Search This Blog

Thursday, July 24, 2014

Mga di kanais-nais at kanais-nais na kaugaliang namana sa Kastila

Mga di kanais-nais at kanais-nais na kaugaliang namana sa Kastila

Mga di kanais-nais o di magandang kaugalian

1. Ang colonial mentality -  Ang mga Pilpino ay likas na malikhain at kadalasang kumukuha ito ng ideya mula sa ibang mga bagay na mula sa ibang mga lahi, at paglipas ng panahon ay nahumaling na sa mga gawang banyaga.   Kadalasan mas napipili pa ng mga Pilipino ang mga gawa ng mga banyaga kaysa sa sariling bayan.

2. Ang crab mentality – kagaya ng mga alimango na naguunahang umakyat sa lalagyan at walang pakialam kung natatapakan o nahihila na nila ang kanilang kasamahan, ganon din minsa ang ibang mga Pilipino, na sa halip na matuwa na merong umaasensyo ay sinisiraan o ibinababa nila ang pagkatao nito.

3. Padrino system – Naging kaugalian na ng mga Pilipino ang lumapit o humingi ng tulong sa ibang tao na kilala upang makakuha ng trabaho o pabor sa isang bagay.

4. Mapanghusga – Hindi maitatatwa na katulad na ibang lahi, ang karamihan sa mga Pilpino ay madali din magkaroon ng pananaw laban sa ibang tao kahit di nila alam ang tunay na ugali nito, o  hindi pa nila nakikilala o nakasama  kahit sa maikling panahon.

5. Pagkalimot sa nakaraan (short-term memory)  - Kadalasan may mga taong nakakalimot tumanaw ng utang na loob o utang na materyal sa mga taong tumulong sa kanila kapag ang buhay nila ay gumanda na.  

6. Matigas ang bungo/ulo (hard-headed) – Ang katigasan ng ulo ay hindi literal na salita, bagkus ito ay tumutukoy sa pagiging suwail o hindi pagsunod sa mga bagay na tama o kinakailangan.  Kagaya ng pagsunod sa utos ng matatanda.

7. Nagkukulang sa disiplina at aksyon – Karaniwang itong nangyayari sa mga simpleng kautusan sa ating kapaligiran katulad na pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar, o di pagsunod sa mga batas trapiko kapag walang nagbabantay.

8. Ningas cogon – Ito ang kalimitang nangyayari sa mga Pilipino kapag matagal na sa isang trabaho, sa una lamang masipag, upang magpakitang gilas sa mga nakakataas, ngunit sa paglipas ng panahon ay nagbabago na, nagiging tamad o nababawasan ang sipag. (Ang cogon na damo. Ang cogon ay isang damo na madaling sunugin at madaling maubos ang apoy)

9. Pagiging racist – Isang kaugaliang di dapat tularan, ang paglalagay sa sarili sa higit na mataas na antas ng estado ng buhay kaysa sa ibang lahi. 

10. Manana habit – Ito ang kalimitang ginagawa ng mga taong tamad, sa halip na gawin agad ang isang bagay ay ipagpapaliban muna at magpapahinga o gagawa ng ibang bagay na wala namang katuturan o pakinabang.


Mga kanais-nais o magandang kaugalian

1. christian devotion – Naging palasamba at naging tunay at tapat ang paniniwala ng mga Pilipino sa kahalagahan ng pagsunod sa mahal na may likha.

2. delicadeza(honor) – Ang pagpapahalaga sa sarili o sa binitawang salita ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino.

3. palabra de honor (keeping promises) – Ang pagtupad sa isang pangako ay naging magandang ugali na dapat nating tularan at isabuhay.

4. urbanidad (good manners) – Ang pagkakaroon ng tamang asal sa tamang lugar ay isa sa mga magagandang kaugalian na ating namana.

5. romanticism  - Ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap. Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya (wikipedia).

6. pagmamano sa magulang at sa mga nakakatanda – Ang paghawak ng kamay at paglagay sa noo ay isa sa pinakamagandang kaugalian na dapat manatili sa mahabang panahon.

7. pagdarasal ng rosaryo – Pagdarasal ng taimtim at may lubos na pananalig sa Diyos na gamit ang kuwintas ng rosary.

8. pagsasagawa ng cenaculo at moro-moro – Ang paglikha ng dula na isinasalarawan ang naging buhay ni hesucristo.


9. pagdaraos ng fiesta – Ang pagdiriwang ng Araw ng isang Patron sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas bilang pagkilala sa kanilang kinikilalang tagapagligtas.

No comments:

Post a Comment