BUOD NG MGA IBONG MANDARAGIT (1969)
Amando V. Hernandez
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy
ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy
at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa
kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat
pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga
gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng
pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang
kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi
si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya
ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na
magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat
ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at
dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan
ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong
maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis,
kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si
Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni
Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa
mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak
nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng
Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang
dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at
nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa
Maynila.
Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay
inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala
ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente.
Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni
Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan.
Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don
Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang
ipinalit ng Don kay Tata Pastor.
Nagdaos ng isang pulong ang
mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata
Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na
si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at
kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga
magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa
naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo.
Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira
niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political
Science sa U.P.
Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa
tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas
ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na
malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si
Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal
sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya
para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya
kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at
nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa
siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni
Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si
Dolly.
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng
radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga
masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala
ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa
maipabilanggo niya si Don Segundo.
No comments:
Post a Comment