Greenland: Taglog - Ang Greenland ay isang malaking Artikong
pulo. Isa itong kasaping bansa ng Kaharian ng Dinamarkang nakalagay sa pagitan
ng Dagat Artiko at ng Dagat Atlantiko, sa silangan ng Kapuluan ng Kanadyanong
Artiko. Mayroon itong populasyon ng 50,000 mga naninirahan o residente lamang
dahil sa malamig na klima. Karamihan sa populasyon ang nakatira sa katimugang
bahagi ng pulo, sa mga baybayin. Ang kabisera ng Greenland ay Nuuk.
Republic of Madgascar: Tagalog - Ang Republika ng Madagascar o Madagaskar ay
isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indiyan, sa labas ng
silangang pampang ng Aprika. Ang Madagascar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa
daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop
sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa
mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at
kanyang mga punong baobab.
Borneo: Tagalog - Ang Borneo ang ikatlong pinakamalaking pulo sa daigdig. May sukat itong
743,330 km² (287,000 mi²), at nasa pusod ng kapuluang Malay at Indonesia. Ang
Borneo ay bahagi ng heograpikong rehiyon ng Timog-silangang Asya.
Mt. Everest: Tagalog - Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na
bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng
dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng
Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro
bawat taon.
Mt.kilimanjaro: Tagalog - Ang Kilimanjaro kasama ang kanyang tatlong
kono, Kibo, Mawenzi, at Shira, ay isang di-aktibong stratovolcano
(strato-bulkan) sa hilagang-silangan ng Tanzania.Ito ay may taas na 4600 metro
mula sa pundasyon nito (at tinatayang 5100 metro mula sa kapatagang malapit sa
Moshi), at ito ang pinakamataas na tuktok sa Aprika sa 5891.8 na metro, na
nagbibigay ng magandang tanawin sa kapatagan at sa paligid nito.
Sahara desert: Tagalog - Ang Sahara, "Ang Dakilang Ilang"
sa diwang "Ang Malaking Ilang) ay ang pinakamalaking maiinit na ilang sa
buong Daigdig. Mayroon itong higit sa 9,000,000 kilometro kwadrado (3,500,000
milya kuwadrado) na lawak, tinatakpan nito ang karamihan ng Hilagang Aprika, na
halos katumbas ang laki sa Estados Unidos o sa lupalop ng Europa. Umaabot ang
ilang mula sa Dagat na Pula, kabilang ang ilang bahagi ng baybayin ng
Mediteraneo, hanggang sa dakong labas ng Karagatang Atlantiko. Sa patungong
timog, hinihiwalay ito ng Sahel: isang sinturon ng medyo-tuyot na tropikal na
sabana na binubuo ng hilagang rehiyon ng gitna at kanlurang Subsahariyanang
Aprika.
Himalayan
mountain range:
Tagalog - Ang Himalaya, nangangahulugang
"tahanan ng niyebe", ay isang bulubundukin sa Asya, na hinihiwalay
ang subkontinenteng Indiyano mula sa Talampas ng Tibet. Sa pagpapahaba, ito rin
ang pangalan ng malawak sistemang bundok na kinabibilangan ng Karakoram, ang
Hindu Kush, at ibang maliliit na bulubundukin na umaabot sa Pamir Knot.
Andres
mountain range:
Tagalog - Ang Bundok ng San Andres
ay isang bulubundukin sa timog-kanluran ng New Mexico na Estado ng Estados
Unidos, sa bayan ng Soccoro, Sierra at Donya Ana. Ang saklaw ay umaabot sa 75 milya (120 km)
mula hilaga hanggang timog, subalit nasa 12 milya (19 km) lamang ang
pinakamalawak. Ang may pinakamataas na
tuktok sa mga bundok ng San Andres ay ang Tuktok ng Salinas na may taas na
8,965 na talampakan (2,733 m).
Arabian
peninsula: Tagalog
- Ang Tangway ng Arabia, Arabia,
Arabistan, at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang
tangway o peninsula sa Timog-Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at
Asya. Isang mahalagang habagi ng Gitnang Silangan ang pook at may isang
importanteng papel na heopolitiko dahil sa kanyang maraming reserba ng petrolyo
o langis at likas na gas. Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ayon
kay Jose Abriol, may pook na Evila o Havilah ang tawag at pinaniniwalaang
tumutukoy sa Arabia.
Scandenavian
peninsula:
Tagalog - Ang Tangway ng Eskandinabya ay isang heograpikong rehiyon sa hilagang
Europa na binubuo ng Noruwega, Suwesya at hilagang bahagi ng Pinlandiya. Ang
pangalang Eskandinabya ay hango sa ngalang Scanaia, isang rehiyon sa
pinakatimog na bahagi ng tangway. Ang tangway ng Scandinavia ay ang
pinakamalaki sa Europa.
Ang relasyon ng tangway ng Scandinavia sa mas
malaking Fennoscandia
Ang tangway ng Eskandinabya ay ang
pinakamalaking tangway sa Europa. Ito ay humihigit kumulang na may 1,850
kilometro (1,150 milya) ang haba na may lawak na may iba't-ibang kasukatan sa
pagitan ng 370–805 km (230-500 mi).
No comments:
Post a Comment