Si Pakungo-Adipe ay isang tamad na tao. Ang gusto lang niyang gawin ay humiga at matulog buong araw. Subalit sa isa mang dahilan o anupaman siya ay masuwerte at itong kuwentong ito ang patunay.
Isang araw ay napakasarap ng tulog niya ng may marinig siyang tinig na nagsasabing “Pakungo-Adipen, pakiusap panain mo ako. Panguko-Adipen, pakiusap panain mo ako.”
Siya ay nagising subalit hindi niya pinansin ang tinig. “Pakungo-Adipen, gawin mo, pakiusap panain mo ako” sabi ng tinig. “Pakungo-Adipen, gawin mo pakiusap panain mo ako.”
Nag-aatubili man, idinilat ni Pakungo-Adipen ang isa niyang mata at nakita niya ang isang maliit na ibon na nakadapo sa kalapit na puno. “Ayoko masyado akong pagod para gumawa” sagot ni Pakungo-Adipen at muling natulog.
“Pakunog-Adipen gawin mo pakiusap, panain mo ako” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, gawin mo, pakiusap panain mo ako”
Sa wakes bumangon si Pakungo-Adipen, talagang nainis mula sa kanyang pagbangon sa pagkakahiga. Kinuha niya ang pana, inasinta at pinana ang ibon. Muli siyang bumalik sa higaan at iniwan niya ang ibon sa lugar kung saan ito bumagsak. Pinilit niyang mapikit ang kanyang mata ng muling magsalit ang ibon.
At sinabing, Pakungo-Adipen, damputin mo ako. Pakungo-Adipen, damputin mo ako.” Narinig niya ngunit hindi gumalaw.
“Pakungo-Adipen damputin mo ako” ulit ng ibon “Pakungo-Adipen damputin mo ako.”
“Ako’y abala sa paghahanap ng antok para pumunta at kunin ka,” tugon ni Pakungo-Adipen. “Hindi ako babangon para damputin lang ang isang patay na ibon.”
“Pakungo-Adipen, damputin mo ako,” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen damputin mo ako.” Galit na nagsalita si Pakungo-Adipen, “Hiniling mo sa akin na panain, pinana kita. Ngayon inaasahan mo na lalapitan kita at dadamputin?”
“Pakungo-Adipen, pakiusap, damputin mo ako” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, pakiusap, damputin mo ako.” Sa wakes bumangon si Pakungo-Adipen, dinampot ang ibon at itinapon sa kusina” ngayon, makakatulog na ako ng maayos at tuloy-tuloy,” usal niya habang humihiga at agad na nakatulog.
Subalit muling nagsalita ang ibon sinabi, “Pakungo-Adipen linisin mo ako at lutuin. Pakungo-Adipen pakiusap linisin mo ako at lutuin,” Si Pakungo-Adipen ay nagising at nagwika, “Ano bang problema ng ibong ito? Hindi na ba nito ititikom ang bunganga?” tumanggi siyang bumangon. “Pakungo-Adipen pakiusap linisan mo ako at lutuin, ulit ng ibon. Pakungo-Adipen pakiusap linisan mo ako at lutuin.
“Ano bang ibon ito, hiniling niyang panain ko siya, pinana ko. Hiniling niyang damputin ko siya, dinampot ko. Ngayon naman linisin ko daw siya at lutuin?” Tumayo siya kahit napipilitan, nilinis ang ibon, hiniwa at iniwang kumukulo sa palayok. Muli siyang bumalik sa higaan.
At nang maluto ang ibon muli itong nagsalita “Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot, Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.
Narinig ni Pakungo-Adipen ang ibon ngunit hindi niya ito pinansin. “Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot,” ulit ng ibon. “Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.
Hindi pa rin pinakingan ni Pakungo-Adipen ang ibon.
“Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot sabi ng ibon at inulit-ulit niya ang mga salita hanggang sa maupo si Pakungo-Adipen at sinabing. “Anong klaseng ibon ka ba, iyong totoo? Gusto mong panain kita, pinana kita. Gusto mong damputin kita, dinampot kita. Gusto mong linisan kita at lutuin, ginawa ko. At ngayon inaasahan mong ibabalik kita sa sahig at tatakpan ng kumot? Wala na akong gagawing anupaman!” Sumigaw siya at muling bumalik sa pagtulog.
Subalit nagsalita ulit ang ibon “Pakungo-Adipen pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot. Pakungo-Adipen, pakiusap ilagay mo ako sa sahig at takpan ng kumot.” At sinabi niya ito ng paulit-ulit hanggang si Pakungo-Adipen ay napilitang tumayo at kinuha ang ibon at inilapag sa sahig at saka tinakpan ng malinis na kumot at nang matapos siya sa ginagawa, napabuntung-hininga siya ng malalim at sinabing “Sa wakes, makakatulog na ako.”
“Subalit maya-maya lang ay may narinig siyang tinig na nagsasabing, “Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot.
Si Pakungo-Adipen ay hindi tuminag. Ipinikit niya ang kanyang mata ng mahigpit at nagsimula na siyang himilik, dahil sa mas maganda ang tulog niya kung siya ay humihilik.
“Pakungo-Adipen, pakiusap tanggalan mo ako ng ballot” sabi ng malambing na tinig. “Pakungo-Adipen, pakiusap tanggalan mo ako ng ballot.”
Si Pakungo-Adipen ay tumayo, nagdabog at nagwika, “Anong ibon ka o demonyo? Sinabi mo sa akin na panain kita, pinana kita, sinabi mong damputin ka, dinampot kita. Sinabi mong linisan at lutuin ka, nilinis at niluto kita. Sinabi mong ilagay ka sa sahig at takpan ng kumot. Inilagay kita sa sahig at tinakpan ng kumot. At ngayon inaasahan mong pupuntahan kita at aalisin ng ballot. Wala na akong gagawing iba. Ako’y abala sa pagtulog!”
Pagkasabi, bumalik siya sa higaan at maya-maya pang naghihilik ulit, pero ang boses ay hindi tumigil sa pagsasalita. Nagpaulit-ulit pa ito. “Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap, alisan mo ako ng ballot. Pakungo-Adipen, pakiusap alisan mo ako ng ballot.
“Oh, hindi na talaga ako magkakaroon ng katahimikan sa ibong ito! Usal ni Pakungo-Adipen at tumayo na. dumiretso siya kung saan niya binalot ang ibon. Hinila ang ballot, at sa kanyang pagkagulat, isang maganda at kaakit-akit na panoorin ang tumambad sa kanyang mga mata. Dahil sa sahig nakahiga, hindi ang ibong luto, nilinisan at pinana. Doon sa sahig ay walang ibon. Doon sa sahig nakahiga ang pinakamagandang prinsesa at sa pagkabigla ni Pakungo-Adipen nakalimutan niyang bumalik sa pagtulog at inihimlay sa kanyang bisig ang prinsesa at para tapusin ang aking alamat, nagpakasal sila.
Nagsisisi ako at hindi ko talaga alam kung nagkaroon ng masayang buhay si Pakungo-Adipen at ang prinsesa. Kung talagang pipigain mo ako ng sagot masasabi kong maari dahil ikaw na ang magkakaroon ng magandang asawa sa buhay, maaaring mahiya na si Pakungo-Adipen na matulog ng sobra. Mayroon akong munting agam-agam na maaaring si Pakungo-Adipen ay natutong magtrabaho ng husto at lagi ng gising gayong siya ay may malambing na asawa.
Subalit, iyan ay akin lamang hula.
No comments:
Post a Comment