Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – Kasoy
Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto? - Kasoy
Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong. - Kasoy
Nagbibigay na, sinasakal pa. – Bote
Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao. - Atis
Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. - Mangga
Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal. - Lansones
Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa. - Balimbing
Balat niya'y berde, buto niya'y itim, laman niya'y pula, sino siya? - Pakwan
Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso. - Santol
Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako. - Langka
Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. - Saging
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. - Duhat
Bunga na ay namumunga pa. - Bunga
Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata. - Pinya
No comments:
Post a Comment