WALANG
SUGAT
(Ni Severino Reyes)
Unang Bahagi
1 Tagpo
(Tanggapan
ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)
Koro:
Ang karayom kung iduro
Ang
daliri’y natitibo,
Kapag
namali ng duro
Burda
nama’y lumiliko
Julia:
Anong dikit, anong inam
Ng
panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na
kay Tenyong na pangalan.
Koro:
Ang karayom kung itirik
Tumitimo hanggang dibdib
Julia:
Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng
kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
Sa
rikit ng pagkagawa
Mga
kulay na sutla,
Asul,
puti at pula.
Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na
ako’y nagpapahatid
Isang
matunog na halik.
Koro:
Ang karayom kung iduro
Ang
daliri’y natitibo.
Hoy
tingnan ninyo si Julia
Pati
panyo’y sinisinta.
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang
huwag daw mapulaan
Ng
binatang pagbibigyan
Ang
panyo pa’y sasamahan
Ng
mainam na pagmamahal.
At ang
magandang pag-ibig
Kapag
namugad sa dibdib
Nalilimutan
ang sakit
Tuwa ang
gumigiit.
Mga
irog natin naman
Sila’y
pawang paghandugan
Mga panyong
mainam
Iburda ang
kanilang pangalan.
Julia:
Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong
ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng
kaniyang tunay na lingkod.
Koro:
Nang huwag daw mapulaan
Ng
binatang pagbibigyan
Ang
panyo pa’y sasamahan
Ng
mainam na pagmamahal.
Salitain
Julia:
Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).
II
TAGPO
(Tenyong at
Julia…)
Tenyong:
Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…
Julia:
Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari,
nakakahiya.
Tenyong:
Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…
Julia:
Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong:
(Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y
nilalik na
maputing
garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.
Julia: Huwag
mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong:
(Nagtatampo) Ay!…
Julia: Bakit
Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong:
Masakit sa iyo!
Julia: (Sarili)
Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang
tabong
tubig!
Tenyong: Ay!
Julia:
(Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang
bastidor).
(Sarili)
Lalo ko pang pagagalitin.
Tenyong:
(Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako;
Hindi na
ako
nagagalit…
Julia:
Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong:
Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat
mong ilimbag
sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia: Hindi
ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong:
Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay
Flores.
Julia:
Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong:
Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa
Among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong:
Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?
Julia: Oo
nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.
Tenyong:
Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol
sa
mga taong
iyan at madaling magpanting ang tainga ko.
Julia:
Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo
at
magkikiskis
ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).
Tenyong:
Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko
sinilaban, ay…
sinungaling
ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).
Musika No.
2
Julia: Huwag
mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa
pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.
Julia: Hindi
maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang
si Juliang iniirog mo.
Tenyong:
Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia: Oh,
Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong:
Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa
akin
kusang
mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…
Tenyong:
Julia ko’y tuparin adhikain natin.
Julia:
Tayo’y dumulog sa paa ng altar.
Tenyong:
Asahan mo.
Sabay: Di
mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling
mo oh!
(Tenyong)
niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay…
(Lalabas
si Juana).
III
TAGPO
(Tenyong,
Julia, at Juana mamaya’y Lukas)
Salitain
Juana:
Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at
si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas:
Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!
Tenyong: Napaano
ka, Lukas?
Lukas:
Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong:
Diyata dinakip si Tatang?
Lukas: Opo
Tenyong:
Saan kaya dinala?
Lukas: Sa
Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong:
Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang.
Juana:
Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina
Juana,
Julia, at
Lukas).
Tenyong: Oh,
mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib,
ay
tinutunungan
kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot
mo sa amin
ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas.
(Telong
Maikli)
Kalye
IV
TAGPO
(Musika)
Koro at
Lukas
Lukas: Tayo
na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro: Dalhan
sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae:
Naubos na ang lalaki.
Lahat ng
Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
Lukas:
Marami pang lalaki.
Lahat ng
lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat
ng
bagay…
Lahat ng
Babae:(Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di
namin
kayo
kailangan.
Isang
Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang
Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.
Isang Babae:
Asawa’y paroroonan.
Isang Babae:
Anak ko’y nang matingnan.
Lahat. Tayo
na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap
na
pagkain.
Mga Babae:
Tayo na, tayo na.
Lahat:
Sumakay na sa tren.
Mga Lalaki:
Doon sa estasyon.
Lahat: Ating
hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas
ang telong maikli)
V TAGPO
(Bilangguan
sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga
rehas).
SALITAIN
Relihiyoso
1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…
Marcelo:
Mason po yata, among
Relihiyoso
1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat
maraming K,
cabayo
K.
Marcelo:
Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso
1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K,
na lahat
ng C
pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso
2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay
daragdagan ng
rasyon.
Marcelo:
Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso
1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain,
hindi, ano
sa akin
kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na
sinasabi
ko sa iyo ay
ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo:
Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang
magsidaing;
isang linggo
na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso
2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan
kaban
an rasyon?
Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo:
Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y
lima ng
kaban, at
makalima po isang araw.
Relihiyoso
2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526
(binibilang sa
daliri).
Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat
po, among!
Relihiyoso
1.0:Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo:
Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso
1.0:Bakit ganoon? (gulat)
Marcelo:
Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
Relihiyoso
1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig
daw makita
si Kapitan
Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.
Marcelo:
Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa
kapapalo, at
ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa
pagkakagapos.
Relihiyoso
1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo:
Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso
1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo
ay araw-araw
papaluin at
ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting
tulugan,
ha?
Marcelo:
Opo, among.
(Sa
mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
Relihiyoso
2,3,4:Si, si, hemos traido.
Relihiyoso
1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo:
Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso
1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso
2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit
ka mumurahin?
Juana:
Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban:
Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa
hirap,
noong araw
kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin
ng mga
prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman
kaming
kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip
na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang
pakunwari at
pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana: Totoo
po ba ang sabi mo.
P. Teban:
Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin
niyong
kaming mga
pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Juana: Bakit
dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban:
Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay!
Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…
Julia: Alin
po ang malapit na?
Miguel:
Ang…ang…ang…
Julia:
(Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo:
Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel:
Ay…salamat (tuwang-tuwa.)
Julia:
(Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano
ba ang sinabi mo?
Miguel:
Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala
ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel: Sinabi
ko pong malapit na…
Tadeo:
Malapit na ang alin?
Miguel:
Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po
nasagutan…
Tadeo:
Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…
Relihiyoso
1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas
ang mga dalaw).
VI
TAGPO
(Mga
Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso
1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi
ko
sa Alkalde
na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na
ng mabuting
tulugan…
Putin:
Salamat po, among.
Relihiyoso
1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming
pawalan,
lahat ang
mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo,
among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi
at ang mga ibang lalaki).
Relihiyoso
1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el
tren
la Estacion
de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los
ricos e
ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso
2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si,
si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).
VII
TAGPO
(Sila rin,
wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Putin:
Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong:
Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan,
huwag
pong
maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus
pa
ngang
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng
mga
ito ang
pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok
si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Putin: Inggo
ko!
Tenyong:
Tatang!
Julia:
Kaawa-awa naman!
Tenyong:
Mahabaging Langit!
Musika
Tenyong: Ang
dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga
tinalian,
lipos na ng
sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng
ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong
lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, ama
kong ibig,
asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo
ng
prayle isa
sa kikitil.
Salitain
Tenyong:
Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…
Inggo: Huwag
na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan… Tayo’y
maghihiwalay
na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin,
ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa
kanila… Ang
kaluluwa ko’y inihain ko na ka’y Bathala.
Adyos
mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y inyong patawarin…
Naluoy na
yata ang puso ng mga Kastila.
Tenyong:
Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap?
(Dito
lamang ang
pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)
Musika No.2
Tenyong:
Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga
tinalian,
lipos na ng
sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng
ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong
lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong
ibig, asahan
mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle,
isa sa
kikitil.
Julia:
Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata
lahat
ng niyang
laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.
(Mga Babae
at Lalaki)
Di na
kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.
Tenyong:
Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong
hunghang…ang
awa’y nilimot sa kalupitan…
Lalaki’t
Babae: Wari mukha nang bangkay…
Tenyong:
Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t
naghihingalo…
Tatang, tatang…
Putin: Inggo
ko…Inggo…
Tenyong:
Patay na!
(Mangagsisihagulgol
ng iyak)
Telong
Maikli
VIII
TAGPO
(Sila ring
lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong
nangakagapos).
Salitain
Putin:
Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang
buong
katawan ko!
Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,
Tenyong,
hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si
Putin ay mapapahandusay).
Tenyong:
Langit na mataas!
(Papasok
lahat)
IX
TAGPO
(Tenyong at
mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga
kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa: Ako’y
mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako
ma’y mayroon din.
Tenyong:
Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa:
Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?
Tenyong: Oo,
walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin
daw
nila sa
Heneral na tayo’y pagbabarilin na.
Isa: Mga
tampalasan.
Isa pa:
Walang patawad!
(Nang
mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).
Julia:
Tenyong, Tenyong!
Tenyong:
Julia!
Julia:
Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba
nalalaman mong
sa kaniya’y
walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay
walang lunas
kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong:
Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang
ay
kakalingain
mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa
bagay, na
ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo
nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang
lalaking
kamukha mo
ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang
umalis!
Tenyong:
Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga
kapatid, Julia,
tumutugtog
na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang
anak; ang
Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib
ko’y
tumitimo ang
nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “Mga
anak ko,”
anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami.
Oras na,
Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang
taong
sinasangayad;
hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagimlagim na
kaalipin.
Julia: Wala
akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin
ang
garantilyang
may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang
larawang
ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma,
kung siya’y
masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y
masaktan,
pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan
ng
masaganang luhang sa mata’y nunukal.
Tenyong: Sa
Diyos nananalig.
Julia: Puso
ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong:
Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia:
Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang
ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Julia:
Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.
Tenyong:
Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata
sa
pakikianib
sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking
itatago sa
loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa
mga sakuna,
ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako’y
lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di
ikamatay.
Tenyong:
Juliang aking sinta!
Julia: Oh,
Tenyong ng buhay!
Tenyong:
(Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).
Julia:
(Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok)
X
TAGPO
(Tugtuging
nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang
sigawan sa
loob. Mga
prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa
loob.
Mga lahi ni
Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko –
Perdon!
Walang
utang-na-di
pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na
sasama sa
tren).
Telon
Wakas ng
Unang Bahagi
Ikalawang
Bahagi
I
TAGPO
(Bahay ni
Julia)
Julia at
Juana
Salitain
Juana:
Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama,
sila’y
pagpapakitaan
ng mainam.
Julia: Kung
pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana: Bakit
ba ganyan ang sagot mo?
Julia: Wala
po!
Juana: Hindi
naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano
pa
ang hangarin
mo?
Julia: Ako
po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang
hinahangad
ko po ay…
Juana: Ay
ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia: Ang
tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana:
(Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong
pusupuso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may
lalaking
mangingibig
ay tinatanggap ng mga mata at tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa
isip at di
na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso
sa
panahong ito
ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y
nagpapahingala’y
na…
Julia:
Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana:
Siyang tunay!
Julia: Ako
po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil
sa tapat na
udyok ng aking puso.
Juana:
Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.
Julia: Wala
po!
Juana: Kung
wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan
mong sarili
ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa
ka rin
lamang…ay kung mapasa-moro, mapasa-Kristiyano na!
Julia:
(Sarili) Moro yata si Tenyong!
II
TAGPO
(Julia at
Monica)
Salitain
Julia: Monicaaaaaaaaaa,
Monicaaaaaaaaaa.
Monica: (Sa
loob) Pooo!
Julia:
Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon
ka kay Kulas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…
Monica: Opo
(Papasok)
III
TAGPO 16
(Julia,
mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni
Julia
Oh, Tenyong
niyaring dibdib,
Diyata’
ako’y natiis
Na hindi mo
na sinilip
Sa ganitong
pagkahapis.
Ay!
Magdumali ka’t daluhan,
Tubusin sa
kapanganiban,
Huwag mo
akong bayaang
Mapasa ibang
kandungan.
Halika,
tenyong, halika,
At baka di
na abutin
Si Julia’y
humihinga pa…
Papanaw,
walang pagsala!
At kung
patay na abutin
Itong iyong
nalimutan
Ang bangkay
ay dalhin na lamang
Sa malapit
na libingan.
Huling samo,
oh Tenyong,
Kung iyo
nang maibaon
Sa malungkot
na pantiyon,
Dalawin
minsan man isang taon.
Salitain
P. Teban:
(Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t napakalumbay lamang…
Julia:
(gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y
nangagsirating…kahiyahiya po.
P. Teban:
Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Julia:
Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).
P. Teban:
Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong
kang
pumili,
Miguel.
Tadeo: Ako,
among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap.
(Lalabas
si
Juana).
Juana: Aba,
narito pala ang among! Mano po, among!
P. Teban:
Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?
Juana:
Mabuti po, among.
Tadeo: (Kay
Miguel) Lapitan mo.
Miguel: Baka
po ako murahin ah! 17
May
manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit
dungo.
Payo ni
Aling Juana:”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa
puso” Tutol si
Julia kay
Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang
ukol sa
anak at
pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni
Lukas.
Si
Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni
Lukas
ang kuta
nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay
ng inang si
Kapitana
Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang
sulat ngunit
nagkaroon ng
labanan.
Ikatlong
Bahagi
Sinabi
ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham.
Nagbilin
lamang ito
na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si
Tenyong
naman ang
nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.
Si Tadeo
na ama ni
Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.
Kinabukasa’y
ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na
tumakas
upang
pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya
walang
nalalabi kay
Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan
ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel
ay
buong lakas
nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman
sa
sama ng loob
ang kanyang ina.
Sa
simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na
sugatan.
Ipinatawag
ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
Kinumpisal
ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila
ni
Julia ay
makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin
sa huling
kahilingan
ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si
Tenyong.
Napasigaw si
Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.
No comments:
Post a Comment