Trade-off - Opportunity cost - Incentives - Marginal thingking - Kahulugan sa Tagalog
Pagpapalitan (trade–off) - ito ay sa pagpapalitan ng
produkto ng mga ibat-ibang bansa
halaga ng pagkakataon
(opportunity cost sa Ingles) ay ang halaga na ipinapataw sa isang bagay kapalit
ng isa pang bagay para sa may pinagpipilian na hindi magkakaugnay na mga bagay.
Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomika. Ang ideya ng halaga ng
pagkakataon ay may malaking importansiya para siguraduhin na ang mga mahirap na
makuhang yaman ay magagamit ng mas epektibo. Hindi ang halaga ng pera ang itinutumbas
sa halaga ng pagkakataon kung hindi ay ang tunay na halaga; ang halaga na hindi
mo nakuha, ang oras na hindi na maibabalik, ang tuwa o kahit ano pang magandang
bagay na maidudulot nito sayo; ay pwedeng gamitin na basehan para sa halaga ng
pagkakataon.
Mga halimbawa
May isang tao na may P 100. Ang maaring niyang bilhin sa
P100 na iyon ay isang CD o isang T-shirt. Ang halaga ng pagkakataon ng isang CD
ay isang T-shirt at ang halaga ng pagkakataon ng isang T-shirt ay isang CD.
Kung mas marami sa dalawa ang pagpipilian, pareho pa rin ang halaga ng
pagkakataon para sa isang bagay, hindi para sa lahat ng bagay.
Ang isang tao ay piniling mag-tago ng P 5,000 sa bahay niya
kung sakaling may kailangang pag-gastusan. Ipinagkakait niya sa sarili niya ang
interes na maari niyang makuha kung sakaling idineposito niya ang perang iyon
sa bangko. Ang interes na maari sana niyang makuha ay ang halaga ng pagkakataon
ng pagtago niya ng pera sa bahay.
Kung ang isang lokal na pamahalaan ay nagpasya na magpatayo
ng isang silid aklatan sa isang bakanteng lote sa kanilang lungsod, ang halaga
ng pagkakataon dito ay ang mga gusaling hindi na pwedeng ipatayo sa bakanteng
lote na iyon, halimbawa ay isang klinika.
May isang tao na gustong panoorin ang dalawang palabas sa
telebisyon ngunit magkasabay na pinapalabas at walang paraan para mapanood ulit
ang mga programa. Ang halaga ng pagkakataon ng panonood ng programa sa isang
estasyon ay ang hindi niya panonood ng programa sa kabilang estasyon.
Ang incentives ay nakakapagbago sa isang desisyon. Halimbawa, naka-isip ka na ng bibilhin mong pagkain sa tindahan. Nang makapunta ka sa tindahan ay may nakita kang pagkain na mukhang mas masarap at mas mura. Dahil dito, yun na lang ang pagkain na binili mo dahil ito ay mas masarap at mas mura kaysa sa naisip mong bibilhin bago ka pa nakapunta sa tindahan.
Ang marginal thinking
ay ang proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas
makakapag bigay ng pinaka malaking potensyal na balik kaysa sa gastos.
No comments:
Post a Comment