Limang (5) Rehiyon sa Asya
1. HILAGANG ASYA ( NORTH ASIA) • KILALA RIN BILANG CENTRAL
ASIA O INNER ASIA • Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet
Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,
Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa
katawagang Central Asia o Inner Asia.
2. SOUTHWEST ASIA (KANLURANG ASYA) • Sa Kanlurang Asya
matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito
nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at
Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain),
Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
3. SOUTH ASIA ( TIMOG ASYA) • Bahagi naman ng Timog Asya ang
India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang
Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at
Maldives.
4. SOUTHEAST ASIA ( TIMOG-SILANGANG ASYA) • . Ang
Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa
impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay
nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar,
Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor).
5. EAST ASIA ( SILANGANG ASYA) Ang Silangang Asya ay binubuo
ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
No comments:
Post a Comment