Babang Luksa
ni Diosdado
Macapagal
Salin ni
Olivia P. Dantes ng "PABANUA” ni DIOSDADO MACAPAGAL
Isang taon
ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon
lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa
akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang
di – malilimutan.
Kung ako’y
nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko
ang ating paggiliw;
Tuwa’y
dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita
kong tayo’y magkapiling.
Kung minsan
sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan
unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t
bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y
hinahanap ikaw.
Sa matandang
bahay napuno ng saya
Sa araw na
iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang
saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit
ko’y ang aking hininga.
Bakit ba,
mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan
akong sawing – kapalaran
Hindi mo ba
talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon
mo’y para ring namatay ?
Marahil
tinubos ka ni bathala
Upang sa
isipa’y hindi ka tumanda ;
At ang larawan
mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling
maganda at bata.
Sa paraang ito
kung nagkaedad na
Ang puting
buok ko’y di mo makikita
At ang larawan
kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan
taglay na tuwina
At dahil nga
rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang
matapos ang kabataan,
Itong alaala
ay lalaging buhay,
Lalaging
sariwa sa kawalang-hanggan.
Kaya, aking ,
mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo’y
nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating
pagsintang masidhi’t marangal
Hindi
mamamatay, walang katapusan
Ang kaugalian
ng ninuno natin
Isang taon
akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang
puso ko’y sadyang maninimdim;
Hanggang
kalangitan tayo’y magkapiling.
No comments:
Post a Comment