Alamat Ni Daragang Magayon
(Alamat ng bulkang Mayon)
Ni Damiana Eugenio
TAGPUAN : Sa maliit na bayan ng Rawis
MGA TAUHAN : Dawani , Datu Makusog , Ulap ,
Magayon at Pagtuga
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay
may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang
palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y
"Magandang Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na
kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa
kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang
Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang
binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit
nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat
Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga
pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan,
malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak.
Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng
himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at
ang binata'y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng, mula ako sa
malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!"
"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang
pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa
kahariang malapit dito.
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak.
Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
"Maaari bang kita'y makitang muli?"
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa
sa makasaysayang batis.
"Isang araw," mungkahi ng lalaki,
"kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"
"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?"
may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"
"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang
kamay mo sa kanya!"
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay
kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. ang kasal ay
gaganapin sa kabilugan ng bwan
Nagpaalam si Gat Malayan upang ipabatid sa
kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang
napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si
Gat Malaya.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng
mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo
sinuman!"
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa
buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si
Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit
na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi
ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan
napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan -
kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya
kasama ang mga magulang.
"Ako'y naparito upang angkinin ang aking
nobya!" sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang
Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad,
ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil
na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo.
Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala.
Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok.
Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala
kay Daragang Magayon.
No comments:
Post a Comment