Sa isang komunidad ay amy matapobreng donyang sobra sa sungit. Wala itong kinikilalang kapitbahay. Kailangang lagi mo siyang tinatawag na donya upang hindi ka niya ingusan at sigaw-sigawan.
Kapag may kalamidad tulad ng bagyo, sunog, o lindol na lubhang nakaapekto sa mga kapitbahay ay wala siya isa mang tinutulungan. Ang lahat ng kayamanan ay kanyang iniingatan. Gusto niyang lagi itong nadadagdagan upang mapanatili raw niya ang kasaganaan habambuhay.
Sa kawalan ng puso ng donya ay malayo ang damdamin ng mga kababayan niya. Kapag bumababa sa malapalasyong bahay at sumakay sa ipinagyayabang na karwahe ay parang wala siyang sinumang nakikita. Para sa kanya pinakamayaman siya at pawang maralitang dapat tapak-tapakan ang lahat na.
Sa panunuod ng mga sarsuela sa plaza ay kailangang ipagdala siya ng silya ng mga katulong na inaapi-api niya. Gusto niyang pag-usapan ng lahat ang bago niyang baro at saya.
Sa pagsisimba sa kapilya gusting-gusto rin niyang sa harapan siya nakikita. Laging may dalawa siyang katulong na nagsasalit magpaypay sa kaniya. Kapag bigayan na ng abuloy sa simbahan ay parang bulag siyang walang nakikita. Ayaw niya kasing mabawasan kahit katiting ang iniingatang kayamanan na hindi naman niya madadala sa libingan.
Kapag nagdadaan ang prusisyon sa lansangan ay makikitang buong rangyang nagliliwanag ang malalaking bintana ng donya. Ngingisi-ngisi siyang nanunungaw na para bang nagpapahayag sa lahat na tanging ang bahay niya ang pinakamalaki at pinakamaganda na dapat tingnan lamang at kaingitan.
Iyan ang donyang makasarili at mayabang. Walang panahon sa mga kapitbahay at tuwang-tuwang nakauungos sa lahat ng bagay.
Isang tanghali ay galit nag alit ang donya sapagkat nagambala ng nagkakaingay na mga bata ang prenteng-prenteng pagtulog niya. Sumagsag siyang pababa. Nakita niyang nag-aagawan ang mga bata sa mga buto ng halamang ipinamimigay ng isang matandang pulubi.
“Hoy pulubi! Bakit mo ipinamumudmod ang mga butong iyan sa oras ng pagtulog ko ha?” nanggagalaiting tanong ng ganid na donya.
“Pa…pasensya na po kayo. Hindi ko po alam na natutulog kayo,” pagmamakaawa ng pulubi.
“Pasensya, naistorbo mo na ang pagtulog ng reyna ngayon ka pa magdidispensa? Hoy mga bata, huwag na huwag kayong mag-iingay sa harap ng bahay ko oras-oras, minu-minuto. Kung hindi ay matitikman ninyo ang galit ko!” asar na sigaw ng donyang walang pinahahalagahan.
Napaurong ang nanginginig na mga bata nang paghahablutin ng donya ang matitigas na butong tangan-tangan nila.
“Dahil sa mga batang ito nagising tuloy ako. Sige mabahong pulubi, lumayas ka na!. Kay rin mga pesteng bata kayo, umalis kayo sa harap ko!. Alis ngayon din, pronto!”
Nang mapag-isa ang mapang-aping donya ay galit na galit na itinapon nito ang mga buto sa bakuran.
Isang lingo lang ang lumipas ay nagulat ang donya nang matanaw niya sa bakuran ang naglalakihang mga halaman. Natitiyak niyang ang mga iyon ang mga butong ipinamahagi ng pulubi sa mga bata.
Hindi nagtagal ang mga halaman ay naging matataas na puno. Takang-taka ang donya nang mamunga ang mga ibinato niyang mga buto. Pagkatatamis at matuwid na matuwid ang mga bunga ng mga punong may malalabay na mga sanga.
Isang hapong masayang pinagmasdan ng donya ang mga punong hitik sa bunga ay nasulyapan niya ang nakagalitang mga bata na titinga-tingala.
“Pwede po bang makahingi?” gutom na nakikiusap ang mga bata.
“Ano, pahingi? Ako ang nagtanim at nagdilig bakit kailangang manghingi kayo? Mga walang modo! Parang wala kayong mga magulang na nagtuturo sa inyo. Umalis kayo ngayon dito. Bilisan ninyo!”
Upang mapabilis ang pagpapaalis ay kumuha ng timba ng tubig ang donya. Humahalakhak na pinagbabasa nito ang mga paslit na bata na ginaw na ginaw at lubhang kaawa-awa.
Sa di kalayuan ay biglang sumulpot mula sa kawalan ang uugud-ugod na pulubi. Alam niyang nagmamalabis na naman ang donya kaya napilitang lumapit siya. Nagmakaawa siyang bigyan man lang siya ng kahit ilang bunga ng mga punong nagsitubo sa malawak na bakuran.
“Hoy pulubi heto ka na naman. Dati ay inistorbo mo ako sa pagtulog. Ngayon nama’y humihingi ka ng ipagtatawid gutom. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Lumayas ka, layas!”
Hindi tuminag sa pagkakatayo ang matanda.
“Sobra ka na! Ang nagugutom ay dapat mong pakainin. Ang nauuhaw ay dapat mong painumin!”
“Kahit kumpul-kumpol ang matatamis na bunga ng mga punong ito ay ipagdadamot ko sa iyo. Wala akong pakialam kung magutom ka man. Ang mahalaga ay kinaiinggitan ng lahat ang mga punong tumubo sa aking bakuran.”
“Ka…kahit na isa man lang. Kaawaan mo na ang isang matandang katulad ko na hilahod na sa gutom.”
“Kahit na kaputol ay di kita bibigyan. Manigas ka riyan sa gutom.”
Akmang papanhik na ang donya nang biglang habulin ng pulubi ang nahuhulog na kumpol na mga bunga.
Sa sobrang galit ng donya ay sinundan kaagad nito ang yuyuko sanang pulubi. Hinablot ng matapobre ang braso ng matanda at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwang pisngi ng pobre. Ang lakas ng sampal ay ikinatumba at ikinasadlak ng pulubi sa maalikabok na bakuran ng gahaman.
Nanginginig na tumindig ang pulubi at sa isang marangal na tinig ay nangusap, “Kaawa-awa ka Petronila.” Takang-taka ang donya pagkat alam ng pulubi ang tunay na pangalan niya. “Pulubi nga ako pero busilak naman ang puso ko. Ang ibinibigay ko lamang ay anumang aking nakakayanan. Ang mga buto ng halamang namumunga sa iyong bakuran ay mga butong nakaya kong ihandog sa mga pobreng batang tumulong sa akin upang makatawid ako sa tulay na baging na natatanaw mo mula rito. Mga buto lang iyan na pinagkaguluhan at pinagkatuwaan lang nilang paghati-hatian. Mga butong inagaw mo sa kanila na ngayong namunga ay ipinagkait mong hatian sila. Isinusumpa kong magiging maasim ang bunga ng punong iyan. Matuto ka sanang magpakababa sapagkat mamamatay din tayo at ang lupang tinutuntungan natin ay siya ring lupang sa atin ay maglilibing.”
Pagkasabi nito ay tumalikod na ang matanda. Kinabahan ang donya lalo na nang ang mga bunga ng mga punong nasa harap ay nagsiurong at nagmistulang ga daliring nanduduro.
“Lo…lola patawarin ninyo ako,” lumuluhang sabi ng mapagmataas na donya. Pero kahit na anong alok na ihain ay hindi na lumingon pa ang pulubing tila magliliwanag ang katauhan sa mataos na kabaitan.
“Sinampal mo ako tapos inalok?” gumagaralgal pa rin ang tinig ng pulubi na sa isang iglap ay naging liwanag na nakasisilaw. Nang mawala sa harap niya ang matanda ay napaluhod ang donya sa malaking misteryong naganap sa kanya.
Sapagkat sumampal tapos ay nag-alok, ang prutas na umasim mula noon ay tinawag nang Sampal-Ok na sa paglipas ng mga taon ay naging Sampalok. Diyan nagsimula ang alamat ng Sampalok.
Search This Blog
Showing posts with label alamat. Show all posts

Monday, October 13, 2014
Alamat ng Tandang
Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa’t isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
“Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan.”
“Pa…patawad po, Bathalang Sidapa.”
“Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.

Labels:
alamat
Alamat ni malakas at maganda
Sinasabing sa simula ay wala pang daigdig at Tao; mayroon lamang langit at dagat. Magkasinlawak ang dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging nilalang na nakapagitan sa kanila ay isang ibon.
Walang tigil sa kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at mapagod. Naroon nga ang langit sa itaas ngunit Hindi niya ito abot. Naroon nga ang dagat sa ibaba, ngunit Hindi naman siya makalapag.
Nag-isip ang ibon kung paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong pabulusok at kumahig nang kumahig sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at walang aptid ang kanyang pagkahig na ikinasaboy paitaas ang tubig.
Nagimbal ang langit. Natiyak na kapag Hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay baka umabot sa kanyang dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-alab ang dibdib ng dagat sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na siya ng paraan para mapahinto ito.
Naiisip ng langit na gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak iyon sa dagat upang maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.
Sa mga batong ibinagsak niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang siyang gawing pugad, at saka sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.
Lumapag anga ang ibon sa isang batong pulo ngunit my namataan naman siyang isang bagay na lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya ay masagi at masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang tigil na tinuka ang kawayang may dalawang biyas.
Nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang babae naman sa ikalawa.
Sa dalawang ito nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang Tao.

Alamat ng Sibulan Sa Bundok Apo
Bagobo Myth of the People of Mindanao
SIBULAN: pinagmulan; bukal ng sapa o ilog; tinubuan...
Ito ay mainam halimbawa kung paano tinatangka ng mga tao na ipaliwanag ang mga bagay at pangyayari sa kani-kanilang paligid. Halos lahat sila, pati ang mga Bagobo, ay naniwalang sila ang kauna-unahang tao. Sa matandang-matanda nang alamat na ito, inilahad ng Bagobo ang pinagmulan nila at ng mga kalapit. At binago ang alamat upang ipaliwanag ang pinagmulan ng mga ang Español at Amerkano na dumating nitong nakaraang 400 taon lamang... --Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916
NUONG pasimula, nabuhay ang isang lalaki lamang, si Toglai, at isang babae, si Toglibon. Ang 2 unang anak nila at isang lalaki at babae na, paglaki, ay naglakbay sa malayong-malayo upang humanap ng matitirahan. Walang nabalita tungkol sa kanila hanggang bumalik ang kanilang mga anak, ang mga Español at mga Amerkano.
Pagkatapos umalis ang 2 unang anak, nagka-anak pa ng marami sina Toglai at Toglibon. Wala sa kanilang umalis, namuhay lahat sa Sibulan, sa gilid ng bundok Apo, kasama ng kanilang mga magulang. Pagkaraan ng matagal na matagal na panahon, namatay din, sa wakas, sina Toglai at Toglibon at naging mga ‘diwata.’
Hindi nagtagal pagkatapos, nagpanahon ng tuyot (sequia, drought) at sa luob ng 3 taon, wala kasing patak ng ulan (lluvia, rain) na bumagsak. Lahat ng ilog at lawa ay natuyo, at sa kawalan ng tubig, natuyo lahat ng halaman, at namatay pati mga isda at iba pang hayop na nabubuhay sa tubig.
“Talagang pinarurusahan tayo ni Manama,” sabi ng mga ulilang magkakapatid. “Kailangang maglakbay tayo nang malayo sa iba’t ibang upang humanap ng tubig at pagkain.”
Dala-dalawa, nag-alisan ang magkakapatid mula sa sinibulan sa bundok Apo at kumalat kung saan-saan. Sa bawat puok na tinigilan nila, dumami ang mga tao at ganito nagka-tao sa buong daigdig. Ang pangkat-pangkat na nabuo ng kanilang mga anak-anakan (descendants) ay tinatawag pa hanggang ngayon ayon sa mga bagay na dala nila mula sa Sibulan.
Isang babae at isang lalaki ay nagtungo sa kanluran (occidente, west), bitbit-bitbit ang mga bato mula sa ilog Sibulan. Pagkatapos ng mahabang lakbay, nakarating sila sa isang puok na may mala-lawak na bukid, tinutubuan ng makapal na talahib (cogon, elephant grass), at dinidilig ng marami at malalaking ilog at lawa ng tubig (laguna, lake). Nanduon pa hanggang ngayon ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag na Magindanao dahil sa mga bato mula sa ilog Sibulan na binibitbit duon ng mga ninuno.
Dalawa pang anak nina Toglai at Toglibon ay nagtungo naman sa timog (sur, south), bitbit ang mga buslo (cestas, baskets) na tinawag na mga baraan. Nakakita rin sila ng mainam na matitirahan, at duon dumami ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag ngayong Baraan o Bilaan dahil sa dala-dalang mga baraan ng kanilang ninuno.
Dalawa sa mga naulilang anak nina Toglai at Toglibon, isang binatilyo at isang dalagita, ay hindi nakaalis sa bundok Apo dahil masyado nang nanghina sa gutom upang maglakbay. Dumating ang araw na agaw-buhay na sila nang gumapang ang binatilyo upang humanap ng anumang makakain. Hindi inaasahan, nakakita siya ng tubo matamis (sugarcane) na, pagkaputol niya, ay may sapat na katas (jugo, juice) upang buhain silang dalawa hanggang natapos ang panahon ng tag-tuyot at nagsimula ang tag-ulan. Dahil dito, ang mga anak-anakan nila ay tinatawag ngayong Bagob

Alamat ng Binangonan
Ang bayan ng Binangonan ay nasa dakong silangan ng Laguna de Bay. Ang dagat na ito ay nasa pagitan ng lalawigan ng Rizal at ng Laguna.
Noong araw, ang mga nakatira sa bayan ng Binangonan ay magkakamag-anak. Sila ay may ugaling madasalin. Nagdadamayan rin sila sa oras ng kalungkutan at kahirapan.
Lahat ng ito ay nawalang saysay dahil sa isang malakas na bagyo na dumating sa kanilang bayan.
Marami ang mga nasaktan at napinsala ang kabuhayan dahil sa bagyo. Marami rin ang ipinadpad doon nga malalaking alon. Isa na rito ang isang lalaki. Inakala nilang patay na ito at hindi na humihinga.
"Sa ayos ng suot niya ay hindi siya mangingisda. Tulungan natin siya," anang alkalde ng bayan.
Pinulsuhan ng isang albularyo ang lalaki. Minasahe niya ito at diniinan sa dibdib para mailabas ang mga nainom na tubig hanggang sa huminga na ito. Kumilos ang lalaki at nagpilit bumangon.
Mabilis na kumalat ang balita sa nayon at sa mga karatigpook tungkol sa bumangong patay.
Magmula noon, ang baybay-dagat ay tinawag na nilang binangunan ng patay.
Ayaw magsalita ng lalaki. Inakala tuloy ng lahat na pipi ito. Mabait at masipag naman ito kaya pinagkatiwalaan ng alkalde. Maging ang anak na dalaga ng alkalde ay napalapit din sa estranghero.
Bina ang pangalan ng anak ng alkalde. Si Bina ang nakatuklas na nakapagsasalita ang binata. Agustin ang pangalan nito at pinag-aaral ng isang pari sa Maynila. Lumayas siya dahil napagbintangan ng pagnanakaw. Sa Pateros siya nanunuluyan.
"Namangka ako para pawiin ang aking sama ng loob. Noon lang ako namangkang mag-isa. Inabutan ako ng malakas na hangin. Inanod ako sa malayo nang lumaki ang mga laon. Lumubog ang bangkang sinasakyan ko. Pinilit kong kumapit pero nawalan ako ng malay," malungkot na salaysay ni Agustin.
"Kawawa ka na naman," ang nahahabag na sambit ni Bina.
Dahil sa pagkakalapit ay nagkaibigan ang dalawa.
Isang gabi ay nagpasya silang magtanan. Sa kabi-lugan ng buwan ay dahan-dahan silang nanaog at nagtungo sa tabing dagat. Sakasamaang palad ay nakasalubong nila ang alkalde na nagpapahangin sa may dalampasigan.
Nahulaan ng alkalde na magtatanan ang dalawa. Sa galit ay naging marahas ito sa binata hanggang mapatay ito.
Nabigla rin ang alkalde sa bilis ng pangyayari. Tumakas ito at iniwan ang anak na umiiyak habang kalong si Agustin. Sa sama ng loob ay nagdilim ang isip ni Bina. Nagpakamatay siya sa tabi ng lalaking minamahal.
Kinabukasan ay natagpuan ng mga tagaroon ang dalawang bangkay sa mismong lugar na binangunan noon ni Agustin. Doon na rin nila inilibing ang dalawa. Magmula noon, ang pook na iyon ay tinawag na Binangonan.

Alamat ng Bundok Kanlaon 2
Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon.
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.
Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta.
Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

Alamat ng Gapan
Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo ng mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang pangalan ng bata ay Gardo.
Minsan ay pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ng sinaing ay agad siyang umalis para makipaglaro. Lumabas siya ng bakuran. Lumakad siya nang lumakad hanggang mapansin niyang hindi siya umaalis sa nilalakaran. Inisip na niyang umuwi, ngunit napagod na siya ay hindi pa rin makita ang daan pauwi.
Sa pagod ni Gardo ay napaupo siya sa isang nakahigang puno. Nakatulog siya roon.
Samantala, ang kanyang ina ay hindi na mapakali. Labis na itong nag-aalala. Hinanap niya ang bata. Ipinagtanong niya ang anak sa lahat ng mga taong nakasalubong niya.
"Parang ang anak ninyo ang nakita ko sa kabilang bukid. Paikut-ikot siya sa dalawang puno na parang napaglalaruan ng tiyanak," balita ng isang matanda.
"Kung hindi mo pa rin siya makita ay kumuha ka ng isang bilao. Ipukpok mo sa puno ng hagdan at tawagin mo ng malakas ang kanyang pangalan," payo naman ng isang albularyo.
Sinunod ng ina ni Gardo ang payo ngunit napagod lang siya ay walang dumating na Gardo.
Sa kinaroroonan ay nagulat si Gardo kaya nagising. Nakarinig siya ng malakas na palahaw at iyak ng isang sanggol. Nakahubad ang sanggol at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa isang malaking dahon ng saging. Kinarga ni Gardo ang sanggol at inpinaghele ngunit patuloy ito sa pagiyak. Nainis na si Gardo at akma na niyang papaluin ang sanggol nang bigla itong magbago ng anyo. Ang sanggol ay naging isang matandang lalaki na mahaba ang buhok at balbas.
Ibinagsak ni Gardo ang matanda at kumaripas siya ng takbo. Saka lang nawala ang engkantadong matanda. Takbo nang takbo si Gardo. Ang hindi niya alam ay hindi siya umaalis sa kanyang pwesto. Paikut-ikot lang siya sa puno ng kawayan.
Pagsapit ng takipsilim ay nadapa na sa pagod si Gardo. Gayunman ay pinilit pa rin niyang gumapang pauwi kahit hirap na hirap na siya.
Pauwi na rin noon ang ina ni Gardo mula sa paghahanap sa anak. Nagulat ito nang masalubong si Gardo na gumagapang.
"Naku, anak! Saan ka ba galing? At bakit ka gumagapang? Hindi mo ba kayang maglakad?" sunud-sunod na tanong ng nag-aalalang ina.
"Napaglaruan po ako ng engkanto. Buti na lang at nabigkas ko ang mga salitang Hesus, Maria at Jose. Kaya po ako nakaalis doon," sabi ni Gardo.
"Iyan ang napapala ng batang matigas ang ulo at salbahe. Pinarurusahan ng masasamang espiritu. Mula ngayon ay lagi kang magdarasal para hindi ka mapaglaruan. At lahat ng utos namin ng ama mo ay lagi mong susundin."
"Opo, inay!"
Magmula nga noon ay naging bukambibig ng mga tao ang, "Baka matulad kayo kay Gardong Gapang. Gapang nang gapang."
Dahil dito, ang pook na kinaroroonan ng bukid na napaliligiran ng mga kawayan kung saan nakita si Gardo ay tinawag na Gapan. Sa ngayon, ang Gapan ay isang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Alamat ng Lanzones 3
Noong unang panahon, may isang napakagandang dalaga na naninirahan sa isang maliit na bario na ang pangalan ay “Karilag”. Namumuhay siyang kasama ang kanyang ama na si Lum-ao at ang ina na si Berehna.
Si Karilag ay hindi lamang maganda, siya rin ay matulungin isang dahilan upang siyang maging tanyag sa kanilang lugar. At dahil dito, maraming mga binata ang nagnanais na siya’y mapangasawa, subali’t isang lalaki lamang ang nakapasa sa mga katangiang hinahanap ni Karilag at iyon ay si Kasim na isang magsasaka.
Pinakasalan ni Kasim si Karilag, at sila’y namuhay na Masaya, madalas na nasa bukid si Kasim habang nasa bahay naman si Karilag at ginagampanan ang payak na gawain ng isang may-bahay. Masaya sila sa ganitong pamumuhay.
Isang araw ang kanilang kasiyahan ay natapos ng si Tamaru – isang mayamang tao sa kanilang lugar na nagging manliligaw ni Karilag, iniutos niya sa kanyang mga tauhan na dukutin si Karilag. Siya’y nagalit dahil sa pagwalang bahala sa kaniya ni Karilag. Ito’y kaniyang hinalay at piñata at pagkatapos ay ibinaon sa lupang sinasaka ni Kasim.
Sa kabilang dako, si Kasim ay di balisa sapagka’t hindi niya makita ang kanyang asawa sa kanilang bahay, hinanap niya ito sa lahat ng lugar sa kanilang baryo subalit hindi niya ito matagpuan. Hindi na siya pumupunta sa kanilang bukid dahil sa paghahanap niya kay Karilag sa loob ng tatlong buwan. Isang araw, sumuko na rin siya sa paghahanap at bumalik sa kanyang bukid. Sa kanyang pagkamagha, natagpuan niya rito ang isang puno ng prutas, tinikman niya ang isa, subalit sa kanyang pagkadismaya, ang bunga ay hindi matamis, kaya ipinasiya niyang putulin ito subalit sa kadahilanang siyang pagod na, siya’y nakatulog, habang siya’y natutulog, napanaginipan niya ang kaniyang asawang si Karilag na kinakausap siya, “Kasim aking mahal na asawa” ako ang nasa puno, piñata ako ni Tamaru, subali’y huwag ka ng maghiganti, alagaan mo na lamang ang puno ng prutas upang ng sag anon ako’y makakasama mo rin magpakailanman.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ginawang lahat ni Kasim ang kayang makakaya upang maalagaan ng maayos ang puno. Binabantayan niya ito araw at gabi, dinidiligan, at kinakausap na animo’y ito ang kanyang asawang si Karilag.
Isang umaga ng buwan ng Oktubre, pumunta si Kasim sa kanyang bukid upang dalawin ang puno ng prutas. Nagulat siya dahil ang bunga nito ay kulay dilaw na (hinog) kaya tinikman niya ang isa ay siya’y masaya dahil ito ay matamis at masarap. Hinayaan din niyang matikman ng kayang mga kababaryo at tulad ni Kasim nagustuhan din nilang lahat ang lasa nito, sinabi ni Kasim na ang bunga ay isang maliit na ala-ala ng kanyang asawang si Karilag, katulad ng kanyang asawa ang bunga ay matamis. At pagkatapos non ang mga taong baryo ay nagtanim na ng buto ng prutas, at ito’y pinangalanan nilang “Buahan” mula sa salitang “Bulahan”.

Alamat ng Liliw
Tulad ng ibang bayansa Pilipinas, ang bayan ng Liliw ay walang nakakakilala. Isa lamang itong mayamang gubat noon. Dito matatagpuan ang mga masasayang ibon na nag aawitan. Dito rin nakatira ang maraming mababangis na mga hayop.
Ang Liliw ay matatagpuan sa paanan ng Bundok Banahaw. Ang bundok na ito ay pinagpala sa mga magagandang tanawin.
Alamin natin kung bakit ito tinawag na Liliw. Ayon sa alamat, ang bayan ng Liliw ay naitatag noong 1571. Noong araw ay pinamumunuan ito ni Gat Tayao. Si Gat Tayao ang panganay ni Gat Apaya.
Kahit may namumuno sa bayan, hindi nila alam kung ano ang itatawag ditto. Naisip ni Gat Tayao na dapat nilang bigyan ng pangalan ang kanilang bayan. Isang araw ay nagpatawag siya ng pulong . Ang paksa ng pagpupulong ay para bigyan ng pangalan ang kanilang bayan. Karamihan sa mga dumalo ay nagbigay ng suhestiyon sa maaring itawag sa kanilang bayan.
Maingat na ping-aralan ni Gat tayao ang mga pangalan pero ang lahat ng iyon ay hindi tumutugma sa kanilang bayan. Ang nasa isip kasi ni Gat Tayao ay may mga relasyon sa mga ibong makikita roon ang maging pangalan ng kaniolang bayan.
Nagpakuha ng isang mahabang puno ng kawayan si Gat Tayao. “Itayo ninyo ang mahabang puno ng kawayan.” Utos niya.
Nagtulong-tulong ang mga tao upang mabilis na maitayo ang kawayan. “Ano po ang aming gagawin?” tanong ng isa na tumulong sa pagtayo.
“Ganito. Aalamin natin kung ano ang unang ibon na edadapo sa tuktok ng kawayan. Kung anong ibon ang unang dadapo ay iyon ang itatawag natin sa ating bayan,” paliwang ng pinuno.
Lahat sila ay nagmatyag sa tuktok ng kawayan. Hinihintay nilakung anong unang ibong dadapo sa tuktok ng kawayan. Ilang sandali pa, isang lawin ang dumapo sa tuktok ng kawayan. Napamaang at malungkot ang mga tao.Para sa kanila, ang lawin ay malas na ibon . Hindi sila maka-papayag na iyon ang itawag sa bayan nila.
Nakinig si Gat Tayao sa hinaing ng mga tao. Ipinalipat niya ang kawayan sa ibang lugar. Muli silang naghintay. Ilang saglit pa ay may isang masayang ibon na dumapo roon. Umawit din ito. “Liw-iw-iw-liw!”
Namangha ang mga tao maging si Gat Tayao sa narinig na awit. Hindi nila alam ang pangalan ng maliit na ibon kaya lahat sila ay nagkaisa na kunin ang pangalan ng bayan nila mula sa himig na inawit ng ibon. Ito ay ang liw-iw-iw-liw.Hindi naglaon ang bayan nila ay tinawag na Liliw.

Alamat ng Manika
Noong unang araw, hindi pa nakamumulatan ng tao ang mga laruan ginagamit ng bata ngayon. Isa rito ay Manika. Kung mapapansin ninyo. Ito’y kawangis ng mga tao.
Noon, may mag-asawa na nag nanais na magkaroon kahit isang anak lamang. Sa loob ng dalawampung taon pagsasama ay hindi sila tumigil sa paggagamot, pagdasal at pamamanata upang matupad lamang ang kanilang mithiin. Sa pagdaan ng panahon naging malungkutin ang mag-asawa.
Hanggang minsan, hatinggabi na noon ng may marinig na ingit ng sanggol. Hindi sila makatulog dahil walang tigil sa pag iyak ang bata. Kaya’t napagpasiyahan na lumabas at alamin kung ano ang nangyayari sa sanggol. Binaybay nila ang daanan patungo sa dampa.
Nakita nila ang isang babae na halos wala ng buhay at hawak ang bata na noo’y kasisilang pa lamang. Bago pa man malagutan ng hininga ang ina ay ipinagbilin niya ang anak sa mag-asawa. Tuwang-tuwa ang dalawa sapagkat natupad na rin ang kanilang inaasamasam. Ang magkaroon ng sanggol sa kanilang tahanan.
Inaruga nila at minahal nang lubos ang bata. Pinangalanan itong Nika. Sa edad na lima ay napakagandang bata ni Nika. Lahat ng luho tulad ng magagandang damit, masasarap na pagkain at marami pang iba ay ibinigay rito.
Ngunit sa kabila ng kagandahan ng kanyang mukha ay nakatago doon ang kanyang masamang ugali. Maramot siya at tuwina’y nang-aaway ng kapwa bata. Ayaw niyang makalaro ang mahihirap na bata. Kapag nilalapitan siya ng mga bata lalo na yung marurumi ay pinangdidirihan niya ito.
Napansin ng mag-asawa ang masamang ugali ni Nika. Sa kabila ng magandang ipinamulat ng Mag-asawa ay nanatili pa rin si Nika sa masama nitong pag-uugali.
Isang araw na nasa hardin si Nika. Sa tabi niya ang maraming prutas na siya nitong kinakain, nang may isang batang pulubi ang lumapit sa kanya. Humihingi iyon ng kahit anong makakain. Ngunit sa halip na bigyan ito ni Nika ay itinaboy pa niya ito palayo. Hindi pa siya nasiyahan pinukol pa niya ito ng bato, hanggang sa masugatan ang bata.
Ngunit maya-maya’y namangha siya. Unti-unting nagbago ng anyo ang batang pulubi hanggang sa maging magandang Ada. Galit iyon at wika… “Salbahe ka talagang bata parurusahan kita sa iyong masamang gawa. Gagawin kitang isang laruan na makapagbibigay-kasiyahan sa mga batang katulad mo.
Isang iglap ay nabalutan si Nika ng makapal na usok. Nang mapawi ay nahantad ang isang napaka-gandang laruan na kamukha ni Nika.
Kaya’t ng mawala ang Ada, nang dumating ang ina-inahan ni Nika. Nagtaka pa ang babae nang Makita ang laruan na tila bata. Dinampot niya iyon at nagpatuloy sa paghahanap sa anak.
Ngunit gabi na’y hindi pa rin nakikita si Nika, na lingid sa kanilang kaalaman ay siyang laruan na nasa kanila.
Habang naghihintay, napagmasdan ng Mag-asawa ang laruan. Doon nila napansin na hawig ito sa kanilang anak-anakan, kung kaya’t mula noon ay tinawag na lamang nila itong Nika. Hanggang sa kalaunan ay naging “MANIKA” na ang naging katawagan.

Alamat ng Marinduque
Noong unang panahon may pamayanan sa Timog Katagalugan na pinamumunuan ng isang haring mayaman at makapangyarihan, iginagalang ngunit kinatatakutan. Siya’y si Datu Batumbakal, tinaguriang gayon dahil sa siya’y may pusong bakal.
Namuno siya sa Balayan, isang pamayanang sagana sa mga yaman ng kalikasan. Sa panahon ng anihan, naging ugali ng mga katutubo na magpasalamat sa Poong Maykapal sa kanilang masaganang ani. Nagtitipon sila sa tahanan ng Datu at sama-sama silang nag-aalay ng kanilang mga ani tanda ng pasasalamat at sa kapayapaan ng kanilang pamumuhay.
Kasama ng Datu ang kanilang anak na si Marin, isang dilag na pinipintuho dahil sa angking kagandahan. Maraming mga manliligaw ang dalaga na nagmumula sa iba’t-ibang kaharian, ngunit tatlo lamang ang masugid: Datu Bagal ng Mindoro, Datu Saguil ng Laguna at Datu Kawili ng Camarines. Sa kanilang pagluhog, hindi naaantig ang puso ng Prinsesa Marin.
Isang araw, naakit ang dalaga ng mga awit ng Garduke, isang makata na humabi ng mga awitin at tulain sa kagandahan at kariktan ng kalikasan. Siya’y dukhang mangingisda mula sa Taal, nagbibigay aliw sa kaharian ni Datu Batumbakal. Naakit si Marin sa kakisigan ng makata na nagtapat ng pag-ibig sa dalaga. Di nagtagal at sila’y naging magsing-irog.
Nang matuklasan ito ng Datu, nagalit siya. Sumalungat siya sa pag-iibigan ng dalawa. Nais niyang ang mapangasawa ng anak ay isang maharlika. Iniutos niyang patayin si Garduke kung igigiit niya ang pag-ibig sa Prinsesa Marin.
Nalungkot ang Prinsesa, ngunit isang araw habang namamasyal sa dalampasigan ng Bombon, nasalubong niya si Garduke. Ipinahayag ng dalaga ang walang kamatayan niyang pag-ibig sa binata, na di alintana ang pagsalaysay ng binata na siya’y walang kayamanan at kapangyarihang maipagmamalaki.
”Hindi ko kailangan ang kayamanan at kapangyarihan,” wika ni Prinsesa Marin. ”Kailangan kita; may wagas na layunin. Mahal ko ang isang taong mapagkumbaba, makatao at tagahanga ng kalikasan”, dugtong pa ng dalaga.
Nalaman ng Datu ang lihim ng pagtatagpo ng dalawa kaya iniutos niya na pugutan ng ulo si Garduke. Dahil diyan, ipinasya nina Prinsesa Marin at Garduke na tumakas. Sumakay sila sa bangka patungo sa Tayabas Bay, hinabol sila ng mga sundalo ni Datu Batumbakal kasama ang tatlong masugid na manliligaw. Nang inaakala ng dalawa na maaabutan sila ng mga sundalo, iniutos ng dalawa sa kasamang utusan na magkasamang gapusin silang dalawa at ihulog sa gitna ng karagatan. At ganon nga ang nangyari.
Sa pagdaraan ng panahon, may umusbong na hugis pusong pulo sa pook ng pinaglagakan ng katawan nina Prinsesa Marin at Garduke. Ang pulo ay pinangalanang Marinduke, ang pinakamatahimik at mapayapang pulo sa Timog Katagalugan.
Labels:
alamat
Ang Alamat ng Basey
(Alamat ng Visayas)
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.
Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.

Alamat ni Pakungo-Adipen
Si Pakungo-Adipe ay isang tamad na tao. Ang gusto lang niyang gawin ay humiga at matulog buong araw. Subalit sa isa mang dahilan o anupaman siya ay masuwerte at itong kuwentong ito ang patunay.
Isang araw ay napakasarap ng tulog niya ng may marinig siyang tinig na nagsasabing “Pakungo-Adipen, pakiusap panain mo ako. Panguko-Adipen, pakiusap panain mo ako.”
Siya ay nagising subalit hindi niya pinansin ang tinig. “Pakungo-Adipen, gawin mo, pakiusap panain mo ako” sabi ng tinig. “Pakungo-Adipen, gawin mo pakiusap panain mo ako.”
Nag-aatubili man, idinilat ni Pakungo-Adipen ang isa niyang mata at nakita niya ang isang maliit na ibon na nakadapo sa kalapit na puno. “Ayoko masyado akong pagod para gumawa” sagot ni Pakungo-Adipen at muling natulog.
“Pakunog-Adipen gawin mo pakiusap, panain mo ako” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, gawin mo, pakiusap panain mo ako”
Sa wakes bumangon si Pakungo-Adipen, talagang nainis mula sa kanyang pagbangon sa pagkakahiga. Kinuha niya ang pana, inasinta at pinana ang ibon. Muli siyang bumalik sa higaan at iniwan niya ang ibon sa lugar kung saan ito bumagsak. Pinilit niyang mapikit ang kanyang mata ng muling magsalit ang ibon.
At sinabing, Pakungo-Adipen, damputin mo ako. Pakungo-Adipen, damputin mo ako.” Narinig niya ngunit hindi gumalaw.
“Pakungo-Adipen damputin mo ako” ulit ng ibon “Pakungo-Adipen damputin mo ako.”
“Ako’y abala sa paghahanap ng antok para pumunta at kunin ka,” tugon ni Pakungo-Adipen. “Hindi ako babangon para damputin lang ang isang patay na ibon.”
“Pakungo-Adipen, damputin mo ako,” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen damputin mo ako.” Galit na nagsalita si Pakungo-Adipen, “Hiniling mo sa akin na panain, pinana kita. Ngayon inaasahan mo na lalapitan kita at dadamputin?”
“Pakungo-Adipen, pakiusap, damputin mo ako” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, pakiusap, damputin mo ako.” Sa wakes bumangon si Pakungo-Adipen, dinampot ang ibon at itinapon sa kusina” ngayon, makakatulog na ako ng maayos at tuloy-tuloy,” usal niya habang humihiga at agad na nakatulog.
Subalit muling nagsalita ang ibon sinabi, “Pakungo-Adipen linisin mo ako at lutuin. Pakungo-Adipen pakiusap linisin mo ako at lutuin,” Si Pakungo-Adipen ay nagising at nagwika, “Ano bang problema ng ibong ito? Hindi na ba nito ititikom ang bunganga?” tumanggi siyang bumangon. “Pakungo-Adipen pakiusap linisan mo ako at lutuin, ulit ng ibon. Pakungo-Adipen pakiusap linisan mo ako at lutuin.
“Ano bang ibon ito, hiniling niyang panain ko siya, pinana ko. Hiniling niyang damputin ko siya, dinampot ko. Ngayon naman linisin ko daw siya at lutuin?” Tumayo siya kahit napipilitan, nilinis ang ibon, hiniwa at iniwang kumukulo sa palayok. Muli siyang bumalik sa higaan.
At nang maluto ang ibon muli itong nagsalita “Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot, Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.
Narinig ni Pakungo-Adipen ang ibon ngunit hindi niya ito pinansin. “Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot,” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.
Hindi pa rin pinakingan ni Pakungo-Adipen ang ibon.
“Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot sabi ng ibon at inulit-ulit niya ang mga salita hanggang sa maupo si Pakungo-Adipen at sinabing. “Anong klaseng ibon ka ba, iyong totoo? Gusto mong panain kita, pinana kita. Gusto mong damputin kita, dinampot kita. Gusto mong linisan kita at lutuin, ginawa ko. At ngayon inaasahan mong ibabalik kita sa sahig at tatakpan ng kumot? Wala na akong gagawing anupaman!” Sumigaw siya at muling bumalik sa pagtulog.
Subalit nagsalita ulit ang ibon “Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot. Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.” At sinabi niya ito ng paulit-ulit hanggang si Pakungo-Adipen ay napilitang tumayo at kinuha ang ibon at inilapag sa sahig at saka tinakpan ng malinis na kumot at nang matapos siya sa ginagawa, napabuntung-hininga siya ng malalim at sinabing “Sa wakes, makakatulog na ako.”
“Subalit maya-maya lang ay may narinig siyang tinig na nagsasabing, “Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot.
Si Pakungo-Adipen ay hindi tuminag. Ipinikit niya ang kanyang mata ng mahigpit at nagsimula na siyang himilik, dahil sa mas maganda ang tulog niya kung siya ay humihilik.
“Pakungo-Adipen, pakiusap tanggalan mo ako ng ballot” sabi ng malambing na tinig. “Pakungo-Adipen, pakiusap tanggalan mo ako ng ballot.”
Si Pakungo-Adipen ay tumayo, nagdabog at nagwika, “Anong ibon ka o demonyo? Sinabi mo sa akin na panain kita, pinana kita, sinabi mong damputin ka, dinampot kita. Sinabi mong linisan at lutuin ka, nilinis at niluto kita. Sinabi mong ilagay ka sa sahig at takpan ng kumot. Inilagay kita sa sahig at tinakpan ng kumot. At ngayon inaasahan mong pupuntahan kita at aalisin ng ballot. Wala na akong gagawing iba. Ako’y abala sa pagtulog!”
Pagkasabi, bumalik siya sa higaan at maya-maya pang naghihilik ulit, pero ang boses ay hindi tumigil sa pagsasalita. Nagpaulit-ulit pa ito. “Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap, alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot.
“Oh, hindi na talaga ako magkakaroon ng katahimikan sa ibong ito! Usal ni Pakungo-Adipen at tumayo na. dumiretso siya kung saan niya binalot ang ibon. Hinila ang ballot, at sa kanyang pagkagulat, isang maganda at kaakit-akit na panoorin ang tumambad sa kanyang mga mata. Dahil sa sahig nakahiga, hindi ang ibong luto, nilinisan at pinana. Doon sa sahig ay walang ibon. Doon sa sahig nakahiga ang pinakamagandang prinsesa at sa pagkabigla ni Pakungo-Adipen nakalimutan niyang bumalik sa pagtulog at inihimlay sa kanyang bisig ang prinsesa at para tapusin ang aking alamat, nagpakasal sila.
Nagsisisi ako at hindi ko talaga alam kung nagkaroon ng masayang buhay si Pakungo-Adipen at ang prinsesa. Kung talagang pipigain mo ako ng sagot masasabi kong maari dahil ikaw na ang magkakaroon ng magandang asawa sa buhay, maaaring mahiya na si Pakungo-Adipen na matulog ng sobra. Mayroon akong munting agam-agam na maaaring si Pakungo-Adipen ay natutong magtrabaho ng husto at lagi ng gising gayong siya ay may malambing na asawa.
Subalit, iyan ay akin lamang hula.

Alamat ng unang lalaki at babae
Ang Unang Lalaki at Unang Babae
(Alamat)
Noong unang-unang panahon, isang ibon lamang ang nakatira sa ating lupain. Sa paglipas ng mga araw, may tumubong dalawang puno ng kawayan. Sa tulong ng hamog at ulan, lumaki at lumago ang mga punong kawayan. Ito ang ginawang tirahan ng ibon.
Minsan, may narinig na mga katok ang ibon mula sa puno ng kawayan.
Tinuka-tuka niya ito. At nabiyak ang kawayan! Lumabas ang isang lalaki.
“Ako si Lalak!” wika ng lalaki.
Muling nakarinig ng katok ang ibon. Tinuka ng ibon ang ikalawang puno ng kawayan. Nabiyak ito at lumabas ang isang babae.
“Ako si Babay!” wika ng babae.
Si Lalak at Baba yang naging unang lalaki at babae sa ating lupain.

Alamat ng Lahing Kayumanggi
Lahing Kayumanggi – Lahing Piling-pili
(Alamat)
Maganda ang kwento ng pagkakalikha ng taong kulay kayumanggi. Ang mga Pilipino ay kabilang sa lahing ito. Maipagmamalaki natin ang lahing kayumanggi, ang lahing piling-pili.
Noong unang panahon, madilim at walang anyo ang daigdig. Nilikha ng Panginoon ang araw upang maging maliwanag ang daigdig sa maghapon. Nilikha Niya ang buwan at mga bituin upang magbigay ng liwanag sa gabi. Ang mga ito’y ililagay Niyang lahat sa langit. Nilikha Niya ang mga dagat, ilog, talon, bundok, at burol. Nilikha din Niya ang mga puno, halaman, ibon at sari-saring isda. Ngunit malungkot pa rin ang Panginioon.
“Kailangang lumikha Ako ng tanong maninirahan sa daigdig. Sila ang magpapaganda at mag-aalaga sa mga bagay na Aking nilikha,” ang sabi ng Panginoon.
Nakita Niya ang makapal na lupa. Dumakot Siya at bumuo ng hugis-tao. Isinalang Niya ito sa isang lutuan.
“Kaytagal naman maluto,” ang sabi ng Panginoon. “Mamamasyal muna Ako.”
Habang pinagmamasdan ng Panginoon ang mga puno at halaman, may naamoy Siyang bagay na nasusunog.
Binalikan ng Panginoon ang Kanyang niluluto. Nakita Niyang sunog at maitim na ang lupang hugis-tao.
Ang unang taong ito ang pinagmulan ng lahing itim. Sa lahing ito kabilang ang mga Negro at mga Ita.
Naging maingat ang Panginoon sa paglikha ng ikalawang tao. Dumakot uli Siya ng lupa. Marami at malaki ang lupang dinakot Niya. Inilagay Niya ito sa lutuan. Binantayan Niya ang pagluluto at hindi Niya ito pinatagal. Kinuha na Niya agad ang lupang hugis-tao.
“Puti? Naku, maputlang-maputla,” ang sabi ng Panginoon.
Ang nalikhang ito ng Panginoon ang pinagmulan ng lahing puti. Ditto napabilang ang mga Amerikano at Europeo.
Ibig ng Panginoon na lumikha ng tao na katamtamang laki; ang kulay ay di puti at di itim. Dumakot Siyang muli ng lupa. Katamtaman lamang ang dami. Maingat Niya itong inilagay sa lutuan. Buong tiyaga Niya itong binantayan.
Kaylaking tuwa ng Panginoon!
Kayumanggi ang kulay ng Kanyang nalikha. Hindi itim… hindi puti… hindi sunog… hindi hilaw…
“Salamat,” ang natutuwang sabi ng Panginoon. “Nakalikha din Ako ng taong may tamang laki at kulay.”
Ang huling nilikhang tao ng Panginoon ang pinagmulan ng lahing kayumanggi. Dito kabilang ang mga Pilipino. Piling-pili ang lahing kayumanggi.

Alamat ng Lansones 2
Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan.
Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.
May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.
Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.
Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.
Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.
Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.
Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.
Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones".

Alamat ng Lanzones
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

Alamat ng Makopa 3
Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.
Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.
Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!
Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.
Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon.
Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal.
Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.
Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon.
Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.
"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.
Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming kopa, doon sa makopa."
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.

Alamat ng Makopa 2
Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.
Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang. Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala’y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.
Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito. Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing batingaw. Higit sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang tunawin ito kapagka nakuha nila.
Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: “Tulisan, tulisan ang mga tulisan ay dumarating!” Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang ibinababa ang kampana’t itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw. Ang pari at mga sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang batingaw. Datapwa’t hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputlan sila ng liig. Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.
Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao’y nalungkot pagka’t ang pinakamamahal nilang batingaw ay di nila makita sapagka’t ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong pinatay ng tulisan. Lahat ng mamamayan – bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang nangagsipaghanap. Nguni’t hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid ay naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa’t ang bayan ay nababalot ng kalungkutan.
Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may simbahan ay nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki’y ginto. Isang matandang lalaki ang pumagitna sa mga taong nangaroroon at nagsalita ng, “Habang ako’y natutulog, tila nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento. Ngunit ito’y di ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang.”
Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandali ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at katahimikan sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.
Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-alamang iyon ay kinakain. Ang mga bata’y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng kopa. Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang “Makopa”.

Alamat ng Makopa
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)