Pages

Sunday, August 23, 2015

Divine Law o Banal na Batas (Tagalog)

Divine Law Tagalog

Ang “Divine Law” o Banal na Batas ay ang batas na, ayon sa relihiyosong paniniwala ay nagmula ng direkta galing sa Diyos, kung hindi nagmula sa batas ng tao.  (o masasabing pagpapahayag mula sa banal na batas) ito ay malaya mula sa kalooban ng tao, at hindi ito maaaring baguhin ninuman.   Subalit ito ay maaaring nagsisiwalat o hindi, upang sa ganon ay mabago nito ang pananaw ng tao sa tamang panahon sa pamamagitan ng pagpapahayag.  Ang Banal na batas ay ang batas na walang hanggan, sa kadahilanang ang Diyos ay sukdulan o walang katapusan, kaya ang batas na ito ay magpasawalang hanggang at walang katapusan.  

Ayon kay Thomas Aquina’s “Treatise on Law” ang banal na batas, salungat sa likas na batas, ay nagmula sa pagpapahayag o banal na kasulatan, ang biblia bago ang batas, at ito ay kinakailangan para sa ikaliligtas ng tao.   Ayon sa kay Aquina’s, ang banal na batas ay hindi kailanman dapat ikalito sa likas na batas.  Ang Banal na batas ay pinakamahalaga at lahat ng likas na batas, subalit maaari din ito maging tunay na batas.

Saturday, August 22, 2015

Talumpati ng Isang Bobo

TALUMPATI NG ISANG BOBO

Tunay na napakaganda ng sinabi ng pinakamatalino. Base sa palakpakan ng ibang tao, hiyawan at papuri. Nakakasiguro na ng magandang kinabukasan. Maraming parangal na nakasabit sa leeg. Magaling, ikinalulugod sya ng kanyang mga magulang.

Ako habang prenteng nakaupo, nakatingin lang sa entabladong iyon, iniisip kong ako ang naroon at nagtatalumpati.

Pag akyat ko pa lamang ng entablado. Malakas ang tawanan ng nakararami. Ang hagikhikan ng aking mga kasama. Bakit? Kasi ako ang pinakamahina sa klase. Walang kakabakabang nagsalita ako sa harap nila.

"Anim dagdagan mo ng apat at dagdagan pa ng apat. Labing apat lahat, tama.. labing apat na taon akong namuhay sa mundong ito. Row 4 noong elementarya. Sa tuwing may darating na bisita, nasa kasuluksulukan ng silid.  Ang mga matatalino ang nasa unahan. Anong ibig sabihin? Bukod sa bobo, ano pa bang maaari kong isipin? Ikinahihiya?  Bahala na kayo mag isip nyan.  Lagi kong inaalala noon, palakol na nakasulat ng kulay pula, takot akong umuwi ng bahay dahil sigurado pingot na naman ang aabutin sa magulang.

Mataas na paaralan. Nasa kahulihang section.  Bakit? Alam nyo na siguro.  Kami ang mahihina ang utak.  Ang latak. Alam ba ng matatalino ang pakiramdam ng binabalewala ng eskwelahan, ng ibang guro, at ng ibang organisasyon? Sa iba kong mga kasama, siguro balewala, pero sa akin at sa iba?  Wala sa amin ang tsansa noon. Kayo na ang star section.

At ngayon ngang kolehiyo, ilang units din ang ibinagsak ko. Pasang awa ang tinanggap ng aking pagsisikap na hindi nakaabot sa standard ng propesor.  Oo, sermon ang inabot ko sa nagpaaral sa akin, muntikan ng makick out sa unebersidad na ito. Alam ba ng ninyo ang pakiramdam ng isang tulad ko, kung paano sasabihin sa magulang? Ang kaba at ang takot? Hindi diba?... Oo, aminado naman akong kasalanan ko naman. Inaamin ko din na mahina akong umintindi sa mga pinagsasabi ng guro. Pero sa isip ko, kasalanan ba ang kumuha ng pagususulit ng patas? Mas kasalanan siguro ang mandaya sa pagsusulit.. ang nakakuha ng mataas na marka sa paghihiraman ng papel. Sa totoo lamang, hindi naman ako bobo, siguro lang kung ipapaliwanag lang sa akin sa paraang naiintindihan ko ang bawat pagtuturo, baka ilampaso ko ang mukha ng pinakamatalino dito. Hindi ko sinisisi ang aking maga guro.  Pero tingnan nyo din sana ang aspetong ito. Iwasan sana ang magkumapra. Kadalasan naka focus kayo sa husay ng estudyanteng pinakamatalino.

Ako ang bobo sa klase, nagsasalita sa inyong harapan. Wala akong pakialam kung tawanan nyo ako.. Para sa mga katulad kong magtatapos ngayon, ano pa mang ang rason kung bakit puro palakol ang ating grado, kapabayaan man sa pag aaral o hindi, pakinggan nyong lahat ang sasabihin ko. Hindi nila nakikita sa ating mga mahihina sa klase na sa kabila ng mga mabababang marka ng ating classcard, ng kahihiyan idinulot, ng pagtawa ng ating mga kaklase, ng sermon ng ating mga magulang, nanatili pa rin tayo sa unibersidad na ito, bakit? Dahil nananatili sa atin ang pag asa, hindi natin hinayaang mawala ang pangarap na matapos ang karerang inumpisahan. Mas mahirap na pagsubok ang sa atin ay dumaan kumpara sa mga may dunong. Ito ang iniintay natin. Wala man tayong karangalan, pero hawak na din naman natin ang ating inaasam.  Hindi ko na iniisip kung anong kinabukasan meron ang pinakamatalino.. Sigurado na iyan.. Pero sa atin, ano nga bang meron pagkatapos nito.? Tulad ng nangyari ngayon, makakamit din natin ang tagumpay, wag nating aalisin sa ating mga sarili ang pagsisikap, ang  pag-asa.. Subok na tayo sa pagharap sa problema."

"Huy ang lalim ng iniisip mo ah,  ikaw na, tinawag na ang pangalan mo"

"Ha ako na ba?"

Monday, August 17, 2015

Makato and the Cowrie Shell - Short Story from Thailand

Makato and the Cowrie Shell
Thailand

Once upon a time there was a boy named Makato. He was an orphan, and had no friends or family to take care of him. Because he had to make his own living he did all kinds of odd jobs: chopping wood, feeding pigs, clearing and cleaning. He didn't mind to work hard, and despite his small wages he was satisfied with his life.

He was only 4 when his mother passed away, but he remembered some stories she had told about the kind-hearted king of Sukhotai. Ever since he was small he wanted to meet this king. One day, when helping a friend to find food for elephants, he found so many branches that the friend offered him a job to become the assistant of the King's mahout. He worked hard cleaning elephants sheds and finding food. One fine morning Makato's patience and hard work got rewarded: he was to accompany the King's elephant an a parade. As the king mounted the beast, in his splendid, shiny costume, he dropped a tiny cowrie shell. Makato picked it up and held it out to the king. who told him to keep it.

At the time the people of Sukhotai used cowrie shells as money, and although one little cowrie had little value, he wanted to use it wisely. He went to the market to buy seeds, yet quickly realized he could not even buy the smallest bag of seeds, while he noticed a lettuce seed stall.

"Lady, if I dip my finger into this pile of seeds, can I take those that stick to my finger for one cowrie?", he asked. "Well why not", replied the sales lady, amused by his suggestion. Makato carefully scraped the seeds from his finger and planted them, watering the tiny sprouts daily, until the garden was covered in fresh, green lettuce. Proud as he was, he offered to king his first produce.


"Where did you get these, my boy?" the king asked surprised, and Makato told him the story. He king was impressed by so much intelligence and industry that he offered him a fixed position at the palace.

Mga Elemento ng Kabutihang Panglahat

Mga elemento ng kabutihang panglahat.

1. Ang pagglang sa indibidual na tao.

2. Ang tawag na katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

3. Ang kapayapaan.


Mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panglahat

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panglahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

2. Ang indibidualismo, ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o may malaki ang naiambag niya kaysa sa nagawa ng iba.

Prinsipyo ng Subsidiarity

Prinsipyo ng Subsidiarity -  Tulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makakapagpapaunlad sa kanila.

Pampulitika - ang tawag sa pagsasa-ayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ng pantay na karapatan at pamumuhay.

Pagkakaisa - tungkulin ng mga mamamayan na matulungan at pamahalaan ang magtayo ng akmang istraktura upang makapag-tulungan ang mga mamamayan.

Lipunang pampulitika - isang ugnayang nakahukma sa ppananagutan - ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabuong kasaysayan ng pamayanan.

Kultura - tawag sa nabuong gawi ng pamayanan.  ito ay ang mga tradisyong nakasanayan sa pamamaraan ng paggaya at mga hangarin na kanilang pinagbabagayan sa paglipas ng panahon.

Saturday, August 15, 2015

Katangian ng sanaysay

Katangian ng isang sanaysay

Ang isang mahusay na sanaysay ay may isang malakas na panimulang talata na may isang malakas na sanaysay na maaaring Nagtalo, hindi bababa sa tatlong well-naisulat talata na may sumusuportang ebidensya at kapani-paniwala pag-aaral, at isang malakas na talata concluding na kurbatang up ang sanaysay at restates ang thesis sa loob nito.

               
Ano ang katangian ng 2 uri ng sanaysay

May dalawang uri ng sanaysay. Ito ay ang maanyo o pormal at palagayan o di pormal.
Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan. Ang pananalita ay pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral. Seryoso ang ganitong uri ng sanaysay. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o isyu nang Hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at nalalaman. May mga sanggunian o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad.

Ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag. Ang karaniwang layunin nito ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Sa uring ito ng sanaysay, maaring paksain ang balana lalo na ang kaugalian ng Tao sa isang masaklaw na paglalahad. Dahil sa pamamaraang masaya at masigla, ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin.
(mula sa Gintong Pamana Nina L. Nakpil at L. Dominguez)

Iba pang kahulugan ng nga Uri ng sanaysay

Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.

Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
Ito'y Hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.

Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, Tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay.

Katangian ng Nobela

Katangian ng Nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salita
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan

8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

Why concerts are usually done during night time and not during day time?

Why concerts are usually done during night time and not during day time?

Probably because they have to spend the day getting ready for the concert and most people are at work In the day

It is because at night, the land is cooler so, the sound is going down which make more noise. While in day, the breeze is cooler so, the sound is going up which makes less noise.



Thursday, August 13, 2015

Mitolohiya ng Pilipinas - Si Maganda at Malakas

Si Maganda at Malakas

Sinasabing sa simula ay wala pang daigdig at tao; mayroon lamang langit at dagat. Magkasinlawak ang dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging nilalang na nakapagitan sa kanila ay isang ibon.

Walang tigil sa kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at mapagod. Naroon nga ang langit sa itaas ngunit hindi niya ito abot. Naroon nga ang dagat sa ibaba, ngunit hindi naman siya makalapag.

Nag-isip ang ibon kung paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong pabulusok at kumahig nang kumahig sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at walang aptid ang kanyang pagkahig na ikinasaboy paitaas ang tubig.

Nagimbal ang langit. Natiyak na kapag hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay baka umabot sa kanyang dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-alab ang dibdib ng dagat sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na siya ng paraan para mapahinto ito.

Naiisip ng langit na gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak iyon sa dagat upang maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.

Sa mga batong ibinagsak niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang siyang gawing pugad, at saka sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.

Lumapag anga ang ibon sa isang batong pulo ngunit my namataan naman siyang isang bagay na lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya ay masagi at masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang tigil na tinuka ang kawayang may dalawang biyas.

Nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang babae naman sa ikalawa.


Sa dalawang ito nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang tao.

Saturday, August 8, 2015

Panitikan sa Panahon ng Katutubo

Katutubong panitikan



Katutubong sulat ng Mangyan mula sa Mindoro



Pagsusulat ng Mangyan sa kawayan gamit ang Ambahan, ang sariling salin ng baybayin.


Ambahan


Baybayin


Ambahan 



Wednesday, August 5, 2015

Catal Huyuk, ceremonial flint dagger, isang pigurin, obsidian arrow head, mga palamuti mula sa mga bato at buto ng hayop


1.) Ano ang Artifact?
* Ang artifact ay isang bagay na ginagawa, hinubog at ginamit ng mga sinaunang tao.  Mga bagay na naipreserba ng matagal na panahon.

Mural Painting
2.) Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?
* Ipinakita nito ang pakikipag-ugnayan ng mga tao at hayop.  Pinapakita din dito ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga tao sa hayop.  Nagpapakita din ito ng mga pangyayari o kasaysayan na naganap noong unang panahon.

3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang pahanon?
* Upang maipaalala ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalikasan at hayop na mapanatili ang tamang balanse ng mundo. At matutunan ang kasaysayan ng mga sinaunang sibilisasyon.

4.) Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Huyuk?
* Na ang mga tao na namuhay ng sinaunang panahon ay mayroon ng sistema sa kanilang sibilisasyon. Ipinahihiwatig nito na kahit na kulang sa kagamitan ay naipapakita nila ang galling sa sining at pagpapahalaga sa mga nabubuhay na bagay.  

Isang Pigurin
2.)  Ang relihiyon at paniniwala ng catal huyuk ay nakabase sa paligid at ang kanilang pinaniniwalaang diyos na kung kanilang tawagin ay “mother Goddess.”

3.) Upang maintindihan ang ebolusyon ng sibilisasyon ng tao sa parte ng relihiyon.

4.) Meron silang kakaibang paniniwala sa mga bagay bagay at ang pinagmulan ng mga nabubuhay sa mundo.

Ceremonial Flint Dagger
2.) isang uri ng kutsilyo na hindi na ginagamit sa mahalagang seremonyal at ritwal upang ialay ang mga sakripisyo bilang alay noong unang panahon.  Ito ay yari sa flint, ivory at buto.

3.) Para sa karagdagang kaalaman sa archaeology kung paano nagbago sa pagdaan ng panahon at kung paano ito ginamit.

4.) Ipinapakita kung paano nabubuhay at nakagagawa ng mga gamit ang mga sinaunang tao gamit ang mga bagay sa kalikasan.

Obsidian Arrow Head
2.) Ginagamit ito sa paggawa ng mga patalim katulad ng spear sa pangangaso.

3.) Kung paano nila ito nagawa at kung ano ang mga naging bahagi nito sa kanilang buhay.

4.) Na sila ay maparaan at malikhain, ang mga Catal Huyuk.

Mga palamuti mula sa mga bato at buto ng hayop

2.) Palamuti sa katawan kapag bato, anting anting, kapag buto ng hayop, ginagawang kuwintas ng mga hari at reyna.

3.) Para matukoy kung sino ang maharlika, mandirigma at pagkakaiba ng dalawang tribu.

4.) Meron silang sistematikong pananamit at paggamit ng palamuti, lumalabas din ang kanilang pagiging malikhain.

Labing nahukay sa loob ng bahay sa Catal Huyuk

2.) Ang ilan sa mga labi ay hiwalay ang ulo sa katawan at pinipintahan ng mga larawan, maaaring ginagamit nila ito sa mga ritwal bago ilibing ang mga labi sa ilallim ng kama upang mamahinga ng mapayapa.

3.) Upang malaman natin ang kanilang kasaysayan at upang matutunan at maintindihan at mapreserba para sa sususnod na henerasyon.

4.) Na ito ang paraan nila sa paglibing ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

1.)  Ano – ano ang katangian ng Catal Huyuk batas sa inyong ginawang imbestigasyon?
* Sila ay maparaan sa kanilang pamumuhay at pang araw-araw na Gawain, sila rin ay malikhain at may kakaibang paniniwala sa kanilang relihiyon.

2.) Ihambing ang paraan ng pagmumuhay ng mga taga Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang susunod na aspekto:

a. Pang araw-araw na gawain
* Ang mga tao ngayo at ang mga taga Catal Huyuk ay umaangat sa kanilang buhay dahil sa kanilang mga naiimbentong kagamitan.

b. Paraan ng paglilibing
* Sa Catal Huyuk ay inililibing sa loob ng bahay kadalasan ay sa ilalim ng kama, ngunit ngayon ay inililibing sa iisang lugar lamang, ang sementeryo.  Ngunit pareho nila itong nilalagay sa lalagyan ngayon ay sa kabaong, sa Catal Huyuk naman ay sa basket o binabalutan ng tela.

c. Sining
* Noon ay gumagawa sila ng paraan upang maka-ukit, kadalasang sa kweba, yungib ng mga hayop at iba pa.  Ngayon ay madali na lang makagawa dahil sa modernong kagamitan ngunit kahit noon at ngayon ang karaniwang pinipinta ay ang kapaligiran at mga hayop.

d. Pinagkukunan ng pagkain
* Parehong kumukuha ng pagkain ang mga tao sa kanilang kapaligiran noon man o ngayon.  Ngunit noon ay nangangaso pa, ngayon ay maaari mong mabili sa grocery store at mga sari-sari store.