Elehiya sa Sundalo
Sundalo ng kapayapaan
Sundalo ng kagitingan
Sundlo ng pagkapantay-pantay
Sundalong subok na ang tibay
Sa gitna ng laban humahanay
Ang mabuhay o sa mamatay.
Sa pamilya'y nagawang tumalikod
Sukdulang lisanin sariling bakod
Upang ikaw lang ay makapaglingkod
Bagama't maliit lang ang sahod
Sa laot ng digma ay gumaod.
Sumulong, matapang na mandirigma
Barilin silang mga libugha
Kaaway ng bayan dapat mapuksa
Dugo'y dumanak sa sariling lupa
Mapa-kalahi man o 'sang banyaga.
Ah, sundalong buhat sa anak-pawis
ng dugo mo ang laging natitigis
Habang mataas na puno'y bungisngis
Nas harap ka at nagigiyagis
Sa mga kalabang ubod ng bangis.
Ngunit kanino ka nga ba nakikipaglaban
'Di ba't sa tulad mong iniluwal sa kahirapan?
Na adhika'y baguhin ang patakaran
Anila'y sistema ng kabulukan
Na nagpapalugmok sa sambayanan.
Ngunit ikaw adika mo ay kanino?
Para ba sa bayan o sa iilang tao?
Ano'ng itataga mo sa bato?
Mga adobe't tigas ng prinsipyo
Dumudurog sa bayag n'ya't bayag mo.
Sa bayan ano ang tanging pangarap?
Para sa ngayon at sa hinaharap
Niyayakap mo an glambong ng ulap
Sa digmaan na wala ng sasaklap
Na likha ng pagkakawatak-wtak.
Salamat, sundalong taga-pagtanggol
Habang natutulog kaming tila sanggol
Habang unti-unti kang nasusukol
Kawal na palaging napaparool
Sa digmaang malaon ng sumibol.
Ngayong ganap ng nasalanta ikaw
Lupang uhaw dugo mong titighaw
Dinig pa balang umaalingawngaw
Digmaan ay sadyang 'di huhulaw
Hangga't kapangyariha'y 'di naaagaw.
No comments:
Post a Comment