Search This Blog

Wednesday, February 8, 2017

Talasalitaan - Noli Me Tangere

Kubyertos – Kutsara / Ang kubyertos ay isang uri ng kasangkapang pangkain. Ito ay hango mula sa salitang cubiertos sa wikang Espanyol na pareho ang kahulugan.

Pinasasaringan – Pinariringgan

Sumulak – "SULAK" pagkulo ng niluluto na pagkain o pagtaas ng tulak ng dugo ng tao dahil sa matinding galit.Ang isang anyo nito na "SUGBU" ay isang pagkulo ng niluluto o nag iinit na bagay na kasisimula palamang. Halimbawa ng gamit= 1.) Na sugbu na ang sinaing, angateh ang takip nang huwag umapaw. 2.) Ibuhos ang isda sa kumukulong tubig na may lubus nang mga sangkap upang maiwasan ang paglansa ng sabaw ng nilulutong sinigang. 3.) nasulak ang dugo ko sa pag uugali ng mga tao sa lugar na iyan!

Dinaluhong -  Sinugod / lumapit ng may kakaibang bilis

Iniamba -  iniumang / itinutok ang hawak na sandata o anumang gamit na hawak.

Magbubulid – (bulid) : timbuwang, handusay, buwal, tumba, bulagta, bagsak, lagpak

Sermon –  mangaral / (nangangaral, nangaral, mangangaral)

Ipinukol – pinatamaan / Binato / Pinasaringa  / Hinagisan

Gitgitan –  latay / bakas ng palo ng katawan  / marka ng pagkatali  / sikip / ngitngit ng ngipin

Nanlilibak – pangungutya / panunuya / pagkutya / pagtuya / pagtukso

Humahangos – nagmamadali sa pagdating

Magsuplong – Magsumbong, sabihin ang nalalaman

Sinunggaban - biglang pagkuha o pagdakma sa isang bagay

Maghihimagsik - magrebelde, pagrebeldehan, lumaban

Ipinain – inilagay sa panganib

Kwartel : Ikapat na bahagi; labing limang minuto; bawa't tatlong bwan; kwartel : Kwartel; táhanan ng mga kawal ó sundalo

Nagsisitaghuyan : Nananangis, umiiyak

Durungawan : Pasimano, bintana

Gibraltar :  Bato, moog, tangulan


Magdilang anghel : magdilang anghel ay sana magkatotoo ang sinasabi ng isang tao sayo, magkatotoo sana

No comments:

Post a Comment