Search This Blog

Wednesday, August 5, 2015

Catal Huyuk, ceremonial flint dagger, isang pigurin, obsidian arrow head, mga palamuti mula sa mga bato at buto ng hayop


1.) Ano ang Artifact?
* Ang artifact ay isang bagay na ginagawa, hinubog at ginamit ng mga sinaunang tao.  Mga bagay na naipreserba ng matagal na panahon.

Mural Painting
2.) Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?
* Ipinakita nito ang pakikipag-ugnayan ng mga tao at hayop.  Pinapakita din dito ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga tao sa hayop.  Nagpapakita din ito ng mga pangyayari o kasaysayan na naganap noong unang panahon.

3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang pahanon?
* Upang maipaalala ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalikasan at hayop na mapanatili ang tamang balanse ng mundo. At matutunan ang kasaysayan ng mga sinaunang sibilisasyon.

4.) Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Huyuk?
* Na ang mga tao na namuhay ng sinaunang panahon ay mayroon ng sistema sa kanilang sibilisasyon. Ipinahihiwatig nito na kahit na kulang sa kagamitan ay naipapakita nila ang galling sa sining at pagpapahalaga sa mga nabubuhay na bagay.  

Isang Pigurin
2.)  Ang relihiyon at paniniwala ng catal huyuk ay nakabase sa paligid at ang kanilang pinaniniwalaang diyos na kung kanilang tawagin ay “mother Goddess.”

3.) Upang maintindihan ang ebolusyon ng sibilisasyon ng tao sa parte ng relihiyon.

4.) Meron silang kakaibang paniniwala sa mga bagay bagay at ang pinagmulan ng mga nabubuhay sa mundo.

Ceremonial Flint Dagger
2.) isang uri ng kutsilyo na hindi na ginagamit sa mahalagang seremonyal at ritwal upang ialay ang mga sakripisyo bilang alay noong unang panahon.  Ito ay yari sa flint, ivory at buto.

3.) Para sa karagdagang kaalaman sa archaeology kung paano nagbago sa pagdaan ng panahon at kung paano ito ginamit.

4.) Ipinapakita kung paano nabubuhay at nakagagawa ng mga gamit ang mga sinaunang tao gamit ang mga bagay sa kalikasan.

Obsidian Arrow Head
2.) Ginagamit ito sa paggawa ng mga patalim katulad ng spear sa pangangaso.

3.) Kung paano nila ito nagawa at kung ano ang mga naging bahagi nito sa kanilang buhay.

4.) Na sila ay maparaan at malikhain, ang mga Catal Huyuk.

Mga palamuti mula sa mga bato at buto ng hayop

2.) Palamuti sa katawan kapag bato, anting anting, kapag buto ng hayop, ginagawang kuwintas ng mga hari at reyna.

3.) Para matukoy kung sino ang maharlika, mandirigma at pagkakaiba ng dalawang tribu.

4.) Meron silang sistematikong pananamit at paggamit ng palamuti, lumalabas din ang kanilang pagiging malikhain.

Labing nahukay sa loob ng bahay sa Catal Huyuk

2.) Ang ilan sa mga labi ay hiwalay ang ulo sa katawan at pinipintahan ng mga larawan, maaaring ginagamit nila ito sa mga ritwal bago ilibing ang mga labi sa ilallim ng kama upang mamahinga ng mapayapa.

3.) Upang malaman natin ang kanilang kasaysayan at upang matutunan at maintindihan at mapreserba para sa sususnod na henerasyon.

4.) Na ito ang paraan nila sa paglibing ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

1.)  Ano – ano ang katangian ng Catal Huyuk batas sa inyong ginawang imbestigasyon?
* Sila ay maparaan sa kanilang pamumuhay at pang araw-araw na Gawain, sila rin ay malikhain at may kakaibang paniniwala sa kanilang relihiyon.

2.) Ihambing ang paraan ng pagmumuhay ng mga taga Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang susunod na aspekto:

a. Pang araw-araw na gawain
* Ang mga tao ngayo at ang mga taga Catal Huyuk ay umaangat sa kanilang buhay dahil sa kanilang mga naiimbentong kagamitan.

b. Paraan ng paglilibing
* Sa Catal Huyuk ay inililibing sa loob ng bahay kadalasan ay sa ilalim ng kama, ngunit ngayon ay inililibing sa iisang lugar lamang, ang sementeryo.  Ngunit pareho nila itong nilalagay sa lalagyan ngayon ay sa kabaong, sa Catal Huyuk naman ay sa basket o binabalutan ng tela.

c. Sining
* Noon ay gumagawa sila ng paraan upang maka-ukit, kadalasang sa kweba, yungib ng mga hayop at iba pa.  Ngayon ay madali na lang makagawa dahil sa modernong kagamitan ngunit kahit noon at ngayon ang karaniwang pinipinta ay ang kapaligiran at mga hayop.

d. Pinagkukunan ng pagkain
* Parehong kumukuha ng pagkain ang mga tao sa kanilang kapaligiran noon man o ngayon.  Ngunit noon ay nangangaso pa, ngayon ay maaari mong mabili sa grocery store at mga sari-sari store.

2 comments: