Pages

Wednesday, September 23, 2015

Reduccion, Sistemang Pueblo, Principalia, Encomienda, Encomendero, Tributo, Polo y servicios, Inquilino, Cacique

Reduccion – ang sistemang reduccion ay isang paglilipat ng lugar na isinagawa ng mga kastila upang mapadali ang pamamahala sa mga pamayanan.   Ang mga may kapangyarihang kastila ay hinimok ang mga katutubo na tumira malapit sa mga simbahan o sa lugar na maririnig ang tunog ng kampana. Hinimok ang mga tao upang maging kristiyano.

Sistemang pueblo ay tawag sa sistemang bayan na pinapairal noong panahon ng pananakop ng mga Kastila o Espanyol.

Principalia -mga pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan noong panahon ng mga Español. Ito ay yaong mga guro, asendero, mga lider ng pamahalaang lokal, mga maharlika, at mga kaanak ng raja o datu.Sila ang mas makapangyarihan at mas maraming pribilehiyo o karapatan. Tinatawag din silang lipi ng matataas na tao.

Ang sistemang Encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi noong unang yugto ng kanilang pananakop sa Filipinas. Ito ay ipinakilala sa kolonya upang higit na maisaayos ang pamamahala sa kanilang sakop.

Ang Encomendero ang siyang nagpapatakbo ng isang lupain at humahawak sa pangkabuhayan at panininiwala ng mga sakop nito. Ginamit na batayan sa pamamahala nito ang batas ng mga Indies, ngunit dahil sa di wastong pagsunod dito ay nagresulta lamang sa mga pang-aabuso sa mga katutubo. Dahil sa mga pagpapahirap na naranasan sa kamay ng mga encomendero, samu't saring pag-aaklas ang pinangunahan ng mga Filipino. Noong 1674, tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Filipinas at iba pang kolonya ng Espanya.

Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza, mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim.

Ang polo y servicios ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito, ang lahat ng kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na trabaho para sa mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling pampamahalaan at mga pampublikong gusali.

Real compania de Filipinas - na sinimulannoong ika-10 ng marso,1785.isang korporasyon ito na ang pamahalaan ang nagpapatakbo at may puhunang walong milyong piso. layunin nitong patatagin ang kalakalan ng spain at ang mga bansa sa silangan tulad ng mga kompanyang itinatag ng ingland, holland{the netherlands},at france sa mga kolonyang bansa nito.

Inquilino ang tawag sa nangungupahan sa malawak na haciendang pagmamay-ari ng mga prayle(pari). Ang bawat bahagi ng hacienda ay pinauupahan sa mga inquilinato

Cacique ang tawag sa mga namumuno o lider ng mga grupo ng katutubo.

No comments:

Post a Comment