Search This Blog

Friday, September 25, 2015

Two main groups of plants

Two main groups of plants

Vascular plants (from Latin vasculum: duct), also known as tracheophytes (from the equivalent Greek term trachea) and also higher plants, form a large group of plants that are defined as those land plants that have lignified tissues (the xylem) for conducting water and minerals throughout the plant. They also have a specialized non-lignified tissue (the phloem) to conduct products of photosynthesis. Vascular plants include the clubmosses, horsetails, ferns, gymnosperms (including conifers) and angiosperms (flowering plants). Scientific names for the group include Tracheophyta and Tracheobionta.

Vascular plants are distinguished by two primary characteristics:

1. Vascular plants have vascular tissues which distribute resources through the plant. This feature allows vascular plants to evolve to a larger size than non-vascular plants, which lack these specialized conducting tissues and are therefore restricted to relatively small sizes.
2. In vascular plants, the principal generation phase is the sporophyte, which is usually diploid with two sets of chromosomes per cell. Only the germ cells and gametophytes are haploid. By contrast, the principal generation phase in non-vascular plants is the gametophyte, which is haploid with one set of chromosomes per cell. In these plants, only the spore stalk and capsule are diploid.


Non-vascular plants are plants without a vascular system (xylem and phloem). Although non-vascular plants lack these particular tissues, many possess simpler tissues that are specialized for internal transport of water.

Non-vascular plants do not have a wide variety of specialized tissue types. Leafy liverworts have structures that look like leaves, but are not true leaves because they are single sheets of cells with no cuticle, stomata or internal air spaces and have no xylem or phloem. Consequently they are unable to control water loss from their tissues and are said to be poikilohydric.

All land plants have a life cycle with an alternation of generations between a diploid sporophyte and a haploid gametophyte, but in all non-vascular land plants the gametophyte generation is dominant. In these plants, the sporophytes grow from and are dependent on gametophytes for taking in water and mineral nutrients and for provision of photosynthate, the products of photosynthesis.

Non-vascular plants include two distantly related groups:
·   Bryophytes - Bryophyta (mosses), Marchantiophyta (liverworts), and Anthocerotophyta (hornworts). In these groups, the primary plants are the haploid gametophytes, with the only diploid portion being the attached sporophyte, consisting of a stalk and sporangium. Because these plants lack lignified water-conducting tissues, they can't become as tall as most vascular plants.
·   Algae - especially the green algae. Recent studies have demonstrated that the algae actually consist of several unrelated groups. It turns out that common features of living in water and photosynthesis were misleading as indicators of close relationship. Only those groups of algae included in the Archaeplastida are still considered relatives of land plants.

Wednesday, September 23, 2015

Reduccion, Sistemang Pueblo, Principalia, Encomienda, Encomendero, Tributo, Polo y servicios, Inquilino, Cacique

Reduccion – ang sistemang reduccion ay isang paglilipat ng lugar na isinagawa ng mga kastila upang mapadali ang pamamahala sa mga pamayanan.   Ang mga may kapangyarihang kastila ay hinimok ang mga katutubo na tumira malapit sa mga simbahan o sa lugar na maririnig ang tunog ng kampana. Hinimok ang mga tao upang maging kristiyano.

Sistemang pueblo ay tawag sa sistemang bayan na pinapairal noong panahon ng pananakop ng mga Kastila o Espanyol.

Principalia -mga pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan noong panahon ng mga Español. Ito ay yaong mga guro, asendero, mga lider ng pamahalaang lokal, mga maharlika, at mga kaanak ng raja o datu.Sila ang mas makapangyarihan at mas maraming pribilehiyo o karapatan. Tinatawag din silang lipi ng matataas na tao.

Ang sistemang Encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi noong unang yugto ng kanilang pananakop sa Filipinas. Ito ay ipinakilala sa kolonya upang higit na maisaayos ang pamamahala sa kanilang sakop.

Ang Encomendero ang siyang nagpapatakbo ng isang lupain at humahawak sa pangkabuhayan at panininiwala ng mga sakop nito. Ginamit na batayan sa pamamahala nito ang batas ng mga Indies, ngunit dahil sa di wastong pagsunod dito ay nagresulta lamang sa mga pang-aabuso sa mga katutubo. Dahil sa mga pagpapahirap na naranasan sa kamay ng mga encomendero, samu't saring pag-aaklas ang pinangunahan ng mga Filipino. Noong 1674, tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Filipinas at iba pang kolonya ng Espanya.

Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza, mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim.

Ang polo y servicios ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito, ang lahat ng kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na trabaho para sa mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling pampamahalaan at mga pampublikong gusali.

Real compania de Filipinas - na sinimulannoong ika-10 ng marso,1785.isang korporasyon ito na ang pamahalaan ang nagpapatakbo at may puhunang walong milyong piso. layunin nitong patatagin ang kalakalan ng spain at ang mga bansa sa silangan tulad ng mga kompanyang itinatag ng ingland, holland{the netherlands},at france sa mga kolonyang bansa nito.

Inquilino ang tawag sa nangungupahan sa malawak na haciendang pagmamay-ari ng mga prayle(pari). Ang bawat bahagi ng hacienda ay pinauupahan sa mga inquilinato

Cacique ang tawag sa mga namumuno o lider ng mga grupo ng katutubo.

Human conflict

Man vs Man (Human versus Human)
1. Cold War (1945–1991)
2. Hukbalahap Insurgency (1946–1954)
3. First Indochina War (1946–1954)
4. Indo-Pakistani wars and conflicts (1947–present)
5. First Arab-Israeli War (1948–1949)
6. Burmese insurgency (1948-present)
7. Malayan Emergency (1948-1960)
8. Korean War (1950–1953) and Korean DMZ Conflict (1966–present)
9. Mau Mau Uprising (1952–1960)
10. Cuban Revolution (1953–1959)

Man vs. Nature  (Human versus Nature)
1. The Road (2009)
2. Robinson Crusoe (1954)
3. Robinson Crusoe (1997)
4. Runaway Train (1985)
5. Sanctum (2011)
6. Scenic Route (2013)
7. Shackleton (2002 TV Movie)
8. Siberia, Monamour (2011)
9. The Snow Walker (2003)
10. Spring, Summer, Fall, Winter... and Spring (2003)
11. Stalker (1979)

Man vs. society (Human versus Society)
1. The Elephant Man
2. THX 1138
3. 1984
4. V for Vendetta
5. Wuthering Heights
6. Braveheart
7. Malcolm X
8. The Big four
9. Mission impossible
10. The devil wears prada

Man vs God (Human versus God
1. The man who sued God
2. Noah
3. Amadeus
4. Black and Blue

Man vs itself (Human versus itself)
1. Iron Man
2. Jason Bourne
3. James Bond

Thursday, September 10, 2015

Kahulugan ng Opinyon at Katotohanan

Ang OPINYON ay sariling pahayag lamang.

OPINYON - Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.

HALIMBAWA :  Siya ay maganda.

Sa pangungusap na Siya ay maganda,ipinapahayag nito na maganda siya sa tingin ng taong nagsasalita ngunit maaaring sa tingin ng iba ay hindi siya maganda. Ito ay sariling pahayag lamang.

Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo
Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin
Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
Nakatatakot ang mga gagamba.
Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Lahat ng Pilipino ay nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.
Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito
Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.
Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.
Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.
Mura lang ang magbakasyon sa Boracay.
Mabuting libangan ang maglaro ng online games.


Ang KATOTOHANAN ay totoong pangyayari.

KATOTOHANAN - Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

HALIMBAWA : Ang Mt Apo ang pinakamataas na bundok sa pilipinas.
  
Sa pangungusap na ito,ipinapahayag na totoo ang sinasabi sa pangungusap hindi ito opinyon lamang.

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
May pitong araw sa isang linggo.
Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.
Ang gagamba ay hindi insekto.
Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata
Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.
Malaki ang bahay at magagara ang mga kagamitan at sasakyan ng pamilyang Sy.
Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng Shui 2.
Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.
Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre
Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.

Maaaring maglaro ng mga online games sa Internet café. 

Wednesday, September 9, 2015

Mga Elemento ng Balagtasan

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

1. Tauhan

a. Lakandiwa - siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas.Siya rin ang tagapamagitan o taga pagbigay hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa paksa,tikas,tinig at kakayahang umakit sa mga nakikinig.

b. Mambabalagtas - tawag sa taong nakikipagbalatasan o makatang lumalahok dito na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.Makata ang gumagawa ng tula,mga akda at nagwagi na sa larangan ng pagsulat.

c. Manonood - sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan.Ang manonood ay isa sa mga pangangailangan sa ganitong uri ng presentasyon.Ang kahusayan ng mga mambabalagtas at masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa kanila.

2. Pinagkaugalian

a. May sukat - ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.Ngayon nauuso na rin ang moderasyon sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay naging labing-anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay ginagawa itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu.

b. Tugma - tugma ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan.Maari itong maging tugmang ganap na nangangahulugang matatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog.Ang tugmang di ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng patinig ang huling titik naman ay magkaiba.

c. Indayog - tinatawag ding aliw-iw ang indayog.Ito ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod.

3. Paksa - ang paksa ay bagay na pinag-uusupan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito.


4 .Mensahe - ito ang kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan kaakibat ng paksang tinatalakay ang mensaheng nais iparating.

Tuesday, September 8, 2015

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

 Sa ulilang harding pinanggalingan ko
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang Araw
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap
Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?

BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla
Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot
Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan
Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit
At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung dimakita’y din a magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad
Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga
Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.

Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng Araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan
Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

BUBUYOG:
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong
Ay nakayayamot saanman pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t ditto
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang
Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

PARUPARO:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

BUBUYOG:
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.

BUBUYOG:
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.

BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

PARUPARO:
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.

LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

PARUPARO:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.

LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

KAMPUPOT:
Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?

KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:
Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.

LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,
Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,

Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

    1. KAGANAPAN NG PANDIWA Inihanda ni: Gng. Mishelle C. Arintoc
    2. Ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.
    3. Mga Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
    4. 1. Kaganapang Tagaganap Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
    5. Halimbawa: Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
    6. 2. Kaganapang Layon Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
    7. Halimbawa: Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag- aaral, sapangdating ng mga panauhin.
    8. 3. Kaganapang Tagatanggap Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
    9. Halimbawa: Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.
    10. 4. Kaganapang Ganapan Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.
    11. Halimbawa: Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
    12. 5. Kaganapang Kagamitan Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
    13. Halimbawa: Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
    14. 6. Kaganapang Direksyunal Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
    15. Halimbawa: Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
    16. 7. Kaganapang Sanhi Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
    17. Halimbawa: Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.

    18. POKUS NG PANDIWA
    19. Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
    20. Mga Uri ng Pokus ng Pandiwa
    21. 1. Pokus sa Tagaganap/ Aktor Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”. [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]
    22. Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
    23. 2. Pokus sa Layon Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”. [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object.
    24. Halimbawa: Nasira mo ang mga props para sa play.
    25. 3. Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”. [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
    26. Halimbawa: Pinagtaniman namin ang bakuran ng maraming gulay.
    27. 4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na“para kanino?”. [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
    28. Halimbawa: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
    29. 5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”. [ipang- , maipang-]
    30. Halimbawa: Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
    31. Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”. [i- , ika- , ikina-] 6. Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi
    32. Halimbawa: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
    33. 7. Pokus sa Direksyon Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”. [-an , -han , -in , -hin]
    34. Halimbawa: Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Saturday, September 5, 2015

Climate Change (Tagalog) Pagbabago ng Pahanon

Ano ang CLIMATE CHANGE o Pagbabago ng panahon?
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.  Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.  Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1.  Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.  Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs).  ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo.  Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE
·         Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
·         Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
·         Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.


Wednesday, September 2, 2015

Sanhi at Bunga

Sanhi at Bunga

Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "CAUSE".
Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT".

Ibang kasagutan:
Ang SANHI ay ang kadahilanan kung bakit naganap ang isang pangyayari.Karaniwan itong pinangungunahan ng salitang SAPAGKAT,DAHIL at iba pang kauri nito..
Ang BUNGA naman ay pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari..

Ibang kasagutan:

Sanhi- Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari..
Bunga- Ay ang resulta o kinalabasan niyon..

Ang bunga ay ang pinagmulan ng isang pangyayari at ang sanhi naman ay ang kinalabasan o output