Search This Blog

Tuesday, August 22, 2017

Tradisyon sa Visayas

Tradisyon sa Visayas

Kaugalian
Ang Kuratsa ay isang tradisyonal Sayaw ng panliligaw kung saan ang lalaki ay lalapit at susuyin ang babae sa isang anyo ng isang sayaw. Ito ay nangangahulugan ng ang panliligaw sa pagitan ng mga tandang at inahing manok. Ang Kuratsa ay mataas na napaboran sa pamamagitan ng mga Bisaya mga tao, higit sa Waray, ang rehiyon sa silangang bahagi ng Visayas.  Ito ay ipinapakita sa bawat mahalagang okasyon sa komunidas

kaugalian sa panliligaw ngayon noon sa panahon ng mga ninuno natin ang pagtatagpo ng babae at lalaki ay hindi pinapayagan. gawain ng lalaki sa tahanan ng babae 1. magsibak ng panggatong 2. mag-igib ng tubig 3. tumulong na magkumpuni ng bahay at kung anu-ano pang pipagagawa ng mga magulang ng babae. inaabot ng ilang buwan, at minsan taon, ang paninilbihan nito sa tahanan ng babaing nais ligawan. bigay-kaya 0 dote ito'y maaaring pera ginto o bagay na mahalaga ang semonya ng kasalan ay dinaraos sa pamumuno ng  BABAYLAN o KATALONAN. sa Visayas , ginagamit sa ligawan ang betel nuto buyo na ginagawang nganga. antas sa lipunan antas sa lipunan tatlong uri ng tao sa lipunan ng luzon maginoo
-maaaring ihambing natin sa mayayaman at makapangyarihan sa kasalukuyan. malayang mamamayan
-maharlika at timawa-
maaari silang ihambing sa gitnang uri ng kasalukuyang panahon sa ating bansa. alipin
dalawang uri ng alipin
aliping namamahay
aliping saguiguilid kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino

Pagdiriwang
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.
Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de Leyte.

Sinulog Festival - Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.
Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol.

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.
Kasaysayan
Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling.

Ang Pista ng Binirayan ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Antique tuwing katapusan ng Abril bilang paggunita sa pagsapit ng sampung datu ng Borneo sa Malandog, Hamtic, Antique noong ika-13 siglo. Isa ring itong pagkilala sa lahing Malayo bilang ninuno ng mga katutubong mamamayan ng Antique.
Kasaysayan
Kaiba sa mga pista sa Kabisayaan na nagpapakita ng debosyon o pananalig sa banal na Santo Niño, ginugunita sa pagdiriwang na ito ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Antique. Sa Pista ng Binirayan, muling binabalikan at isinasadula ang Alamat ng Maragtas na nagsasalaysay sa pagdaong ng sampung datu mula sa Borneo sa Sapa ng Sirwagan.
Sa Borneo, isang mapagmalupit na pinuno ang naghahasik ng lagim sa kanyang nasasakupan – si Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay palihim na nagbalak ng isang pag-aaklas laban kay Makatunaw sa pamumuno ni Datu Paimburong. Kasama ni Paimburong sa kanyang balakin ay sina Datu Bangkaya (kilala sa kanyang katalinuhan, pasensya at kahusayan sa sandatahan) at si Datu Sumakwel (dalubhasa sa paglalayag at sa aral ng Hindu, Shri-Vijaya at Ehipto). Noon ay malaki ang pangamba ni Paimburong na ang kanyang asawa na si Pabalunan ay maging biktima rin ng pagnanasa at katakawan ni Makatunaw sa pag-uulayaw. Ngunit sa halip na magbuwis ng mga buhay, mas pinili ni Datu Sumakwel na tumakas na lamang at mamalagi sa isang malayong isla at doon ay magtatag ng kanilang pamayanan. Kasama ang kanilang mga asawa, anak, alipin at konseho ay napagkasunduan nilang bagtasin ang karagatan sakay ang plotilya na biniday hanggang sapitin nila ang isla ng Panay.

Ati-atihan Festival - Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.



Thursday, August 17, 2017

Palawan Musical Instruments


Musical Instruments Name of Instrument Material used Description Classification

Pa’gang                      Made of bamboo Polychordal bamboo zither         Chordophone
Tubuldu                     Made from bamboo Bamboo zither Chordophone
Kudlong                    Made of bamboo Boatlike flute Chordophone
Kudyapi                     Made of wood Wooden guitar Chordophone
Babarak                     Made of bamboo Small ring flute Aerophone
Suling                         Made of bamboo             Banded flute Aerophone
Aruding                     Made of metal               Jaws harp                                    Aerophone
Beberek                     Made from bamboo        Nose flute Aerophone
Tipanu                        Made from bamboo         Mouth flute Aerophone
Lantoy                       Made from bamboo        Nose flute Aerophone
Gimbal Made of animal skin (Lizard) Long and narrowed drum Membranophone
Agung Made of bronze /metal    Big gong                                    Idiophone
Babandil Made of bronze /metal Small narrowed gong                Idiophone
Tiring Made from bamboo Bamboo xylophone                    Idiophone
Sabanang Made from bamboo Bamboo tube                              Idiophone
Lamping Made from wood Small wooden stick                    Idiophone