Tradisyon sa Visayas
Kaugalian
Ang Kuratsa ay isang tradisyonal Sayaw ng
panliligaw kung saan ang lalaki ay lalapit at susuyin ang babae sa isang anyo
ng isang sayaw. Ito ay nangangahulugan ng ang panliligaw sa pagitan ng mga
tandang at inahing manok. Ang Kuratsa ay mataas na napaboran sa pamamagitan ng
mga Bisaya mga tao, higit sa Waray, ang rehiyon sa silangang bahagi ng Visayas. Ito ay ipinapakita sa bawat mahalagang
okasyon sa komunidas
kaugalian sa panliligaw
ngayon noon sa panahon ng mga ninuno natin ang pagtatagpo ng babae at lalaki ay
hindi pinapayagan. gawain ng lalaki sa tahanan ng babae 1. magsibak ng
panggatong 2. mag-igib ng tubig 3. tumulong na magkumpuni ng bahay at kung
anu-ano pang pipagagawa ng mga magulang ng babae. inaabot ng ilang buwan, at
minsan taon, ang paninilbihan nito sa tahanan ng babaing nais ligawan.
bigay-kaya 0 dote ito'y maaaring pera ginto o bagay na mahalaga ang semonya ng
kasalan ay dinaraos sa pamumuno ng BABAYLAN
o KATALONAN. sa Visayas , ginagamit sa ligawan ang betel nuto buyo na
ginagawang nganga. antas sa lipunan antas sa lipunan tatlong uri ng tao sa
lipunan ng luzon maginoo
-maaaring ihambing
natin sa mayayaman at makapangyarihan sa kasalukuyan. malayang mamamayan
-maharlika at timawa-
maaari silang ihambing
sa gitnang uri ng kasalukuyang panahon sa ating bansa. alipin
dalawang uri ng alipin
aliping namamahay
aliping saguiguilid
kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino
Pagdiriwang
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng
Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan,
kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of
Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at
ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing
nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte
ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan.
Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato
sa kanilang sarili.
Ipinapakita ng Pista ng
Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival
of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na
kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios
Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996.
Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang
tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito
opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de
Leyte.
Sinulog Festival - Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero
dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay
tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor!
Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong
lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na
patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak
Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon
sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na
pinasasabog sa himpapawid.
Ang salitang Sinulog ay
nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng
tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng
Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong
kasabay sa tiyempo ng tambol.
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso
at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong
linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan.
Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa
pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay
gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan
ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang
Festival of Excellent Folk Choreography.
Kasaysayan
Naging tradisyon ang
Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya,
ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na
imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang
isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na
pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong
upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga
kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa
lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas.
Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay,
Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang
ang kanilang mga katawan ay mayroong uling.
Ang Pista ng Binirayan ay isang taunang pagdiriwang
na ginaganap sa lalawigan ng Antique tuwing katapusan ng Abril bilang paggunita
sa pagsapit ng sampung datu ng Borneo sa Malandog, Hamtic, Antique noong ika-13
siglo. Isa ring itong pagkilala sa lahing Malayo bilang ninuno ng mga
katutubong mamamayan ng Antique.
Kasaysayan
Kaiba sa mga pista sa
Kabisayaan na nagpapakita ng debosyon o pananalig sa banal na Santo Niño,
ginugunita sa pagdiriwang na ito ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng
Antique. Sa Pista ng Binirayan, muling binabalikan at isinasadula ang Alamat ng
Maragtas na nagsasalaysay sa pagdaong ng sampung datu mula sa Borneo sa Sapa ng
Sirwagan.
Sa Borneo, isang
mapagmalupit na pinuno ang naghahasik ng lagim sa kanyang nasasakupan – si Datu
Makatunaw. Ang sampung datu ay palihim na nagbalak ng isang pag-aaklas laban
kay Makatunaw sa pamumuno ni Datu Paimburong. Kasama ni Paimburong sa kanyang
balakin ay sina Datu Bangkaya (kilala sa kanyang katalinuhan, pasensya at
kahusayan sa sandatahan) at si Datu Sumakwel (dalubhasa sa paglalayag at sa
aral ng Hindu, Shri-Vijaya at Ehipto). Noon ay malaki ang pangamba ni
Paimburong na ang kanyang asawa na si Pabalunan ay maging biktima rin ng
pagnanasa at katakawan ni Makatunaw sa pag-uulayaw. Ngunit sa halip na magbuwis
ng mga buhay, mas pinili ni Datu Sumakwel na tumakas na lamang at mamalagi sa
isang malayong isla at doon ay magtatag ng kanilang pamayanan. Kasama ang
kanilang mga asawa, anak, alipin at konseho ay napagkasunduan nilang bagtasin
ang karagatan sakay ang plotilya na biniday hanggang sapitin nila ang isla ng
Panay.
Ati-atihan Festival - Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang
ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan,
bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga
mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa
himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng
pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang
pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong
mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng
Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Noong ika-13 siglo
(c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa
mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay
Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa
kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.