to go to school for education, which most often than not, they stop in high school, because the income are not even enough for the daily consumption of foods which leads to malnutrition. Low-income households usually spend the majority of total household income on food.
How to prevent the consequences of malnutrition through large size family
To prevent the malnutrition is to educate them to eat healthy using only what is available in their community, teaching them to plant vegetable as daily food. A healthy and balanced diet contains foods from all the major food groups. Educate the community what is the importance of family planning so that the next generation would limit their family number.
How the consequences of malnutrition through large size family
Lack of education leads to malnutrition, due to poverty. The interconnected nature of poverty because of large size family and malnutrition demonstrate the complexities in identifying major determinants of health as they relate to food security. Malnutrition has both micro- and macro-level consequences. Micronutrient deficiencies impair individual cognitive capacity and lower national IQ scores; they weaken individual immune systems and increase national mortality rates, and they hinder individual productivity, lowering national income and inhibiting economic growth.

Causes and Consequences of Malnutrition Through Lack of Eduation
How lack of education became causes of Malnutrition
Lack of education often causes of poverty and Poverty as a Consequence of Malnutrition, malnutrition at an early age can cause a spiraling effect that deepens the influence of poverty and entraps individuals and societies in what is known as the “cycle of poverty.” Limited knowledge about the nutrition may cause them to eat unhealthy food that may cause under nourishment.
How to prevent the consequences of malnutrition through lack of education
To prevent the malnutrition is to educate them to eat healthy using only what is available in their community, teaching them to plant vegetable as daily food. A healthy and balanced diet contains foods from all the major food groups.
How the consequences of malnutrition through lack of education
Lack of education leads to malnutrition, due to poverty. Malnutrition has both micro- and macro-level consequences. Micronutrient deficiencies impair individual cognitive capacity and lower national IQ scores; they weaken individual immune systems and increase national mortality rates, and they hinder individual productivity, lowering national income and inhibiting economic growth.

Karagatan, Duplo, Batutian, Balagtasan
Karagatan - uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
Duplo - isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula ang paligsahan sa pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
Batutian (Ingles: satirical joust) ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan. (wiki)
Ang batutian ay hango sa pangalan ng pinakatanyag na man-babalagtas na si Jose Corazon de Hesus alyas "batuteng huse" Kabilang sa mga katangian ng Batutian na lumabas sa magasin noon ang pagtalakay ng siste ang pagtalakay sa kasalukuyan isyu pampulitika o pangkultura ang pagpapa-antig ng damdamin ng mambabasa ang pagpapalitan ng katwirang maaaring taglayin ng magkatunggaling sektor sa pamayanan ng tulaan.
Balagtasan - isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan. (wiki)
Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at usapan.

panitikan
Monday, October 13, 2014
Alamat ng Sampalok
Sa isang komunidad ay amy matapobreng donyang sobra sa sungit. Wala itong kinikilalang kapitbahay. Kailangang lagi mo siyang tinatawag na donya upang hindi ka niya ingusan at sigaw-sigawan.
Kapag may kalamidad tulad ng bagyo, sunog, o lindol na lubhang nakaapekto sa mga kapitbahay ay wala siya isa mang tinutulungan. Ang lahat ng kayamanan ay kanyang iniingatan. Gusto niyang lagi itong nadadagdagan upang mapanatili raw niya ang kasaganaan habambuhay.
Sa kawalan ng puso ng donya ay malayo ang damdamin ng mga kababayan niya. Kapag bumababa sa malapalasyong bahay at sumakay sa ipinagyayabang na karwahe ay parang wala siyang sinumang nakikita. Para sa kanya pinakamayaman siya at pawang maralitang dapat tapak-tapakan ang lahat na.
Sa panunuod ng mga sarsuela sa plaza ay kailangang ipagdala siya ng silya ng mga katulong na inaapi-api niya. Gusto niyang pag-usapan ng lahat ang bago niyang baro at saya.
Sa pagsisimba sa kapilya gusting-gusto rin niyang sa harapan siya nakikita. Laging may dalawa siyang katulong na nagsasalit magpaypay sa kaniya. Kapag bigayan na ng abuloy sa simbahan ay parang bulag siyang walang nakikita. Ayaw niya kasing mabawasan kahit katiting ang iniingatang kayamanan na hindi naman niya madadala sa libingan.
Kapag nagdadaan ang prusisyon sa lansangan ay makikitang buong rangyang nagliliwanag ang malalaking bintana ng donya. Ngingisi-ngisi siyang nanunungaw na para bang nagpapahayag sa lahat na tanging ang bahay niya ang pinakamalaki at pinakamaganda na dapat tingnan lamang at kaingitan.
Iyan ang donyang makasarili at mayabang. Walang panahon sa mga kapitbahay at tuwang-tuwang nakauungos sa lahat ng bagay.
Isang tanghali ay galit nag alit ang donya sapagkat nagambala ng nagkakaingay na mga bata ang prenteng-prenteng pagtulog niya. Sumagsag siyang pababa. Nakita niyang nag-aagawan ang mga bata sa mga buto ng halamang ipinamimigay ng isang matandang pulubi.
“Hoy pulubi! Bakit mo ipinamumudmod ang mga butong iyan sa oras ng pagtulog ko ha?” nanggagalaiting tanong ng ganid na donya.
“Pa…pasensya na po kayo. Hindi ko po alam na natutulog kayo,” pagmamakaawa ng pulubi.
“Pasensya, naistorbo mo na ang pagtulog ng reyna ngayon ka pa magdidispensa? Hoy mga bata, huwag na huwag kayong mag-iingay sa harap ng bahay ko oras-oras, minu-minuto. Kung hindi ay matitikman ninyo ang galit ko!” asar na sigaw ng donyang walang pinahahalagahan.
Napaurong ang nanginginig na mga bata nang paghahablutin ng donya ang matitigas na butong tangan-tangan nila.
“Dahil sa mga batang ito nagising tuloy ako. Sige mabahong pulubi, lumayas ka na!. Kay rin mga pesteng bata kayo, umalis kayo sa harap ko!. Alis ngayon din, pronto!”
Nang mapag-isa ang mapang-aping donya ay galit na galit na itinapon nito ang mga buto sa bakuran.
Isang lingo lang ang lumipas ay nagulat ang donya nang matanaw niya sa bakuran ang naglalakihang mga halaman. Natitiyak niyang ang mga iyon ang mga butong ipinamahagi ng pulubi sa mga bata.
Hindi nagtagal ang mga halaman ay naging matataas na puno. Takang-taka ang donya nang mamunga ang mga ibinato niyang mga buto. Pagkatatamis at matuwid na matuwid ang mga bunga ng mga punong may malalabay na mga sanga.
Isang hapong masayang pinagmasdan ng donya ang mga punong hitik sa bunga ay nasulyapan niya ang nakagalitang mga bata na titinga-tingala.
“Pwede po bang makahingi?” gutom na nakikiusap ang mga bata.
“Ano, pahingi? Ako ang nagtanim at nagdilig bakit kailangang manghingi kayo? Mga walang modo! Parang wala kayong mga magulang na nagtuturo sa inyo. Umalis kayo ngayon dito. Bilisan ninyo!”
Upang mapabilis ang pagpapaalis ay kumuha ng timba ng tubig ang donya. Humahalakhak na pinagbabasa nito ang mga paslit na bata na ginaw na ginaw at lubhang kaawa-awa.
Sa di kalayuan ay biglang sumulpot mula sa kawalan ang uugud-ugod na pulubi. Alam niyang nagmamalabis na naman ang donya kaya napilitang lumapit siya. Nagmakaawa siyang bigyan man lang siya ng kahit ilang bunga ng mga punong nagsitubo sa malawak na bakuran.
“Hoy pulubi heto ka na naman. Dati ay inistorbo mo ako sa pagtulog. Ngayon nama’y humihingi ka ng ipagtatawid gutom. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Lumayas ka, layas!”
Hindi tuminag sa pagkakatayo ang matanda.
“Sobra ka na! Ang nagugutom ay dapat mong pakainin. Ang nauuhaw ay dapat mong painumin!”
“Kahit kumpul-kumpol ang matatamis na bunga ng mga punong ito ay ipagdadamot ko sa iyo. Wala akong pakialam kung magutom ka man. Ang mahalaga ay kinaiinggitan ng lahat ang mga punong tumubo sa aking bakuran.”
“Ka…kahit na isa man lang. Kaawaan mo na ang isang matandang katulad ko na hilahod na sa gutom.”
“Kahit na kaputol ay di kita bibigyan. Manigas ka riyan sa gutom.”
Akmang papanhik na ang donya nang biglang habulin ng pulubi ang nahuhulog na kumpol na mga bunga.
Sa sobrang galit ng donya ay sinundan kaagad nito ang yuyuko sanang pulubi. Hinablot ng matapobre ang braso ng matanda at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwang pisngi ng pobre. Ang lakas ng sampal ay ikinatumba at ikinasadlak ng pulubi sa maalikabok na bakuran ng gahaman.
Nanginginig na tumindig ang pulubi at sa isang marangal na tinig ay nangusap, “Kaawa-awa ka Petronila.” Takang-taka ang donya pagkat alam ng pulubi ang tunay na pangalan niya. “Pulubi nga ako pero busilak naman ang puso ko. Ang ibinibigay ko lamang ay anumang aking nakakayanan. Ang mga buto ng halamang namumunga sa iyong bakuran ay mga butong nakaya kong ihandog sa mga pobreng batang tumulong sa akin upang makatawid ako sa tulay na baging na natatanaw mo mula rito. Mga buto lang iyan na pinagkaguluhan at pinagkatuwaan lang nilang paghati-hatian. Mga butong inagaw mo sa kanila na ngayong namunga ay ipinagkait mong hatian sila. Isinusumpa kong magiging maasim ang bunga ng punong iyan. Matuto ka sanang magpakababa sapagkat mamamatay din tayo at ang lupang tinutuntungan natin ay siya ring lupang sa atin ay maglilibing.”
Pagkasabi nito ay tumalikod na ang matanda. Kinabahan ang donya lalo na nang ang mga bunga ng mga punong nasa harap ay nagsiurong at nagmistulang ga daliring nanduduro.
“Lo…lola patawarin ninyo ako,” lumuluhang sabi ng mapagmataas na donya. Pero kahit na anong alok na ihain ay hindi na lumingon pa ang pulubing tila magliliwanag ang katauhan sa mataos na kabaitan.
“Sinampal mo ako tapos inalok?” gumagaralgal pa rin ang tinig ng pulubi na sa isang iglap ay naging liwanag na nakasisilaw. Nang mawala sa harap niya ang matanda ay napaluhod ang donya sa malaking misteryong naganap sa kanya.
Sapagkat sumampal tapos ay nag-alok, ang prutas na umasim mula noon ay tinawag nang Sampal-Ok na sa paglipas ng mga taon ay naging Sampalok. Diyan nagsimula ang alamat ng Sampalok.

alamat
Alamat ng Tandang
Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa’t isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
“Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan.”
“Pa…patawad po, Bathalang Sidapa.”
“Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.

Alamat ni malakas at maganda
Sinasabing sa simula ay wala pang daigdig at Tao; mayroon lamang langit at dagat. Magkasinlawak ang dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging nilalang na nakapagitan sa kanila ay isang ibon.
Walang tigil sa kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at mapagod. Naroon nga ang langit sa itaas ngunit Hindi niya ito abot. Naroon nga ang dagat sa ibaba, ngunit Hindi naman siya makalapag.
Nag-isip ang ibon kung paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong pabulusok at kumahig nang kumahig sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at walang aptid ang kanyang pagkahig na ikinasaboy paitaas ang tubig.
Nagimbal ang langit. Natiyak na kapag Hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay baka umabot sa kanyang dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-alab ang dibdib ng dagat sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na siya ng paraan para mapahinto ito.
Naiisip ng langit na gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak iyon sa dagat upang maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.
Sa mga batong ibinagsak niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang siyang gawing pugad, at saka sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.
Lumapag anga ang ibon sa isang batong pulo ngunit my namataan naman siyang isang bagay na lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya ay masagi at masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang tigil na tinuka ang kawayang may dalawang biyas.
Nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang babae naman sa ikalawa.
Sa dalawang ito nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang Tao.

Alamat ng Sibulan Sa Bundok Apo
Bagobo Myth of the People of Mindanao
SIBULAN: pinagmulan; bukal ng sapa o ilog; tinubuan...
Ito ay mainam halimbawa kung paano tinatangka ng mga tao na ipaliwanag ang mga bagay at pangyayari sa kani-kanilang paligid. Halos lahat sila, pati ang mga Bagobo, ay naniwalang sila ang kauna-unahang tao. Sa matandang-matanda nang alamat na ito, inilahad ng Bagobo ang pinagmulan nila at ng mga kalapit. At binago ang alamat upang ipaliwanag ang pinagmulan ng mga ang Español at Amerkano na dumating nitong nakaraang 400 taon lamang... --Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916
NUONG pasimula, nabuhay ang isang lalaki lamang, si Toglai, at isang babae, si Toglibon. Ang 2 unang anak nila at isang lalaki at babae na, paglaki, ay naglakbay sa malayong-malayo upang humanap ng matitirahan. Walang nabalita tungkol sa kanila hanggang bumalik ang kanilang mga anak, ang mga Español at mga Amerkano.
Pagkatapos umalis ang 2 unang anak, nagka-anak pa ng marami sina Toglai at Toglibon. Wala sa kanilang umalis, namuhay lahat sa Sibulan, sa gilid ng bundok Apo, kasama ng kanilang mga magulang. Pagkaraan ng matagal na matagal na panahon, namatay din, sa wakas, sina Toglai at Toglibon at naging mga ‘diwata.’
Hindi nagtagal pagkatapos, nagpanahon ng tuyot (sequia, drought) at sa luob ng 3 taon, wala kasing patak ng ulan (lluvia, rain) na bumagsak. Lahat ng ilog at lawa ay natuyo, at sa kawalan ng tubig, natuyo lahat ng halaman, at namatay pati mga isda at iba pang hayop na nabubuhay sa tubig.
“Talagang pinarurusahan tayo ni Manama,” sabi ng mga ulilang magkakapatid. “Kailangang maglakbay tayo nang malayo sa iba’t ibang upang humanap ng tubig at pagkain.”
Dala-dalawa, nag-alisan ang magkakapatid mula sa sinibulan sa bundok Apo at kumalat kung saan-saan. Sa bawat puok na tinigilan nila, dumami ang mga tao at ganito nagka-tao sa buong daigdig. Ang pangkat-pangkat na nabuo ng kanilang mga anak-anakan (descendants) ay tinatawag pa hanggang ngayon ayon sa mga bagay na dala nila mula sa Sibulan.
Isang babae at isang lalaki ay nagtungo sa kanluran (occidente, west), bitbit-bitbit ang mga bato mula sa ilog Sibulan. Pagkatapos ng mahabang lakbay, nakarating sila sa isang puok na may mala-lawak na bukid, tinutubuan ng makapal na talahib (cogon, elephant grass), at dinidilig ng marami at malalaking ilog at lawa ng tubig (laguna, lake). Nanduon pa hanggang ngayon ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag na Magindanao dahil sa mga bato mula sa ilog Sibulan na binibitbit duon ng mga ninuno.
Dalawa pang anak nina Toglai at Toglibon ay nagtungo naman sa timog (sur, south), bitbit ang mga buslo (cestas, baskets) na tinawag na mga baraan. Nakakita rin sila ng mainam na matitirahan, at duon dumami ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag ngayong Baraan o Bilaan dahil sa dala-dalang mga baraan ng kanilang ninuno.
Dalawa sa mga naulilang anak nina Toglai at Toglibon, isang binatilyo at isang dalagita, ay hindi nakaalis sa bundok Apo dahil masyado nang nanghina sa gutom upang maglakbay. Dumating ang araw na agaw-buhay na sila nang gumapang ang binatilyo upang humanap ng anumang makakain. Hindi inaasahan, nakakita siya ng tubo matamis (sugarcane) na, pagkaputol niya, ay may sapat na katas (jugo, juice) upang buhain silang dalawa hanggang natapos ang panahon ng tag-tuyot at nagsimula ang tag-ulan. Dahil dito, ang mga anak-anakan nila ay tinatawag ngayong Bagob

Alamat ng Binangonan
Ang bayan ng Binangonan ay nasa dakong silangan ng Laguna de Bay. Ang dagat na ito ay nasa pagitan ng lalawigan ng Rizal at ng Laguna.
Noong araw, ang mga nakatira sa bayan ng Binangonan ay magkakamag-anak. Sila ay may ugaling madasalin. Nagdadamayan rin sila sa oras ng kalungkutan at kahirapan.
Lahat ng ito ay nawalang saysay dahil sa isang malakas na bagyo na dumating sa kanilang bayan.
Marami ang mga nasaktan at napinsala ang kabuhayan dahil sa bagyo. Marami rin ang ipinadpad doon nga malalaking alon. Isa na rito ang isang lalaki. Inakala nilang patay na ito at hindi na humihinga.
"Sa ayos ng suot niya ay hindi siya mangingisda. Tulungan natin siya," anang alkalde ng bayan.
Pinulsuhan ng isang albularyo ang lalaki. Minasahe niya ito at diniinan sa dibdib para mailabas ang mga nainom na tubig hanggang sa huminga na ito. Kumilos ang lalaki at nagpilit bumangon.
Mabilis na kumalat ang balita sa nayon at sa mga karatigpook tungkol sa bumangong patay.
Magmula noon, ang baybay-dagat ay tinawag na nilang binangunan ng patay.
Ayaw magsalita ng lalaki. Inakala tuloy ng lahat na pipi ito. Mabait at masipag naman ito kaya pinagkatiwalaan ng alkalde. Maging ang anak na dalaga ng alkalde ay napalapit din sa estranghero.
Bina ang pangalan ng anak ng alkalde. Si Bina ang nakatuklas na nakapagsasalita ang binata. Agustin ang pangalan nito at pinag-aaral ng isang pari sa Maynila. Lumayas siya dahil napagbintangan ng pagnanakaw. Sa Pateros siya nanunuluyan.
"Namangka ako para pawiin ang aking sama ng loob. Noon lang ako namangkang mag-isa. Inabutan ako ng malakas na hangin. Inanod ako sa malayo nang lumaki ang mga laon. Lumubog ang bangkang sinasakyan ko. Pinilit kong kumapit pero nawalan ako ng malay," malungkot na salaysay ni Agustin.
"Kawawa ka na naman," ang nahahabag na sambit ni Bina.
Dahil sa pagkakalapit ay nagkaibigan ang dalawa.
Isang gabi ay nagpasya silang magtanan. Sa kabi-lugan ng buwan ay dahan-dahan silang nanaog at nagtungo sa tabing dagat. Sakasamaang palad ay nakasalubong nila ang alkalde na nagpapahangin sa may dalampasigan.
Nahulaan ng alkalde na magtatanan ang dalawa. Sa galit ay naging marahas ito sa binata hanggang mapatay ito.
Nabigla rin ang alkalde sa bilis ng pangyayari. Tumakas ito at iniwan ang anak na umiiyak habang kalong si Agustin. Sa sama ng loob ay nagdilim ang isip ni Bina. Nagpakamatay siya sa tabi ng lalaking minamahal.
Kinabukasan ay natagpuan ng mga tagaroon ang dalawang bangkay sa mismong lugar na binangunan noon ni Agustin. Doon na rin nila inilibing ang dalawa. Magmula noon, ang pook na iyon ay tinawag na Binangonan.

Alamat ng Bundok Kanlaon 2
Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon.
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.
Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta.
Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

Alamat ng Gapan
Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo ng mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang pangalan ng bata ay Gardo.
Minsan ay pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ng sinaing ay agad siyang umalis para makipaglaro. Lumabas siya ng bakuran. Lumakad siya nang lumakad hanggang mapansin niyang hindi siya umaalis sa nilalakaran. Inisip na niyang umuwi, ngunit napagod na siya ay hindi pa rin makita ang daan pauwi.
Sa pagod ni Gardo ay napaupo siya sa isang nakahigang puno. Nakatulog siya roon.
Samantala, ang kanyang ina ay hindi na mapakali. Labis na itong nag-aalala. Hinanap niya ang bata. Ipinagtanong niya ang anak sa lahat ng mga taong nakasalubong niya.
"Parang ang anak ninyo ang nakita ko sa kabilang bukid. Paikut-ikot siya sa dalawang puno na parang napaglalaruan ng tiyanak," balita ng isang matanda.
"Kung hindi mo pa rin siya makita ay kumuha ka ng isang bilao. Ipukpok mo sa puno ng hagdan at tawagin mo ng malakas ang kanyang pangalan," payo naman ng isang albularyo.
Sinunod ng ina ni Gardo ang payo ngunit napagod lang siya ay walang dumating na Gardo.
Sa kinaroroonan ay nagulat si Gardo kaya nagising. Nakarinig siya ng malakas na palahaw at iyak ng isang sanggol. Nakahubad ang sanggol at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa isang malaking dahon ng saging. Kinarga ni Gardo ang sanggol at inpinaghele ngunit patuloy ito sa pagiyak. Nainis na si Gardo at akma na niyang papaluin ang sanggol nang bigla itong magbago ng anyo. Ang sanggol ay naging isang matandang lalaki na mahaba ang buhok at balbas.
Ibinagsak ni Gardo ang matanda at kumaripas siya ng takbo. Saka lang nawala ang engkantadong matanda. Takbo nang takbo si Gardo. Ang hindi niya alam ay hindi siya umaalis sa kanyang pwesto. Paikut-ikot lang siya sa puno ng kawayan.
Pagsapit ng takipsilim ay nadapa na sa pagod si Gardo. Gayunman ay pinilit pa rin niyang gumapang pauwi kahit hirap na hirap na siya.
Pauwi na rin noon ang ina ni Gardo mula sa paghahanap sa anak. Nagulat ito nang masalubong si Gardo na gumagapang.
"Naku, anak! Saan ka ba galing? At bakit ka gumagapang? Hindi mo ba kayang maglakad?" sunud-sunod na tanong ng nag-aalalang ina.
"Napaglaruan po ako ng engkanto. Buti na lang at nabigkas ko ang mga salitang Hesus, Maria at Jose. Kaya po ako nakaalis doon," sabi ni Gardo.
"Iyan ang napapala ng batang matigas ang ulo at salbahe. Pinarurusahan ng masasamang espiritu. Mula ngayon ay lagi kang magdarasal para hindi ka mapaglaruan. At lahat ng utos namin ng ama mo ay lagi mong susundin."
"Opo, inay!"
Magmula nga noon ay naging bukambibig ng mga tao ang, "Baka matulad kayo kay Gardong Gapang. Gapang nang gapang."
Dahil dito, ang pook na kinaroroonan ng bukid na napaliligiran ng mga kawayan kung saan nakita si Gardo ay tinawag na Gapan. Sa ngayon, ang Gapan ay isang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Alamat ng Lanzones 3
Noong unang panahon, may isang napakagandang dalaga na naninirahan sa isang maliit na bario na ang pangalan ay “Karilag”. Namumuhay siyang kasama ang kanyang ama na si Lum-ao at ang ina na si Berehna.
Si Karilag ay hindi lamang maganda, siya rin ay matulungin isang dahilan upang siyang maging tanyag sa kanilang lugar. At dahil dito, maraming mga binata ang nagnanais na siya’y mapangasawa, subali’t isang lalaki lamang ang nakapasa sa mga katangiang hinahanap ni Karilag at iyon ay si Kasim na isang magsasaka.
Pinakasalan ni Kasim si Karilag, at sila’y namuhay na Masaya, madalas na nasa bukid si Kasim habang nasa bahay naman si Karilag at ginagampanan ang payak na gawain ng isang may-bahay. Masaya sila sa ganitong pamumuhay.
Isang araw ang kanilang kasiyahan ay natapos ng si Tamaru – isang mayamang tao sa kanilang lugar na nagging manliligaw ni Karilag, iniutos niya sa kanyang mga tauhan na dukutin si Karilag. Siya’y nagalit dahil sa pagwalang bahala sa kaniya ni Karilag. Ito’y kaniyang hinalay at piñata at pagkatapos ay ibinaon sa lupang sinasaka ni Kasim.
Sa kabilang dako, si Kasim ay di balisa sapagka’t hindi niya makita ang kanyang asawa sa kanilang bahay, hinanap niya ito sa lahat ng lugar sa kanilang baryo subalit hindi niya ito matagpuan. Hindi na siya pumupunta sa kanilang bukid dahil sa paghahanap niya kay Karilag sa loob ng tatlong buwan. Isang araw, sumuko na rin siya sa paghahanap at bumalik sa kanyang bukid. Sa kanyang pagkamagha, natagpuan niya rito ang isang puno ng prutas, tinikman niya ang isa, subalit sa kanyang pagkadismaya, ang bunga ay hindi matamis, kaya ipinasiya niyang putulin ito subalit sa kadahilanang siyang pagod na, siya’y nakatulog, habang siya’y natutulog, napanaginipan niya ang kaniyang asawang si Karilag na kinakausap siya, “Kasim aking mahal na asawa” ako ang nasa puno, piñata ako ni Tamaru, subali’y huwag ka ng maghiganti, alagaan mo na lamang ang puno ng prutas upang ng sag anon ako’y makakasama mo rin magpakailanman.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ginawang lahat ni Kasim ang kayang makakaya upang maalagaan ng maayos ang puno. Binabantayan niya ito araw at gabi, dinidiligan, at kinakausap na animo’y ito ang kanyang asawang si Karilag.
Isang umaga ng buwan ng Oktubre, pumunta si Kasim sa kanyang bukid upang dalawin ang puno ng prutas. Nagulat siya dahil ang bunga nito ay kulay dilaw na (hinog) kaya tinikman niya ang isa ay siya’y masaya dahil ito ay matamis at masarap. Hinayaan din niyang matikman ng kayang mga kababaryo at tulad ni Kasim nagustuhan din nilang lahat ang lasa nito, sinabi ni Kasim na ang bunga ay isang maliit na ala-ala ng kanyang asawang si Karilag, katulad ng kanyang asawa ang bunga ay matamis. At pagkatapos non ang mga taong baryo ay nagtanim na ng buto ng prutas, at ito’y pinangalanan nilang “Buahan” mula sa salitang “Bulahan”.

Subscribe to:
Posts (Atom)