Alamat ng Ahas – Alamat mula sa
Thailand
Sa gubat, tinuruan ng
isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol
sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga
ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.
Matapos ang kanilang
pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang
kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan
at sa mabuting layunin lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan,
naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay
pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol
ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.
Isang araw, ang mga
ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling.
Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat
ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si
elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay
napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong
palay.
Narinig ng guro ang
ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya
tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay
hinanap niya ang mga ahas.
Nang makita ng guro ang
mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit
ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at
nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng
guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga
ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula
noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na
rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat
para dito.
Simula noon ay
gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan
ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay
naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang
pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.
Thanks a lot....
ReplyDeleteWho is the author ??\
ReplyDeleteganda nito thanks sa author
ReplyDeletesinong author?
ReplyDeletewho's the author
ReplyDeleteWho's the translator and the original author?
ReplyDeleteWhos the translator??
ReplyDeleteWhos the author. I really need it ryt now
ReplyDeletewhos the author
ReplyDeleteSan nanggaling to SA Thailand na
ReplyDeleteSo nice
ReplyDeletewhat could be the lesson on this story?
ReplyDeletesino ang nag sulat?
ReplyDelete