Ano
ang CLIMATE CHANGE o Pagbabago ng panahon?
Ang climate change ay ang pagbabago ng
klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot
na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang
temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea,
malnutrisyon at iba pa.
Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi
ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima
ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang
epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula
sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot
sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng
pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs).
ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon
dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na
siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay
na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga
dahilan ng climate change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE
CHANGE
·
Mga epekto sa tao ng matinding init,
tagtuyot at bagyo.
·
Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit
na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
·
Malnutrisyon at epektong panglipunan
dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
No comments:
Post a Comment