HERCULES
Noong unang panahon, sa sinaunang Greece, at merong batang
lalaking nagngangalang Hercules. Mula noong sanggol pa lamang si Hercules,
lahat ay namangha sa kanyang lakas. Ngunit ang pagiging malakas niya ay isang
problema para sa kanya, sapagkat nasisira ni Hercules ang anumang nahahawakan
niya. Gulat na gulat dahil sa pagkawasak na naidulot niya, lumaking malungkot
at mapag-isa si Hercules. " Kailanman ay hindi talaga ako babagay ditoang
sabi ni Hercules kay Amphitrym at Alemene, ang mga mabubuting tao na nakakita
kay Hercules noong sanggol palamang siya at ang nagpalaki din san kanya bilang
sarili nilang anak.
Sa wakas ay ipinaliwanag na ni Amphitrym kay Hercules na
siya ay naiiba sa lahat. " Ito ay ang nakasabit sa iyong leeg noong nakita
ka namin,"ang sabi ng matanda habang ibinibigay niya kay Hercules ang
kumikinang na medalyon. "Ito ay ang simbolo ng mga diyos. Nang dahil sa
kagustuhan niyang malutas ang misteryo ng kanyang kapanganakan, naglakbay si
Hercules patungo sa Templo ni Zeus, ang hari ng mga diyos, upaang malaman ang
mga kasagutan. Nagulat siya nang biglang nabuhay ang rebulto ni Zeus at
ipinaliwanag ni Zeus na siya ang tunay na ama ni Hercules at ang diyosang si
Hera naman ang kanyang ina.
Ipanaliwanag ni Zeus na dinukot at ginawang mortal si Hercules
noong sanggol palamang siya. Pagkatapos ay sinabi niya kay Hercules na hindi
siya maaaring umuwi. " Ang mga diyos lamang ang maaaring tumira sa Bundok
ng Olympus," ang sabi niya. " Ngunit kapag mapatunayan mo sa iyong
sarili na isa kang tunay na bayani sa lupa, ang iyong pagkadiyos ay
manunumbalik. "Una," sa pagpapatuloy niya, " kailangan mong
hanapin si Philoctetes, ang tagapagsanay ng mga bayani." Binigyan ni Zeus
si Hercules ng isang regalo, isang kabayong may pakpak na nagngangalang
Pegasus. Lumipad si Hercules at nakita niya na rin si Philoctetes, ang Satyr.
"Kailangan ko ang tulong mo". Ang sabi ni Hercules kay Phil.
"Gusto kong maging isang bayani, isang tunay na bayani."
"Paumanhin, bata." Ang sabi ni Phil. "Nagretiro na
ako."Ngunit isang kidlat galling kay Zeus ang nagpabago ng isip ni Phil.
Ang pagsasanay upang maging bayani ay napakahirap para kay
Hercules kay kung minsan ay naiiisip na niyang sumuko. Ngunit sa huli, kahit na
mahirap, ay hindi siya sumuko at ipinagpatuloy niya anbg pagsasanay upang
maabot niya ang kanyang layunin. Sa wakas ay sinabi na ni Phil na handa na si
Hercules sa una niyang pagsubok, samalaking siyudad ng Thebes. "Kung
makakapunta ka sa Thebes, maaari ka na ring pumunta kahit saan." ang sabi
ni Phil. Sa kanilang daan papunta sa Thebes, nakita ni Phil at Hercules ang
magandang babae na nagngangalang Megara, na kasalukuyang hinahabol ng isang
Centaur. Kumaripas si Hercules upang iligtas si Megara. Pagkatapos matalo ni
Hercules ang Centaur ay nagpakilala si Megara sa kanya. "Meg ang tawag ng
mga kaibigan ko sa akin." ang sabi niya. "Anong pangalan mo?"
Namangha si Hercules sa kagandahan ni Meg kaya hindi siya makapagsalita ng
diretso. "Ako,.. uh... Hercules,"paputul-putol na sabi ni Hercules.
"Mas gusto kong tawagin kang wonder boy" ang sabi ni Meg. Sa kanyang
daan pauwi, nakita ni Meg si Hades, ang diyos ng mundong ilalim, at ang mga
alalay nito na sina Pain at Panic. Sinabi ni Meg na may nakilala siyang
nagngangalang Hercules. Hercules! Nagalit si Hades ng narinig niya ang
pangalan. Siya ang nag utos kina Pain at Panic upang tapusin si Hercules noon
dahil si Hercules lamang ang makapipigil sa masamang si Hades sa pagsakop sa
Olympus.
Si Hades ay nagsimula nanamang sirain is Hercules ulit.
Ginamit niya si Meg upang lokohin si Hercules sa pagpapalabas ng nakakatakot na
halimaw na tinatawag na Hydra. Ngunit natalo ni Hercules ang hydra at pati
narin ang mga halimaw sa ipinapadala ni Hades. At sa bawat panalo ay naging
sikat si Hercules. Kahit na naging sikat si Hercules ay nanatili siyang mortal
at hindi pa siya maaaring tumira sa Olympus. Tinanong ni Hercules si Zeus kung
bakit hindi parin siya makauwi sa Olympus. "Paumanhin ngunit ang pagiging
kilala ay hindi katulad ng pagiging tunay na bayani."sagot ni Zeus. "Kailangan
mo itong hanapin sa loob ng iyong puso." Sa huli ay naisip na rin ni Hades
na walang sinuman ang mas malakas upang matalo si Hercules. Gayunpaman, ay
naisip ni hades na meron siyang kahinaan... at nalaman na rin ni Hades ang
kasagutan. Si Meg ang kahinaan ni Hercules. Kaya ginawa niyang bilanggo si Meg.
Hindi kayang makita Hercules na nakakadena si Meg kaya
pumayag siya sa isang kakaibang kasunduan, Isusuko niya ang kanyang lakas sa
isang araw kapag papalayain ni Hades si Meg. "Ligtas si Meg" pumayag
si Hades. "Kapag nasaktan siya, ay manunumbalik ang iyong
lakas."Pinakawalan ni Hades ang mga masasamang Titan mula sa mga hukay
kung saan sila ikinulong ni Zeus. Pagkatapos ay inutusan ni Hades si Cyclops,
ang halimaw na may iisang mata lamang, upang tapusin si Hercules. Kung wala ang
makapangyarihang lakas ni Hercules ay wala talaga siyang kalaban-laban sa
Cyclops, ngunit dahil sa pagbibigay ng lakas ng loob ni Phil, ay natalo ni
Hercules ang halimaw. Si Meg ay nasaktan dahil iniligtas niya si Hercules sa
nahuhulog na bato. Totoo nga ang pangako ni Hades, sa oras na masaktan si Meg
ay manunumbalik ang lakas ni Hercules.
Hindi gustong iwan ni Hercules ang malubhang sugatan na si
Meg, ngunit kinumbinsi siya nito na tulungan niya ang kanyang ama upang pigilan
si Hades. Pumunta si Hercules sa Bundok ng Olympus at nakita niyang nakagapos
ang mga diyos at si Zeus naman ay hindi makaalis sa bundok ng matigas na lava.
Gamit lamang ang kanyang mga kamay ay sinira niya ang lava at pinakawalan ang
kanyang ama. Nagtulungan sila upang matalo ang mga Titan.
Alam ni Hades na ang kanyang plano upang sakupin at
pagharian ang Olympus as sira na. Kaya sa pagbalik niya sa mundong ilalim,
pinagsamantalahan niya ang panahon upang sabihin kay Hercules na mamamatay na
si Meg. Nagmadali si Hercules na balikan si Meg, ngunit ang kanyang kaluluwa ay
napahiwalay na sa kanyang katawan. Nagmadali si Hercules na pumunta sa mundong
ilalim, at doon niya nakita ang kaluluwa ni Meg na nakalutang sa hukay na puno
ng mga kaluluwa. "Dalhin mo ako sa kinalalagyan ni Meg!"ang sabi ni
Hercules kay Hades.
Ang kagustuhang pagligtas ni Hercules kay Meg kahit na buhay
niya pa ang kapalit ay siyang gumawa sa kanya bilang isang tunay na bayani. Sa
kanyang pagbabalik sa bundok ng Olympus, binigyan ng bayaning pagbati si
Hercules. Ngunit sa huli ay alam na niya kung saan talaga siya nararapat, ssa
lupa kasama ni Meg, kung saan kasama silang mabubuhay ng Masaya magpakailanman.
Buod ba ito?
ReplyDeleteSino po ang manunulat ng akdang ito?
ReplyDeletesino po ang may akda po dito?
ReplyDeleteIto ay mula sa pelikulang Hercules 1997.
ReplyDeleteThis is the story of Perseus not Hercules.
ReplyDeleteThis is clearly the story of hercules. Perseus story is far from being hercules story.
Delete