1.) Ano ang Artifact?
* Ang artifact ay isang bagay na ginagawa,
hinubog at ginamit ng mga sinaunang tao.
Mga bagay na naipreserba ng matagal na panahon.
Mural Painting
2.) Sa iyong palagay, ano ang gamit nito
noong sinaunang panahon?
* Ipinakita nito ang pakikipag-ugnayan ng mga
tao at hayop. Pinapakita din dito ang
mga bagay na hindi kayang gawin ng mga tao sa hayop. Nagpapakita din ito ng mga pangyayari o
kasaysayan na naganap noong unang panahon.
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa
kasalukuyang pahanon?
* Upang maipaalala ang kahalagahan ng
pagpapahalaga sa kalikasan at hayop na mapanatili ang tamang balanse ng mundo. At matutunan ang kasaysayan ng mga sinaunang sibilisasyon.
4.) Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na
ito tungkol sa Catal Huyuk?
* Na ang mga tao na namuhay ng sinaunang panahon ay mayroon ng sistema sa kanilang sibilisasyon. Ipinahihiwatig nito na kahit na kulang sa
kagamitan ay naipapakita nila ang galling sa sining at pagpapahalaga sa mga
nabubuhay na bagay.
Isang Pigurin
2.) Ang relihiyon at paniniwala ng catal huyuk ay
nakabase sa paligid at ang kanilang pinaniniwalaang diyos na kung kanilang
tawagin ay “mother Goddess.”
3.) Upang maintindihan ang ebolusyon ng
sibilisasyon ng tao sa parte ng relihiyon.
4.) Meron silang kakaibang paniniwala sa mga
bagay bagay at ang pinagmulan ng mga nabubuhay sa mundo.
Ceremonial Flint Dagger
2.) isang uri ng kutsilyo na hindi na
ginagamit sa mahalagang seremonyal at ritwal upang ialay ang mga sakripisyo
bilang alay noong unang panahon. Ito ay
yari sa flint, ivory at buto.
3.) Para sa karagdagang kaalaman sa
archaeology kung paano nagbago sa pagdaan ng panahon at kung paano ito ginamit.
4.) Ipinapakita kung paano nabubuhay at
nakagagawa ng mga gamit ang mga sinaunang tao gamit ang mga bagay sa kalikasan.
Obsidian Arrow Head
2.) Ginagamit ito sa paggawa ng mga patalim
katulad ng spear sa pangangaso.
3.) Kung paano nila ito nagawa at kung ano
ang mga naging bahagi nito sa kanilang buhay.
4.) Na sila ay maparaan at malikhain, ang mga
Catal Huyuk.
Mga palamuti mula sa mga bato at buto ng
hayop
2.) Palamuti sa katawan kapag bato, anting
anting, kapag buto ng hayop, ginagawang kuwintas ng mga hari at reyna.
3.) Para matukoy kung sino ang maharlika,
mandirigma at pagkakaiba ng dalawang tribu.
4.) Meron silang sistematikong pananamit at
paggamit ng palamuti, lumalabas din ang kanilang pagiging malikhain.
Labing nahukay sa loob ng bahay sa Catal
Huyuk
2.) Ang ilan sa mga labi ay hiwalay ang ulo
sa katawan at pinipintahan ng mga larawan, maaaring ginagamit nila ito sa mga
ritwal bago ilibing ang mga labi sa ilallim ng kama upang mamahinga ng
mapayapa.
3.) Upang malaman natin ang kanilang
kasaysayan at upang matutunan at maintindihan at mapreserba para sa sususnod na
henerasyon.
4.) Na ito ang paraan nila sa paglibing ng
kanilang yumaong mahal sa buhay.
1.) Ano – ano ang katangian ng Catal Huyuk batas
sa inyong ginawang imbestigasyon?
* Sila ay maparaan sa kanilang pamumuhay at
pang araw-araw na Gawain, sila rin ay malikhain at may kakaibang paniniwala sa
kanilang relihiyon.
2.) Ihambing ang paraan ng pagmumuhay ng mga
taga Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang susunod na aspekto:
a. Pang araw-araw na gawain
* Ang mga tao ngayo at ang mga taga Catal Huyuk ay
umaangat sa kanilang buhay dahil sa kanilang mga naiimbentong kagamitan.
b. Paraan ng paglilibing
* Sa Catal Huyuk ay inililibing sa loob ng bahay
kadalasan ay sa ilalim ng kama, ngunit ngayon ay inililibing sa iisang lugar
lamang, ang sementeryo. Ngunit pareho
nila itong nilalagay sa lalagyan ngayon ay sa kabaong, sa Catal Huyuk naman ay
sa basket o binabalutan ng tela.
c. Sining
* Noon ay gumagawa sila ng paraan upang maka-ukit,
kadalasang sa kweba, yungib ng mga hayop at iba pa. Ngayon ay madali na lang makagawa dahil sa
modernong kagamitan ngunit kahit noon at ngayon ang karaniwang pinipinta ay ang
kapaligiran at mga hayop.
d. Pinagkukunan ng pagkain
* Parehong kumukuha ng pagkain ang mga tao sa
kanilang kapaligiran noon man o ngayon. Ngunit
noon ay nangangaso pa, ngayon ay maaari mong mabili sa grocery store at mga
sari-sari store.