Bugtong – Ito ay isang palaisipan o pahulaan.
Isang karunungang-bayan na naglalayong palaguhin ang kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.
Ang bugtong ay isang masining na paglalarawan ng isang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamit bilang pag-aliw sa mga pagtitipon. Ginagamit din itong pampalipas oras sa mga lamayan sa patay upang hindi mainip at antukin ang mga tao.
Ayon sa Wikipedia:
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawannito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata
Paano nagsimula ang bugtong.
Nagsimula ang Bugtong sa panahon ng ating mga ninuno noong sila ay bumuo ng mga karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan.
Mga halimbawa ng bugtong:
Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. - Kubyertos
Walang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay na ipit. - Higad
May langit, may lupa, May tubig, walang isda. - Niyog
Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. - Gata ng Niyog
Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. - Makahiya
Puno'y layu-layo, Dulo'y tagpu-tagpo. - Bundok
Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. - Akasya
Dalawang batong malalim, hindi maabot ng tingin. – Tenga
Dalwang magkaibigan. Habulan ng habulan – Paa
Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ng sari-sari. – Sampayan
Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik ‘pag itapon. – Yoyo
Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. – Aso
Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. – Payong
Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. – Bahaghari
Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. – Anino
Para sa karagdagang mga bugtong:
Ikalawang pahina ng bugtong
Ikatlong pahina ng bugtong
No comments:
Post a Comment