Search This Blog

Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Friday, September 12, 2014

Tulang Tanaga - Tula ng panahon ng hapon

Tanaga na Tula ng mga Filipino

Ang TANAGA ay isang uri ng tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata

Magsikhay ng mabuti...

Mga Halimbawa:

KULIGLIG
Siya nga si kuliglig
Lumikha ng himig
Sa pagsapit ng dilim
Musika ng paligid

KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

MATAAS PA
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

SLOW
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

PIPI
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

FILIPINO
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

TANAGA
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.



Wednesday, September 10, 2014

Mga tula sa panahon ng hapon

Tulang Tanaga
Halimbawa ng mga Tulang May Pitong Pantig at apat na taludtod 

1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

---haiku in tagalog 2012




Tuesday, August 12, 2014

Mangyaring Uminom ng Li Bai (701-762) (Tula mula sa China)


Mangyaring Uminom ng Li Bai (701-762) 
 Tula mula sa China

Huwag mong hindi makita ginoo, mula sa langit,
Ang tubig ng Hwang Siya ay sa pamamagitan ng?
Thunders ito at dumadaloy sa dagat,
At magpakailanman ay hindi maaaring makuha.

Para sa iyong buhok, ginoo, huwag mo nararamdaman,
Tulad ng kung ano ang mirror ay magpapakita?
Fine bilang sutla bilang umaga ay maaaring magbunyag,
Ngunit sa gabi, puting bilang snow.

Kapag ang sariling buhay ay nakasakay sa isang tuktok,
Walang revelry mukhang labis.
Huwag hayaan ang iyong oras pumasa,
Nakaharap ang buwan sa isang walang laman na salamin.

Sa mundong ito mangyayari kong maging,
Langit ay makakahanap ng isang layunin para sa akin.
Ang kapalaran ay mabuti lamang para sa paggastos,
Mahalaga sa mas mababa, ito ay bumabalik.

Patayan mga baka, gumawa Maligayang at kumain,
Lahat kami ay dapat uminom ng tatlong daan tasa ng alak.
Master Cen, mahal Dan-Qiu, gaano man,
Uminom ng iyong alak, hindi titigil sa ngayon.

Para sa iyo, Sirs, isang kanta ko makikita awitin,
Ninyo bang ipahiram sa akin ang iyong mga tainga upang ang lyrics:

Karangyaan sa musika at pagkain ay hindi mabibilang,
Umaasa ako na hindi ako lasing nang tuluyan at hindi na tunog.
Banal at sages ay malungkot kalalakihan bilang ng gulang,
Mag-iwan naka-bold ang kanilang mga pangalan lamang ng alak drinkers.

Kapag sabay-sabay sumptuously dined Prince Chen,
Reveling ay ang tanging bagay sa partidong alam.
Ang pagbabakante gallons ng mahalagang mga alak,
Worth nitong timbang sa ginto.

Bilang host ko bale hindi kailanman ang gastos,
Bumili lamang ito at ni uminom na walang pagsisisi ipaalam.
Mahalagang balabal, kahanga-hangang kabayo,
Halika aking pahina, huwag i-pause.
Ibenta ang mga ito para sa aking mga dahilan,

Lunas ng aming walang hanggang pagkawala Hayaan.

Sunday, August 3, 2014

Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

 Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Monday, September 9, 2013

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa - Andress Bonifacio

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
 Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)

ito’y kapalaran at tunay na langit.

Wednesday, August 7, 2013

Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos

Sa Tabi ng Dagat
ni Ildefonso Santos

Manaog ka, Irog at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
Ang daliring garing
Sa sakong na wari’y kinuyom na rosas!

Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isang pilapil
Na nalalatagan
Ng damong may luha ng mga butuin;
Patiyad na tayo
Ay maghahabulang simbilis ng hangin,
Ngunit walang ingay,
Hanggang sumapit sa tiping buhangin.

Pagdating sa tubig,
Mapapaurong kang parang nangingimi,
Gaganyakin kata
Sa nangaroong mga lamang-kati;
Doon ay may tahong
Talaba’t halaang kabigha-bighani,
Hindi kaya natin
Mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdarapit-hapon
Kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Ugatan ang paa
At sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon;
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso
Ay naaagnas ding marahang-marahan.

Thursday, July 18, 2013

Panambitan (Tula/Bikol) Ni Myrna Prado

Panambitan (Tula/Bikol)
Ni Myrna Prado
Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng "PANAMBITAN" ni Myrna Prado


Sa pagsulat ng tula, dapat ay piling-pili ang mga salitang gagamitin. Sa pamamagitan ng mga salitang pinili dapat mapalutang ang matingkad na diwang nais ipahayag ng makata. Napakahalagang sangkap ng tula ang kagandahan at kariktan. Kinakailangan din na ang mga larawang diwa ay pumukaw ng imahinasyon ng mambabasa.

Sa paggamit ng simbolismo at tayutay ay may mga impresyon at kakintalan na maiiwan ang tula sa isipan ng mambabasa. Ang imahismo ay isang teoryang pampanitikan na nagsasaad ng mga imahe na nagpapahayag ng kahulugan.

Sa tulang Panambitan, isang tulang Bicol na isinulat ni Myra Prado na isinalin sa Filipino ni Lilia Realubit ay ito ang kalalabasan ng paglalapat ng teoryang imahismo sa bawat saknong ng tula.


Panambitan (Tula/Bikol)

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
Marami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,
Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.


Mga mahihirap lalong nasasadlak,
Mga mayayaman lalong umuunlad,
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap,
Mga utang-na-loob mula sa mahihirap.


Kung may mga taong sadyang nadarapa,
Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong managana.


Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto

Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

Babang Luksa ni Diosdado Macapagal

Babang Luksa
ni Diosdado Macapagal
Salin ni Olivia P. Dantes ng "PABANUA” ni DIOSDADO MACAPAGAL

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di – malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan akong sawing – kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?

Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda ;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.

Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;

Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.