Ang Unang Lalaki at Unang Babae
(Alamat)
Noong unang-unang panahon, isang ibon lamang ang nakatira sa ating lupain. Sa paglipas ng mga araw, may tumubong dalawang puno ng kawayan. Sa tulong ng hamog at ulan, lumaki at lumago ang mga punong kawayan. Ito ang ginawang tirahan ng ibon.
Minsan, may narinig na mga katok ang ibon mula sa puno ng kawayan.
Tinuka-tuka niya ito. At nabiyak ang kawayan! Lumabas ang isang lalaki.
“Ako si Lalak!” wika ng lalaki.
Muling nakarinig ng katok ang ibon. Tinuka ng ibon ang ikalawang puno ng kawayan. Nabiyak ito at lumabas ang isang babae.
“Ako si Babay!” wika ng babae.
Si Lalak at Baba yang naging unang lalaki at babae sa ating lupain.
No comments:
Post a Comment