Kabihasnan ng Lydian
Pagbagsak
Nagpatuloy ang malayang
kaharian ng Lydia.Noong 545 B.C.E. ay humina ito.Nung naglaban ang dalawang
panig ng Lydia at Persia ay natalo ang mga Lydians at nasakop ng Persia.Dahil
sa paniniwala ni Croesus ay magiging mas malaki ang kanyang kaharian kapag lumaban
siya sa Persia pero sa kasamaang palad sila ang nasakupan ng Persia.
Dulong Tanawin sa Lydia
Kumukuha sila ng tubig
sa ilog ng Cayster River,isang lugar na pinahalagahan sa Ephesus. Makikita ang
tanawin ng Hermus, isang mataba at magandang lupa na sa kasalukuyan ay
tinatawag ito na "Gediz River" sa Turkey.
Maionia: Sinaunang
Lydia
Ang sinaunang ngalan ng
Lydia ay ang "Maionia" na nakikilaa ng Homer.Pero nagkakaroon ng
hindi na pagkaunawaan kaya pinalitan ito ng Lydia.
Alam mo ba na ang
ngalang Lydia ay isang ngalan ng babae sa Bibliya na tinatawag na seller of
Purples.
Mga Hari ng Lydia:
Ang Unang Hari ng Lydia
ay si Gyges (716-678 B.C.).
Ang Pinakamagaling na
Hari ay si Croesus(560-546) na nagpapalawak sa kaharian ng Lydia patungo sa mga
lugar malapit sa Asya Minor.
Kalakalan at Pamumuhay
Sa una ay gumagamit
sila ng Barter na isang uri ng kalakalan na pagpapalitan ng mga produkto.
Nung nagkakaproblema
sila sa barter ay natuklasan nila ang paggawa ng barya at ito ay sumibol sa bagong
sistema ng kalakalan.
Lakbay sa Lydia
Ang Lydia ay isang
kaharian na matatagpuan malapit sa Asya Minor(Anatolia) sa dulong kanlurang
bahagi ng Fertile Crescent at silangan ng Mediterranean Sea.
Ang Kabisera nila ay
ang Sardis.Napalibot ito ng mga lugar,sa pagitan ng Mysia sa hilaga at Caria sa
timog, at sa pagitan ng Phrygia sa silangan at ang Aegean Sea sa kanluran.
Cayster River
Ang Pagtuklas ng Barya
Noong dakong 600 B.C.E,
ang mga Lydian ang naging kauna-unahang pangkat ng tao na gumagamit ng barya sa
daigdig.Yari sa pinaghalong ginto at pilak ang mga barya at may tatak ng
sagisag sa hari ng Lydia.
No comments:
Post a Comment