Halimbawa ng Tula na May
Sukat at Tugma
Ang tula ay may
labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod (line) at may apat na linya sa
bawat saknong (stanza).
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
1
Inaabangan ko doon sa
Kanluran,
Ang huling silahis ng
katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong
pangalan,
Sa pinong buhangin ng
dalampasigan.
2
Aking dinarama sa
hanging habagat,
Mga alaala ng halik
mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng
pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng
iyong paglingap.
3
Ginugunam-gunam,
sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at
mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t
dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap
nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw
at buwan,
At pagkapanalo nitong
kadiliman
Ay nakikibaka ang
kapighatian,
Sa pangungulila sa
iyong pagpanaw.
5
Ang iyong pag-iral,
hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na
tumangis
Pag-ibig na lamang na
igting na nais
Ang makakapiling sa
huling silahis.
-
Isang halimbawa ng
tagalog na tula na may sukat at tugma na tungkol sa isang pag-ibig na sawi
dahil sa kamatayan.
No comments:
Post a Comment