Karanasan sa Bagyo
Maikling Sanaysay
Matindi ang
pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa ating bansa. Lalung lalo na sa mga
lugar na sakop ng Central Luzon, gaya ng Bulacan. Takot ang nanaig sa akin lalo
na ang mga tao na nasa Hagonoy at Calumpit. Naaburido rin ako sapagkat nawalan
ng kuryente sa aming lugar. Ang mga gawaing akin dapat gagawin sa araw na iyon
ay hindi ko nagawa. Ang lakas ng hangin na taglay ni Pedring ay nakapinsala ng
maraming pananim aming lugar at nakapinsala ng maraming imprastraktura sa ating
bansa. Ang iba ay nawalan ng pag-asa ng makaahon pa sa kalamidad ng kanilang
naranasan. Bunga nito, lungkot naman ang nadama ko para sa kanila. Ngunit ang
mga Pilipino ay sadyang matulungin. Handang mamahagi ng mga bagay na
makatutulong sa kapwa, lao na sa panahon na 'di makaahon sa kahirapang
dinaranas ang mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment