Mga Katangiang ng Isang Mananaliksik
Limang katangiang
esensyal upang maging matagumpay ang isang mananaliksik sa kanyang gawain
1. Masipag.
a. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga
datos at pagsisiyasat
sa lahat ng anggulo
at panig ng pinapaksa ng pananaliksik.
b. Hindi maaaring doktorin ang resulta
c. Mahahalata kung naging tamad siya – kakulangan sa datos,
katibayan, at mga
hindi mapangatwiranang konklusyon.
2. Matiyaga.
a. Kakambal ng sipag ang tiyaga
b. Kailangang maging pasensyoso ang isang mananaliksik.
c. Kailangan niyang pagtiyagaan ang pangangalap ng mga
datos mula sa iba’t
ibang hanguan.
3. Maingat.
a.Kailangang maging maingat ang isang mananaliksik
b.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkakilala sa pinagkunan
ng datos at
pinagmulan ng
anumang ideya.
c.Kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta sa
pananaliksik.
d.Maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng pagksang
sinisiyasat at maingat na
tiyaking may sapat
na katibayan o balidasyon.
4. Sistematik
a. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.
b. Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang
nito ayon sa
pagkakasunod-sunod.
5. Kritikal o mapanuri.
a. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.
b. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
c. Kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang
mananaliksik sa pag-
ieksamen ng mga
impormasyon, datos, ideya, o opinyon upang matukoy kung
ang mga ito’y
valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan.
d. Kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga
impormasyon
upang kanyang
mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang
mapakikinabangan
sa kanyang pananaliksik.
No comments:
Post a Comment