Search This Blog

Thursday, September 10, 2015

Kahulugan ng Opinyon at Katotohanan

Ang OPINYON ay sariling pahayag lamang.

OPINYON - Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.

HALIMBAWA :  Siya ay maganda.

Sa pangungusap na Siya ay maganda,ipinapahayag nito na maganda siya sa tingin ng taong nagsasalita ngunit maaaring sa tingin ng iba ay hindi siya maganda. Ito ay sariling pahayag lamang.

Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo
Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin
Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
Nakatatakot ang mga gagamba.
Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Lahat ng Pilipino ay nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.
Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito
Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.
Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.
Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.
Mura lang ang magbakasyon sa Boracay.
Mabuting libangan ang maglaro ng online games.


Ang KATOTOHANAN ay totoong pangyayari.

KATOTOHANAN - Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

HALIMBAWA : Ang Mt Apo ang pinakamataas na bundok sa pilipinas.
  
Sa pangungusap na ito,ipinapahayag na totoo ang sinasabi sa pangungusap hindi ito opinyon lamang.

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
May pitong araw sa isang linggo.
Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.
Ang gagamba ay hindi insekto.
Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata
Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.
Malaki ang bahay at magagara ang mga kagamitan at sasakyan ng pamilyang Sy.
Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng Shui 2.
Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.
Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre
Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.

Maaaring maglaro ng mga online games sa Internet cafĂ©. 

No comments:

Post a Comment