Bangsi (plauta) - Ito ay
isang maliit at bilog na kawayan na may mga
pingas/butas sa katawan ng plauta
Subing or Kinaban (Jaw's
harp) – Isang manipis na kawayang alpa na iniipit sa bibig, at pinipitik upang
makalikha ng mataginting na tunog.
Gitgit (Lute) – Isa itong uri
ng katutubong byolin na mayroong apat o tatlong tali / kwerdas na yari sa buhok
ng tao.
Lantoy – Isang pluta na
tinutugtog sa papamagitan ng ilong.
Batiwtiw - Isang gamit
/instrument na yari o gawa sa kawayan na may habang 40 sintemetro (40 cm), na
pinapatugtog sa pamamagatin ng pagkalabit ng palad sa dulo ng kawayan.
Kudlong or Kutiyapi –
isang uri ng “lute” na may dalawang kuwerdas na hugis bangka. Mayroon itong pihitang panghigpit na yari sa
kahoy, na ang pagkit mula sa bahay ng
bubuyog.
Kudlung – kawayang kudyapi na may magkaagapay ng
dalawang tali / kwerdas, na kung saan ang kwerdas /tali ay nakatuhog palabas ng
tubong kawayan.
Musikang pangrupo / Musical
Ensemble
Buray-Dipay – pakalantog
/ patunog na “bean-pod” (supot ng buto
ng gulay tulad ng patani) na ginagamit kasama ng instrumentong kalutang.
Kalutang – may kabuuang
dalwang piraso ng kahoy, na may iba ibang haba, upang lumikha ng magkakaibang
layo/haba ng tunog.
Agong (Gong) – makaparehang
malawak na pabilog na buslo, ginagamit ito na nakabitin ng patayo, pinupokpok upang
makalikha ng tunog.
Agung - dalawang maliit na gong na magkapareha, at
pinapatunog ng dalawang tao na nakaupo sa sahig ng pabukaka. Ang isa ay pinapatunong ang gilid ng patpat
na may pabalat.
No comments:
Post a Comment