Search This Blog

Friday, September 23, 2016

Ang Tunay na Ako - Sanaysay

Sanaysay tungkol sa Aking Sarili...
"Ang Tunay na Ako"
ni Maria Regielyn N. Dequillo

               Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-21 ng Nobyembre, 1997 at kinalakihan ang pangalang, Maria Regielyn N. Dequillo. Lumaki man na hindi kagandahan ang hitsura, hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may mabuting asal mula sa mga pangaral nina Inay at Itay.

            Noon minsan ay ako ay inyong matatanaw --- nakaupo, sa isang sulok sa tabi --- nag-iisa. Huwag kayong magtaka; ganoon lang talaga ako. Ako ay hindi kasi marunong makisama sa ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang-ayon sa mga ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay mahiyain din kaya ako ay hindi marunong humarap at umaliw sa mga taong pumapaligid sa akin. Sa tuwing gumagawa naman ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa, kay noon ay naisip ko na:"Ano pa ang halaga ng aking pakikipag-usap sa kanila, kung ako ay nakakainip o walng silbi kung kausap?". Dahil doon ay napagtanto ko na ako ay iba sa kanila. Marami akong mga nakikita sa aking sarili na ibang-iba kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay hindi ninyo makikita sapagkat ang kaibahan na iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin ngayon ay waring pagpapanggap lamang, dahil alam ko na walang sinuman ang makakatanggap sa tunay na katauhan ko maging mga magulang ko. Sinisikap kong baguhin ang kaibahang ito, ngunit ano pa ang magagawa ko? Ito talaga ako.


               Ngayon, mukha ko ay inyong makikita na parang masayahin, ngunit sa puso'y nakatago, malungkot na damdamin. Aywan ko ba kung bakit ako ganito... ito lang siguro ang tunay na ako.

4 comments: