Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
sa pagka-dalisay at
pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala
na nga, wala.
Ulit-ulitin mang
basahin ng isip
at isa-isahing
talastasing pilit
ang salita’t buhay na
limbag at titik
ng isang katauhan ito’y
namamasid.
Banal na pag-ibig pag
ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng
sino’t alinman,
imbit taong gubat,
maralita’t mangmang
nagiging dakila at
iginagalang.
Pagpuring lubos ang
nagiging hangad
sa bayan ng taong may
dangal na ingat,
umawit, tumula,
kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y
isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi
inihandog
ng pusong mahal sa
Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong,
tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting
magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal
nang laki
na hinahandugan ng
buong pag kasi
na sa lalong mahal
kapangyayari
at ginugugulan ng buhay
na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang
Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na
kinamulatan
ng kawili-wiling
liwanag ng araw
na nagbibigay init sa
lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang
unang pagtanggol
ng simoy ng hanging
nagbigay lunas,
sa inis na puso na
sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng
siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y
pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa
gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong
kasanggulan.
hanggang sa katawan ay
mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng
aliw,
ang inaasahang araw na
darating
ng pagka-timawa ng mga
alipin,
liban pa ba sa bayan
tatanghalin?
At ang balang kahoy at
ang balang sanga
na parang niya’t gubat
na kaaya-aya
sukat ang makita’t
sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw
lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa
anak’y bulog
bukal sa batisang
nagkalat sa bundok
malambot na huni ng
matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong
may lungkot.
Sa kaba ng abang
mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging
sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t
inaasam-asam
kundi ang makita’ng
lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t
sampung kamatayan
waring masarap kung
dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O!
himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang
sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y
nasa panganib
at siya ay dapat na
ipagtangkilik
ang anak, asawa,
magulang, kapatid
isang tawag niya’y
tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng
ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at
niyuyurakan
katwiran, puri niya’t
kamahalan
ng sama ng lilong ibang
bayan.
Di gaano kaya ang
paghinagpis
ng pusong Tagalog sa
puring nalait
at aling kaluoban na
lalong tahimik
ang di pupukawin sa
paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang
paghihinay
sa paghihiganti’t
gumugol ng buhay
kung wala ring ibang
kasasadlakan
kundi ang lugami sa
ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon
niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t
tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas
tanikalang gapos
at luha na lamang ang
pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino
ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang
magdamdam
pusong naglilipak sa
pagka-sukaban
na hindi gumagalang
dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y
masulyap
ng mga Tagalog at hindi
lumingap
sa naghihingalong Inang
nasa yapak
ng kasuklam-suklam na
Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng
mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat
na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit
di kumikilos?
at natitilihang ito’y
mapanuod.
Hayo na nga kayo,
kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na
kaginhawahan
at walang tinamo kundi
kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang
naaabang bayan.
Kayong antayan na sa
kapapasakit
ng dakilang hangad sa
batis ng dibdib
muling pabalungit tunay
na pag-ibig
kusang ibulalas sa
bayang piniit.
Kayong nalagasan ng
bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na
nilant sukat
ng bala-balakit makapal
na hirap
muling manariwa’t sa
baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong
kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng
ganid na asal,
ngayon magbangon’t
baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga
sukaban.
Kayong mga dukhang
walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa
dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung
nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa
niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang
buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y
ubusang itigis
kung sa pagtatanggol,
buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at
tunay na langit.
No comments:
Post a Comment