Search This Blog

Friday, September 23, 2016

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay

Pagkakaisa Wikang Filipino: Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay


Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete