Si Maganda at
Malakas
Sinasabing sa simula ay
wala pang daigdig at tao; mayroon lamang langit at dagat. Magkasinlawak ang
dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging nilalang na nakapagitan sa
kanila ay isang ibon.
Walang tigil sa
kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at mapagod. Naroon nga ang
langit sa itaas ngunit hindi niya ito abot. Naroon nga ang dagat sa ibaba,
ngunit hindi naman siya makalapag.
Nag-isip ang ibon kung
paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong pabulusok at kumahig nang kumahig
sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at
walang aptid ang kanyang pagkahig na ikinasaboy paitaas ang tubig.
Nagimbal ang langit.
Natiyak na kapag hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay baka umabot sa kanyang
dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-alab ang dibdib ng dagat
sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na siya ng paraan para
mapahinto ito.
Naiisip ng langit na
gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak iyon sa dagat upang
maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.
Sa mga batong ibinagsak
niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang siyang gawing pugad, at saka
sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.
Lumapag anga ang ibon
sa isang batong pulo ngunit my namataan naman siyang isang bagay na
lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya ay masagi at
masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang tigil na
tinuka ang kawayang may dalawang biyas.
Nabiyak ang kawayan. Sa
unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang babae naman sa ikalawa.
Sa dalawang ito
nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang tao.
Sino sumulat?
ReplyDeletemalay ko🤣
ReplyDeleteNilagay sana kung sinong sumulat.
ReplyDelete