Search This Blog

Tuesday, August 16, 2016

Kahulugan ng Pang-uri, Kaantasan ng Pang-uri, Kayarian ng pang-uri

Pang-uri
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[pananangguni'y kailangan] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda atnakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Kaantasan ng pang uri
1. Lantay – mga pang-uring naglalarawanng isangpangngalan opanghalip.Halimbawa:Mabango angbulaklak.Madilaw angbulaklak.
2. Paghahambing – naghahambing ngdalawang pangngalan o panghalipHalimbawa:Ang bata ay mas maikli kaysa lalaki.
3. Pasukdol –nagpapakita ngkasukdulan napaghahambing nghigit pa sadalawangpangngalan opanghalip.Halimbawa:Pinakamabilis siArman sa mgabatang atleta.

Kayarian ng pang-uri
1.      Payak – binubuo ng salitang ugat lamang.
Ha. Bilog , pula
2.      Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
§         Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:
/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa
        isang taong binabanggit sa pangungusap.
          Hal. Kalahi,  kasundo
          /kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na
                        inilalarawan.
                                Hal. Kayganda,   Kaysaya
          /ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o
                       panghalip
                            Hal. Matalino,     Mahusay
          /maka-/ nagpapakilala ng pagkikiayon o pakikisama.
              Gumagamit ng gitling kapag ito ay
ikinakabit sa pangngalang pantangi.
Hal. Makabayan,  Maka-Diyos
/Mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad
ng salitang-ugat.
Hal. Malarosas,   malaprinsesa
3.      Inuulit – binubuo ng salitang inuulit.
Ganap – buong salita ang inuulit
Hal. Sira-sira
Di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit
Hal. Matatamis
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat na inuulit
          - Karaniwang kahulugan
                   Hal. Balikbayan
          - Matalinhagang kahulugan

                   Hal. Bukas-palad

1 comment: