Two main groups of plants
Vascular plants (from Latin vasculum: duct), also known as tracheophytes (from the equivalent Greek term trachea) and also higher plants, form a large group of plants that are defined as those land plants that have lignified tissues (the xylem) for conducting water and minerals throughout the plant. They also have a specialized non-lignified tissue (the phloem) to conduct products of photosynthesis. Vascular plants include the clubmosses, horsetails, ferns, gymnosperms (including conifers) and angiosperms (flowering plants). Scientific names for the group include Tracheophyta and Tracheobionta.
Vascular plants are distinguished by two primary characteristics:
1. Vascular plants have vascular tissues which distribute resources through the plant. This feature allows vascular plants to evolve to a larger size than non-vascular plants, which lack these specialized conducting tissues and are therefore restricted to relatively small sizes.
2. In vascular plants, the principal generation phase is the sporophyte, which is usually diploid with two sets of chromosomes per cell. Only the germ cells and gametophytes are haploid. By contrast, the principal generation phase in non-vascular plants is the gametophyte, which is haploid with one set of chromosomes per cell. In these plants, only the spore stalk and capsule are diploid.
Non-vascular plants are plants without a vascular system (xylem and phloem). Although non-vascular plants lack these particular tissues, many possess simpler tissues that are specialized for internal transport of water.
Non-vascular plants do not have a wide variety of specialized tissue types. Leafy liverworts have structures that look like leaves, but are not true leaves because they are single sheets of cells with no cuticle, stomata or internal air spaces and have no xylem or phloem. Consequently they are unable to control water loss from their tissues and are said to be poikilohydric.
All land plants have a life cycle with an alternation of generations between a diploid sporophyte and a haploid gametophyte, but in all non-vascular land plants the gametophyte generation is dominant. In these plants, the sporophytes grow from and are dependent on gametophytes for taking in water and mineral nutrients and for provision of photosynthate, the products of photosynthesis.
Non-vascular plants include two distantly related groups:
· Bryophytes - Bryophyta (mosses), Marchantiophyta (liverworts), and Anthocerotophyta (hornworts). In these groups, the primary plants are the haploid gametophytes, with the only diploid portion being the attached sporophyte, consisting of a stalk and sporangium. Because these plants lack lignified water-conducting tissues, they can't become as tall as most vascular plants.
· Algae - especially the green algae. Recent studies have demonstrated that the algae actually consist of several unrelated groups. It turns out that common features of living in water and photosynthesis were misleading as indicators of close relationship. Only those groups of algae included in the Archaeplastida are still considered relatives of land plants.
Pages
▼
Friday, September 25, 2015
Wednesday, September 23, 2015
Reduccion, Sistemang Pueblo, Principalia, Encomienda, Encomendero, Tributo, Polo y servicios, Inquilino, Cacique
Reduccion – ang sistemang reduccion ay isang paglilipat ng lugar na isinagawa ng mga kastila upang mapadali ang pamamahala sa mga pamayanan. Ang mga may kapangyarihang kastila ay hinimok ang mga katutubo na tumira malapit sa mga simbahan o sa lugar na maririnig ang tunog ng kampana. Hinimok ang mga tao upang maging kristiyano.
Sistemang pueblo ay tawag sa sistemang bayan na pinapairal noong panahon ng pananakop ng mga Kastila o Espanyol.
Principalia -mga pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan noong panahon ng mga Español. Ito ay yaong mga guro, asendero, mga lider ng pamahalaang lokal, mga maharlika, at mga kaanak ng raja o datu.Sila ang mas makapangyarihan at mas maraming pribilehiyo o karapatan. Tinatawag din silang lipi ng matataas na tao.
Ang sistemang Encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi noong unang yugto ng kanilang pananakop sa Filipinas. Ito ay ipinakilala sa kolonya upang higit na maisaayos ang pamamahala sa kanilang sakop.
Ang Encomendero ang siyang nagpapatakbo ng isang lupain at humahawak sa pangkabuhayan at panininiwala ng mga sakop nito. Ginamit na batayan sa pamamahala nito ang batas ng mga Indies, ngunit dahil sa di wastong pagsunod dito ay nagresulta lamang sa mga pang-aabuso sa mga katutubo. Dahil sa mga pagpapahirap na naranasan sa kamay ng mga encomendero, samu't saring pag-aaklas ang pinangunahan ng mga Filipino. Noong 1674, tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Filipinas at iba pang kolonya ng Espanya.
Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza, mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim.
Ang polo y servicios ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito, ang lahat ng kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na trabaho para sa mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling pampamahalaan at mga pampublikong gusali.
Real compania de Filipinas - na sinimulannoong ika-10 ng marso,1785.isang korporasyon ito na ang pamahalaan ang nagpapatakbo at may puhunang walong milyong piso. layunin nitong patatagin ang kalakalan ng spain at ang mga bansa sa silangan tulad ng mga kompanyang itinatag ng ingland, holland{the netherlands},at france sa mga kolonyang bansa nito.
Inquilino ang tawag sa nangungupahan sa malawak na haciendang pagmamay-ari ng mga prayle(pari). Ang bawat bahagi ng hacienda ay pinauupahan sa mga inquilinato
Cacique ang tawag sa mga namumuno o lider ng mga grupo ng katutubo.

Human conflict
Man vs Man (Human versus Human)
1. Cold War (1945–1991)
2. Hukbalahap Insurgency (1946–1954)
3. First Indochina War (1946–1954)
4. Indo-Pakistani wars and conflicts (1947–present)
5. First Arab-Israeli War (1948–1949)
6. Burmese insurgency (1948-present)
7. Malayan Emergency (1948-1960)
8. Korean War (1950–1953) and Korean DMZ Conflict (1966–present)
9. Mau Mau Uprising (1952–1960)
10. Cuban Revolution (1953–1959)
Man vs. Nature (Human versus Nature)
1. The Road (2009)
2. Robinson Crusoe (1954)
3. Robinson Crusoe (1997)
4. Runaway Train (1985)
5. Sanctum (2011)
6. Scenic Route (2013)
7. Shackleton (2002 TV Movie)
8. Siberia, Monamour (2011)
9. The Snow Walker (2003)
10. Spring, Summer, Fall, Winter... and Spring (2003)
11. Stalker (1979)
Man vs. society (Human versus Society)
1. The Elephant Man
2. THX 1138
3. 1984
4. V for Vendetta
5. Wuthering Heights
6. Braveheart
7. Malcolm X
8. The Big four
9. Mission impossible
10. The devil wears prada
Man vs God (Human versus God
1. The man who sued God
2. Noah
3. Amadeus
4. Black and Blue
Man vs itself (Human versus itself)
1. Iron Man
2. Jason Bourne
3. James Bond

Thursday, September 10, 2015
Kahulugan ng Opinyon at Katotohanan
Ang OPINYON ay sariling
pahayag lamang.
OPINYON - Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.

HALIMBAWA : Siya ay maganda.
Sa
pangungusap na Siya ay maganda,ipinapahayag nito na maganda siya sa tingin ng
taong nagsasalita ngunit maaaring sa tingin ng iba ay hindi siya maganda. Ito
ay sariling pahayag lamang.
Ang paboritong kulay ko
ay bughaw.
Si Benigno S. Aquino
III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo
Ang mga taong
naninigarilyo ay masasama.
Sabado ang
pinakamasayang araw para sa akin
Mas masarap manirahan
sa pamayanang rural.
Ang tuwid na buhok ay
mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
Nakatatakot ang mga
gagamba.
Mas masarap ang mga
prutas kaysa gulay.
Dapat ikulong ang mga
batang umiinom ng alak.
Bibilis ang pag-unlad
ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Lahat ng Pilipino ay
nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.
Kapag mayaman ang isang
pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito
Si Kris Aquino ay isa
sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.
Hindi tunay na Pilipino
ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.
Dapat bigyan ng regalo
ang bawat bata tuwing Pasko.
Mura lang ang
magbakasyon sa Boracay.
Mabuting libangan ang
maglaro ng online games.
Ang KATOTOHANAN ay
totoong pangyayari.
KATOTOHANAN - Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.
HALIMBAWA : Ang Mt Apo
ang pinakamataas na bundok sa pilipinas.
Sa
pangungusap na ito,ipinapahayag na totoo ang sinasabi sa pangungusap hindi ito
opinyon lamang.
Ang pambansang watawat
ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
Sa taong 2015, si
Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
Ang sigarilyo ay may
tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
May pitong araw sa
isang linggo.
Mas maraming gusali sa
pamayanang urban.
Kulay itim, tuwid, at
mahaba ang buhok ni Julia.
Ang gagamba ay hindi
insekto.
Ang mga prutas ay may
iba’t ibang bitamina at mineral.
Labag sa ating batas
ang magbenta ng alak sa mga bata
Sunud-sunod ang pagbaba
ng presyo ng gasolina at diesel.
Bumisita sa Pilipinas
si Pope Francis noong Enero 2015.
Malaki ang bahay at
magagara ang mga kagamitan at sasakyan ng pamilyang Sy.
Si Kris Aquino ang
pangunahing aktres sa pelikulang Feng Shui 2.
Maraming Pilipino ang
magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.
Ang Pasko ay
ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre
Ang Boracay ay
matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.
Maaaring maglaro ng mga
online games sa Internet café.
Wednesday, September 9, 2015
Mga Elemento ng Balagtasan
MGA ELEMENTO NG
BALAGTASAN
1. Tauhan
a. Lakandiwa - siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan
sa tulaan ng dalawang mambabalagtas.Siya rin ang tagapamagitan o taga pagbigay
hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa paksa,tikas,tinig at kakayahang
umakit sa mga nakikinig.
b. Mambabalagtas - tawag sa taong nakikipagbalatasan o
makatang lumalahok dito na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.Makata
ang gumagawa ng tula,mga akda at nagwagi na sa larangan ng pagsulat.
c. Manonood - sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal
ng balagtasan.Ang manonood ay isa sa mga pangangailangan sa ganitong uri ng
presentasyon.Ang kahusayan ng mga mambabalagtas at masusukat sa reaksyon ng mga
manonood. Ang taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa
kanila.
2. Pinagkaugalian
a. May sukat - ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod.Ngayon nauuso na rin ang moderasyon sa balagtasan ang dating
lalabindalawang pantig ay naging labing-anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay
ginagawa itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu.
b. Tugma - tugma ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo
ng mga taludtod sa panulaan.Maari itong maging tugmang ganap na
nangangahulugang matatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog.Ang
tugmang di ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa
katinig bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng patinig ang huling titik
naman ay magkaiba.
c. Indayog - tinatawag ding aliw-iw ang indayog.Ito ay
tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at
pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod.
3. Paksa - ang paksa ay
bagay na pinag-uusupan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan
ang konteksto nito.
4 .Mensahe - ito ang
kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan kaakibat ng paksang
tinatalakay ang mensaheng nais iparating.
Tuesday, September 8, 2015
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus
Yamang ako’y siyang
Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y
inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay
makipaglaban.
Ang makasasali’y
batikang makata
At ang bibigkasi’y
magagandang tula,
Magandang kumilos, may
gata sa dila
At kung hindi ay
mapapahiya.
Itong Balagtasa'y
galing kay Balagtas
Na Hari ng mga
Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong
tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang
ipinamagat.
At sa gabing ito’y sa
harap ng bayan
Binubuksan ko na itong
Balagtasan
Saka ang ibig kong
dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING
KALINISLINISAN.
Tinatawagan ko ang mga
makata,
Ang lalong kilabot sa
gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t
dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa
Sariling Wika.
PARU-PARO:
Magandang gabi sa
kanilang lahat
Mga nalilimping kawal
ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may
itim na pakpak
At nagbabalita ng
masamang oras.
Nananawagan po, bunying
Lakan-Diwa,
Ang uod na dating
ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa
gitna ng tula
At isang bulaklak ang
pinipithaya.
Laon nang panahong
nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa
sandaling ito
Ay may kabanguhang
binubuhay ako.
May ilang taon nang
nagtampo sa akin
Ang bango ng mga
bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung
ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang
pakpak ko’y itim.
Bunying Lakan-Diwa,
dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y
pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang
gagamitin ko
Upang matalunton ang
naglahong bango.
LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na
taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y
tanggapin,
Magtuloy po kayo at
ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung
sino at alin.
PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay
laon nang patay
Ang bango ng mga
bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y
may napanagimpang
Bulaklak ng lahing
kalinis-linisan.
Ang bulaklak ko pong
pinakaiirog
Ubod na ng ganda’t puti
ang talulot,
Bulaklak poi to ng
lupang Tagalog,
Kapatak na luhang
pangala’y kampupot.
Kung kaya po naman di
ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na
kanyang dinaya,
Matapos na siya’y
diligan ng luha
Nang siya’y umunlad,
nagtago…nawala!
Isang dapit-hapong
palubog ang Araw
Sa loob ng hardin,
kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y
tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung
makita’y hagkan.
Isang panyong puting
myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y
itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y
bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at
aking hinabol.
Hinabul-habol ko ang
bango at samyo
Hanggang makarating ako
sa malayo,
At nang alisin na ang
takip na panyo
Wala si Kampupot, wala
yaring puso.
Ang taguang biro’y
naging totohanan
Hanggang tunay na ngang
mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko
noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa
pagsisintahan.
Sa lahat ng sulok at
lahat ng panig
Ay siya ang laging
laman niring isip,
Matulog man ako’y
napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa
sugatang dibdib.
Sa apat na sulok ng
mundong payapa
Ang aking anino’y
tulang nabandila,
Paruparo akong sa
mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may
patak na luksa.
Ang sakdal kong ito,
Lakan-Diwang mahal,
Ibalik sa akin, puso
kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay
ayw po naman,
Ay ang puso niya sa
aki’y ibigay.
BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang
puso niya’y
Karugtong ng aking
pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag
iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y
dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng
isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay
kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang
agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay
maghihimagsik.
Ang dalawang ibon na
magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa
mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag
pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis,
patay ang nilisan,
Paruparong sawing may
pakpak na itim
Waring ang mata mo’y
nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang
baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo’y
iyong inaangkin.
Dinaramdam ko rin ang
dinaranas mo
At sa kasawia’y
magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong
nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya
naparito.
Buhat pa kanginang
ikaw’y nangungusap
Bawat salita mo’y
matulis na sibat,
Saka ang hanap mong
mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya
ko ring hanap.
Ipahintulot mo,
Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring
matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom
na dakila,
Bubuyog sa sawi’y
makapagsalita.
PARUPARO:
Di ko pinipigil ang
pagsasalaysay
Lalo’t magniningning
ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na
sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y
pinag-aagawan.
LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at
ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na
inyong dinanas,
Paano at saan ninyo
napagmalas
Na ito ang siya ninyong
hinhanap?
BUBUYOG:
Sa isang malungkot at
ulilang hardin
Ang binhi ng isang
halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na
tahanan naming
Ay kasabay akong
isinisilang din.
Nang iyang halama’y
lumaki, umunlad,
Lumaki ako’t tumibay
ang pakpak,
At nang sa butas ko
ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y
katabing bulaklak.
Sa kanyang talulot
unang isinangla
Ang tamis ng aking
halik na sariwa,
At sa aking bulong na
matalinghaga
Napamukadkad ko ang
kanyang sanghaya.
Nang mamukadkad na ang
aking kampupot
Sa araw at gabi ako’y
nagtatanod,
Langgam at tutubing
dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking
tinatapos.
Ngayon, tanda ko ngang
kayo’y nagtaguan
Habang ako’y kanlong sa
isang halaman,
Luksang paruparo nang
ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan,
akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot
sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y
tumagos sa puso
Sa akin man pala ay
nakapagtago.
Lumubog ang araw
hanggang sa dumilim
Giliw kong bulaklak dir
in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling
nangulimlim
Ay hinanap ko na ang
nawalang giliw.
Nilipad ko halos ang
taas ng langit
At tinalunton ko ang
bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa
aking pag-alis
Kung dimakita’y din a
magbabalik.
Sa malaong araw na
nilipad-lipad
Dito ko natunton ang
aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya
namukadkad
Di ko papayagang
mapaibang palad.
Luksang Paruparo,
kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko,
pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong
katamis-tamisan
Sa talulot niya ay
nakalarawan.
PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa
isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang
dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y
kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang
kanitang pakpak.
Ikaw ay Bubuyog, sa
urang sumilang
Nang makalabas ka’y
saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya
ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Una muna akong nag-uod
sa sanga
Na ballot ng sapot ng
pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos
yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay
magkasama na.
Sa ugoy ng hanginsa
madaling-araw
Nagduruyan kaming
dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t
malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon
ang aking balabal.
Sa kanyang talulot kung
may dumadaloy
Na patak ng hamog,
aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako
nagkakanlong
Sa init ng Araw sa
buong maghapon.
Paano ngang siya ay
pagkakamalan
Sa kami’y lumaki sa
iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa
kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa
kanya mamatay.
BUBUYOG:
Huwag kang matuwa
sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na
inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa
ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig
ang malapit.
Saka ang sabi mong sa
mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak
ng hamog,
Kaunting biyaya na
bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong
ikaw ang lumagok.
Ikaw’y isang uod, may
bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak
laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang
dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang
katamis-tamisan.
PARUPARO:
Akong malapit na’y
napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman
kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di
mo naiino,
Ay ubos na pala ang
tamis sa bao.
Bubuyog na laging may
ungol at bulong
Ay nakayayamot saanman
pumaroon,
At ang katawan mo’y
mayrong karayom
Pano kang lalapit, di
naduro tuloy?
Di ka humahalik sa mga
bulaklak,
Talbos ng kamote ang
siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong
binubutas,
Doon ang bahay mo,
bubuyog na sukab.
Ikaw ay bubuyog, ako’y
paruparo,
Iyong mgabulong ay
naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang
panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw
na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi iniibig ang
nakikiusap
Lalo na ang tahimik
na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y
di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di
makapangusap.
Lilipad-lipad ka na
payao’t ditto
Pasagilang-bingit, at
patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa
panahong ito
Pagtatawanan ka ng
liligawan mo.
Ikaw’y paruparo, ako ay
bubuyog
Nilang ka sa tangkay,
ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig
nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris
mong uod?
Saka, Paruparo, dapat
mong malamang
Sa mula’t mula pa’y di
ka minamahal,
Ang panyong panali nang
ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may
lason pang taglay.
PARUPARO:
Ganyan ang
hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang
aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta
ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y
kanyang idinilig.
BUBUYOG:
Dadayain ka nga’t
taksil kang talaga
At sa mga daho’y
nagtatago ka pa.
PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t
ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo
nilason na kita.
BUBUYOG:
Pagka’t ikaw’y taksil,
akin si Kampupot.
BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa
tabi ng bakod.
PARUPARO:
Bulaklak nga siy’t
ako’y kanyang uod.
LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil
Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang
pagtatalo;
Yamang di-malan ang
may-ari nito,
Kampupot na iya’y
paghatian ninyo.
BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang
aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y
ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y
magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya
ang malagas.
PARUPARO:
Kung hahatiin po’y
ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y
kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot,
aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin
lamang.
LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong
kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa
gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa
naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y
kapwa tumututol.
Ipahintulot pong sa
mutyang narito
Na siyang kampupot
sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang
binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o
kung si Paruparo.
KAMPUPOT:
Ang kasintahan ko’y ang
luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa
gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong
bukid,
Ay kapwa hindi ko sila
iniibig.
PARUPARO:
Matanong nga kita,
sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang
aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa
buong magdamag
Pinapayungan ka ng
dalawang pakpak?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa
aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may
nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon
lang ng kahoy
At di inakala na
sinuman yaon.
BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi
mo na batid
Ang mga bulong ko’t
daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at
mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di
mo ba narinig?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga
ako’y may napansing
Daing at panaghoy na
kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y
paspas lang ng hangin
At di inakala na
sinuma’t alin.
BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y
tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o
hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong
kawikaan
Na ang paglililo’y nasa
kagandahan.
SABAY: BUBYOG AT
PARUPARO:
Ang isang sanglang
naiwan sa akin
Ay di mananakaw
magpahanggang libing.
LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa
dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay
inyong sinayang
Kaya’t nararapat na
maparusahan.
Ikaw ay tumula ngayon,
Paru-paro,
Ang iyong tulain ay
“Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa
babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito
ang hatol ko.
(Pagkatapos makatula ni
Paruparo)
LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking
inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang
tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang
“Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib
ng linggatong.
(Pagkatapos makatula ni
Bubuyog)
Minamahal nami’t
sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na
itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong
sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo
pagdating ng bahay,
Kaganapan at Pokus ng Pandiwa
Kaganapan at Pokus ng Pandiwa
1. KAGANAPAN NG PANDIWA Inihanda ni: Gng. Mishelle C. Arintoc
2. Ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.
3. Mga Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
4. 1. Kaganapang Tagaganap Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
5. Halimbawa: Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
6. 2. Kaganapang Layon Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
7. Halimbawa: Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag- aaral, sapangdating ng mga panauhin.
8. 3. Kaganapang Tagatanggap Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
9. Halimbawa: Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.
10. 4. Kaganapang Ganapan Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.
11. Halimbawa: Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
12. 5. Kaganapang Kagamitan Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
13. Halimbawa: Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
14. 6. Kaganapang Direksyunal Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
15. Halimbawa: Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
16. 7. Kaganapang Sanhi Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
17. Halimbawa: Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
18. POKUS NG PANDIWA
19. Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
20. Mga Uri ng Pokus ng Pandiwa
21. 1. Pokus sa Tagaganap/ Aktor Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”. [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]
22. Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
23. 2. Pokus sa Layon Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”. [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object.
24. Halimbawa: Nasira mo ang mga props para sa play.
25. 3. Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”. [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
26. Halimbawa: Pinagtaniman namin ang bakuran ng maraming gulay.
27. 4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na“para kanino?”. [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
28. Halimbawa: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
29. 5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”. [ipang- , maipang-]
30. Halimbawa: Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
31. Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”. [i- , ika- , ikina-] 6. Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi
32. Halimbawa: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
33. 7. Pokus sa Direksyon Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”. [-an , -han , -in , -hin]
34. Halimbawa: Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Saturday, September 5, 2015
Climate Change (Tagalog) Pagbabago ng Pahanon
Ano
ang CLIMATE CHANGE o Pagbabago ng panahon?
Ang climate change ay ang pagbabago ng
klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot
na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang
temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea,
malnutrisyon at iba pa.
Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi
ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima
ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang
epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula
sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot
sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng
pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs).
ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon
dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na
siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay
na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga
dahilan ng climate change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE
CHANGE
·
Mga epekto sa tao ng matinding init,
tagtuyot at bagyo.
·
Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit
na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
·
Malnutrisyon at epektong panglipunan
dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
Wednesday, September 2, 2015
Sanhi at Bunga
Sanhi at Bunga
Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "CAUSE".
Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT".
Ibang kasagutan:
Ang SANHI ay ang kadahilanan kung bakit naganap ang isang pangyayari.Karaniwan itong pinangungunahan ng salitang SAPAGKAT,DAHIL at iba pang kauri nito..
Ang BUNGA naman ay pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari..
Ibang kasagutan:
Sanhi- Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari..
Bunga- Ay ang resulta o kinalabasan niyon..
Ang bunga ay ang pinagmulan ng isang pangyayari at ang sanhi naman ay ang kinalabasan o output