Search This Blog

Friday, July 19, 2013

Tulong Aralin

ARALIN 22
Dates:
Mayo 6, 1942 – natuluyang napasakamay na ng mga hapon ang pilipinas.
Agosto 9, 1944 – sumalakay ang mga amerikano sa davao.
Oktubre 20, 1944 – nakabalik sa pilipinas si Hen. Douglas MacArthur bilang pagtupad niya sa kanyang pangakong babalik. Dumaong siya kasama ng kanyang mga sundalo sa golpo ng leyte. Dalawang pangkat ng CENTRAL PHILIPPINE ATTACK FORCE ang sumugod.
Oktubre 24, 1944 – nagkaroon ng malaking digmaan sa dagat. (naging matagumpay ang mga                    
amerikano sa labanang ito)
Oktubre 26, 1944 – natapos ang malaking digmaan sa dagat.
Enero 9, 1945 – lumusob ang hukbong amerikano sa golpo ng lingayen
Pebrero 3, 1945 – nabawi ng mga amerikano ang lingayen sa mga hapones.
Marso 7, 1945 – natapos ang digmaan sa Europa.
Hulyo 5, 1945 – ipinahayag hi hen. MacArthur ang kalayaan ng buong pilipinas sa bansang hapon.
Agosto 6, 1945 – binomba ng mga amerikano ang Hiroshima.
Agosto 9, 1945 – binomba ng mga amerikano ang Nagasaki.

Kaganapan:
3 mahahalagang nagawa ng mga gerilya:

* sinalakay at pinatay ang mga sundalong hapones.
* nangalap at nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa lihim militar ng mga hapones sa bansa.
* pinanatili nila ang pag-asang kasarinlan.

Inilipat ni pangulong quezon ang pamahalaang commonwealth sa Washington kasama ang kayang pamilya at si Sergio Osmena

650 na barko ang dala ni MacArthur kasama si Osmena pabalik sa pilipinas

Sinugod agad ng mga tangkeng pandigma ang UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS upang palayain ang mga amerikano at pilipinong bilanggo.

Dahil sa sunod-sunod na pagkatalo, ibinuhos ng mga hapones ang kanilang galit sa mga mamamayan. Sinunog nila ang mga bahay sa mga lungsod, nilipol nila angmga sibilyan, at pinagbabaril at binayoneta ang mga tao, kasama ang mga bata.

Natapos ang digmaan sa Europa noong  MARSO 7, 1945. Sa araw na iyon , sumuko sa ALLIED FORCES ang ALEMANYA. Ito ang tinatawag na VICTORY DAY(V-DAY) o ARAW NG TAGUMPAY sa Europa. Sa kabila ng lahat, ang digmaan sa pacific ay nagpatuloy pa rin

BATTLE OF BULLS O LABANAN SA GOLPO NG LEYTE – ito ang pinakamatinding labanang naganap sa tubig sa buong mundo na naganap noong IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.nailigtasnito ang leyte, pati na ang mga kawal ni HENERAL MACARTHUR.

REAR ADMIRAL J. B. OLDENDORF – pinamumunuan niya ang TASK FORCE ng AMERIKANO.


Sa pag-aagawan sa LOOK NG LEYTE, sinalakay ng mga EROPLANONG AMEREKANO at CONVOY NG ALLIED FORCES ang puwersang hapones na papalapit sa KIPOT NG SAN BERNARDINO.hinadlangan nila ang bomba ang barkong hapones papunta sa kipot ng san Bernardino. pinalubog nila ang dalawang CRUISERS at isang DESTROYER ng hukbong hapones.

HUKBALAHAP (hukbong bayan laban sa mga hapones)
Ito ay pinamumunuan nina LUIS TARUC,


Pinagbintangang espiya ng mga hapones.nang litisin ang kanilang kaso,napatunayang nagkunwari lamang sila na sumanib sa mga hapones upang maiwasan ang higit pang kahirapan at kamatayan ng nakararaming Pilipino. Dahil dito,napawalang sala din sila. Sila ay tinawag na:
KOLABORADOR - Jose P. Laurel
                              - Claro M. Recto
                              - Jorge Vargas
at JOSE BANAL. Ang mga kasapi nito ay mga magsasakang handing mangalaga  sa katahimikan ng bayan.
Naging marahas ang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga hapones.daan-daang hapones ang kanilang pinatay.naging dahilan ito upang higit silang katakutan ng mga hapones kaysa sa mga sundalo

MAKAPILI
Mga pilipinong naging espiya at nakipagtulungan sa mga hapones, kahit na hindi sila naglingkod sa pamahalaang hapones. Sila ang tinawag na MAKAPILI. Itinuro nila ang mga taguan at himpilan ng mga gerilya.

MGA NANGUNA SA MGA PAGLABAN BILANG NG MGA GERILYA SA:
LUZON: Guillermo P. Nakar
               Bernard Anderson
               Marcos Agustin
               Eleuterio Adevoso
MOUNTAIN PROVINCE:
CEBU: James Cushing
PANAY: Macario Peralta
NEGROS: Salvador Abcede
BOHOL: Ruperto Ingeniero
             : Carlos P. Garcia
LEYTE: Ruperto Kangleon
COTABATO: Salipada Pendatun

NANG TULUYANG BUMAGSAK SA KAMAY NG HAPON ANG PILIPINAS NOONG MAYO 6, 1942, HINDI SUMUKO ANG LAHAT NG MGA SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO SILA AY PATULOY NA LUMABAN BILANG MGA GERILYA. ANG IBA AY NAGTAYO NG KILUSAN NA KANILANG TINAWAG NA HUKBALAHAP NA ANG IBIG SABIHIN AY HUKBONG BAYAN LABAN SA MGA HAPONES.
SA LOOB NG MAHIGIT  4\APAT NA TAON, NAPASAILALIM ANG PILIPINAS SA KALUPITAN NG MGA SUNDALONG HAPONES.NAPAKARAMING TAO ANG MGA NAPATAY AT MGA ARI-ARIANG NAPINSALA. ANG PANAHONG ITO AY TINAWAG NA PANAHON NG KADILIMAN DAHIL SA KALUPITANG DINANAS NG MGA PILIPINO NOON.
ARALIN 23 – ANG PAGTATATAG NG BANSA

DATES:
Mayo 13, 1942-Oktubre 3, 1944 – NAGTAGAL ANG PAMAHALAANG COMMONWEALTH SA ESTADOS UNIDOS.
Agosto 1, 1944 - NAMATAY SI MANUEL L. QUEZON SA SARANAC LAKE, NEW YORK DAHIL SA TUBERCULOSIS\TUBERKULOSIS.
Pebrero 8, 1945 - NAIBALIK ANG KABISERA NG COMMONWEALTH SA PILIPINAS.
Abril 8, 1945 - PAGBUO NG BAGONG GABINETE AT PAGTATATAG NG MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN.
Agosto 1 1944 - Mayo 27, 1946-ANG ADMINISTRASYON NI OSMENA.

MGA KAGANAPAN:
Nang tumakas si pangulong manuel quezon mula sa Corregidor patungong amerika, ang pamahalaang commonwealth ng pilipinas ay inilipat sa Washington, USA. Patuloy itong kumilos sa kabila ng pananakop ng mga hapones sa pilipinas.

Upang mapanatili si pangulong quezon sa panunungkulan, nagpalabas ng JOINT RESOLUTION NO. 5 ang kongreso ng estados unidos.ang panunungkulan niya na dapat lamang sana ay hanggang DISYAMBRE 30, 1940 ay pinahaba hanggang sa panahong wala na ang mga hapones sa pilipimas.ngunit sa kasamaang palad, namatay si MANUEL L. QUEZON.si pangalawang pangulong Sergio osmena sr. ang pumalit sa kanya bilang pangulo ng commonwealth.

Sa isang seremonyang ginanap sa malacanang palace, ibinalik ni Heneral Macarthur kay pangulong osmena ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin ng pamahalaang commonwealth ayon sa saligang batas.ipinahayag ni Heneral Macarthur ang pagatatag ng pamahalaang commonwealth sa pilipinas.

Dahil sa laki ng pinsala ng nagdaang digmaan, naging napakahirap ng tungkuling ginampanan ni pangulong osmena. Agad iniutos ni osmena ang pagtatatag ng dating mga tanggapan at kawanihan ng pamahalaan. Pinulong niya ang kongreso at nagmungkahi ng mga nararapat gawin. Binuo niya ang mga kagawad ng kanyang bagong gabinete. Muli rin niyang itinatag ang COUNCIL OF STATE.

Nagbalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan. Nagkaroon  ng mga bagong tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan ng bayan. Ang mga talaang pamahalaanat mga kuwenta ng pananalapi ay kanyang ipinaayos. Pinaimbentaryo niya ang mga halaga ng mga ari-ariang napinsala ng digmaan. Sa tulong ng halagang $81,000 na ibinigay ng pamahalaang amerikano, sinimulan agad ang pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira ng digmaan.

Itinatag muli ang mga hukuman upang matugunan ang mga pangangailangan ng hudikatura. Binuksang muli ang KATAAS-TAASANG HUKUMAN, COURT OF INDUSTRIAL RELATIONS at ang PUBLIC SERVICE COMMISION. Muli ring itinatag ang mga PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PANLUNGSOD at PAMBAYAN.

Mga Suliranin:
naging mabigat na suliranin ang isyu ng KOLABORASYON para kay pangulong osmena, lalo na nang ipinahayag ni PANGULONG FRANKLIN DELANO ROOSEVELT ng ESTADOS UNIDOS na aalisin at ititiwalag ang lahat ng tunulong sa pamahalaang hapones.

Upang malutas ang isyu ng kolaborasyon, itinatagni pangulong osmena ang HUKUMANG BAYAN o PEOPLE’S COURT. Ito ang nangasiwa sa paghaharap ng kaso laban sa mga mamamayang nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga hapones.

Isa si Manuel Roxas sa mga narapatangan ng pagtulong sa mga hapones. Napawalan siya ng sala dahil sa tulong ni Heneral Macarthur.ikinatwiran nilana ginawa lamang ni roxas iyon upang makaiwas sa karahasan na maaaring idulot ng kanilang pagtanggi sa malulupit na sundalong hapones

Nang sumunod na halalan si osmena ang sinuportahan ng mga dating magsasakang lumaban sa mga hapones dahil sa poot nila sa pakikipagtulungan ni roxas sa mga hapones. Si Roxas ang sinuportahan ng amerika. Siya ang nagwagi bilang bagong pangulo ng pilipinas noong 1946.

Patuloy na kumilos sa Washington, USA. Ang pamahalaang commonwealth ng pilipinas kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng mga hapones.
Nanungkulan si quezon bilang pang ulo ng commonwealth hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa kanya si pangalawang pangulong osmena.


ARALIN 24 – SA SIMULA NG IKATLONG REPUBLIKA

PAMAHALAAN NI ROXAS

HULYO 4, 1946 – PAGKAMIT NG PILIPINAS NG KALAYAAN MULA SA ESTADOS UNIDOS.
MARSO 11, 1947 – PAGSASAGAWA NG PAGBABAGONG SALIGANG BATAS.
MARSO 16, 1948 – PAGBABAWAL SA KILUSANG HUKBALAHAP.
ABRIL 15, 1948 – PAGKAMATAY NI PANGULONG ROXAS DAHIL SA ATAKE SA PUSO.
ABRIL 18, 1947 – NATULOY ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG PILIPINAS SA TSINA.

ANG PATAKARAN NI PANGULONG ROXAS AY IBINATAY SA PANINIWALANG ANG KATATAGAN NG BANSANG PILIPINAS AY NAKASALALAY SA PAKIKIPAGKAIBIGAN SA ESTADOS UNIDOS. ITO ANG NAGING DAHILAN KUNG BAKIT NAGING MALAPIT ANG ATING BANSA SA ESTADOS UNIDOS NOONG MGA PANAHONG IYON. NAGING LUBHANG MABIGAT ANG GAWAIN NI PANGULONG ROXAS DAHIL SA MGA SULIRANING IDINULOT NG DIGMAAN. GAYUNPAMAN, BUONG SIKAP NIYANG HINARAP ANG MGA SULIRANING ITO UPANG MAGKAROON NG BAGONG BUHAY ANG BANSA.

MGA SULIRANIN:
*pagsasaayos sa kabuhayan na naging mahirap dahil sa pagkasira ng mga daan, tulay, bahay, gusali, paaralan, aklatan,    museo at iba pa..bukod pa ang sa kalakalan.
*kawalan ng katiwasayan at kaayusan
*dumami ang mga masasamang-loob sa maynila
*nanatili pa ang mga HUK sa mga lalawigan sa kabila ng pagtatapos ng digmaan.
*mababang moralidad ng lipunan
*maraming maling gawi at taliwas na pagpapahalaga at pag-uugali ang natutunan ng mga pilipino noong panahon ng hapon

NAGBIGAY NG TULONG ANG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS NG $120 000 000 PARA SA PAGPAPAGAWA NG MGA GUSALI, TULAY, AT DAAN. NAGBIGAY DIN ANG ESTADOS UNIDOS NG $75 000 000 UPANG PATATAGIN ANG PANANALAPI NG BANSA. NAGBIGAY DIN ANG ESTADO UNIDOS NG $25 000 PARA GAMITING PANUBOS SA MGA KASULATANG GINAMIT NG MGA GERILYA. IBINIGAY RIN ANG HALAGANG $1 BILYON NA SURPLUS NG MILITAR NG AMERIKA. PINAUTANG NG ESTADOS UNIDOS ANG PILIPINAS NG HALAGANG $60 000 000 SA PAMAMAGITAN NG US RECONSTRUCTION AND FINANCE CORPORATION (RFC).

DALAWANG PROGRAMA NI ROXAS:
*PAGPAPALAKI NG PRODUKSIYON
*MULING PAGKAKAROON NG INDUSTRIYA

IPINAYO NG MGA DALUBHASA SA EKONOMIYA NG PHILIPPINE-UNITED STATES AGRICULTURAL MISSION NOONG 1947 ANG PAGGAMIT NG MGA MAKINARYA AT MGA SIYENTIPIKONG PARAAN NG PAGSASAKA DAHIL SA KAKULANGAN NG HAYOP NA GAGAMITIN. NGUNIT HINDI GAANONG GINAMIT ANG MGA MAKINARYA UPANG HINDI MAWALAN NG PAGKAKAKITAAN ANG MGA TAO. ANG HATIAN SA ANI AY PITUMPUNG BAHAGDAAN (70%) SA MAGSASAKA AT KASAMA AT TATLUMPUNG BAHAGDAN (3O%) SA MAY-ARI NG LUPA.

UPANG MATULUNGAN ANG MGA TAO AT PRIBADONG KORPORASYON NA MAKAPAGBAGONG BUHAY, ITINATAG ANG REHABILITATION FINANCE CORPORATION (RFC) NA SA NGAYON AY KILALA BILANG DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES. ITO AY NAGPAUTANG NG PUHUNAN SA MALILIIT NA MANGANGALAKAL AT SA MGA TAONG NAIS MAGPAGAWA NG SARILING BAHAY.

BELL TRADE RELATIONS ACT – ITINADHANA NITO ANG MALAYANG KALAKALAN NG DALAWANG BANSA SIMULA 1945 HANGGANG 1954 NA WALANG QUOTA NA DAHIL SA KALAKALAN NA ITO, NALUGI ANG PILIPINAS.

MAY ISANG TADHANA SA BATAS BELL ANG HINDI NAGING MAKATARUNGAN SA MGA PILIPINO. ITO ANG PARITY RIGHTS. NAGBIGAY ITO NG KARAPATAN SA MGA AMERIKANO SA PAGTOTROSO, PAGPAPAUNLAD SA LAHAT NG LUPAING AGRIKULTURAL AT LIKAS NA YAMAN, GAYUNDIN SA PAMAMALAKAD NG MGA PAGLILINGKOD NA PAMBAYANNG PILIPINAS. TUTOL ANG MARAMING PILIPINO RITO, NGUNIT HINDI PAGKAKALOOB NG ESTADOS UNIDOS ANG TULONG NA PANANALAPI KUNG HINDI NILA ITO TATANGGAPIN. DAHIL SA KONDISYONG IBINIGAY, SUMAG-AYON NA RIN SILA KAYA’T KINAILANGAN AMYENDAHAN ANG SALIGANG BATAS NG 1935 TUNGKOL SA PAGLINANG NG LIKAS NA YAMAN NG BANSA. MATINDI ANG PAGTANGGI NINA CLARO M. RECTO AT JOSE P. LAUREL NGUNIT NANAIG PA RIN ANG PANGAKONG KAUNLARAN NI ROXAS KUNG SASANG-AYUNAN ITO KAYA PINAGTIBAY NG MGA PILIPINO ANG PARITY AMENDMENT.

LIMANG LINGGO BAGO MAMATAY SI ROXAS, IPINAGBAWAL NIYA ANG KILUSANG HUKBALAHAP NA NAGING HUKBONG MAPAGPALAYA NG BAYAN (HMB) DAHIL SA GINAWANG ITO NI PANGULONG ROXAS, TUMANGGING KILALANIN NG UNYONG SOBYET O USSR ANG KALAYAAAN NG PILIPINAS. ITO ANG PATUNAY NA HINDI PA MALAYA ANG PILIPINAS.

NG BANSANG PILIPINAS AY NAGKAROON NG UGNAYANG DIPLOMATIKO SA MGA BANSANG EUROPEO TULAD NG FRANCE AT ITALY.

^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^**^

PAMAHALAAN NI QUIRINO

ABRIL 17, 1948 – SIMULA NG PANUNUNGKULAN
 NI ELPIDIO QUIRINO.
ABRIL 28, 1948 – MATINDI ANG PANLILIGALIG NG MGA HUK (pinaslang ng mga HUK si GNG. AURORA A. QUEZON, ang biyuda ni pangulong quirino.)
JUNE 21, 1948 – TINANGGAP NG MGA HUK ANG AMNESTIYA NG PAMAHALAAN.
AGOSTO 30, 1951 – US-RP MUTUAL DEFENSE TREATY.
MARSO 21, 1947 – ITO ANG TAON NA NILAGDAAN ANG UNANG KASUNDUAN NA MILITARY ASSISTANCE AGREEMENT.

NANG MANUNGKULAN SI ELPIDIO QUIRINO BILANG PANGULO NGA BANSA, BINIGYANG-DIIN NIYA ANG PANGANGAILANGANG MAGKAROON NG PAGKAKAISA ANG MGA PILIPINO. LAYUNIN NIYANG MGAKAROON NG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN ANG BANSA AT MAPANUMBALIK ANG TIWALA NG BAYAN NA LUBHANG NAWASAK DAHIL SA MALAGANAP NA MGA KATIWALIAN SA PAMAHALAAN, TULAD NG CHINESE IMMIGRATION, SURPLUS WAR PROPERTY, AT SCHOOL SUPPLIES SCANDAL.

MALALA ANG SULIRANIN SA KABUHAYAN NG ATING BANSA SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PANGULONG QUIRINO. NAGHIGPIT NA SA PAGBIBIGAY NG MGA TULONG ANG ESTADOS UNIDOS. BUKOD DITO, INAKUSAHAN PA ANG PILIPINAS NA NAGLUSTAY NG $2 BILYONG TULONG NA IBINIGAY NG ESTADOS UNIDOS.

NAGING MALUBHANG SULIRANIN PARA SA PAMAHALAANG QUIRINO ANG PANLILIGALIG NG MGA HUK. INANYAYAHAN NI PANGULONG QUIRINO SI TARUC SA MALACANANG.MATAPOS ANG KANILANG USAPAN, IGINAWAD NI PANGULONG QUIRINO ANG MALAWAKANG AMNESTIYA SA LAHAT HALOS NG MGA KASAPI NG HUKBALAHAP. BILANG KAPALIT NG AMNESTIYA, PUMAYAG SILANG MAGPATALA AT ISUKO PATI ANG KANILANG MGA SANDATA SA PAMAHALAAN SA LOOB NG 50 ARAW.

BINIGYAN SI TARUC NG KATUNGKULAN SA PAMAHALAAN. IBINIGAY ANG LAHAT NG SAHOD NIYA SA PANUNUNGKULAN. NGUNIT MAKALIPAS ANG TAKDANG 50 ARAW, KAKAUNTI LAMANG ANG MGA NAGSUKO NG MGA SANDATA GAYUNDIN ANG MGA NAGPATALA. SA KABILANG DAKO, INISAHAN NG MGA HUK NA PAHIHINTULUTAN SILANG MAGDALA NG SANDATA.

PRESIDENT’S ACTION COMMITTEE ON SOCIAL AMELIORATION (PACSA) – TUNGKULIN NITO AY PUNTAHAN ANG MGA BIKTIMA NG MGA HUK AT MAGBIGAY NG MGA PAGKAIN,GAMOT, AT DAMIT SA MGA MAMAMAYANG NAPINSALA NILA.

DAHIL SA NANGYARING PAGPASLANG SA ASAWA NI QUIRINO, HINIRANG NI QUIRINO SI RAMON MAGSAYSAY, ISANG KONGRESISTA MULA SA ZAMBALES AT DATING GERILYA BILANG KALIHIM NG TANGGULANG BANSA (NATIONAL DEFENSE)

ECONOMIC DEVELOPMENT CORPORATION (EDCOR) – NAGBIGAY NG MGA TIRAHAN AT LUPAING PANSAKA SA MGA NAGSISUKONG MGA HUK.

NANG MAHULI NG HUKBONG SANDATAHAN AT NG MGA PULIS-MAYNILA ANG UTAK NG HUK NA SI JOSE LAVA, TULUYANG NANGHINA NA ANG KILUSAN.

AGRICULTURAL CREDIT COOPERATIVE FINANCING ADMINISTRATION (ACCFA) – TINUTULUNGAN ANG MGA MAGSASAKA UPANG IBENTA ANGKANILANG MGA ANI.

LABOR MANAGEMENT ADVISORY BOARD – ITO AY ITINATAG UPANG MAGING TAGAPAYO NG PAMAHALAAN TUNGKOL SA USAPING PAGGAWA.

MILITARY ASSISTANCE AGREEMENT – ITO ANG KASUNDUANG UNANG NILAGDAAN.

NAGBUKAS NG UGNAYANG DIPLOMATIKO ANG PILIPINAS SA BANSANG ESPANYA, ARGENTINA, NASYONALISTANG TSINA, THAILAND, PAKISTAN, INDONESIA, KOREA, AT HAPON. NGUNIT TUMANGGI ANG PILIPINAS NA KILALANIN ANG LAOS, KAMPUCHEA (NGAYON AY CAMBODIA), AT VIETNAM. NAGPAHAYAG SI PANGULONG QUIRINO NG “BUKAS NA ISIPAN” SA UGNAYANG DIPLOMATIKO SA KOMUNISTANG CHINA.

IDINEKLARA NG ATING BANSA ANG PAG-AANGKIN SA SABAH DAHIL AYON SA MGA TAGAPAGMANA NG SULTAN NG SULU, KANILA ANG LUPAIN SA HILAGANG BORNEO. NGUNIT WALANG NANGYARI SA PAG-AANGKIN NA ITO, LALO NA NANG MAHALAL SI CARLOS P. ROMULO NA PANGULO NG PANGKALAHATANG KAPULUNGAN NG SAMAHAN NG MGA NAGKAKAISANG BANSA (UNITED NATIONS) NOONG 1949. SI ROMULO ANG KAUNA-UNAHANG ASYANONG HUMAWAK NG TUNGKULING ITO.

ARALIN 25 – MGA PAGSISIKAP UPANG UMUNLAD

PANUNUNGKULAN NI MAGSAYSAY:

DISYEMBRE 30, 1953 – PANUNUMPA SA PANUNUNGKULAN NI PANGULONG RAMOS F. MAGSAYSAY.
PEBRERO 19, 1955 – PAGKABUO NG SOUTHEAST ASIA TREATY ORGANIZATION O (SEATO).
MAYO 9, 1956 – NAGBIGAY ANG HAPON NG REPARATION SA PILIPINAS.
MAYO 17, 1957 – PAGKAMATAY NI PANGULONG MAGSAYSAY DAHIL SA ISANG “PLANE CRASH”.
MAYO 16, 1954 – SUMUKO ANG SUPREMO NG MGA HUK NA SI LUIS TARUC.
ANG PAG-AAYOS NG KABUHAYAN SA BANSA AT KATATAGAN NG KARANIWANG MAMAMAYAN ANG UNANG BINIGYANG-PANSIN NI MAGSAYSAY.

LAGING NAKABIHIS NG BARONG TAGALOG SI PANGULONG MAGSAYSAY. NAPANTANYAG NIYA ANG PAGSUSUOT NG BARONG TAGALOG. UNA NIYANG BINIGYANG-PANSIN ANG PAGPAPAUNLAD NG KABUHAYAN NG MGA KARANIWANG MAMAMAYAN. KINILALA SIYA BILANG “KAMPEON NG MASANG PILIPINO”.

PRESIDENTIAL COMPLAINTS AND ACTION COMMITTEE (PCAC) – NAGING DAAN ITO PARA MAGKAROON SILA NG BOSES SA PAMAHALAAN.

LAND TENURE REFORM LAW – ITINAKDA NG BATAS NA ITO ANG PAGHAHATI-HATI NG MGA MALALAKING LUPA O HACIENDA NA BINILI NG PAMAHALAAN SA MGA HACIENDERO.

FARMER’S COOPERATIVE MARKETING ASSOCIATION (FACOMA) – NAKAUTANG DITO ANG MGA KASAPI NG ACCFA KAYA’T NAGKAROON SILA NG PUHUNANG PAMBILI NG SARILING KALABAW, PUNLA, PATABA, AT IBA PANG KAILANGAN SA PAGSASAKA.

NABIGYAN NG KARAPATAN ANG MGA MANGGAGAWA SA BISA NG MAGNA CARTA NG PAGGAWA NA MAKIPAGTAWARAN SA MGA EMPLOYER.

COMMISSION ON NATIONAL INTEGRATION – UPANG MAGKAROON NG HIGIT NA PAGKAKAISA ANG MGA PILIPINO, LALO NA ANG MGA NABIBILANG SA MGA PANGKAT INDIGENOUS.

REPARATIONS AGREEMENT – ITO AY NAGTALAGA NG HALAGANG $800 MILYON BILANG KABAYARAN NG MGA HAPONES SA LOOB NG DALAWAMPUNG TAONG PANANAKOP NILA SA PILIPINAS.

PINIRMAHAN NG MGA KINATAWAN MULA SA AUSTRALYA, FRANCE ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA, NEW ZEALAND, PAKISTAN, THAILAND, INGLATERA AT PILIPINAS ANG KASUNDUAN NA TINAWAG NA MANILA PACT.

NABUO ANG SOUTHEAST ASIA TREATY ORGANIZATION (SEATO) NA MAY WALONG ORIHINAL NA MIYEMBRO NG MANILA PACT NOONG PEBRERO 19, 1955. HINDI SUMAPI RITO ANG INDONESIA, BURMA, MALAYSIA, AT INDIA. SA NGAYON, KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN) ANG INDONESIA, MALAYSIA, THAILAND SINGAPORE, BRUNEI, MYANMAR, VIETNAM, CAMBODIA, LAOS, AT PILIPINAS. LAYUNIN NITO ANG MAPAUNLAD ANG KULTURA AT KABUHAYAN NG MGA BANSANG KASAPI.

PANUNUNGKULAN NI GARCIA:

PANGUNAHING LAYUNIN NI PANGULONG GARCIA ANG MAGKAROON NG MATIPID AT MAAYOS NA PAMUMUHAY.

AUSTERITY PROGRAM – LAYUNIN NITO ANG MAGKAROON NG KATAMTAMANG PAGGASTA ANG PAMAHALAAN, HIGIT NA PAGGAWA, PAMUMUHUNANG KAPAKI-PAKINABANG AT PAGLILINGKOD NANG MATAPAT AT KASIYA-SIYA.
PILIPINO MUNA O FILIPINO FIRST POLICY – AYON DITO,BINIGYAN MUNA ANG MGA PILIPINO NG PAGKAKATAON NA MAKAPAGPAUNLAD NG KABUHAYAN NG BANSA.

FILIPINO RETAILER’S FUND ACT (1955) – NAGPAPAUTANG SA MGA PILIPINO.

NATIONAL MARKETING CORPORATION (NAMARCO) – NAGTUTUSTOS SA MGA MALILIIT NA PILIPINONG MANGANGALAKAL.

NAGKAROON DIN NG MGA LIMITASYON SA MGA INSTALASYONG MILITAR NG ESTADOS UNIDOS SA BANSA. KABILANG DITO ANG CLARK FIELD AIR BASE, SANGLEY POINT NAVAL BASE, SUBIC BASE, AT CAMP JOHN HAY. NAPAGKASUNDUAN NG MGA PILIPINO AT AMERIKANO NA MAGLAGAY NG MGA MISSILE SA DALAWANG BASE BILANG PANANGGA SA SINUMANG DAYUHAN NA SASALAKAY SA DALAWANG BANSA.

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete