Search This Blog

Tuesday, October 14, 2014

Karagatan, Duplo, Batutian, Balagtasan

Karagatan - uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.


Duplo - isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula ang paligsahan sa pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.


Batutian (Ingles: satirical joust) ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan. (wiki)

Ang batutian ay hango sa pangalan ng pinakatanyag na man-babalagtas na si Jose Corazon de Hesus alyas "batuteng huse" Kabilang sa mga katangian ng Batutian na lumabas sa magasin noon ang pagtalakay ng siste ang pagtalakay sa kasalukuyan isyu pampulitika o pangkultura ang pagpapa-antig ng damdamin ng mambabasa ang pagpapalitan ng katwirang maaaring taglayin ng magkatunggaling sektor sa pamayanan ng tulaan.


Balagtasan - isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan. (wiki)

Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at usapan.

10 comments: