Ang
dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula
sa pamamagitan ng panonood.
Gaya
ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat
ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag naiskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na
dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa
isang iskrip.
Sangkap ng dula
- Tagpuan – panahon at pook kung
saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
- Tauhan – ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;
ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula
- Sulyap
sa suliranin –
bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang
dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya
sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
- Saglit
na kasiglahan –
saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
- Tunggalian – ang tunggalian ay
maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid,
at tauhan
laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian ang isang dula
- Kasukdulan – climax sa
Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian
- Kakalasan – ang unti-unting
pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
- Kalutasan – sa sangkap na ito
nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit
maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig
ng mga manonood
Elemento ng Dula
- Iskrip
o nakasulat na dula –
ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
- Gumaganap
o aktor –
ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila
ang nagbibigkas
ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula
- Tanghalan – anumang pook na
pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan
ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
- Tagadirehe
o direktor –
ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng mga tauhan hanggang sa paraan
ng pagganap
at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa
iskrip
- Manonood – hindi maituturing na
dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood
ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Eksena at tagpo
Ang eksena ay
ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama’y
ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa
dula.
No comments:
Post a Comment