Search This Blog

Thursday, August 4, 2011

Pabula

Pabula

     Ang Pabula ay isang uri ng panitikan na kathang-isip o gawa-gawa lamang, na kung saan ang mga bagay na walang buhay at mga hayop ay gumaganap na tauhan sa isang kwento na nagbibigay- aral.


Kaligirang kasaysayan ng Pabula.

     Si Aesop  (620-564 BC) ay isang manunulat na Griyego na sinasabing sumulat ng maraming mga kuwentong may mabubuting aral, subalit ang kayang pagkatao ay di lubos na nalaman sapagkat wala ni isa man sa kanyang mga sinulat ang naisalba.
Ang mga pira-pirasong detalye ukol sa pagkatao ni Aesop ay makikita sa mga sinaunang nalimbag na mga pangyayari mula kay Aristotle, Herodotus, at Plutarch.  Sa isang sinaunang panitikang nalimbag ay merong tinatawag na “The Aesop Romance” isa sa  nasabing parte ay may inilalahad, na maaaring isang kathang-isip na pahayag ukol sa kanyang buhay, kasama na rito ang pagsasalarawan na siya ay isang pangit na alipin na sa kalaunan ay naging taga-payo ng hari at mga may katungkulan.  Sa kalauanang kuwento siya ay isinasalarawan bilang isang maitim na Etyopyano.   Ang pagsasalarawan kay Aesop sa mga kilalang kultura sa nakalipas na 2500 taon ay kasama sa maraming gawaing sining at ang kanyang itsura bilang isang tauhan sa napakaraming libro, pelikula, pagganap at mga programa sa telebisyon.
Mula sa pagtipon at pagsulat ng mga sinaunang pabula sa kanyang panahon ukol sa mga kalagayan ng lipunan, kalikasan at buhay ng tao, maging ang mga maling gawi ng tao sa lipunan ay kanya ring pinuna.  Itinuro niya ang pakikitungo sa kapwa at tamang pag-uugali.  Bilang isang alipin noong mga panahong iyon, wala siyang karapatan na punahin ang mga maling gawaing ito kaya ginamit niya ang mga hayop bilang tauhan sa kanyang mga kuwento na may mabubuting-aral upang maiparating ang kanyang saloobin.

Ayon sa naitalang bilang ng kanyang mga nagawa, si Aesop ay merong mahigit dalawang daang (200) pabula.  Mula kay Aesop, maraming manunulat ng pabula ang naging tanyag sa daigdig. Ilan rito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes, ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.

Ang paglaganap ng pabula ay nakarating sa ating bansa bago pa ang panahon ng mga Español.  Ang ating mga ninuno ay nakalikha na ng ganitong kuwento na siya nilang ginagamit upang iparating sa maraming tao ang tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.   Ang mga sinaunang pabula ay nagpasalin-saling bibig lamang, at ng matutunan nila ang paraan ng pagsulat, ang mga ito ay naiukit sa mga bato, balat ng punong-kahoy, at mga dahon ng halaman sa pamamagitan ng pinatulis na kahoy at bato, ang ilan sa mga ito ay naisalin sa papel sa kasalukuyan, kabilang na dito ang ilang obra ng ating mga bayani.


Mga Elemento ng Pabula
  1. Tauhan – ang mga hayop o bagay na gumaganap sa kuwento.
  2. Tagpuan – lugar kung saan ito nagyayari.
  3. Aral / Magandang kaisipan – mga mabubuting kaisipan na nagdudulot o nabibigay-aral sa mga mambabasa.
  4. Banghay (Plot) – ang pagkakasunod-sunod o pagbalangkas ng mga pangyayari sa kuwento.



Mga pabula: (i-click po lamang ang pamagat upang makita ang nilalaman)

No comments:

Post a Comment